Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/7/2025
Matapos ang matinding tensyon sa pagitan ng 2 pinakamalaking ekonomiya sa mundo, nagkausap si US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping sa telepono. Ayon kay Trump, positibo ang kanilang pag-uusap at inimbitahan siya ni Xi na magtungo sa China.
Transcript
00:00He invited me to China and I invited him here. We've both accepted.
00:04So I'll be going there with the First Lady at a certain point and he'll be coming here hopefully with the First Lady of China.
00:11Kinumpirma ni US President Donald Trump ang planong pagbisita sa China matapos ang isa't kalahating pakikipag-usap kay Chinese President Xi Jinping.
00:20Sa isang social media post, sinabi ni Trump na naging positibo ang kanilang pag-uusap ni Xi matapos ang tensyon dahil sa issue sa taripa.
00:29I think we have everything. I think we're in very good shape with China and the trade deal. We have a deal with China as you know, but we were straightening out some of the points.
00:39Sentro ng pag-uusap ang mga usapin sa ekonomiya, lalo na ang patuloy na tensyon sa trade deal at ang mga restriksyon sa rare earth minerals.
00:48Magpapadala ang US ng ilang opisyal upang makipagpulong sa counterparts nito sa China para ayusin ang ilang teknikalidad ng kasunduan.
00:56We have the deal. I mean, we've had a deal. We announced the deal. I guess you could say, I wouldn't even say finalizing it up, Scott. I would say we have a deal and we're going to just make sure that everybody understands what the deal is.
01:08Samantala, kabilang din sa natanong kay Trump ang tungkol sa mga Chinese student na nag-aaral sa Amerika.
01:14Giit ng US Chief Executive, bukas siyang tumanggap ng international students basta dadaan ng mga ito sa isang masusing verifikasyon.
01:22Chinese students are coming. No problem. No problem. It's our honor to have them, frankly. We want to have foreign students but we want them to be checked. All we want to do is see their list. There's no problem with that. This is anybody outside of our country.
01:37Sa kabila ng positibong usapan, nananatiling sensitibo ang China sa usapin ng Taiwan at sinabing dapat mag-ingat ang US tungkol dito.
01:46Sa ngayon, inaabangan pa ang magiging development sa relasyon ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo.
01:52Mariella Toza, UNTV News and Rescue. Diyos ang aming sandigan, servisyo publiko ang aming pinahahalagahan.
02:07Sampai jumpa.

Recommended