Skip to playerSkip to main contentSkip to footer

Recommended

  • today
Simula July 18, ipatutupad na ang ₱50 dagdag sa daily minimum wage sa NCR. Pero sapat nga ba ito para sa araw-araw na gastusin ng isang pamilyang Pilipino? Kasama si Rosario Guzman, Research Head ng IBON Foundation, pag-uusapan natin kung ano ang tunay na epekto nito sa mga manggagawa. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nagbabalik po ng hirit mga kapuso sa July 18,
00:03efektibo na po ang 50 pesos na taas sahod sa minimum wage earner sa Metro Manila.
00:09Ayan, magiging 695 pesos na ang minimum wage para sa non-agriculture sector.
00:14Habang 658 pesos naman para sa agri-sector.
00:19Mga service or retail establishment na 15 pa baba ang empleyado
00:22at manufacturing na wala pang sampuang tauhan.
00:25Pero sa ilang mga gawa, sapat kaya ang umento ito?
00:31Ano yung masasabi niyo sa dagdag na 50 pesos na daily minimum wage po sa LCR?
00:36Kulang po eh, hindi sapat yun.
00:38Para sa akin yung 50 pesos, okay na rin yung kaysa wala, diba?
00:42Sa panahon ngayon, yung 50 pesos hindi pa rin siyang enough para sa bilhin natin.
00:46Kulang na kulang yun sa dalawang anak.
00:50Sapat po ba yung 695 pesos na daily minimum wage?
00:54Sasapat siya if siguro para sa iyo lang.
00:58Pero kung for family, hindi po siya sasapat.
01:01Hindi. Kasi persyo pala ng kuryente, tas tubig, tas pagkain.
01:06Magkano'ng bigas ngayon? Nasa 60.
01:08Sa akin ma'am, kahit wala akong single ako, kulang pa rin yan ma'am.
01:11Bayari ng tubig, kuryente, pagkain pa, kulang lahat talaga yan.
01:16Ang issue ng minimum wage ang tatalakay nating issue ng bayan.
01:24Ang tanong, magkano nga bang sapat na sahod para sa pamilyang Pilipino?
01:29Pag-uusapan po natin yan kasama si Rosario Guzman,
01:32ang research head ng Economic Think Tank na Ebon Foundation.
01:36Ma'am, good morning, welcome.
01:37Good morning.
01:37Sa unang hirit.
01:38Unang tanong ko po, ano ang reaksyon ninyo?
01:41Bilang isang researcher, bilang isang bahagi ng Ebon Foundation sa 50 peso increase,
01:47ito ba'y sapat para sa pamilyang Pilipino?
01:49Kulang na kulang siya.
01:50Hindi siya makakahabol doon sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
01:56Yun yung initial reaction namin.
01:58Pero kapag tinignan din natin, hindi siya abot doon sa decent living standards.
02:02Okay, nabanggit yung decent living standards.
02:04Sa pag-aaral ba ninyo, magkano ba ang dapat sa huri ng isang manggagawa
02:10para maging sapat para sa pamilya?
02:12Yung kinocompute naming family living wage as of May 2025,
02:18ay dapat umabot ng 1,217.
02:211,217.
02:23So, nasa more or less kalahati itong minimum wage natin nyo.
02:27Parang ang gap yata ay 47% kung hindi pa idadagdag yung 50 pesos.
02:34Okay, so ngayon dinagdag natin, mga lapit na doon sa...
02:3843%.
02:3843%, okay.
02:40Pero ang assumption natin nun, single wage earner lang ang isang pamilya.
02:43Pero kung dalawa silang kumikita ng minimum?
02:46Ang assumption kasi ng family living wage ay one breadwinner.
02:50One breadwinner, okay.
02:52Para magkaroon din ng iba pang gawain, no?
02:54Yung isang pamilya na may limang miyembro.
02:58So, dapat sapat yun.
03:00Okay, ito naman pong 50 pesos na umento sa sahod.
03:02So, ano kaya ang epekto nito?
03:04Kasi ang ibang mga manggagawa, sinasabi nila, kesa sa wala.
03:09Kesa naman walang...
03:1050 maliit o, pero kesa sa wala, pwede na.
03:13Ganun usually ang reaction.
03:16Kasi ang manggagawa, laging kulang, no?
03:19Yes.
03:19So, kung may dumating, sasabi nila, kesa sa wala.
03:22Pero para sa atin kasi more is better, hindi yung better than nothing.
03:26Kaya dapat ay umangat siya sa isang disenteng pamantayan, ang pamumuhay.
03:33At yun nga, abutin niya yung family living wage.
