00:00Invis na mapasana all ang mga Pilipino sa 20 pesos na bigas na inaalok sa Visayas, ay huwag na lang daw.
00:07Ang murang bigas daw kasi, gimmick lang ng gobyerno ayon sa isang mambabatas.
00:13Sabi nga ni Congressman Rodante Marcoleta, imposibleng magtagal ang panlulokong ito ng gobyernong Marcos Jr.,
00:19lalot isinagawa ito sa gitna ng papalapit na eleksyon.
00:23Si Paul Montibon magbabalita.
00:25Ang pamamahagi ng 20 pesos na bigas sa Visayas ay itinuring ng marami bilang isang political gimmick ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
00:38Ayon kay Sen. Candidate Rodante Marcoleta, malinaw na hindi pagtulong sa mahihirap ang tunay na motibo ng gobyerno,
00:46kundi gamitin ang mga tao bilang kasangkapan upang makuha ang kanilang boto.
00:52Ito'y lalo pat may mga kandidatong iniendorso si Marcos Jr. para sa darating na May 12 midterm elections.
00:59Para kay Marcoleta, isang uri ng panlilin lang ang pagbebenta ng murang bigas na ang layunin ay ang ligawan ang mga botante sa pamamagitan ng mga maling pangako.
01:10Nakikita mo naman yung tempo ng pagkagawa nila eh, diba? Sana hindi mailigaw ang mga tao na ito eh, political gimmick lang yan.
01:18Ito lamang ang paraan para maganyak nilang i-boto sila na magkukunwari na tinutupad yung kanilang dating naibangako pero hindi.
01:25Giit pa ni Marcoleta, kawawa lamang ang mga magsasaka kung pipilitin ang pamahalaan na ibaba sa 20 pesos ang presyo ng bigas.
01:34Tiyakan niya'y mamumulubi ang mga magsasaka kapag sa ganitong murang halaga bibilhin ang kanilang mga ani.
01:40Ang babagsak dito, yung presyo ng palay, lalong kawawa na naman ang mga magsasaka.
01:48They're sending the worst message to the farmers na talagang wala silang malasakit sa mga farmers.
01:55Kung sino man nag-isipin nito, talagang pansarili na naman ang kanilang hindi isipin.
02:00Alam nila ito, huwag na tayo maglokohan.
02:02Bukod pa rito, isa rin anyang malaking insulto ang 20 pesos na bigas, lalo pat na balitaan niyang hindi pang tao ang kalidad nito.
02:10May mga reklamong mabaho at may bukbok ang mga bigas.
02:14Isang malinaw na pagpapakita ng kawalan ng malasakit sa pamilyang Pilipino na umaasa sa pamahalaan para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
02:23Pabalitaan ko rin, marami nagsasabi na marami bukbok daw at saka halos di na makahit.
02:29Parang totoo nga kasi saan ka kukuha naman ng dinurado halimbahang quality pagkatapos 20 pesos.
02:35Sabi noon ni Vice President Sara Duterte, ang murang bigas ng pamahalaan ay hindi pang tao, kundi panghayop.
02:44Isang matinding pahayag na nagdulot ng kontrobersiya.
02:47Ang gobyernong Marcos Jr. nauna nang nangako ng murang bigas sa una nitong taon sa panunungkulan pero ngayon lang ito na ipatupad.
02:56Yun nga lang at eksaktong sa panahon naman ng eleksyon.
02:59Dahil dito, di maiwasang ituring itong isang estrategiyang politikal para makahakot ng suporta para sa mga kandidato ng administrasyon.
03:08Para sa Diyos at sa Pilipinas kong mahal, nag-uulat Paul Montibon, SMI News.