00:00Inihayag ni Secretary of State Marco Rubio ang pagpataw ng Estados Unidos ng sanctions sa apat na hukom ng International Criminal Court.
00:09Ito ay kasunod-umano ng hindi-lehitimong mga hakbang ng korte laban sa Amerika at sa kaalyado nitong Israel.
00:16Kabilang dito sa mga bibigyan ng sanctions si Second Vice President Reign Adelaide Sofie Alapini Ganzo, Judge Solomir Bolunga Boza, Judge Luz del Carmen Ibanez Carranza at Judge Betty Holler.
00:29Ayon kay Rubio, ang mga ito ay aktibong kasali sa embestigasyong walang basihan ng ICC laban sa mga tropa ng US sa Afghanistan at sa paglabas ng warrant of arrest laban kina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at dating Defense Minister Yoav Galant.
00:47Ang desisyon ng US ay nagdudulot ng tensyon sa pagitan ng Amerika at ng Netherlands lalo na't nakatakda ang NATO Summit sa dahig kung saan matatagpuan ang ICC.
00:59Samantala, hindi naman sinangayunan ng ICC ang sanctions na ito ng US at sinabi nila na ang hakbang ay banta sa pagiging independent ng hukuman at sa pandaigdigang justisya.
01:10Noong Pebrero, nilagyan din ang sanctions si ICC Chief Prosecutor Karim Khan na nag-hahi ng leave of absence dahil sa isang hiwalay na investigasyon tungkol sa umano'y sexual misconduct.
01:22Hindi kasapi sa ICC ang Estados Unidos at Israel at hindi nila kinikilala ang kapangyarihan ng International Court.
01:31Noel Poliarko, UNTV News and Rescue, Canada.
01:35Diyos ang aming sandigan, servisyo publiko ang aming pinahahalagahan.