Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Isang dike o riverwall ang bumigay sa Navotas kaya naman apektado ang ilang kabahayan sa pagtaas ng tubig. Sino ba ang may pananagutan sa ganitong mga insidente? Alamin ‘yan sa video na ito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa barangay San Jose Navotas, caught on cam, ang paguho ng pader sa gilid ng ilog noong Sabado.
00:07Nagdulot yan ang pagbaha na umabot ng hanggang leeg ang taas.
00:12Bilang pangharang sa ilog, naglagay ng sandbag, kaso bumigay rin ang mga ito.
00:17Nasa evacuation center ang mahigit 40 pamilyang naapektuhan ng pagbaha kahapon.
00:23Ano ba ang sinasabi ng batas sa mga ganitong sitwasyon?
00:27Ask Me, Ask Katrina Kat.
00:30Attorney, may nagmamayari daw nitong bumigay na pader.
00:38Ano ang pananagutan niya sa nangyari at may pwedeng hinging danyos ba ang mga naapektuhan?
00:45Siyempre, ang sagot dito ay, it depends.
00:48Bibihira naman ang mga sitwasyon na makasisiguro tayo ng kasagutan
00:52dahil maraming mga circumstance na maaaring mag-iba ng ating konklusyon o kasagutan.
00:57But as a general rule, nakalagay sa Article 4A2 ng ating Civil Code
01:02na kahit na sinong nagmamayari ng pader, isama na natin ang mga gusali at mga kolum
01:08responsibilidad ng may-ari na i-maintain ito na ligtas.
01:12Kung ito ay in danger ng bumigay o mahulog, dapat ay ipatabag na ito o ayusin.
01:18Otherwise, magkakaroon siya ng posibleng liabilidad para sa damages.
01:22Of course, ito pa rin ay alinsunod sa general rule natin na kung sino man ang guilty
01:28ng pagpapabaya ay mananagot kung nagkaroon ng damages.
01:32Kung ang pagkasira ng pader ay bunga ng kakulangan sa maintenance
01:36o kung alam na ng may-ari na mahina na ang struktura.
01:40Halimbawa, nakahapay na pala ito pero hindi pa rin niya pinaayos,
01:44maaaring ituring itong kapabayaan o negligence dahil nakikita na natin kung anong kasunod niyan.
01:51Dahil dito, maaaring siyang papanagutin sa danyos.
01:54Pero kailangan din natin tandaan na dapat ay nag-iingat din ang lahat na affected.
01:59Kung kailangan ayusin ang pader, ayusin na agad.
02:03Naintindihan din natin na merong ayaw magpaayos ng pader
02:06dahil yung mga kapitbahay nakasandal naman ang mga bahay nila dito.
02:12Paayos na ninyo dahil tulad nito, kapag gumuho ang pader, kasama din po ang bahay ninyo.
02:17Ganon din ang warning natin sa mga tumitira sa mga estero
02:21at iba pang waterways na talagang bawal actually na tinitirahan.
02:26Talagang peligroso yan, lalo na nga sa panahon ng tag-ulan.
02:31Attorney, tag-ulan at bagyo season pa naman ngayon,
02:33posibleng may manganito pang pangyayari.
02:36Pero paano kung yung sanhinang disgrasya ay proyekto ng gobyerno,
02:41ano ang pwedeng habol ng maapektuhan nito?
02:43Well, sinasabi din ng Article 2189 ng Civil Code
02:48na ang probinsya, ang syudad o munisipalidad
02:50ay mananagot kung nagkaroon ng damage dahil may namatay o nasaktan
02:55dahil sa defective condition ng mga kalye, tulay, public building
03:00at ibang public works na nasa supervision nila.
03:03Kung ang pader ay pagmamayari ng LGU at ito ay bumagsak dahil sa kapabayaan,
03:08halimbawa, hindi na panatiling maayos, substandard, walang inspeksyon
03:12at ito ay nagdulot ng pinsala, may pananagutan ang gobyerno sa ilalim ng batas.
03:18Pero ito rin ay kung may pagkukulang o pagpapabaya,
03:21isama na natin dyan yung mga roadworks na walang sapat na warning
03:24o road sign o barrier para hindi naman mahulog ang mga kotse at tao,
03:29lalo na kung malakas ang ulan at walang ilaw, hindi nila nakikita ng gusto.
03:33Pero kung wala namang pagpapabaya o pagkukulang, maaaring hindi na sila panagutin
03:38kung ito nga ay dahil sa natural na pangyayari,
03:41ang matatawag natin na force majeure or acts of God.
03:45Pero kung may kapabayaan, sa kabila ng natural na pangyayari,
03:48ay sila ang dapat nga managutin.
03:51Basta't usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:57Huwag magdalawang isip. Ask me. Ask Atty. Gabby.
04:01Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
04:06Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
04:12I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:16Salamat ka puso!

Recommended