- 6/6/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, June 6, 2025
-Lalaking bumaril sa kanyang kaibigan, arestado; biktima, nagpapagaling matapos mag-agaw-buhay/Biktima, napagbintangang naglagay ng tubig sa gas tank ng tricycle ng akusado/Manila Police: Akusado at biktima, pinagtalunan din ang P700 na ninakaw umano ng biktima/ Biktima, iginiit na hindi siya ang sumira sa tricycle ng akusado/Akusado, umamin sa pamamaril; biktima, pinag-iisipan pa kung iuurong ang kaso
-Ilang bahagi ng Mindanao, binaha dulot ng pag-ulang dala ng Habagat/Ilang bahagi ng Metro Manila, binaha dahil sa thunderstorm
-PAGASA: LPA, tumaas ang tsansang maging bagyo sa mga susunod na oras
-Phl Statistics Authority: 2.08M Pilipino ang walang trabaho nitong April 2025
-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Ph Olympic gymnast Carlos Yulo, bronze medalist sa 2025 AGU Artistic Gymnastics Senior Asian Championships
-15-anyos na lalaki, sinagip matapos maipit ang braso sa takip ng manhole habang nangangapa ng barya
-Pag-aalis ng K-12 Program, isinusulong ni Sen. Estrada
-Lalaking tumatawid sa pedestrian lane, sugatan matapos mabangga ng isang kotse
-5, sugatan sa pagsabog sa isang water pumping station; 24 na pamilya, apektado
-Miss World Asia 2025 Krishnah Gravidez, balik-bansa na; gustong palakasin ang advocacy sa pagtulong sa mga kabataan
-Open letter ng ilang miyembro ng UP College of Law Faculty sa Senado kaugnay sa impeachment ni VP Duterte: "Let the truth unfold"/ Tingin ni Sen. Imee Marcos: Ayaw ring matuloy ng ilang nasa administrasyon ang impeachment trial ni VP Duterte/1987 Constitution framer Atty. Monsod: Hindi puwedeng ibasura ang impeachment case vs. VP Duterte sa plenaryo lang ng Senado/ Sen. JV Ejercito sa impeachment trial ni VP Duterte: "We are duty-bound to go through it"
-Provincial gov't ng Siquijor, nagdeklara ng State of Calamity dahil sa problema sa supply ng kuryente
-Motorsiklo, nagliyab matapos umapaw at kumalat ang gasolina sa makina
-Lalaking 65-anyos, arestado dahil sa panggagahasa umano sa 17-anyos na babaeng kapitbahay/Suspek, itinanggi ang alegasyon ng panggagahasa
-Babae, patay sa saksak; suspek na mister niya, nakitang duguan at nasawi rin kalaunan
-Speaker na ginagamit sa misa, tinangay mula sa isang gusali sa compound ng simbahan
-Ilang Muslim, nagtipon sa Quirino Grandstand para sa Eid'l Adha ngayong araw/Ilang Muslim, sama-samang nagdasal sa Malolos Royal Grand Dome Mosque at nag-alay ng mga hayop
-PBBM at VPSD, nakikiisa sa paggunita ng Feat of Sacrifice o Eid'l Adha; binigyang halaga ang ilang katangian na makatutulong sa bayan at sa kapwa
-Tom Rodriguez, nag-post ng pictures kasama ang kanyang mag-ina na nakatalikod
-Nasa 40 bus sa depot, nasunog
-P1.17B halaga ng umano'y shabu, na-recover sa loob ng mga sakong natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan/Barangay captain, patay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin
-Ilang panig ng bansa, isinailalim sa
-Lalaking bumaril sa kanyang kaibigan, arestado; biktima, nagpapagaling matapos mag-agaw-buhay/Biktima, napagbintangang naglagay ng tubig sa gas tank ng tricycle ng akusado/Manila Police: Akusado at biktima, pinagtalunan din ang P700 na ninakaw umano ng biktima/ Biktima, iginiit na hindi siya ang sumira sa tricycle ng akusado/Akusado, umamin sa pamamaril; biktima, pinag-iisipan pa kung iuurong ang kaso
-Ilang bahagi ng Mindanao, binaha dulot ng pag-ulang dala ng Habagat/Ilang bahagi ng Metro Manila, binaha dahil sa thunderstorm
-PAGASA: LPA, tumaas ang tsansang maging bagyo sa mga susunod na oras
-Phl Statistics Authority: 2.08M Pilipino ang walang trabaho nitong April 2025
-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Ph Olympic gymnast Carlos Yulo, bronze medalist sa 2025 AGU Artistic Gymnastics Senior Asian Championships
-15-anyos na lalaki, sinagip matapos maipit ang braso sa takip ng manhole habang nangangapa ng barya
-Pag-aalis ng K-12 Program, isinusulong ni Sen. Estrada
-Lalaking tumatawid sa pedestrian lane, sugatan matapos mabangga ng isang kotse
-5, sugatan sa pagsabog sa isang water pumping station; 24 na pamilya, apektado
-Miss World Asia 2025 Krishnah Gravidez, balik-bansa na; gustong palakasin ang advocacy sa pagtulong sa mga kabataan
-Open letter ng ilang miyembro ng UP College of Law Faculty sa Senado kaugnay sa impeachment ni VP Duterte: "Let the truth unfold"/ Tingin ni Sen. Imee Marcos: Ayaw ring matuloy ng ilang nasa administrasyon ang impeachment trial ni VP Duterte/1987 Constitution framer Atty. Monsod: Hindi puwedeng ibasura ang impeachment case vs. VP Duterte sa plenaryo lang ng Senado/ Sen. JV Ejercito sa impeachment trial ni VP Duterte: "We are duty-bound to go through it"
-Provincial gov't ng Siquijor, nagdeklara ng State of Calamity dahil sa problema sa supply ng kuryente
-Motorsiklo, nagliyab matapos umapaw at kumalat ang gasolina sa makina
-Lalaking 65-anyos, arestado dahil sa panggagahasa umano sa 17-anyos na babaeng kapitbahay/Suspek, itinanggi ang alegasyon ng panggagahasa
-Babae, patay sa saksak; suspek na mister niya, nakitang duguan at nasawi rin kalaunan
-Speaker na ginagamit sa misa, tinangay mula sa isang gusali sa compound ng simbahan
-Ilang Muslim, nagtipon sa Quirino Grandstand para sa Eid'l Adha ngayong araw/Ilang Muslim, sama-samang nagdasal sa Malolos Royal Grand Dome Mosque at nag-alay ng mga hayop
-PBBM at VPSD, nakikiisa sa paggunita ng Feat of Sacrifice o Eid'l Adha; binigyang halaga ang ilang katangian na makatutulong sa bayan at sa kapwa
-Tom Rodriguez, nag-post ng pictures kasama ang kanyang mag-ina na nakatalikod
-Nasa 40 bus sa depot, nasunog
-P1.17B halaga ng umano'y shabu, na-recover sa loob ng mga sakong natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan/Barangay captain, patay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin
-Ilang panig ng bansa, isinailalim sa
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:30.
