Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Baha na naman sa Metro Manila! Pero hanggang kailan tayo magtitiis? Sa Isyu ng Bayan, tatalakayin kung bakit tila paulit-ulit ang perwisyong dulot ng baha at kung may ginagawa nga ba ang mga kinauukulan para solusyunan ito. Kasama si Engr. Josel Bolivar ng DPWH-NCR. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Igan, matinding pagbaha.
00:01Yan nga ang naranasan na marami sa ating kababayan sa nagdaang araw dahil sa patuloy na pagulan.
00:07At nakita naman natin lahat pa yan.
00:09Ang malalang problema natin sa baha, paano nga ba masosolusyonan?
00:12Yan ang mainit na pag-usapan natin dito sa issue ng bayan.
00:19Para ipaliwanag sa ating itong lagay ng ating bansa pagdating sa baha,
00:22kasama natin ng officer in charge ng Office of Civil Defense,
00:25ASEC Bernardo, Rapelito, Alejandro de Porte,
00:29at nandito rin po ang Division Chief ng Maintenance Division ng DPWH NCR Engineer,
00:34Jocel Bolivar.
00:36Good morning po sa inyong dalawa.
00:38At unahin ko lang po si ASEC Alejandro.
00:40Una, talakayin po natin ano na po ang assessment natin pagdating sa naranasang pagbaha
00:45at anong lugar pa rin po ang pinakanapektuhan.
00:48Yung lubog pa rin po ngayon, ASEC.
00:49We still have around 1,000 barangay na lubog.
00:53This is covering Region 3 at NCR.
00:57So dyan po ang maraming may baha ngayon, 433 barangay.
01:02Sa NCR naman, 327 barangay ang ating may baha ngayong araw po.
01:07Pero ito yung mga dati ng binabaha, wala yung bagong lugar na binaha.
01:11In general po, yung mga dating binabaha sila pa rin po.
01:14At wala namang yung mga bagong lugar talaga.
01:17But ito yung mga usual natin na mga areas na binabaha.
01:20So sila pa rin. Kaya tuloy-tuloy pa rin yung ating pag-a-assess at pagbibigay tulong doon sa mga areas.
01:25Pero ito mga baha pong naranasan sa Metro Manila, ano observation nyo?
01:29Matindi ho ba ngayon o kumpara sa mga nagdaang masamang panahon?
01:34Halos parehas naman yung mga areas and yung mga height ay parehas din.
01:40So tinitingnan natin yung talagang pag-maintain ng drainage or paglinis ng mga lugar.
01:46Kasi yung paglabas ng tubig, yun po ang problema kung gaano kabilis mag-risin dito.
01:51Sa babaein tayo, kamusta ho yung pag-hupa? Medyo mabagal ho ba ngayon?
01:55This time medyo mabagal kasi nakita nga natin from MMDA, medyo marami talagang basura ang nakita tayo.
02:02May data ba kay Asik kung gaano po kalawak yung naging sakop ng baha sa ating bansa?
02:07Itong krising, habagat, at ngayon may dante pang darating.
02:11Umabot po yung mga reported baha natin hanggang NIR, yung Panay Island, tapos dito sa NCR, Region 3, hanggang Northern Luzon.
02:21So medyo malawak po itong epekto ng ating habagat na naging krising at ngayon naghahanda tayo para sa dante.
02:29Hindi pa tayo sa public works po sa NCR, Indian Bolivar.
02:32Ano po ba pinakadahilan ng malawak ang pagbaha na bangita po ni Asik?
02:35Basura, lalo na po dito sa Metro Manila.
02:37May ilan naman po nagsasabi, gumagana ba lahat ng pumping station sila?
02:43Dapat kaya lang nakikita ro, parang pintuan ng refrigerator at kung ano-ano pa mga malalaking bagay.
02:49Yes po, Sir Klabyo.
02:52Una-una pong dahilan sa pagbaha dito sa Metro Manila is marami po tayong faktor doon.
02:57Una po is yung ating existing drainage system which is 70% silted na.
03:03At the same time, yung laki ng ating drainage system is designed pa noong past 30 years or 20 years ago.
03:13So sa ngayon, dahil meron tayong climate change, hindi niya nakayang i-accommodate yung lakas ng ulan
03:21ng ating drainage system ngayon sa Metro Manila.
