Nanawagan ang ilang senador para sa masusing imbestigasyon kaugnay ng pakikialam umano ng China sa darating na midterm elections.
Kasunod ito ng pagbubunyag ng National Security Council o NSC sa pagdinig ng senado na may nakikitang indikasyon ng panghihimasok ng China sa eleksyon sa pamamagitan ng local proxies.