00:32.
00:34.
00:36.
00:38.
00:40.
00:42.
00:44.
00:46.
00:48.
00:50.
00:52.
00:54.
00:56.
00:58.
01:00.
01:02.
01:04.
01:06.
01:08.
01:10.
01:12.
01:14.
01:16.
01:18.
01:20.
01:22.
01:24.
01:26.
01:28.
01:30.
01:32.
01:34.
01:36.
01:38.
01:40.
01:42.
01:44.
01:46.
01:48.
01:50.
01:52.
01:54.
01:56.
01:58.
02:00.
02:02.
02:04.
02:06.
02:08.
02:10.
02:12.
02:14.
02:16.
02:18.
02:20.
02:22.
02:24.
02:26.
02:28.
02:30.
02:32.
02:34.
02:36.
02:38.
02:40.
02:42.
02:44.
02:46.
02:48.
02:50.
02:52.
02:56.
02:57.
02:58.
02:59.
03:00.
03:01.
03:11.
03:13.
03:14.
06:52Carlos Yulo, nakuha niya ang bronze medal sa Senior Men's Individual All-Around ng 2025 AGU Artistic Gymnastics Senior Asian Championships sa South Korea.
07:02Meron siyang total score doon na 83.632.
07:05Parehong mula Japan naman ang gold at silver medalist ng kompetisyon.
07:14Napahiga na lang ang binatilong yan sa Cebu City habang inaalalaan ang braso niyang naipit sa takip ng manhole.
07:21Nangyari daw yan habang nangangapa siya ng nahulog na bariya sa kanal.
07:26Nirespondihan siya ng mga rescuer ng Bureau of Fire Protection.
07:29Namag-araw ang braso ng binatilio kaya lalong naipit sa butas ng bakal.
07:33Nabaldi rin ang limang blaze ng reciprocating cutter kaya kinailangan ng gumamit ng hydraulic cutter.
07:39Matagumpay namang naialis ang kanyang braso matapos ang limang oras.
07:44Ninala siya sa ospital at mabuti na raw ang kanyang lagay.
07:46Isinusulong ni Senate President Pro Tempore Gingoy Estrada na alisin na ang senior high school.
07:56Ayon kay Estrada, bigo ang K-12 program na makamit ang layunin itong mapabuti ang kakayahan ng mga estudyante.
08:02Dagdagpasanin at gastos lamang daw ito para sa mga mag-aaral.
08:06Nag-ha-in ang panukala si Estrada na mag-aamienda sa Enhanced Basic Education Act of 2013
08:12na layong simplihan ang sistema ng basic education sa bansa.
08:17Dito, nire-rekomendan niyang gawing isang taon ang kindergarten,
08:226 na taon naman sa elementarya at 4 para sa high school.
08:27Wala pang tugon dito ang Department of Education.
08:29School year 2012 at 2013, unang ipinatupad ang K-12 program.
08:43Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:48Ingat po sa pagtawid sa kalsada kahit nasa pedestrian lane.
08:52Sa Naga Kamarinasur kasi, may nabundol na lalaki kahit nasa tamang tawiran naman siya.
08:57Chris, kamusta na ang biktima?
08:59Connie, nagtamo ng sugat at bali sa katawan ng biktima matapos ang aksidente.
09:08Sa kuha ng CCTV, kita ang lalaki na tumatawid sa pedestrian lane sa barangay Concepcion Grande
09:14nang bigla siyang banggain ng isang papalikong kotse.
09:18Lumabas naman ang driver at pinulungan ng lalaki.
09:21Walang pahayag ang mga sangkot na nagkaayos na ayon sa mga pulis.
09:25Nagkaroon naman ang pagsabog sa isang water pumping station sa barangay Mangga sa Candaba, Pampanga.
09:33Ayon sa Candaba DRRMO, 24 na pamilya o mahigit sa isang daang tao ang apektado ng pagsabog noong May 30.
09:41Lima ang isinugod sa ospital kabilang na ang isang senior citizen at dalawang minority edad.
09:47Damay rin sa insidente ang ilang bahay na pinasok ng tubig mula sa water station.
09:52Sam na barangay ang nawala ng supply ng tubig na naibalik din kinabukasan.
09:57Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagsabog.
10:07The Queen is back!
10:10Heartwarming ang naging pagsalubong kay Miss World Asia Krishna Gravides after her successful stint sa Miss World 2025 sa India.
10:19Kasama sa nag-welcome back kay Krishna ang kanyang ina at mga taga-suporta.
10:24Si Krishna ay nakaabot sa top 8 ng Miss World at itinanghal ng Miss World Asia.
