Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/16/2025
Matapos ang Eleksyon 2025, kapansin-pansin ang pagdami ng magkakamag-anak sa gobyerno—mula Senado, Kongreso, hanggang sa lokal na pamahalaan. Tatalakayin natin ang epekto at isyu ng political dynasties sa bansa sa video na ito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Baka Igan, tapos na po ang National Board of Canvassers sa Canvassing pa sa Senetorial Partless Race.
00:07Kagabi, ito, nilabas na po nila yung ano, final at official tally.
00:14Pasok sa Magic 12 sina Bongo, Bam Aquino, Bato De La Rosa, Erwin Tulpo, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta,
00:22Ping Lacson, Tito Soto, Pia Cayetano, Camille Villar, Lito Lapid at Aimee Marcos.
00:27Sa local race naman, halos na iproclama na rin ang mga nanalo.
00:31Ang tanong natin, ano na ang susunod?
00:34Lalo na at maraming magkakaanak ang maupo sa Senado, bagay sa ungreso at sa mga lokal na posisyon.
00:41Political families, yan po ang mainitausaping himay natin dito sa issue ng bayan.
00:49At Igan, makasama natin si Professor Karl Mark Ramota ng Department of Social Sciences ng University of the Philippines, Manila.
00:56Good morning, Professor Karl.
00:58Magandang umaga. Thank you for having me.
01:00Of course. At ito, tulungan natin yung ating publiko para paghimay nitong issue nito.
01:05Ngayong election 2025, sinabi nga namin kanina, hindi sa isan namin, no?
01:09Maraming po yung mga magkakaanak na maupo, although yung iba naman ay babalik lang.
01:15So, ano pagkakaiba ng political families dito sa issue ng political dynasties na sinasabi?
01:21Actually, unprecedented ngayong 2025 elections, practically a third of the composition of the next Senate are siblings.
01:31Unprecedented to. Ibig sabihin, apat na pairs ng magkakapatid ay mauupo ngayon sa Senado.
01:38Sapat ito para i-endorso o harangin ang ilang mamahalagang mga panukala o hakbang sa susunod na Senado.
01:46Hindi ko alam yung record, pero sa nagdaambam, marami na magkakapatid dyan eh.
01:50Like itong si Sen. J.B. Ayres ito at Sen. Jingo Estrada.
01:55Makikita mo naman minsan sa debate, eh hindi naman talaga sila nagkakasundurin.
02:01Ito ba'y healthy sa ating bansa na yung magkakapatid ay nandyan pero magkakaiba din yung kanilang pananaw, Professor?
02:10Actually, hindi lang magkakapatid, no? Sa nakaraan, may mga mag-iina rin.
02:13Mag-iina, o nga.
02:14Oo. Bagamat mayroong mga ganong mga klaseng hidwaan, siguro dahil na rin doon sa background nila bilang magkapamilya,
02:23nakita natin kadalasan mas black o mas sabay ang bumuboto rin sa kanilang record itong mga magkakamag-anak na ito o nasa isang panig.
02:32Pinapantunayan neto yung monopolyo sa kapangyarihan o hold sa kapangyarihan ng mga iilang individual o sa kaso neto, mga pamilya.
02:41Pero mas nakakabahala pa rin yung kaso o yung bilang ng mga dinastiyang politikal, lalo na sa lokal na pamamahala.
02:49Kasi yung hinahighlight halimbawa sa kasalukuyan ay yung Senado. Pero mas talamak o mas laganap.
02:55Nakong sa lokal, oo.
02:56Yung mamayagpag ng mga dinastiyang politikal magmula sa Luzon hanggang sa Mindanao.
03:03Sabi nga yung may mga political limits, term limit, diba? Three term, ganyan.
03:08Pero hindi nagtatapos dun sa tao. Kasi tutuloy din yung pamilya, asawa, anak o kamag-anak.
03:16So isa-isay lang po natin muna yung mga magkakaanak sa Senado, Professor.
03:20Sa Senado, yung magiging komposisyon, eto na po.