03:36Okay, in a perfect world, ibibigay ho yung lahat ng hiling ng mga manggagawa.
03:40Pero, syempre meron tayong binabalansi.
03:42Paano nga ho dapat balansihin ang taasang sahod at kapakanan ng mga manggagawa?
03:48Kasi ang sinasabi ng mga negosyante, hindi namin kaya.
03:52Karamihan sa mga negosyo natin ay MSME.
03:56In fact, 95% or more ang MSME na hindi kakayanin yung pagbibigay ng ganong kalaking sahod.
04:02Kinompute din namin, halimbawa yung hindi natuloy, ano, na 200 pesos wage hike.
04:08Kapag ka pinataw yun, yung mga negosyante ng malalaki, parang 11% lang, eh, ang mababawas sa tubo nila.
04:15So, napakaliit nun. Parang kurot lang sa kanila yun, sa kanilang profits.
04:20At malaking bagay naman yun, no, sa mga manggagawa.
04:24Kaya ang balanse talaga nun, yung manggagawa, tumataas yung purchasing capacity niya.
04:29At dahil doon, nagiging masigla rin yung negosyo.
04:32So, sana ganong tingnan, no, ng ating mga negosyante na yun ay makabubuti sa buong ekonomiya.
04:38Ito, may dadagdag ko lang ho.
04:40Ang sinasabi naman ng ilan na tumututul din sa pagtataas ang minimum wage,
04:46ay yung minimum wage earner, maliit na porsyento lamang daw ng ating workforce dahil ang karamihan nasa informal sector.
04:52So, in effect, you are benefiting a small percentage of workers.
04:57Tapos, ang inflationary effect, napakalaki. Ano kung masasabi niyo ro?
05:00Well, ang isang makikita natin, yung employed, no, if you look at the employed, yung fully employed.
05:06Yung nasa formal sector.
05:07Oh, formal. 58% ay wage workers.
05:11So, pag sinasabi nila na, kasi sa pagtingin din natin, 74 of 100 employed ay informal workers.
05:18Right.
05:19Makikinabang pa rin yun kasi yun yung negosyo na pupuntahan nung konsumo.
05:24So, alimbawa, ang manggagawa pagka nagka-wage increase, hindi naman yan agad-agad magbubuk ng paborakay.
05:31Ang gagawin niya ay pupunta siya sa karinderya, babayad siya ng utang, o kaya ay bibili siya ng mga batayang pangailangan niya.
05:39Having said all that, ma'am, sa tingin nyo, ano ba dapat gawin ng gobyerno para sa mga manggagawang Pilipino?
05:45May mga panukalang legislated wage hike ang sinasabi ng gobyerno.
05:49Baka hindi kayanin, doon tayo sa mga wage boards. Papano?
05:52Kasi alam nyo, yung mismong gobyerno ang nag-set ng family living wage. Tinigil lang niya yan noong 2008.
06:00And it's in the constitution na dapat ang antas ng ating pasweldo ay living wage. So, dapat abutin niya yun.
06:06Wala pa tayo dito sa upper middle income na yung target ng gobyerno. Malayo pa tayo.
06:12Parang wala. In fact, nag-downgrade siya ng growth targets niya.
06:17At dahil doon, ay makikita natin pahirap ng pahirap yung buhay ng ating mga manggagawa.
06:23Pangalawa, ay dapat tingnan din niya na yung pagtaas ng sahod ay beneficial to the whole economy.
06:30Tapos, ang nakakagulat sa amin ay yung sinet niya na poverty threshold o yung linya ng kahirapan na kadalasan ay pinagtatawanan na nga lang ng tao.
06:44Kasi napakababa, ano? Mas mababa pa ang minimum na sahod doon.
06:49So, only in the Philippines, sabi nga natin na yung threshold o yung linya ng kahirapan ay mataas pa doon sa set na minimum wage.
06:58So, abutin niya yun. Tapos, kanya abutin yung nakabubuhay na sahod.
07:02Ako, ayan. It's a continuous struggle para ipaglaban ng mas nakabubuhay na minimum wage.
07:10Ika nga.
07:11Ma'am Rosario Guzman, Research Head ng Ibon Foundation, maraming salamat po sa pagpapaunlak sa unang hirit.
07:17Isa-isa natin hihimayin, tatalakayin at sasagutin ang mga issue ng bayan.
07:22Wait! Wait, wait, wait, wait!
07:26Huwag mo munang i-close!
07:27Mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel para lagi kang una sa mga latest kwento at balita.
07:34At syempre, i-follow muna rin ang official social media pages ng unang hirit.
07:40Thank you!
07:42Bye!

Recommended