'DUTERTE PANAGUTIN, MARCOS SINGILIN' WATCH: Nagkilos protesta ang militanteng grupo na Bayan Muna sa kahabaan ng Recto Avenue, Maynila ngayong Lunes ng umaga, Marso 17. Ang rally ay may kinalaman sa pagkakaaresto ni dating Pang. Rodrigo Duterte na ngayon ay nahaharap sa kasong crime against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Panawagan ng grupo, dapat rin anila na maaresto ang iba pang mga opisyal partikular ang mga heneral na sangkot sa Oplan Tokhang noong administrasyong Duterte.
Sa gitna rin ng anibersaryo ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC, ipinananawagan rin ng grupo na bumalik na ang bansa bilang bahagi ng hukom.
Ayon sa ulat ni RH 23 Boy Gonzales, hinarang ng mga tauhan mula sa Manila Police District ang grupo bago makarating sa Mendiola Street. | DZRH News