10:30Say ni Krishna, big part ng success niya sa pageant ay dahil sa support at love ng kanyang ina.
10:36Thankful din si Krishna sa supporters at pati na rin kay Miss World 2013 Megan Young.
10:42Makakasama rin si Krishna sa tour para ipromote ang advocacy ng Miss World at karamihan sa projects niya ay sa Asia.
10:49Layon din ni Krishna na palakasin ang charity organization niya na layong tulungan ang mga kabataan.
10:56I am just really happy to be back home and to share this victory to the entire Philippines.
11:04I would like to maximize this for, to strengthen and broaden my charity organization,
11:11Color the World with Kindness and all the meaningful causes that I am championing for.
11:14Nakabalik na sa Pilipinas kagabi si Vice President Sara Duterte matapos bisitahin ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.
11:32Sa gitna yan ng isyo sa kanyang impeachment trial, kung pwede nga ba itong may basura
11:36sa pamamagitan na ng botohan o resolusyon sa plenaryo ng Senado.
11:40Balitang hatid ni Katrina Son.
11:42Sa open letter ng mga miyembro ng faculty ng UP College of Law,
11:49nababahala sila sa mga mungkahing ideklarang de facto dismissed ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
11:57Hindi raw suportado ng ebidensya at saligang batas ang mga hinadahilan kung bakit dapat i-dismiss ang impeachment.
12:04Panawagan nila hayaang lumantad ang katotohanan.
12:08Dapat ang nilang tuparin ng Senado ang tungkulin nito sa saligang batas na ituloy ng walang pagkaantala ang impeachment trial.
12:17Tingin ni Senadora Ayme Marcos, maging ang ilang nasa administrasyon ayaw matuloy ang impeachment trial.
12:23Ang duda ko, hindi lamang ang sinasabi o tinatawag na mga kaduterte ang intresado sa pag-dismiss.
12:32Ang pakiramdam ko, mismo ang administrasyon ay may mga grupo na nagsasabi na huwag nang ituloy at bakat mapahiya lang sa numero.
12:44Ang hinahanap ngayon ay yung remedyo, or sabi niyo nga, I mean, solusyon, para walang mapapahiya sa situation.
12:53Ewan ko, yun lang ang pakiramdam ko.
12:57Ilang version na raw ng resolusyon para ibasura ang impeachment case ang nakita ni Senadora Marcos, hindi lang ang kay Senador Bato de la Rosa.
13:06Yung linabas sa media, parang ikartunay yata yun. Tapos mula nun, meron pa akong nakitang iba. Dalawa pa yata.
13:13Ayon kay dating Comelec Chairman Christian Monsoud, isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution,
13:20di pinapayagan sa saligang batas ang pagbasura ng impeachment case sa plenaryo lang ng Senado.
13:35At kahit parao may mga Senador na nagsasabing di pwedeng tumawid sa 20th Congress ang impeachment,
13:41kung talagang i-dismiss ng Senado ang impeachment sa plenaryo, pwede raw itong idulog sa Korte Suprema.
13:47Ang ruling 2 nila, o di-smiss nila yun, may abuse of discretion yun.
13:52The House or anybody, the people, can go to the Supreme Court and say that the Senate is abusing its powers.
14:00They don't have that power. The duty is to hear the case.
14:05Giit naman ni Senador J.V. Ejercito, walang hakbang para pigilan ng impeachment trial.
14:10We are duty-bound, as I mentioned, to go through it. So, matutuloy yan.
14:14Hindi naman yan, hindi naman, I don't think there's an attempt to derail or to stop.
14:21Katrina Son, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
14:26Dahil po sa problema sa supply ng kuryente,
14:29nagdeklara ng State of Calamity ang provincial government ng Siquijor.
14:33Aabot na sa isang buwan ang problema nila sa supply ng kuryente.
14:36Ang sanhinito ay ang pagkasira ng ilang unit ng Siquijor Island Power Corporation.
14:42Kaya naman, mula May 13, ay nagpapatupad na ng rotational brownout na aabot ng dalawa hanggang tatlong oras kada araw.
14:50May ilang lugar na aabot sa labing walong oras ang brownout.
14:54Apektado na raw ang pamumuhay ng mga residente, negosyo at tanggapan ng mga lokal na pamahalaan.
15:01Binabalak ng provincial government na bumili ng mga dagdag na generator.
15:06Itinutulak ng lalakingan ang kanyang motorsiklo sa kalsada sa barangke San Vicente sa Ordoneta, Pangasinan.
15:16Maya-maya, binitawan ng rider ang motor nang ito'y magliyab.
15:20Isang lalaki ang tumulong sa rider para apulahi ng apoy.
15:23Batay sa investigasyon ng Bureau of Fire Protection,
15:26nasira ang motorsiklo matapos umapaw ang gasolina nito sa tangke.
15:30Pusibling nagkaroon daw ng kontak ang umapaw ng gasolina sa mga wiring kaya nagkaapoy.
15:35Tuluyang napulang apoy ng mapadaan doon ang isang truck ng bombero.
15:39Wala namang naiulat na nasaktan o nadamay sa insidente.
15:43Balikulungan ng isang lalaking senior citizen sa Quezon City matapos manggahasa umano ng menor de edad niyang kapitbahay.
15:54Ayon sa pulisya, dahil din sa pangahalay umano kaya nakulong din dati ang suspect.
16:00Balitang hatid ni James Agustin.
16:01Himas Rejas ang 65 taong gulang na lalaki matapos si reklamo ng pangahalay umano sa kanyang kapitbahay sa Project 4 Quezon City.
16:12Sa investigasyon ng pulisya, 17 taong gulang ang babaeng biktima na may problema sa kalusugan.
16:18Habang ang ating biktima ay nakaupo sa isang motorcycle and then kinawawayan siya ng ating suspect,
16:27nung hindi siya pinansin ng ating biktima, lumapit yung ating suspect sa kanina at hinawakan siya sa kamay,
16:38tinala doon sa gilid na kung saan na mayroong madilim na porsyon.
