Sa loob lamang ng isang linggo, nayanig ang global markets dahil sa bagong tariff policy ni U.S. President Donald Trump.
Naglabas siya ng reciprocal tariffs na ipapataw sa trade partners ng America. Pero sa araw ng pagpapatupad nito, pansamantala rin muna itong sinuspende.
Ibinaba sa 10% na baseline rate ang tariffs ng mga bansa, maliban sa China na pumapalo na sa 145% ang tariff sa kanilang export goods sa America. Sa patuloy na pag-igting ang trade war sa pagitan ng dalawang superpowers, apektado hindi lang ang dalawang bansa kundi pati ang buong mundo. Paano nga ba maaapektuhan ang Pilipinas? Here’s what you need to know.