“FROM ‘IMBURNAL GIRL’ TO AMBASSADOR” Ipinaliwanag ni DSWD secretary Rex Gatchalian na gagamitin nila bilang ‘ambassador’ ang viral na babaeng nakuhanang lumalabas sa imburnal sa Makati.
Makatutulong daw ang babae na ituro at kumbinsihin ang ilang mga naninirahan sa drainage o imburnal na sumama sa gobyerno. Pinagkalooban ng ₱80-K ng DSWD ang babae para makapagsimula ng sari-sari store.