16:43At doon na nga po niya nagawa yung hindi mga kanais-nais doon sa ating biktima.
16:50Nakapagsumbong daw ang biktima sa kanyang tatay kaya na isang pangreklamong rig.
16:54Agad din na-aresto ang senior citizen na suspect.
16:56Ayon sa pulisya, 2023 nang unang ma-aresto ang suspect dahil din sa pangahali umano sa biktima pero nakapagpiansa siya noon.
17:04The same din, yung ginawa niya ngayon, bumibili yung bata ng mga bandang 3.40pm ng hapon ng November 1
17:14at doon siguro natukso siya at ginawa niya rin yung kahalayan na yun sa bata.
17:21Itinanggi naman ang suspect ang mga aligasyon laban sa kanya.
17:24Ang masasabi ko lang po, walang po ang kinagawa rin sa bata ngayon.
17:29Bakit kuho kaya kayo yung inireklamo?
17:33Yun lang po, hindi ko alam.
17:35James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:39Ito ang GMA Regional TV News.
17:47Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
17:52Patay sa saksak ang isang babae sa Paranas, Samar.
17:55Cecil Sining, suspect sa krimen.
17:57Rafi, mismong ang mister ng biktima ang pinaniniwalaang nanaksak sa kanya sa kanilang bahay sa barangay Tinani.
18:08Wala ng buhay ng maabutan ang biktima sa labas ng kanilang bahay.
18:12Dead on arrival naman sa ospital ang mister na natagpo ang duguan sa loob ng bahay.
18:17Ayon sa anak na nakakita sa sinapit ng mag-asawa, nakausapan niya ang ama bago masawi at inamin ang pananaksak.
18:25Base sa investigasyon, nagtalo ang mag-asawa dahil umano sa plano ng babaeng magtrabaho sa Maynila.
18:31Nakita pa rao ng kanilang pamangkin ang pananakit ng sospek sa biktima.
18:36Dagdag pa ng kaanak, pusibling selos ang motibo sa krimen matapos sa manong makipag-inuman ang biktima kasama ang ibang lalaki noong piyesta ng barangay.
18:45Na ulila ng mag-asawa ang walong nilang anak.
18:50Sa pool sa CCTV ang pagnanakaw sa compound ng isang simbahan sa Valladolid, Negros Occidental.
18:58Sa video, kitang naglalakad ang isang lalaki sa labas bago pumasok sa isang gusali sa compound ng Our Lady of Guadalupe Parish.
19:06Nagmasid-masid siya sa loob.
19:08Paglabas ng lalaki, may bit-bit na siyang bluetooth speaker.
19:12Na hulikam din ang pagtakas ng kawatan sakay ng motorsiklo na walang plaka.
19:18Nananawagan ang pamunuan ng simbahan na i-report sa mga otoridad kung sino man ang nakakakilala sa salarim.
19:25Ginagamit daw ang speaker para sa mga misa sa simbahan.
19:29Ayon sa pulisya, pusibling dayo lang sa lugar ang magnanakaw.
19:33Mga kapuso, holiday po ngayon para sa pagdiriwang ng mga muslim sa Idil Adha o Feast of Sacrifice.
19:42Silipin ang mga naging pagtitipon para dyan sa mainit na balita hatid ni Jomar Apresto.
19:46Ganito karaming muslim ang lumagsak kaninang umaga sa Grino Grandstand sa Maynila.
19:55Para yan sa pagunitan ng Idil Adha o Feast of Sacrifice.
19:59Madilim pa kanina, marami na ang nagtungo at nagdasal bilang bahagi ng kanilang five daily obligatory prayer.
20:05Mag-aala sa is naman ang umaga na magsimulang dumami ang mga tao.
20:08Pagpasok pa lamang, mayroon ng mga namimigay ng libreng tubig at dates na sumisimbolo bilang biyaya para sa Islam.
20:15Mayroon ding namimigay ng kopya ng panalangin o dasal para sa Idil Adha.
20:18Alas 6.30 ng umaga, nagsimula ang pagdarasal nila na tumagal ng hanggang sampung minuto.
20:24Sinundan niya ng kutba o sermon mula sa imam na tumagal naman ng isang oras.
20:28Base sa pagdaya ng organizer, aabot sa mahigit 40,000 ang mga nagtungo kanina.
20:33Ang darating dito, more or less 40,000 kasi punong-puno na ito.
20:40Yung last Idil Peter, punong-puno na po ito.
20:43Isa sa mga highlight na aktividad ngayon ang tinatawag na kurbani o yung pagkatay ng baka
20:48na pagsasaluhan naman ng pamilya o ng komunidad pagkatapos ng sermon.
20:52Napakalaking blessing sa Allah, sa Panginoon, kung sino man ang kumatay ng baka
21:02dahil bawat balahibol, balahibol? Yung baka, sorry po, ay ikukubir ka ng,
21:12iprotect ka ng Allah sa apoy ng imperno.
21:17Baga namang nagdiwang na Idil Adha ang ilang muslim sa Malolos, Bulacan kahapon.
21:21Sama-sama silang nagdasal sa Malolos Royal Grand Dome Mosque at nag-alay na mga hayop.
21:26Ang Idil Adha ay isa sa dalawang pinakamataas na pagdiriwang o pista ng pananampalatayang Islam.
21:32Ginugunita rito ang pagpayag ni Propeta Ibrahim o Abraham na ialay ang kanyang anak
21:37bilang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos o si Allah.
21:40Ang malakanyang, idineklarang regular holiday ang June 6 para sa Idil Adha
21:44sa pamamagitan ng Proclamation No. 911 batay sa rekomendasyon
21:48ng National Commission on Muslim Filipinos.