03:23May dalawang bilyar, dalawang kayatano, dalawang tulfo, at eto nga yung dalawang ejército estrada na abangitan natin.
03:30So, paano po ito makaka-apekto sa Senado, lalo na yung pending impeachment trial ni BP Sara Duterte?
03:39Sabi ko nga kanina, yung dalawa o apat na pairing ng siblings, that's already a third of the composition of the next Senate.
03:48Isang bloke na yun, kung sila ay makakasamang boboto sa isang partikulo na panig,
03:53sapat para harangin ang panukalang impeachment o yung pagpapataw ng guilty verdict.
03:59O di kaya ay papanagutin si BP Sara doon sa impeachment complaint.
04:05Sapat din ito para i-endorso yung ilang mahalagang panukala, lalo na sa foreign policy,
04:11dahil dumadaan ito sa scrutiny ng Senado.
04:16Hindi naman pinagbabawal ng batas yung magkapatid, eh, no?
04:19Sa kasamaang palad, bagamat sinasabi ito sa konstitusyon na bawal ang mga political dynasty,
04:24pero may bahagi kasi doon sa provision na kailangan may enabling law.
04:29At sa napakarami ng mga panukala sa mga nakaraang kongreso, maging itong kasalukuyang kongreso,
04:36pero hindi nagpa-prosper kasi ang mismong mga didinig at magpapasa ay membro din ng mga political dynasties.
04:43Okay. Sa local level po, balikan natin, nabagid mo kanina, iba rin ng dynamics doon.
04:47Anong mga lugar na may political family sa...
04:50Yung iba ay parang natanggal, no?
04:52Natalo ng mga newbies, ika nga, yung mga bagong...
04:55Pero nanatili pa rin yung mas marami.
04:57Siguro na-highlight ngayon sa mga balita yung pagkatalo ni Sen. Villar sa Las Piñas.
05:03Okay.
05:03At yung pagkatalo ni Gwen Garcia sa Cebu.
05:07Pero tandaan natin, halimbawa, bagamat natalo si Cincia Villar sa Las Piñas,
05:12dominado pa rin yung Las Piñas ng isang political family.
05:16Gayun din sa Cebu, bagamat napalitan...
05:17Yung mga agilar.
05:19Oo, tama, no?
05:20Bagamat sa Cebu ay natalo yung governor o incumbent governor,
05:24nandun pa rin yung hold ng mga political families sa iba't-ibang mga lokalidad sa Cebu.
05:28Hindi na rin tayo lalayo siguro doon sa mga mismong may hawak ng kapangyarihan.
05:33Sa Ilocos, namamayag pa rin yung mga Marcos.
05:36At yung mga kamag-anak ng mga Marcoses sa buong probinsya.
05:40At syempre, yung resulta ng eleksyon sa Davao City,
05:44dominado pa rin ng mga Duterte.
05:47So, bagamat may mga magagandang mga naging resulta sa ilang mga lokalidad at mga individual,
05:53nakikita natin, very strong pa rin yung pananatili o hold ng mga political families sa kanilang mga lokalidad.
06:02Ano epekto nito, Professor, yung magkakamag-anak na nasa pwesto
06:05pagdating sa, dabagit mo yung decision-making ng Senate, pero sa lokal na posisyon?
06:12Ang pangunahin dito yung conflict of interest.
06:14Kasi nawawalay yung autonomy sa decision-making ng individual.
06:18Pangunahin siguro dahil sa familial relations.
06:23Sa ganitong tagpurin, halimbawa kung ang mayor at ang vice mayor ay magkamag-anak,
06:28nagiging conflict of interest to kasi nawawalay yung mekanismo para sa checks and balance.
06:33Halimbawa, ang vice mayor ang nagko-convene ng sangguniang pambayan o panlunsod.
06:38Tapos, ang punong ekotibo ay kamag-anak din niya.
06:41Na siyang tagapatupad ng mga pulisya.
06:43So, doon nawawalay yung mismong checks and balance.
06:46Kasi dahil magkamag-anak, wala ng mekanismo para questionin ang ilang mga panukala
06:53na maaaring hindi pumapabor sa interest ng mahamayon.
