Naniniwala ang alkalde ng City of San Fernando sa Pampanga na bunga lamang ng political harassment ang kasong vote buying na isinampa sa kanila kaugnay ng sinasabing pamimili ng boto noong nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.
Samantala, tiniyak naman ng Commission on Elections na masusi nilang babantayan ang pag-usad ng kaso sa isang korte sa Valenzuela City.