LUMILIWANAG PO BA ANG AMBISYON? - 'Yan ang tanong ng Malacañang nang hingan ng opinyon sa pahayag ni Sen. Imee Marcos na sana ay siya na lang ang naging presidente matapos siyang hanapan ng aksyon sa San Juanico bridge.
Sabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang ginawang rehabilitasyon sa tulay noong Duterte administrasyon. Dapat daw ay magpasalamat sa kasalukuyang administrasyon dahil dito nagkaroon ng inspeksyon at nakita ang lawak ng kailangang i-repair.