06:55Siguro sa susunod na eleksyon, dagdagan pa natin edukasyon dyan.
06:59Hindi pwedeng yung mayor at yung vice mayor ay magkamag-anak o governor o vice governor.
07:05Sinubukan yan eh.
07:06Yung pala ay mawawalay yung check and balance na tinatawag.
07:09Ito, given ang maraming political families na nakaupo,
07:11eh yung anti-political dynasty lo, anong porsyento na ito'y maisusulong?
07:19Matagal na, pero may nagsabing kausap akong eksperto din po, professor,
07:23na imbis na political dynasty, yung anti-political dynasty,
07:27yung turkontism,
07:29natatanda ko yung nag-cover ako nung panahon ni Senate President Obito Salonga,
07:32yun na isinulog niya.
07:34Ito po yung pagbalingbing ng mga politiko sa iba't ibang partido.
07:39Yung ba'y pwedeng mag-isimula na ng mga reforma?
07:44Ako, mahirap.
07:45Mahirap talaga, no?
07:45Mahirap na ipasa, pero hindi imposible.
07:48Okay.
07:48Ang mahalaga kasi dito, paano natin itatatak o ikikintal yung kamalayan sa mga mahamayan,
07:55sa mga botante,
07:56doon sa kahalagahan ng pagbibigay ng oportunidad sa marami para pumasok sa politika,
08:02sa pumagitan ng pagtakbo.
08:04Siguro hindi rin sa individual din ng mga kandidato.
08:07Mahalaga din paano yung reforma sa mismong political party system natin.
08:11Kasama na yung turncotism.
08:13Kasama na rin yung reforma sa campaign finance.
08:16Isa pa yun.
08:17Dahil kasi ito yung mga mekanismo na nagpapanatili doon sa control,
08:21dahil merong control sa resources eh.
08:23Yung kakayahan na maglunsad ng mga lokal at pambansang kampanya,
08:28it takes a lot of resources.
08:30At itong mga political dynasty na ito,
08:33meron silang control o hawak o access sa mga resources na ito.
08:37Pero kinabahan din sila dahil ang taas ang vote buying eh.
08:40Diba?
08:41Dahil baka naubos din.
08:43At doon tayo mas kabahan.
08:44Dahil yung vote buying na yun,
08:46eventually, saan ba nila babawiin ito?
08:48Siyempre, babawiin din ito sa taong bayan.
08:51Ano ang posibleng maging papel ng political families
08:53sa darating na 2028 presidential election?
08:57National election na po tayo, Profesor?
09:00Siyempre, itong 2025 elections,
09:02nakita natin na prelude siya doon sa 2028 presidential elections.
09:08Ang nakikita natin yung mga political dynasys,
09:10sila pa rin yung pangunahing makinarya
09:12para maghalal ng mga top officials,
09:16presidente, vice-presidente.
09:18Kaya, ang challenge ngayon, halimbawa,
09:20doon sa nabubuo o maaaring mabuo na oposisyon,
09:24ay paano nila,
09:26paano sila bubuo ng third force
09:28or alternative na puwersa
09:30na maaaring mag-offer ng iba
09:34o alternatibong agenda para sa mga mayan.
09:38Mahirap yun dahil, halimbawa,
09:40nakita natin sa nakaraang dalawang national elections,
09:432022 at 2025,
09:44may fragmentation sa hanay ng tinatawag na oposisyon
09:50o maging sa mga progresibong mga grupo.
09:53Ang challenge ngayon ay paano sila magsasama-sama
09:55para dito sa 2028 elections,
09:59pantapat doon sa mekanismo o sa makinarya
10:03ng mga traditional political dynasys.
10:06Ano ko, ang dami ko natutunan.
10:08Maraming salamat, Prof. Karl-Mark Ramota
10:10ng UP Manila.
10:13Isa-isa po nating ihimayin yan,
10:14tatalakayan at sasagutin pa rin
10:16ang mga issue ng bayan.
10:36social media pages ng unang hirip.
10:38Salamat kapuso!

Recommended