Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/7/2025
Isang konduktor ang sugatan matapos kagatin ng pasahero sa loob ng bus! Ayon sa ulat, inambahan din ng kagat ang ibang pasahero. Ang mas shocking? Dati na raw itong nangangagat! Ano nga ba ang pananagutan kung may mental health concern ang sangkot? Alamin ‘yan sa video na ito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sugata ng isang konduktor ng bus, matapos siyang pagkakagatin ng isang pasahero na hinihinalaang may mental disorder.
00:15Ayon sa konduktor, nakita niyang inambaan na kakagatin ng pasahero, isa pang batang pasahero, kaya pumagit na siya at siya ang nakagat.
00:25Dagdag pa niya, dati na rin daw nag-trending ang pasahero sa parehas na sitwasyon kung saan nangangagat din ito, kaya nagulpi na ibang pasahero sa loob ng bus.
00:35Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, ask Attorney Gabby.
00:46Attorney, in general, ano ba ang sinasabi ng batas sa mga pananakit sa public transportation?
00:52Well, ang mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, yung LRT, mga jeep, sila ay tinatawag ng mga common carrier sa ilalim ng mga batas natin
01:01at iba ang mga katungkulan at responsibilidad ng mga common carrier dahil extraordinary diligence ang dapat na ina-exercise nila sa pangangalaga sa mga pasahero
01:13para siguraduhin na ang mga pasahero ay darating sa kanilang destinasyon ng safe and sound.
01:19Extraordinary diligence. Take note, hindi lamang ordinary diligence at sobrang extraordinary diligence ang required.
01:29Nakapag may nangyari sa pasahero, kung ito ay namatay o nasaktan bago dumating sa kanyang pupuntahan,
01:35ang presumption ng batas ay kasalanin ito ng common carrier at kailangan niyang panagutan ito.
01:40Ganun pa rin ang presumption kung nasaktan o namatay ang isang pasahero.
01:45Dahil sa ibang pasahero, maaaring magkaroon ng liabilidad ang common carrier unless mapakita nila na nag-attempt ang mga empleyado ng common carrier para pigilan ito.
01:56Kaya tama ang ginawa ng konduktor ng bus na talagang ginawa niya ang nararapat para hindi makasakit ng ibang tao ang pasahero ito
02:04na nasasabing may mental problems, di umano.
02:08Of course, ang common carrier naman bilang employer nito ang dapat mag-alaga sa mga empleyado nito.
02:14Kaya kung ito naman ay masaktan na dahil sa paggawa ng kanyang trabaho.
02:19Yung nangangagat o nanakit ng kapwa kung ito ay intentional na ginawa ng ordinaryong tao,
02:31of course, ito ay krimen ng physical injuries.
02:34Pero kung ang gumawa nito ay may mental problem na ito ay yung type na talagang wala siya sa tamang pag-iisip,
02:41ang taong sangkot, malamang siya ay hindi mananagot para sa kanyang ginawa.
02:45Exempted siya from criminal liability ay sa Article 12 ng Revised Penal Code.
02:50Ang mga wala sa tamang pag-iisip, hindi sila masasabing may criminal intent para makagawa ng isang krimen.
02:57In the same way na ang mga batang musmos ay exempted din dahil nga ang sabi ng batas, wala din sila sa tamang pag-iisip pa.
03:05Pero kung talagang may mental problem, dapat ay i-order ng ang kanyang confinement sa isang ospital o facility
03:12para masiguro na safe na siya at safe din ang mga taong nasa paligid niya.
03:19Mga kapuso, kung may agresibong PWD sa pampublikong lugar o sasakyan,
03:24ay ipagbigay alam kaagad sa mga otoridad o kapulusan ang insidente.
03:29Ayon po yan sa National Council of Disabilities.
03:32Huwag po natin silang patulan o saktan.
03:34Kundi ay tumawag sa Persons with Disabilities Affairs Office ng LGU o tumawag sa National Council on Disability Affairs.
03:43Ang mga usaping batas, bibigyan po natin linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:49Huwag magdalawang isip, ask them.
03:53Hindi po, ask me. Ask Attorney Gabby.
03:56Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:02Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:08I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:12Salamat ka puso!
04:12Salamat ka puso!

Recommended

2:38:56
Up next