03:24So yun ang isang faktor ng bakit tayo binabaha.
03:29And the same, at siya pa po, is yung rapid urbanization ng ating population po.
03:36Actually po, Sir, may mga natabunan na tayong mga creek na sasakot na ng mga ISF.
03:43So, nababarahan ng ating mga creek na mga ISF.
03:48Na dapat lagusan ng bahayon.
03:50Pero taon-taon, nakita ko sa inyong website mismo, taon-taon,
03:56e, bilyong-bilyong piso po at laging flood control projects.
04:00Ayon nga sa Senate Committee on Finance Record,
04:041 billion peso a day ang budget nga sa flood control projects.
04:08So ano po nangyayari dun sa mga flood control projects
04:11para ma-address yung mga problema ang binanggit nyo, Engineer?
04:14Yes po, Sir. Mayroon po kami mga projects, Sir, dito sa Metro Manila.
04:19Ang ating pubbing station naman, Sir, is gumagana naman lahat.
04:25At ang amin dito sa Metro Manila is ini-improve po namin, Sir, yung mga ating mga drainage system.
04:33Drainage?
04:33O, ginagawa natin ngayon, mayroon kaming comprehensive plan.
04:39Gumagawa kami ng comprehensive drainage master plan in collaboration with other LGU, other agency,
04:47para makapagawa kami ng isang comprehensive plan ng drainage master plan ng Metro Manila
04:53para sa ganun po ay ma-address natin yung solusyon sa pagbabaha.
04:57Dati o, naging istorya ko na po yan dati sa Brigada 7.
05:00O, tinignan ko yung mapa ng Manila.
05:04E nung pinuntaan ko po yung mga estero, malalaking building ho ang nakala...
05:08Paano ho nakalusit nyo na yung malalaking building ang nakatayo na sa estero?
05:12Marami ho namatay na estero na sa Maynila na dapat lagusan papuntang Pasig River.
05:17Ano po?
05:18Hindi ba natin ma...
05:19Ika nga eh, babalik yun o madedemanda man lang yung nagtayo ng mga estruktura?
05:24Yes, sir Klabyo. Actually po, dapat may collaboration tayo with LGU, national agency, para mabuhay natin yung ating mga estero.
05:37Kasi po, sa ngayon, alam mo naman yung mga informal settlers, andoon na sila sa mga estero natin, nasasakot na nila.
05:45So, nababarahan na yung ating maestero. Lumiliit na yung ating estero, so ang ating volume na dapat na i-accommodate ng estero ay hindi na sapat sa mga pag-uulan ngayon.
05:57Nung Ondoy, ang naging reaksyon ng gobyerno, lalo na sa Manggahan Plotway, di ba?
06:03Eh niresettle, inalis yung ilamang mga informal settlers, nilagay sa Laguna yata. Pero nagbalikad din po eh.
06:10Ah, yes po, sir. Kasi ang isang factor po doon, sir, is trabaho po.
06:13Oo, malayo sa kanilang trabaho.
06:15Oo, malayo ang trabaho sa trabaho nila, ang lugar ng pinaglipatan.
06:19Okay. As ek, may mga residente na dati, hindi daw binabaha ito.
06:22Pero dito nga yung masamang panahon natin, krising habagat, inabot ng baha.
06:29Eh tulad nitong video, ito, ni Nick Naks sa kanilang bahay sa Taytay Rizal.
06:35Nagulat na lamang siya na lumubog sa baang kanilang bahay.
06:37Dati naman daw, hindi talaga silang binabaha.
06:40So, ano naging assessment po natin dito, ASEC?
06:44Oo, ito na yung sagot natin sa matinding climate change.
06:49Yung mga dati, na hindi binabaha, ay binabaha na.
06:52So, itong sitwasyon natin ngayon na may habagat, may bagyo,
06:57sunasunod-sunod na nagdadala ng matinding tubig, matinding pagulan.
07:01So, yung capacity ng ating mga drainage, dahil aging nga, no?
07:06Sabi nga ni Engineer, 30 years ago pa ito ang Danka Design,
07:09hindi na kayang i-absorb yung mga tubig.
07:12So, mga dating lugar, kaya nagugulat tayo yung mga dating lugar na hindi,
07:16binabaha.
07:17Binabaha rin.
