Kalamidad sa ekonomiya nga ba ang dala ng wage hike? | The Mangahas Interviews

  • 2 months ago
Kalamidad sa ekonomiya raw ang dadanasin ng bansa sakaling matuloy ang wage hike o dagdag pasahod na isinusulong ngayon sa Kongreso. Dagdag-pasakit daw ito sa mga manggagawa dahil posible itong magresulta sa mas mataas na inflation at malawakang layoff sa ilang kompanya.

Ito ang tingin ng ekonomistang si Calixto Chikiamco ng Foundation for Economic Freedom. Imbes daw kasi makatulong, magiging malaking dagok daw ito sa ating ekonomiya na maaaring pasanin ng mga mamamayan.

Ang kaniyang silip sa nakaambang wage hike, panoorin sa kaniyang panayam sa The Mangahas Interviews.

Recommended