Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/7/2025
Muling nakakita ng mga palutang-lutang na sako ng iligal na droga ang ilang mangingisda sa karagatang sakop ng Pangasinan. Ayon sa mga otoridad, tinatayang nasa P1.17-B ang halaga ng naturang kontrabando.

Samantala, binigyang-pagkilala ng Philippine Coast Guard ang 9 na mangingisda mula Mariveles, Bataan matapos nilang i-turn over ang 10 sako ng iligal na droga na kanilang nakuha habang nangingisda noong June 2.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Yung role ng taong bayan na ipaalam sa Coast Guard, doon magsisimula yung response.
00:05So napaka-importante sa atin na supportado tayo ng ating mga mamamayan sa pagpapatupad ng batas.
00:12Nagpapasalamat ang Philippine Coast Guard sa pakikipagtulungan ng mga manging isda
00:16na nakakita at nakakuha ng nasa 6 na sako na may lamang iligal na droga sa Pangasinan kahapon.
00:22Nakita ito sa magkakaibang lokasyon sa karagatan sa Pangasinan.
00:25Aabot sa 1.17 billion pesos ang halaga ng natagpuang iligal na droga.
00:31Matapos naman ang isinagawang inventory ay nai-turnover na ng PCG sa Philippine Drug Enforcement Agency
00:37ang mga nakuhang iligal na droga.
00:40Dahil sa mga nakuhang iligal na droga,
00:43ay inatasan na rin ang mga PCG units na mas paintingin pa ang pagpapatrolya sa dagat.
00:48Nananawagan din ang PCG sa publiko na i-report sa kanila
00:51kung may makikita pang mga sako ng iligal na droga na palutang-lutang sa dagat.
00:55Samantala, kaninang umaga ay pinarangalan naman ang PCG ang siyam na manging isda sa Maribelis, Bataan
01:01na nakakita ng nasa sampung sako na may lamang iligal na droga noong June 2.
01:06Pinarangalan natin sila to say thank you.
01:09We recognize na yung taong bayan ay mayroong malaking role na gagampanan sa law enforcement activities natin.
01:19Ayon sa isang manging isda na tumanggi ng pangalanan,
01:22inakala nila na pagkain lamang ang laman nito.
01:25Ang nakabalot po siya sa sako sir eh, kaya na-curious po kami, inilapitan namin.
01:31Yan nga po, akala mo namin pagkain.
01:33Kasi po, madalas po kami nakaka-encounter po sa mga bitnam po na nagkano ng pagkain.
01:38Pero dahil duda sila sa laman nito,
01:40ay inireport nila ito sa Philippine Coast Guard na nakipag-ugnayan naman sa Philippine Drug Enforcement Agency.
01:45Sabi nila, tawas daw.
01:48Nag-iinala na rin po sila na droga, kaya dinala po namin sa tabi.
01:53Nung sinorender po namin sa Coast Guard para malaman po talaga,
01:57pinagtawag na po sila ng PDA.
01:59Ayon, positive po na droga po.
02:02Sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad kung saan ito posibleng nanggaling.
02:05But basically, the pattern seems to be similar.
02:10Mga lumutang sa dagat at nahanap ng mga fishermen.
02:14At nung nahanap ng mga fishermen, nireport nila sa authorities.
02:18And this time around, to the Philippine Coast Guard substations in the area.
02:23So I'm very, very happy dyan sa na-develop na relationship ng mga frontline units natin and the community.
02:31Benedict Samson, UNTV News and Rescue.
02:33Diyos ang aming sandigan, service yung publiko ang aming pinahahalagahan.

Recommended