07:17Binabaha.
07:17And then, it is coupled with yung ating waste management.
07:21Yung mga basura, no?
07:22Yung mga naging clog na yung ating mga drainage.
07:25So, yun po.
07:27Kaya ang solusyon po dyan talaga ay magkaroon tayo ng master plan
07:30at talagang i-upgrade yung ating mga drainage system,
07:34yung ating flood control system.
07:36So, long-term solution po talaga ito, infrastructure-wise.
07:40At kailangan po ang cooperation ng LGU ito,
07:43at of course, ng DPWH.
07:46Kasama na rin yung DNR kasi holistic po dapat ang ating solusyon dito.
07:50Hindi ito pwede na per area, no?
07:52Kasi, nakadikit po lahat.
07:55Metro Manila, there are 17 LGUs.
07:58Plus, meron tayong neighboring provinces, no?
08:01Na doon nang gagaling yung tubig.
08:02So, talagang matindi po itong problema natin.
08:05Pero, ginagawa naman ang solusyon ng ating goberno po yan.
08:08Engineer, di ba sa public master plan ang binabanggit ni ASEC,
08:12sa masusilusyonan ba ito pagdating?
08:14Di ba sa mga public hearing naman,
08:16pag-budget ninyo, yung mga ganyang anong din?
08:18Opo, sir. Makatulong po talaga po yung ating comprehensive master plan.
08:22Anong uunahin natin sa master plan na yan?
08:25Siguro, sir, i-improve natin yung ating mga drainage system.
08:27Drainage pa rin.
08:28Kaya ngayon, sir, meron kami na ginagawa sa NCR.
08:32Nag-e-inventory kami ng aming mga drainage system.
08:36Nakikita ko, kaliwat-kanan yung pag-hukay nyo po.
08:38Yes po, sir. Yun na po yun, sir, yung mga improvement ng ating...
08:41Yung malalaking valbula na yung nakaabang sa kalya, di ba?
08:45Yes po, sir. Yan na po yung...
08:46Ba't ngayon maliliit yung valbula?
08:47Ah, ngayon, yung mga existing na siya, sir, maliliit.
08:50Ah.
08:51So, kung makikita mo, sir, mayroon tayong ngayon ginagamit na HDPE.
08:55Yung malaki na pipe.
08:55Ano yan? Malalaking na?
08:57Oo, HDPE.
08:58Yun na nga nga nga yun ang ginagamit namin ngayon sa pag-i-improve namin ng aming drainage system.
09:02Kasi malaki na yun at madali sa i-install.
09:05Hindi na katulad dati na RCPC pipe natin.
09:08Yung mga konkreto lang, maliliit lang kasi siya eh.
09:11So, ngayon, ang aming gamit ngayon is HDPE pipe.
09:14Ayun.
09:14At isa po, sir, dagdag ko lang kay Asik, isa pang solution, sir, doon sa pagbabaha.
09:22Dapat po, sir, ang ating mga commercial establishment, mga LGU, mayroon po tayong tinatawag dapat, sir, na materials recovery facilities.
09:34Yung po yung mga basura, mga bote, mga plastic bottles.
09:40Okay.
09:41Tapos, bawat agency or mga commercial establishment, mayroon silang sariling materials recovery facilities para yung mga basura nila, mga plastic bottles nila, doon muna nila ilalagay.
09:57Okay.
09:57At sa mga panako na, pwede nila i-recycle.
10:02So, mapabawasan yung ating mga basura.
10:05So, hindi lang mga residente ang problema ng basura, kundi mga malalaki establishment rin.
10:09Malalaki establishment rin.
10:10Actually, sir, dapat meron din silang ganun.
10:12Okay.
10:12Para, siguro, makuwan natin yung mga basura na napupunta sa mga estero.
10:18Oo, ayun.
10:18Okay, marami salamat mo.
10:20Mahabang usapin pa ito.
10:21Asik Bernardo Rafaelito Alejandro at Ingenorose Jocel Bolivar ng DPWH.
10:27Igan, dito sa unang hirit, isa-isay natin himayin, talakayin, sagutin, ang mga issue ng bayan.
10:32Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
10:38Bakit?
10:39Pagsubscribe ka na, dali na, para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
10:44I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
10:48Salamat ka puso.

Recommended