00:00Samantala, lumitaw sa bagong datos ng Bureau of Treasury na halos kalahating trilyong piso ang kulang sa pondo ng pamalaan sa unang tatlong buwan ng 2025.
00:12Ayon sa isang ekonomista, dapat na itong ikabahala, lalo na kung ang nakikita na namang solusyon ni Marcos Jr. ay panibagong utang ng gobyerno.
00:21Si Carla Bellana magbabalita.
00:23Sa pinakahuling datos ng Bureau of Treasury, lumobo sa P478.8 billion ang budget deficit ng gobyerno mula January hanggang March 2025.
00:39Mas mataas ito ng halo sa 76% kumpara sa P272.6 billion noong nakaraang taon.
00:47Sa unang quarter pa lang ng taon, gumastos na ang administrasyong Marcos Jr. ng 1.48 trillion pesos, mas mataas ng mahigit 270 billion pesos kaysa sa 1.21 trillion pesos na nagastos noong 2024.
01:04Ayon sa Bureau of Treasury, ito ay katumbas ng 31% ng buong taong disbursement program na 6.18 trillion pesos.
01:12Bagamat sinabi ng Bureau of Treasury na makokontrol ang fiscal deficit sa target na 1.5 trillion pesos ngayong taon.
01:22Ayon sa ekonomista na si Dr. Michael Batu, kaduda-duda ito lalo na't baon na sa utang ang gobyerno sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
01:31Anya, mas mabilis ang paggasta ng gobyerno kaysa sa kinokolektang kita nito na nagdudulot ng patuloy na paglobo ng deficit ng bansa.
01:40At paano natin pupondohan yung deficit na yan? It's either mangungutang tayo o magbebenta ang gobyerno na naman, kanyang mga ari-arian, yan yung tigatawag nating privatization, jade.
01:51So ang concern talaga dito is yung sustainability ng ganitong klaseng pulisiya kasi taon-taon na lang tayong budget deficit.
02:00Ayon pa kay Dr. Batu, tila walang katapusan ang pangungutang ng gobyerno at ito'y dulot ng mahinang tax collection at kulang nakita ng bansa.
02:09Hindi natatapos-tapos yung pangungutang ng ating gobyerno kasi nga hindi tayo efficient, hindi maayos yung ating pangungulekta ng buwis at hindi rin maayos yung ating pagge-generate ng revenue, kumbaga palaging kulang.
02:22Giit ng ekonomista, hindi lang ito simpleng usapin ng kakulangan sa pondo, kundi malinaw na indikasyon ng mas malalim na problema sa sistema ng pamamahala sa ilalim ni Marcos Jr.
02:34Tinakailangan matinong yung gobyerno. So ibig sabihin ng matinong gobyerno, halimbawa, kailangan puksain ang graphing corruption.
02:42Itong nakikita nating sitwasyon ng ating gobyerno sa ngayon na mas malaki ang inilalago ng paggastos kesa sa revenue generation,
02:50ay hindi na ako na sorpresa dito pero nakakabahala ito kasi yung kumapano ito po na ng ating gobyerno, that remains to be seen kung anong diskarte ang gagawin nila dyan.
02:59Habang patuloy ang pagtaas ng fiscal deficit ng bansa, nananawagan si Dr. Batu sa pamahalaan na tutukan ang mga ahensyang bigo sa pagkolekta ng kita
03:09at ayusin ang pangkabuang estrategiyang pinansyal ng gobyerno.
03:14Kung nakikinig nga raw ang pamahalaan kay Marcos Jr., ay dapat itong silipin at tutukan ang mga opisina at ahensyang hindi umaabot sa kanilang revenue target.
03:24Anya, dapat gawan ng agarang aksyon ang mga ito dahil kailangang makalikom ang gobyerno ng sapat na kita upang mapunan ang lumalaking gastos.
03:34Para sa Diyos at Pilipinas kumahala, Carla Abeliana, SM9 News.