Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/29/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, May 29, 2025

-18-wheeler, tumagilid at nang-araro ng 5 sasakyan; 3, patay habang 7 ang sugatan/Truck driver, sinabing humina ang preno ng 18-wheeler kaya siya nawalan ng kontrol

-Dating Rep. Arnie Teves, ipade-deport ng gobyerno ng Timor-Leste

-Sun halo, nasilayan sa Tagbilaran

-Senior Citizens Partylist Rep. Ordanes: Dapat i-exempt ang mga senior citizen sa Odd-Even Scheme sa EDSA

-Truck na nawalan umano ng preno, tumagilid at natapon ang kargang mga bato; 2, sugatan

-2, patay nang gumuho ang ginagawang water refilling station; 3, sugatan/Pasay City Police: Walang building permit ang water refilling station; ilegal ang ginagawang renovation

-Lalaki, arestado matapos mangholdap sa isang convenience store; suspek, aminado sa krimen

-Ilocos Region, nakapagtala na ng mahigit 1,000 suspected cases ng Hand, Foot, and Mouth Disease

-12, sugatan matapos bumigay ang entablado sa gitna ng school celebration

-Maleta ng OFW, nawala matapos tangayin umano ng isang banyaga/Banyagang kumuha umano ng maleta ng OFW, hindi nakitaan ng passport, ID o anumang ilegal na gamit

-Iloilo City Health Office: Isang kaso ng MPox, naitala sa lungsod/Isa pang kumpirmadong MPox case, kinumpirma ng Iloilo Provincial Health Office

-Ilang programa at pelikula ng GMA Network, wagi sa 2025 New York Festivals TV & Film Awards

- 3, sugatan matapos araruhin ng fuel tanker ang 4 na sasakyan sa Brgy. Busay

-Int'l Observer Mission: 545 electoral violations ang naitala sa eleksyon; bagsak sa int'l standards ng pagiging patas at malaya/COMELEC, kinontra ang voter disenfranchisement na obserbasyon ng Int'l Observer Mission; sang-ayon na may nangyaring vote-buying

-Motorcycle rider, patay matapos bumangga sa cement mixer/Negosyante, patay matapos barilin habang sakay ng kanyang motorsiklo

-Mahigit P2M halaga ng umano'y shabu, nasabat sa isang drug suspect/Drug suspect, sa korte na lang daw magpapaliwanag

-Ilang mambabatas, magkaiba ang opinyon kung puwede bang ituloy sa 20th Congress ang impeachment trial ni VP Sara Duterte

-Pagbasa ng Articles of Impeachment ni VP Sara Duterte, sa June 2 na/Senado, pinaghahandaan na ang impeachment trial ni VP Sara Duterte

