00:00Umani ng batikos mula sa mga political vlogger ang halos 16 na bilyong pisong utang ng gobyerno sa France bilang panlaban sa climate change.
00:09Si Prince Tripoli sa report.
00:14Matagumpay na nakakuha ng concessional funding mula sa pamahalaan ng France ang Department of Finance.
00:21Layon itong mapabilis ang pagpapatupad ng mga hakbang ng Pilipinas contra climate change.
00:27Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 250 million euros o 15.79 billion pesos bilang bahagi ng patuloy na kooperasyon ng dalawang bansa para sa klima at kalikasan.
00:40Ayon kay Secretary Recto, patunay ito ng tiwala ng France sa Pilipinas at isang mahalagang hakbang para sa mas lungti ang kinabukasan.
00:48Pero para sa ilang political vloggers, tila hindi ramdam ng taong bayan ang benepisyo ng mga inuutang ng administrasyon lalo na kung walang konkretong epekto ang mga ito sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
01:01Meron siyang iiwan. Ito. Utang. Utang naman. Utang mo, Marcos. Utang mo. Utang na naman.
01:12Nangungutang mo ang Pilipinas sa pagkakataong ito mula sa France. Uy, umabot sa 250 euro.
01:21Euro na tapang nag-uusapan natin.
01:22250 million euro o humigit kumulang 15.8 billion.
01:27Ikinumpara rin ng vlogger ang halaga ng confidential funds ni VP Sara Duterte sa laki ng inutang ng Pangulo na anya'y mas malaki pa at mas kontrobersyal.
01:38Magkano ba yung confidential funds niya, no? Sara?
01:421.25.
01:44Ito. 15.8 billion.
01:46Ayon sa vlogger, kung tutuusin, ayuda lang umano ang maiiwang legasya ni Marcos Jr. sa bansa.
01:53Nakita naman natin na yung may podcast siya, di ba?
01:55Para siya nag, ano, yung gusto niya makipag-ayos.
01:59Tapos nagmamadali na sila para sa, kasi 3 years na lang eh.
02:03Wala siyang maiiwang legasya. Anong maiiwang legasya niya?
02:06Ano?
02:06Ayuda.
02:07Tapos yung mga ano, yung mga, yung pinakamagandang legasya niya na ano, yung, hindi ko talaga makakalimutan to, yung pagbahay.
02:15Giit nila, hindi makatarungang mang-utang kung pansariling interes lang ang pinaglilingkuran.
02:20Kasi okay yung utang eh.
02:22Utang.
02:23Halimbawa, negosyante ka, di ba?
02:24Uutang ka para mag-negosyo ka.
02:27Or, pwede rin namang uutang ka kasi may bibilin kang property.
02:32Kasi yung property na yun, you are expecting it to double.
02:35To double.
02:36Di ba?
02:36So, parang negosyo mo yun.
02:38Di ba?
02:38E kung mang-ungutang ka para sa coke, ay wala.
02:41Para sa luho, o para walang pakinabang.
02:44Ay wala yun partner.
02:46E kung mang-ungutang ka tapos ibubulsa mo lang, ay wala talaga makikita.
02:49Ayon sa Bureau of the Treasury, nananatiling matatag ang debt portfolio ng Pilipinas
02:54dahil karamihan sa mga utang ay pang-matagalan at may tiyak na interes.
03:00Ang tanong, sa dami ng utang neto, ano yung maliwanag?
03:04Ah, maliwanag?
03:06Katulad ngayon, magtatagpula na naman, ipa-fact-check na naman kayo.