21:51Jomer Apresto nagbapalita para sa GMA Integrated News.
21:55Sa pagulita sa Feast of Sacrifice o Idil Adha ngayong pong araw,
22:01nagpaabot ng mensahe si na Pangulong Bongo Marcos at Vice President Sara Duterte.
22:06Sa kanyang mensahe, binigyang halaga ni Pangulong Marcos
22:09ang katotohanan bilang puwersa na kayang humubog ng kabutihan sa kapwa.
22:14Inanyayahan niya rin ang ating mga kababayan na magnilay-nilay kung ano pa ang pupwedeng iambag
22:20para mapalakas ang ating bayan.
22:22Para naman kay Vice President Duterte, naway maging paalala ang araw na ito para bigyang
22:27kahulugaan ang sakripisyo, pananampalataya at kabutihang loob na mahalaga sa ating
22:32pang-araw-araw.
22:33Maging paalala rin daw sana ang araw na ito tungkol sa pagbibigayan at malasakit sa kapwa.
22:40May mensahe rin si Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao Chief Minister Abdul Ra
22:46of Makakuha ngayon po nga Idil Adha bilang isang rehyon na hinubog ng pagsubok at katatagan,
22:54namulat daw ang BARMM sa kahulugan ng sakripisyo.
22:58Malayo na rin daw ang kanilang narating dahil sa pagkakaisang naka-angkla sa pananampalataya.
23:11For the first time, nag-share ng family photos si kapuso actor Tom Rodriguez.
23:17Sa IG photos ni Tom, hindi niya in-reveal ang muka ng kanyang mag-ina na nakatalikod lang sa mga litrato.
23:25Paliwalag ni Tom sa caption,
23:27Some treasures in life are too sacred to put on full display.
23:31Itinuturing niya raw na sanctuary at peace ang kanyang pamilya.
23:35Unang in-reveal ni Tom ang kanyang anak na si Corbin last year.
23:38Nag-post din siya ng video ng anak nito lang March with matching poem na tungkol sa love at first sight.
23:44Ito na ang mabibilis na balita sa bansa.
23:51Mahigit isang bilyong pisong halaga ng umanay siyabu ang narecover ng mga manging isda sa dagat malapit sa Pangasinan.
23:58Ayon sa mga otoridad, unang iniulat sa kanila ng isang manging isda
24:01na may natagpo ang dalawang sakong palutang lutang ilang milyang layo sa bayan ng Agno.
24:07Kasunod niyan, apat pang sako ang natagpo ang din ng mga manging isda sa Bolinaw, Bani at Agno.
24:13Itinunover sa mga otoridad ang mga sako na naglalaman ng mga pakete ng hinihinalang siyabu.
24:19Paiigtingin pa ng Philippine Coast Guard ang pagsasagawa ng maritime patrols
24:22at pakikipagugnayan sa mga otoridad para matukoy ang pinagmulan ng mga iligal na droga.
24:28Patay sa pamamarilang kapitan ng isang barangay sa Pilig, Camarinesur.
24:35Sa imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang tindahan sa barangay San Juan
24:38nang bigla siyang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin.
24:43Mabilis na tumakas ang mga salarin.
24:45Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa motibo sa krimen at paghahanap sa mga salarin.
24:51Pinaalerto po ang ilan nating kapuso mula sa malalakas na ulan ngayong pong weekend.
25:01Ay sa pag-asa, posible ang heavy rain sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Palawan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental at Zamboanga del Norte bukas hanggang sa linggo.
25:21Sa mga susunod na oras, asahan din po ang malalakas na ulan sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Palawan at Antique.
25:31Ay sa pag-asa, ulang dulot ng habagat at ng low-pressure area ang magdadala ng masamang panahon sa mga nasabing lugar ngayong pong weekend.
25:40Dapat maging alerto mula sa banta ng baha o ng landslide.
25:43Update po tayo sa binabantayang low-pressure area sa loob ng PAR na posibli raw maging isang bagyo.
25:52Kausapin na po natin si pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
25:56Magandang umaga at welcome muli sa Malitang Hali.
25:59Magandang umaga, Connie, at sa lahat po na ating mga tagasubaybay.
26:02Ano po ang lokasyon ng LPA sa loob ng ating Philippine Area of Responsibility ngayon?
26:06Sa ngayon, Connie, binabantayan nating low-pressure ay tinatayang nasa lahing 425 kilometers ang layo.
26:14Sila nga ng Barongan, Eastern Samar.
26:16At bagamat medium ang chance nito maging bagyo in the next 3 to 5 days,
26:21ay patuloy itong inaasaan natin ng mga kapektorin sa ilang bahagi nga na ating bansa.
26:25Particular na sa ilang lalawigan dito sa Southern Luzon at Eastern Visayas area.
26:30Okay. Ano ang chance na maging bagyo yung sinasabi nyo nga binabantayan na LPA?
26:35Okay. Sabi nyo, medium ang, what does it mean?
26:39Kapag sinabi gano'n, hindi gaanong malaki ang chance?
26:43Connie, pag sinabi po natin na medium ang chance na maging bagyo sa LPA,
26:47ibig sabihin, inaasaan natin na possibly itong maging bagyo in the next 3 to 5 days or within the week,
26:53but not necessarily within the 24-hour period.
26:55Kaya subject for monitoring pa rin natin ito.
26:57Dahil ang nakikita nating senaryo, once na maging bagyo ito,
27:00ay patuloy itong magpapaybayin ng habagat,
27:02na siya naman posibleng magdulot ng mga pagulan nga sa mga lalawigan sa kandurang bahagi naman ng ating bansa.
27:08Opo. At papalakasin ba nito yung habagat?
27:12Tama po. Ang nakikita nating senaryo,
27:14kung maging bagyo ito ay halos parang magiging bagyong karinang pagkilos nito,
27:20may chance na hindi maglandfall sa ating bansa.
27:22Subalit, yun nga, pag-ibayin yung habagat,
27:24na siya ang posibleng magdulot ng mga pagulan sa mga ilang lugar sa kandurang bahagi ng Luzon at ng Visayas,
27:29including Metro Manila na yan, Connie.
27:32I see. At dahil dyan,
27:34aasahan po natin na magiging maulan ang ating long weekend.
27:37Maging dito sa Metro Manila at karating na mga lugar, sir?
27:42Tama po. Asahan natin sa Metro Manila,
27:44in the next 3 to 4 days ay posibleng maging maulap.
27:47May mga pagulan at mga ilang kulupulong pagkipidat at pagkulog.
27:50So, kailangan planuhin natin yung ating mga outdoor activity ngayong long weekend.
27:54At kung as much as possible, iwasan din natin yung outdoor activity in between the afternoon or evening
28:01na kung saan, mas malaki ang chance na magkaroon tayo ng mga thunderstorm activity.
28:05Haba-haba rin yun, 4 or 5 days.
28:08Pero may tuturing bang normal pa rin yung mga pagulang dalahon ng hanging habagat sa ilang panig naman sa Mindanao?
28:16Kung tinignan natin yung normal na ulan sa ilang bahagi ng Mindanao,
28:20during the first 5 days ng buwan ng June at tinignan din natin yung observed rainfall,
28:26may mga ilang lugar po na nakita natin na nalagpasan na yung normal na 5-day rainfall
28:31gaya ng lalawigan ng Bukidnon at saka yung ilang isla dito sa may bandang Sambuanga Peninsula.
28:36Kaya sa mga kababayan po natin, lalong lalang in the next 3 to 5 days,
28:40sinasaan natin may mga pagulan,
28:41ay dapat patuloy din po mag-monitor ng mga localized thunderstorm at rainfall advisory
28:46na ipapalabas ng ating Pag-asa Regional Services Division dyan sa Mindanao.
28:50Maraming salamat, Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
29:01Proudly made by Pinoy na organic pa ang mga produktong itinampok sa kapuso ng Kalikasan Fair.
29:08Idinaos yan sa GMA Network Compound kasabay ng World Environment Day
29:14at kick-off celebration ng 75th anniversary ng Kapuso Network.
29:18Ibinida sa mga but ang sari-saring produkto
29:21gaya ng mga fresh na prutas at bulay, Pinoy delicacies, organic na sabon at cosmetics
29:27at marami pang iba.
29:29Present din ang mga but ng Floors Garden at Carolina Bamboo Garden.
29:33I think bamboo is very important because it's very sustainable
29:39and it has a lot of uses in their daily lives.
29:43Especially now that it's World Environment Day,
29:45I think I want to encourage people to plant more bamboos
29:48because it has a lot of benefits.
29:52Bukod sa GMA employees,
29:54nakishopping din ang Kapuso Stars
29:56na sina Kuya Kim Atienza,
29:58Harleen Budol at Faith De Silva,
29:59pati ang former PBB housemates na sina Vince Maristela at Cyril Manabat.
30:05Naging successful ang event sa tulong ng ilang government offices
30:08at merchant partners
30:10sa pangunguna ng GMA Network Corporate Affairs and Communications Department.
30:14We thought of putting together our partners from the public and private sector
30:23to help the network spread sustainability
30:27and our efforts towards caring for the environment
30:32being one of the pillar advocacies of the network.
30:36Hashtag freshness at hindi nakakahagard
30:42ang next na destination ng ating favorite biyahero
30:45at may makakasama pang special guest sa adventure.
30:50Narito ang patikim ng biyahe ni Drew.
30:53Pwede mong ipaluti yung shrimp.
31:19You have an array of choices.
31:22Shrimp free.
31:23Shrimp free.
31:24Shrimp free.
31:25Shrimp.
31:26Oh, wait na.
31:27Mag-shellify muna ako sa aking iPhone.
31:29Wow!
31:33Doon tayo sa may pagpipilihan.
31:35Matamis o maasim.
31:37Ito ang dos na sa buwan mo yun.
31:38Ah, ito yung matamis.
31:43Tagatman.
31:45O hilog.
31:46They got it.
31:47Totang naman to.
31:48Hindi ito lulubok.
31:49Promise uncle ha?
31:50Paano kumakuryente ako?
31:51Walang kuryente to.
31:52Walang kuryente.
31:53Promise?
31:54Kakain din ako makapalit ng puppies ha?
31:55Let's go!
31:56Bakapunta!
31:57Oh, baby!
31:58Bye!
31:59Happy birthday!
32:00Happy birthday!
32:01Tuklasin ang kakaibang freshness na hatid ng Bayan ng Palawi.
32:03Parke.
32:04Sa probinsya ng Zambales.
32:05Wow!
32:07Boy!
32:08Dumb!
32:12Not bad!
32:14Matapunta!
32:15Tuklasin ang kakaibang freshness na hatid ng Bayan ng Palawi!
32:20Parke?
32:25Sa probinsya ng Zambales.
32:27Zambales.
32:36Pinagtulong ang bugbugin ng tatlong tricycle driver ang kapwa nila driver sa Lapu-Lapu, Cebu.
32:41Ayon sa uploado ng video, narehentahan nila ang tricycle sa halagang 120 pesos para magpahatiit sa barangay Bangkal.
32:48Pinayagan dinong nilang kumuha ng iba pang pasahero sa daan ng driver.
32:52Nang pumara at sumakay ang isang babaeng pasahero sa may barangay Basak,
32:55hinarang sila ng grupo ng mga tricycle driver.
32:59Nagkusa naman daw ang driver na pababain ang bagong sakay na pasahero at pinakiusapang lumipat sa tricycle ng ibang driver.
33:06Pero ayaw raw bumaba ng mga pasahero.
33:09Natigil ang gulo ng umawat sa kanila ang iba pang tricycle driver.
33:13Nagkasundo na rin ang apat na tricycle driver na sangkot sa insidente matapos silang ipatawag sa barangay hall.
33:19Nangako ang tatlong tricycle driver na sasagutin ng gasto sa pagpapagamot ng kanilang binugbog.
33:25Pusibling magkaroon ng taas singil sa kuryente ang Meralco ngayong pung buwan.
33:35Sabi ng Meralco, sa ngayon wala pang final na numero kung magkano ang pusibling dagdag singil.
33:40Hinihintay pa kasi ng Meralco ang final billing mula sa mga power supplier at transmission operator.
33:46Inaasahang ilalabas ang final rate sa susunod na linggo.
33:49Mayroon naman daw pagbaba sa generation charge batay sa datos mula sa spot market operator.
33:55Nag-radio challenge ang Pilipinas sa isang warship ng China na namataan malapit sa kalayaan sa Palawan.
34:05May ulat on the spot si Chino Gaston.
34:08Chino!
34:08Sa pangatlong araw ng Embedded Maritime Patrol ng ASP sa Kalayaan Island Group, magpakitang sa Chiang Kai-class frigate ng China na may baong number 525.
34:32Sa samang dalawang Chinese Maritime Fishing Vessel, mag-alas 8 kaninang umaga.
34:37Na-detect ng BRP Andres Bonifacio ang Chinese warship habang dumaraan nito ng may panata o sa may panata island.
34:44Lumapit ang Chinese warship at agad itong ni-radio challenge ng BRP Andres Bonifacio.
34:48Hindi raw agad sumagot ang Chinese vessel pero matapos ang ilang ulit na challenge, sumagot na rin ito.
34:54Lumapit daw ng hanggang 4.6 nautical miles ang barko ng China pero wala naman itong ibang ginawa kundi mag-counter radio challenge.
35:01Sa lukuyang namamataan pa natin itong Chinese warship na nakabuntot sa sinasakyan nating barko habang patulak tayo pabalik ng pag-asa island.
35:10Naglayag na ang BRP Teresa Magbanwa patungong Japan.
35:14Idinaos kanina ng siliting Coast Guard ang send-off ceremony sa Pier 13 sa Port Area, Manila.
35:19Sasali ang BRP Teresa Magbanwa sa ikalawang trilateral maritime exercise kasama ang U.S. Coast Guard at Japan Coast Guard na gagawin sa dagat sakop ng Kagoshima, Japan.
35:29Layunin ng mga nasabing maritime exercise ang paigtingin pa ang collaboration at cooperation ng mga Coast Guard ng Amerika, Japan at ng Pilipinas.
35:39June 2023 ng unang idaos ang trilateral maritime exercise sa Bataan.
35:43Sari-saring traditional Filipino handicraft ang ibinida sa isang exhibit sa Intramuros, Maynila.
35:52Ang mga handicraft sa Lika 4 exhibit gawa ng mga Pinoy artisan mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
35:59Mayroong makulay na banig na mula tawi-tawi, pati pottery mula sa gada.
36:04Mayroon din mga damit, basket at wood carvings.
36:07Pinangunahan ni First Lady Lisa Aroneta Marcos at ilang opisyal ng gabinete ang exhibit.
36:13Present din ang ilang sparkle stars na bilib sa ganda ng gawang Pinoy.
36:17Sabi ng organizer ng Lika 4,
36:20ibinibida nila ang pagtuturo at paggawa ng traditional Filipino handicraft,
36:24bilang paraan ng pagpapamana ng mayamang kultura ng Pilipinas sa mga susunod na henerasyon.
36:29Libre po ang entrance sa Lika 4 exhibit na buka sa publiko simula ngayong araw hanggang sa linggo, June 8.
36:38Ito ang GMA Regional TV News.
36:46Halos limampung bahay ang nasunog sa isang residential area sa Glan, Sarangani.
36:51Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
36:58Hindi bababa sa walong fire truck ang rumisponde.
37:00Agad lumikas at nagsalba ng ilang gamit ang mga residente.
37:04Electrical short circuit ang tiniting ng sanhi ng BFP.
37:08Mahigit 375,000 pesos ang tinatayang halaga ng pinsala.
37:13Walang napaulat na nasaktan sa sunog.
37:18Malaking problema ngayon ng ilang magsasaka ang pamimeste ng mga kuhol sa mga palayan sa Mangaldan dito sa Pangasinan.
37:26Sinira kasi ng kuhol ang kanilang mga punlang itinanim noong huling linggo ng Mayo.
37:31Itinaon pa naman daw ito ng mga magsasaka, dalawang linggo bago patubigan ng National Irrigation Administration ang mga kanal sa lugar.
37:40Naglabasan at dumami raw ang mga kuhol kasunod ng tuloy-tuloy na pagulan.
37:45Batid na raw ito ng Mangaldan Municipal Agriculture Office at pag-aaralan ng sitwasyon.
37:49Mga kapuso, maging mapanuri at mag-ingat sa mga video ng mga personalidad o artista na nag-iendorso ng mga produkto online dahil baka peke yan at ginamitan ng deepfake.
38:06Alamin ng payo ng isang eksperto kung paano hindi maloko ng mga content na yan sa aking report.
38:11Ang video ito peke at gawalan ng Artificial Intelligence o AI sa pamamagitan ng deepfake.
38:21Babala mismo ni kapuso comedy genius Michael V. hindi niya iniendorso ang produktong binabanggit sa advertisement.
38:26Siyempre, na-alarm ka agad ako. Tsaka alam ko kasi maraming mga netizens, maraming mga mahilig sa social media na baka maapektuhan, in a negative way, baka maniwala.
38:38Kaya agad gumawa ng vlog ang comedy genius para pasinwalingan ang kumakalat na video.
38:43Inireport na rin daw niya ang nagpost at blinak ito sa kanyang mga social media pages.
38:46Titignan natin kung ano ang gagawin niya.
38:48Kasi pagka-persistent siya, pagka gumawa pa siya ng aksyon at inulit niya, mukhang gagawa na namin ng legal aksyon.
38:57Sa deepfake, pinag-aaralan ng AI ang itsura at tono ng pagsasalitan ng isang tao para maghaya ito ng tila totoo.
39:05Ayon sa isang technologist, mas nagiging mahirap na nga daw malaman ang deepfake sa totoong video.
39:10Kaya ang mga social media users dapat laging tamang duda.
39:13Pinakamainam pa rin daw na pag-aralan ang mensahe ng video.
39:16Tugma ba ito sa personalidad ng nagsasalita?
39:19At kung personalidad ang nasa video, makikita ba sa ibang platforms tulad ng television at radyo ang kaparehong endorsement?
39:26Wala, nanonood ka lang, nagbabrowse ka, tas tinitignan mo.
39:30Kung hindi mo naman ine-expect na deepfake siya, hindi mo agad susurihin yung isang video.
39:35Kaya mahirap malaman kung siya ba talaga ay deepfake video or hindi.
39:40At ngayon, kung tingnan mo, ay parang may kakaiba.
39:44Fake din ang mga video ito na ginamit sina 24 Horas Anchors, Mel Kiyanko at Vicky Morales para magmukhang nag-i-endorso ng mga investment kasama ang ilang malalaking pangalan sa pagnenegosyo.
39:56Ang kapuso anchor at reporter na si Maris Umali, ginawan din ng deepfake at pinagmukhang maibinabalita tungkol sa isang produkto.
40:03Ang doktor na ginamit sa deepfake video, nagsampanan ng reklamo sa NBI laban sa mga nagpapakalat nito sa social media.
40:11Yung mga pasyente ko mismo, naapektuhan din dahil ang feeling nila, yung credibility ko ay puro nagbebenta lang ako ng kung ano-ano.
40:19So naapektuhan yung reputation ko sa doktor.
40:22Natatakot ako na baka pag may nangyari sa nila, eh akong mabuntungan nila.
40:27Ang Department of Information and Technology may ginagawa na raw para labanan ng pagkalat ng deepfake.
40:33Dahil sa mga peking endorsement, marami na raw kasing nagre-reklamo sa kanila na napaniwala at naloko ng mga peking endorsement.
40:41Bukod sa mga telco, tuloy-tuloy daw ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga social media platforms para agad mablock ang mga peking endorsement na ito.
40:48Ang tawag po doon sa mekanismo na yun, geoblocking, geolocking.
40:54Yung same mekanisim po ng technology na yan, yun yung sinasabi ko sa mga streaming platform at sa mga social media platform.
41:03Alam nyo, kaya nyo namang i-prevent yam proactively, eh.
41:06Sa bilis ng pag-usad ng teknolohiya, hindi nga raw malayong dumating ang panahon na mga eksperto na lang ang makapagsasabi kung peke o hindi ang isang video o litrato.
41:15Kaya malagang suriin at pag-aralan ang mensaheng nakapaloob dito.
41:18Huwag agad maniwala at ugaling i-double-check kung totoo o hindi ang inyong nakikita sa social media.
41:25Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
41:35Nariniwala po ang ilang HIV support group na isa sa mga dahilan ng pagtaas ng mga bagong kaso ng HIV ay ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapatest.
41:44Sa press con ng Love Yourself, sinabi nilang nag-aalala sila sa cutback ng USAID at Global Fund na maaaring makaapekto sa pagtulong sa mga kaso ng HIV.
41:56Maaaring daw kasing umabot sa 50% ang cut pagdating ng 2027.
42:01Kaya hinihimok nila ang gobyerno na gumawa ng aksyon ukol sa pagtaas ng kaso at huwag umasa sa foreign funding.
42:08Samantala, magde-deploy ng mga tauhan ang PNP Highway Patrol Group sa mga lugar na hindi umiiral ang no-contact apprehension policy.
42:18Ayon sa PNP-HPG, magtatalaga sila ng mga tao sa hindi sakop ng jurisdiction ng MMDA tulad po sa probinsya at iba pang lungsod.
42:27Bahagi rin daw ito ng mas pinaigting na police visibility at layo nitong mapabilis ang daloy ng mga sasakyan.
42:33Samantala, sa Metro Manila, humigit kumulang sandaan daw ang kanilang nakadeploy na tauhan.
42:39Tututukan daw nila ang pagsita sa mga motorista, particular yung mga nagtatakip ng plaka.
42:53Sabi nga nila, a good day starts with a good breakfast.
42:57Ganyan po ang naranasan ng isang bumisita sa Ifugao.
43:00Pero ang panalong experience, hindi lang daw dahil sa inalmusal.
43:06The view is viewing.
43:09Simpleng silog man ang nakahain, mapapasarap pa rin ang kain.
43:14Paano ba naman?
43:15Overlooking sa bawat subo ang majestic Banawi Rice Terraces.
43:19Busog na busog ang dyan, busog pa ang mata.
43:24Step by step, sumaccess daw talaga ang traveler na si Pia Garcia.
43:28Pangarap niya kasing makita in person ang sikat na hagdang-hagdang palayan.
43:34Ang perfect breakfast view, mahigit sa daang libo na ang views sa TikTok.
43:40Trending!
43:41Ganda, diba?
43:43Happy weekend!
43:44Nawaygan niya ng maging view natin.
43:46At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking mission.
43:49Ako po si Connie Siso.
43:50Rafi Tima po.
43:51Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampel.
43:53Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
43:55Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
43:59Naway Doha, bla?
44:04Baigitan!
44:05Baigitan!
44:07P 말�
Recommended
46:16
|
Up next
47:28
42:12
40:20
47:19
44:32
45:19