Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/25/2025
Sugatan sa pambubugbog ang anak at pamangkin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada matapos umanong mapagtripan at bugbugin sa Boracay, tatlong suspect arrestado.

#estrada #senatorestrada, #jinggoyestrada, #boracay, #boracaycrime, #crimes, #phcrimes

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:00Sugatan sa pambubogbog ang anak at ang pamangki ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada
00:06matapos umanong mapagtripan sa Boracay.
00:10Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:14Nagbabakasyon sa Boracay ang anak at pamangki ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada
00:19ng mapagtripan at bugbugin umanong ng mga residente kahapon ng madaling araw.
00:24Ayon sa Senador, pauwi na galing sa isang bar ang anak niyang si Julian Ejercito
00:28at pamangking si Jefferelli Vitug nang atakihin ng tatlong sospek mula sa likod.
00:33Kwento pa ni Senador Estrada, kahit bumagsak na raw si Julian, pinagtatadyakan pa rin ang sospek.
00:39Sabi pa umano ng isang sospek sa pamangkin niya, masyado kang maangas.
00:43Ayon sa Malay Police, galing sa parehong bar ang mga sospek at mga biktima.
00:48Nasa limampung metro pa lang daw ang nalalakad ng mga biktima nang mangyari ang pag-atake.
00:52According to the witnesses, talagang from the naglalakad po yung ating mga victims,
01:01sinundang po ng ating mga sospek.
01:03Then hinakbayin sa likod, then doon nagsimula na sinapak, doon po yung mga, yung mauling incident.
01:09According po sa victim mismo, sabi niya po na kung hindi dumating agad ang polis,
01:16baka mas lumalapa yung pangbubugbog dahil yung witnesses po na nag-appear po dito,
01:25sila po yung subigaw ng polis, polis.
01:27And immediately nga po nag-responde yung polis.
01:30Tinangka pa raw tumakas ng tatlong sospek na pawang teenager.
01:34Nasa custody na nila ang tatlong sospek.
01:36Ayon sa polisya, magkaiba ang bersyon ng mga biktima at mga sospek kung ano ang pinagmula ng pangbubugbog.
01:42Based on the CCTV putages po na nag-gather natin, nagkaroon lang sila nagkasalubong.
01:48Salubongan po po, nagkasalubong.
01:49Tinginan lang asilo.
01:51Doon po sila medyo nagkasalubungan sa same bar po, same bar.
01:55Sa loob, then nung lumabas na ang mga biktim, sunundan naman ang mga sospek.
01:59Sabi ni Sen. Estrada, wala namang komprontasyon o pag-uusap sa pagitan ng mga biktima at mga sospek sa loob ng bar.
02:06Kaya tingin nila na pagtripan lang ang mga biktima.
02:10Nagpapagaling sa ospital si Julian na may tama sa ulo.
02:13Sa ilong naman ang tama ng pinsan niya.
02:16Kahapon, nagpunta si Estrada sa Buracay at nagsampan ng reklamang physical injury sa mga sospek.
02:21Aniya, walang magulang o kaanak na gustong mabiktima ng walang saysay na pananakit ang mahal niya sa buhay sa isang lugar na dapat ligtas.
02:30Umaasa raw si Estrada na iimbestigahan itong mabuti ng mga otoridad para makamit ang hostisya.
02:35Sinusubukan pa ng GMA Integrated News kunin ang panig ng mga sospek.
02:40Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended