Pinangalanan ng whistleblower na si Julie "Dondon" Patidongan si Atong Ang at dalawa pa bilang umano'y nasa likod ng pagkawala ng 34 sabungero. Ayon kay Patidongan, nangyari ang insidente matapos magsabong ang mga biktima sa mga sabungang pagmamay-ari ni Ang. Ngunit agad itong itinanggi ni Atong Ang, at ang kanyang kampo ay nagsampa rin ng limang reklamo laban kay Patidongan.
Ano ba ang sinasabi batas pagdating sa whistleblowers? Ano ang karapatan at proteksyon ng isang testigo? At ano ang limitasyon ng kanilang pananagutan? ‘Yan ang iisa-isahin at ipaliliwanag sa atin ni Atty. Gaby ngayong umaga sa #AskAttyGaby!
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
00:00Mainit na isyo ng bayan ang pag-uusapan natin.
00:04Pinangalanan na nga ng nagpresintang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan,
00:09si Atong Ang at dalawang iba pang mga mastermind umano sa pagkawala ng mga sabungero.
00:16Isa si Patidongan sa mga kinasuhan ng kasong kaugnay,
00:20sa 34 sabungerong naglahong parang bula matapos magsabong sa mga sabungang pagmamayari ni Ang.
00:28Itinanggi ni Atong Ang ang mga pahayag ni Dondon Patidongan na siya ang nasa likod ng hindi raw bababa sa isang daang missing sabungeros.
00:38Kasabay niya, naghahain din ang kampo ni Ang ng limang reklamo laban kay Patidongan.
00:44Anong sinasabi ng batas tungkol dito?
00:47Yan po ang pag-uusapan natin ngayon.
00:49Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:58Attorney, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pagtestigo ng mga individual na maaaring sangkot din sa kaso?
01:06Unahin muna natin mga testigo o witness.
01:09In general muna, kailangan talaga ng mga witness sa isang kaso dahil sila ang mga magpapatunay na nangyari
01:14ang mga pangyayari sa mga pinag-uusapan nga sa isang kaso.
01:19So kung ang isang kaso ay tungkol sa pagpatay,
01:22kailangan ng testigo na may personal na kaalaman tungkol sa isang kaso.
01:26Halimbawa ng personal na kaalaman sa isang murder case,
01:30sasabihin ang witness na nakita niya mismo gamit ang sarili niyang mga mata na pinatay ni X, si Y.
01:38Gamit ang personal senses na isang tao, maaaring niyang ipahayag o ikwento ito sa korte.
01:44Alam din niya dapat na susumpa siya bago magkwento,
01:47na ang kikwento niya ay ang katotohanan at pawang katotohanan lamang,
01:50at pag napatunayan nagsisinungaling siya, maaaring din siyang kasuhan tulad ng perjury or incriminating innocent persons at siya naman ang makukulong.
02:01So dahil ang requirement ng batas ay personal knowledge or kaalaman lamang ang pwede,
02:06bawal at hindi bibigyan ang value ito ng korte kung ito ay tinatawag na hearsay lamang.
02:12Bawal ang chismis, walang personal knowledge,
02:15bawal ang testigo na ang sasabihin niya ay sabi ng kapitbahay na nakita niyang pinatay ni X, si Y.
02:21Bawal yun.
02:22Ang solusyon dyan ay si kapitbahay dapat ang kunin para magkwento mismo sa korte.
02:29So ano ba ang requirements para masabing ang isang witness ay isang good witness?
02:33Siyempre dapat ay nailalahad niya ang kanyang testimonyo ng malinaw
02:37at sana ay matatawag natin siyang credible witness, ibig sabihin kapanipaniwala,
02:42hindi paligoy-ligoy ang mga sagot, believable at logical ang mga kwento
02:47at hindi contradictory ang mga statements.
02:50Sabi nga nila ang mga isda, nahuhuli sa bibig.
02:53Madalas kung gumagawa lamang kasi ng kwento, isang testigo,
02:57kapag na-cross-examine na siya, natataranta at kung ano-ano ang nasasabi,
03:01kaya't nahuhuli na nagsisinungaling pala.
03:04Importante din na may tinatawag na corroborating evidence.
03:08While importante ang testimonya niya,
03:10mas mabuti kung may supporting documents, mga litrato o video,
03:14o testimonya ng ibang tao.
03:17Of course, kung may track record ng isang witness na sinungaling pala,
03:20o maraming kaso na nagpapakita na buktot ang katauhan
03:24o patong-patong ang criminal cases,
03:26ay talagang mababawasan o totally wala ang kanyang credibility.
03:31Sa tanong naman kung paano kung sangkot mismo sa kaso ang isang witness,
03:35halimbawa na nga,
03:37kung dati ay akusado ng murder,
03:39tapos biglang kumakanta at tinuturo ang mga kasama,
03:41pwede ba ito?
03:43Pwede naman, pero may proseso dyan at atang tawag dyan,
03:46ay discharge ng isang akusado para maging state witness.
03:51Like any other witness,
03:52aaralan pa rin kung mukhang credible ang pagiging whistleblower nito.
03:56So, maraming requirement din sa ilalim ng batas para maging state witness
04:00ang isang akusado.
04:02Dahil in exchange for his testimony,
04:04ay hindi na siya makakasuhan.
04:06Immune na siya from suit.
04:08So, malaki ang danger na magsinungaling siya laban sa ibang tao
04:11para lamang maka-escape siya sa kulong.
04:14So, ano bang requirement na ito?
04:15Una, hindi siya dapat ang most guilty.
04:19Hindi sinasabing dapat siya ang least guilty.
04:22Dapat lang, hindi siya ang most guilty.
04:24Kasi, unfair naman kung yung mastermind ang magdetestigo
04:27dun sa mga inutusan niya,
04:29tapos sila lamang ang mananagot.
04:31Hindi pwede yun.
04:32Pangalawa, absolute necessity ng testimonya.
04:35Walang ibang direct evidence para matuloy ang kaso.
04:38Pero, pangatlong requirement,
04:40dapat may corroborating evidence.
04:42Ibang ebidensya na susuporta sa testimonya niya
04:45bilang state witness.
04:46At pang-apat, walang prior conviction
04:49ng crime involving moral termitude.
04:52Ibig, kailangan final judgment.
04:55Hindi pwedeng akusado lamang.
04:58So, disqualified ng isa na merong conviction,