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Let's get started.
00:30Trahedya sa kalsada, tatlo po ang nasawi matapos tumagilid ng isang truck at mang-araro ng limang sasakyan sa Batasan San Mateo Road sa Quezon City.
00:40Paliwanag ng driver, pumina ang preno ng minamaneho niyang 18-wheeler.
00:45Balitang hatid ni James Agustin.
00:49Kuha ang dashcam video na ito sa Batasan San Mateo Road sa Quezon City pasado las 11.30 kagabi.
00:55Sa palusong na bahagi ng kalsada, may kita ang pagsulpot ng isang truck na mabilis at takbo.
01:01Bigla na lang tumagilid ang container van nito at tumilapon.
01:08Nabasag ang windshield ng 18-wheeler. Limang sasakyan ang inararo nito. Isang kotse, isang AUV at tatlong motorsiklo.
01:16Natumbarin ang pose ng ilaw sa center island at bumagsak ang bubong ng isang waiting shed.
01:21Sa lakas po ng pagkakabanggay, kumalas itong container van na ito mula dun sa truck at nagdire-diretsyo yung tractor head.
01:28Dito sa waiting shed, binanggang ilang pang mga sasakyan hanggang sa huminto na yung truck sa bahaging iyon ng kalsada.
01:37Dead on the spot ang 38-anyo sa lalaki na naghihintay ng masasakyan sa waiting shed.
01:41Ang isa pang nasawi sa dikalayuan ay hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.
01:45Isinugod naman sa ospital ang 49-anyo sa lalaki na kaangkas sa motorsiklo pero idiniklar ang dedo na rival.
02:04Ayon sa pamangkinang biktima, nagkausap pa raw sila kahapon ng kanyang tito at nagsabi pa ito na pupunta sa San Mateo Rizal.
02:11Sakit para sa akin mawala ng TUN kasi parehas lang naman kami na bumubuhay sa lolo ko, sa pamangking namin.
02:21Pero yun nga, sana panagutan na lang ng driver at si yung company ng driver yung nangyari sa tito ko.
02:28Pito ang naitalang nasugatan sa aksidente, kabilang na ang 37-anyo sa motorcycle taxi rider na nagtamo ng mga sugat sa tuhod kamay at muka.
02:36May mga sugatan din sa mga sakay ng kotse na yuping-yupi ang likurang bahagi.
02:59Sobrang bilis, hindi ko na napansin sa salamin ko eh.
03:02Hindi ko alam kung ano yung nakatumbok sa amin, kung yung mismong ulo ng truck o yung container van.
03:07Nasa kusodiyan na ng QCPD Traffic Sector 5 ang 38-anyo sa truck driver.
03:12Initial investigation po natin, itong truck po na ito, nawalan daw siya ng control.
03:17Tapos tumama siya sa isang kotse, tumama sa poste.
03:22Yung karga niya na container ay nahulog, then napunta po siya sa kabilang side ng kalsada.
03:29Ayon sa truck driver, galing silang Maynila at magde-deliver sa Marikina.
03:34Bigla na lang daw niyang naramdaman na nagkakaproblema ng freno ng truck.
03:37Palusungo kami, sir, sa stoplight, palusungo.
03:41Eh, bigla akong humilang yung freno.
03:43Eh, hanggang sa wala na, hindi ko na akong makontrol, direk-diretso na ako.
03:46Kaya, no choice ako, kaya yung manibela, kusasanao lumigo.
03:52Eh, pasyensya na, hindi ko talaga gusto naman mangyari yung ganon.
03:56Dahil aksidente nga ako talaga.
03:58Maharap ang truck driver sa reklamang reckless imprudence resulting in multiple homicide,
04:02multiple physical injuries, and damage to properties.
04:06James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
04:11Ipade-deport ng Timor Leste si dating Congressman Arnolfo Tevez Jr.
04:15na inaresto roon itong Martes.
04:18Ayon sa tagapagsalita ng gobyerno ng Timor Leste,
04:20seryoso at hindi katanggap-tanggap ang presensya sa kanilang teritoryo ni Tevez
04:25na itinuturong utak sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Ruel de Gamo noong March 2023.
04:31Matagal niya na itong itinanggi.
04:33Sa visa po ng administrative decision ng Ministry of the Interior ng Timor Leste,
04:38dapat ma-deport si Tevez dahil naroon siya kahit walang valid visa o legal authorization.
04:43Kanselado na rin ng gobyerno ng Pilipinas ang hawak niyang pasaporte.
04:49Malugod na tinatanggap ng ating Justice Department ang pasyangya ng gobyerno ng Timor Leste.
04:54Anila, handa silang makipag-ugnayan sa kanilang counterparts doon.
04:58Nakahanda na rin ang joint team ng DOJ, Bureau of Immigration at NBI
05:03para maiuwi ng ligtas sa Pilipinas ang dating kongresista.
05:06Ang kampo naman ni Tevez sinabing inaprubahan na umano ng Korte sa Timor Leste
05:11ang kanilang petisyon for habeas corpus.
05:14Winikristyon sa naturang petisyon kung may legal bang basihan
05:18ang Timori sa immigration para arestuhin si Tevez.
05:23Nauna nang sinabi ng DOJ na official communication mula sa gobyerno ng Timor Leste
05:29ang pagbabasihan para sa susurdi ng desisyon at hakbang.
05:32Wala na pong epekto sa bansa ang binabantayang low pressure area
05:42na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
05:45Patuloy kasing lumalayo ang LPA ayon sa pag-asa.
05:48Sa ngayon, mga local thunderstorm ang aasahan sa malaking bahagi ng bansa
05:52habang unti-unti nang umiiral ang southwesterly wind flow
05:57sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon.
05:59Kapag nagpatuloy at lumakas, tatawagin na iyang habagat.
06:03Sa mga susunod na oras, magpapaulan ang southwesterly wind flow sa Ilocos Region,
06:09Bataan, Babuyan Islands, Bataan, Zambales at Palawan.
06:14Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, halos buong bansa ay uulinin kasama na ang Metro Manila.
06:20Posible ang heavy to intense rain sa ilang lugar na maaari magdulot ng baha o landslide.
06:25Sa kabila po niyan, e posible pa rin ang matinding init at alinsangan sa ilang panig ng bansa.
06:31Nasa danger level na 44 degrees Celsius,
06:34ang posibling heat index ngayong araw sa Masbates City,
06:3843 degrees Celsius sa Apari at Puguegaraw sa Cagayan,
06:42et Shague, Isabela, Kamiling, Tarlac at sa Butuan, Agusan del Norte.
06:47Posibling umabot naman sa 42 degrees Celsius sa ilan pang bayan at syudad sa bansa.
06:52Nasa extreme caution level naman ang tindi ng heat index dito sa Metro Manila.
06:5839 degrees Celsius sa Pasay, habang 37 degrees Celsius ang posibling heat index dito sa Quezon City.
07:05Ikinamangha naman ng ilan natin kapuso ang paglitaw ng sun halo sa Tagbilaran, Buhol,
07:12bago magtanghali kahapon.
07:14Isa itong tila singsing na nakapalibot sa araw.
07:17Tumagal po ang sun halo ng halos 15 minuto.
07:20Nagkakaroon po ng sun halo kapag tumatama ang sikat ng araw sa cirrus clouds.
07:26Matataas at maninipis na ulap na gawa sa ice crystals sa halip na water vapor.
07:32Nagre-reflect sa cirrus ang sikat ng araw, hindi gaya sa ibang ulap.
07:37Isinusulong naman ng isang mambabatas na i-exempt ang mga senior citizen sa ipatutupad na odd-even scheme sa EDSA.
07:47Sa sulat na ipinadala ni Senior Citizen Party List Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa Department of Transportation at MMDA,
07:56sinabi niyang makakaapekto raw ang odd-even scheme sa kalusugan ng mga senior citizen,
08:01particular yung may mga regulang na check-up o iba pang medical appointment.
08:06Mahirap din daw para sa kanila ang gumamit ng pampublikong transportasyon, lalo sa init ng panahon.
08:12Ang exemption na ito sa odd-even scheme ay pagsunod-an nila sa Expanded Senior Citizens Act of 2010
08:18na layong pangalagaan ang kalagayan ng mga senior citizen.
08:22Wala pang tugon dito ang DOTR at MMDA.
08:31Nagulantang ang ilang residente sa Davao City nang tumagilid at dumausdos ang truck na yan.
08:37Tumila po ng mga karganitong bato at nasa pool ang isang dumaraang motosiklo.
08:41Critical po ang kondisyon ng rider ayon sa pulisya.
08:45Nadamay rin sa mga natapong bato ang isang bahay at dalawang tricycle.
08:50Base po sa embisigasyon, nawala ng preno ang truck sa pakurbang bahagi ng kalsada sa barangay Tamugan.
08:56Kinukuha pa ang pahayag ng truck driver na isinugod din sa ospital dahil sa mga tinamong sugat.
09:04Gumuho ang isang nire-renovate na water refilling station sa Pasay.
09:08Dalawa po ang nasa way habang may tatlong sugatan.
09:12Balitang hatid ni Jomer Apresto.
09:16Tulong-tulong ang mga rescue team sa pagbonggal ng simento sa loob ng isang lumang water refilling station sa Pasay City kahapon.
09:23Hinahanap nila ang ilang tao na natabunan ng simento matapos gumuho ang istraktura na isinasa ilalim sa renovation.
09:32Ayon sa pulisya, tumagal ng dalawang oras ang search and rescue operations sa limang biktima na agad isinugod sa ospital.
09:40Dalawa sa kanila ang namatay.
09:41Tabi lang ang isang senior citizen na foreman at isang construction worker.
09:47Sugatan ang tatlo pang trabahador.
09:49Ayon sa tinderang si Rosalinda, mahigit isang taon nang hindi nag-ooperate ang water station at kailan lang ito sinimulang i-renovate.
09:57Sa gilid lang nito nakapuesto ang kanyang tindahan.
10:00Maswerte at hindi raw sila agad nagbukas noong mga oras na mangyari ang aksidente.
10:04Kung napaga po kami, talagang dami kami na asawa ko.
10:08Kasi po dyan kami sa bintana, malakas yung impact ng mga bubog.
10:13Kasi umabot pa po dito eh.
10:14Ay yung inabutan ko po, kinakalkal na po nila yan.
10:17Pinapala na po nila yung nasa loob.
10:19Kasi hindi na po nila makuha yung nasa ilalim.
10:22Lumalabas sa investigasyon na hindi matibay ang naging pundasyon kaya gumuho ang kisame at nabagsaka ng mga biktima.
10:28Ayon sa pulisya, iligal ang ginagawang renovation sa water refilling station.
10:33Wala pong metal escape po din.
10:36Tinukuran lang ng mga kahoy.
10:38Initial investigation po, no building permit po talaga yung ginagawang struktura.
10:44Kaya po, dun pa lang po mayroon na po silang violation.
10:49Hindi rin umano sumunod na may ari sa health and safety standards
10:52dahil walang mga proper safety gear o kasuotan ang mga biktima.
10:56Dahil dito, posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide
11:01ang may ari ng nire-renovate na struktura.
11:04Sinusubukan pa namin makuha ang panig na may ari?
11:07Sundin natin yung mga safety protocols.
11:09Pumuha tayo ng kinakailangang building permit
11:12para po may iwasan natin yung mga ganitong sakuna.
11:16Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:20Ito ang GMA Regional TV News.
11:26Mainit na balita muna sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
11:31Hinold up ang isang convenience store sa Angeles, Pampanga.
11:34Chris, nahuli ba ang sospect?
11:36Connie, malaking tulong ang mga nakuha o kuha ng CCTV kaya naaresto rin agad ang sospect.
11:44Hulikam ang pagpasok ng sospect sa convenience store.
11:48Kumuha siya ng ilang paninda at nagpanggap na magbabayad sa cashier.
11:52Maya-maya lang, pinasok niya ang kanyang kamay sa dalang paper bag at itinutok sa kahera.
11:57Saka nagdek na rin ang hold-up.
11:59Natangay ng sospect ang 13,000 pisong cash mula sa laman ng kaha.
12:03Aminado ang sospect sa pangu-hold-up na nagawa niya raw dahil sa mga bayarin.
12:09Ayon sa mga pulis, nagkautang din ang sospect dahil sa pagkakasino at wala naman talaga siyang baril ng mga hold-up.
12:17Maharap siya sa kukulang reklamo.
12:21Nagtala na mahigit sa salibong suspected cases ng hand, foot and mouth disease ang Ilocos Region mula Genwari 1 hanggang April 26.
12:30Batay sa Davos ng Center for Health Development Region 1, pinakamarami niyan mula sa La Union na may 537 suspected cases.
12:39Kasunod ang Pangasinan na may 422 kaso.
12:44Karamihan daw sa suspected cases ay edad 6 hanggang 18.
12:48Nakakahawa po ang hand, foot and mouth disease.
12:51Kaya dati ng paalala ng Department of Health, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at magtakip ng bibig kapag uubo.
12:58Mga Mare, ngayong araw na ang global premiere ng pelikulang Everything About My Wife sa streaming platform na Netflix.
13:14Bida dyan si na Dennis Trillo, Sam Melby at Jeneline Mercado.
13:19Iikot ang kwento sa challenges na pagdadaanan ng mag-asawang sina Ibo at Dom.
13:24Pinoy remake ng 2012 rom-com Korean film, ang Everything About My Wife na collaboration ng Korean Studios at GMA Pictures.
13:34Bugod sa Everything About My Wife, mapapanood na rin sa June 19 ang award-winning GMA Pictures and GMA Public Affairs film na Green Bones sa Netflix.
13:45Bida ryan si na Dennis Trillo na gumanap bilang Person Deprived of Liberty.
13:50At si Kapuso Primetime Action Hero, Ruro Madrid na isa namang Prison Guard sa pelikula.
13:56Matagumpay na idinaos ng atin ito koalisyon ang isang concert sa Pag-asa Island.
14:04Update po tayo sa ulot on the spot ni Bam Alegre.
14:08Bam?
14:08Koni, magandang umaga mula rin ito sa West Philippine Sea.
14:14Patuloy ang ating paglalayang pabalik ng Maynila matapos ang matagumpay nga na pagsasagawa ng atin ito koalisyon ng isang civil mission sa Pag-asa Island.
14:23Pero hanggang sa ngayon, kahit na iubiyahin na tayo pa uwi, may nananatili pa rin shadowing ng China Coast Guard Vessel 21549.
14:33Meron din tayong escort ang ship ng PCG na BRP Melchora Aquino.
14:39At sa gitna ng pagbubuntot ng China ay mahalagang pagtaguyo daw ito ng ating karapatan sa ating exclusive economic zone na nakapagtanghal ng isang sea concert for peace and solidarity.
14:53Matapos ang isang araw at kalahating paglalayag mula El Nido, Palawan, nangarating sa Pag-asa Island ang MV Kapitan Felix Oca, lula ng barko,
15:03ang civil mission ng ating ito koalisyon para sa isang sea concert for peace and solidarity.
15:08Naging hamon na masamang panahon pero tuloy ang tuktugan.
15:10Teritoryo na amin ito, bang kayo nandito?
15:16Pagdating sa territorial waters ng Pag-asa Island, sinimula ng programa sa pagkanta ng ating pambansang awit.
15:23Sa bridge ng barko ay tinuloy ang concert, isang pagdiriwang ng pagkakaisa ng mga artist mula sa iba't ibang bahagi na Asia.
15:37Tulad ng Indonesia,
15:38Malaysia,
15:42at South Korea,
15:49pati na rin ang sariling atin.
15:58Kasabay ng programa, dumating ang mga manginisga ng Pag-asa Island para makadaupang palad ang ating ito koalisyon.
16:10Binigyan din sila ng supply ng gasolina.
16:11Ang mensahe sa China ay klaro, gusto natin ng kapayapaan sa West Philippine Sea.
16:17At yung kapayapaan na yan, hindi lang Pilipino ang may gusto, pero yung mga mamamayan din ng ating mga kapitbahay.
16:23Tayo ay nakapag-jamming, tayo ay nakapag-concert.
16:27This is again a historic mission because it's the first ever concert at Sea for Peace na ginanap natin dito sa West Philippine Sea.
16:38At ang maganda sa mission na ito, hindi lang mga Pilipino artists ang tumugtog at nakikanta,
16:44nakijam din yung mga artists dun sa mga karatig bansa natin.
16:48Meron tayong artists mula sa Malaysia, Indonesia, South Korea.
16:53Na natili ang pagbantay ng Philippine Coast Guard sa MV Kapitan Felix Oka dahil sa kanilang monitoring.
16:58Noong alas 3 ng hapon, meron tatlong barko ang China Coast Guard at 22 Chinese Maritime Militia Vessel sa palibot ng pag-asa island.
17:07Sa buong biyahe ng MV Kapitan Felix Oka na natiling nakabuntot ang China Coast Guard.
17:12Noong una, dalawang nakashadow na barko.
17:14Meron ng mauna sa West Philippine Sea ang isang escort ng ating ito koalisyon sa pag-asa island.
17:18Sinundan ito ng isang vessel ang China Coast Guard.
17:21Very lucky when naka-approach tayo ng this, na ano rin ako na-amaze na nakalapit tayo ng ganong kalapit sa ating pag-asa island.
17:30And very ano rin ako, kasi natalike nung first mission namin talaga,
17:36nag-kwan sila nag-tense o nag-ano sila ng dangerous maneuvering.
17:41So, siyempre, yung ating safety of the vessel and safety of the groups.
17:46So, nag-abort mission kami nung first mission namin.
17:50So, okay. Ngayon, very ano talaga. Okay, ang ano natin.
17:54Sabi nga, eh, successful yung...
17:56Connie, mayigit isang araw pa ang paglalayag dito sa West Philippine Sea
18:00nitong ating private training ship na MV Kapitana Felix Oka
18:04at inaasahan dadaong sa Maynila ng hapon o gabi, bukas ng biyernas.
18:10Live mula rito sa West Philippine Sea para sa GMA Integrated News.
18:13Ako, si Bam Alegre. Balik sa inyo, Connie.
18:14Maraming salamat, Bam Alegre.
18:16Biglang bumigay ang stage na yan sa Sanchez Carillon sa Peru.
18:32Nahulog ang Mariachi Band kasama ang ilang estudyante
18:36yung nagtatanghal para sa school anniversary celebration.
18:40Ayon sa mga otoridad, labing dalawa ang sugatan.
18:43Inaalam pa ang sanhi ng pagbigay ng stage.
18:49Hinarang ang isang lalaking banyaga sa Naiya Terminal 1
18:53matapos tangayin ang maleta ng isang OFW.
18:57Kwento ng OFW na biyahing Kuwait, umalis siya saglit para bumili ng pagkain.
19:01Pagbalik niya, wala na raw ang kanyang maleta.
19:04Agad namang nahuli ang lalaking dayuhan matapos magsumbong ang ilang saksi sa airport police.
19:09Ayon sa mga otoridad, hindi nila makausap ng maayos ang banyaga.
19:14Wala namang nakitang iligal na gamit sa kanyang bag, kaya pinakawalan din siya kalaunan.
19:19Nagpasalamat ang OFW sa mga tumulong para maisauli agad ang maleta niya.
19:23Nang kunan na pahayag ang dayuhan, sabi lang niya na galing siya sa United Kingdom.
19:28Hindi niya sinabi kung sino siya o kung bakit niya kinuha ang maleta ng OFW.
19:33Wala sa kanyang nakitang passport o ID.
19:36Sinisika pang kunin ng Jimmy Integrated News ang pahayag ng pamunuan ng Naiya kaugnay sa insidente.
19:42Ito ang GMA Regional TV News.
19:49Balita naman sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
19:54May isang kumpirmadong kaso ng MPOC sa Iloilo City.
19:58Sara, kamusta ang lagay ng pasyente?
20:00Connie, nasa mabuting kalagayan ang pasyente na kasalukuyang naka-isolate gaya ng apat pang suspected cases ng MPOC.
20:09Ayon sa City of Office, walang travel history ang nasabing pasyente at hindi patukuy kung locally transmitted ang sakit.
20:16Wala pang ebidensya ng malawakang community transmission ng MPOC sa lungsun.
20:21Pero mas pinagting na ng lokal na pamahalaan ang contact tracing at case finding doon.
20:26Kinumpirma naman ang Iloilo Provincial Health Office na may isa pang kumpirmadong kaso ng MPOC sa probinsya.
20:33Hindi nila tinukoy kung saan eksakto.
20:35Wala rin daw travel history ang pasyente na naka-isolate, pati ang siyam niyang close contacts.
20:41Ilan sa mga sintomas ng MPOC ang pangangatin ng balat sa muka at palad, lagnat at pananakit ng lalamunan.
20:48Paalala ng mga eksperto, ugaling maghugas ng kamay para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
20:56Patay ang isang lineman sa Dumalina o Zamboanga del Sur matapos makuryente.
21:01Narescue pa siya at dinala sa ospital pero idiniklarang dead on arrival.
21:06Kwento sa pulisya ng kanyang kasamahan, nangyari ang aksidente habang nagto-troubleshoot ang biktima sa isang poste.
21:13Aksidente raw na hawakan ang biktima ang isang bahagi ng transformer.
21:17Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuha ang pahayag ng kaanak ng lineman, pati na rin ang kontraktor niya sa trabaho.
21:26Sa mga gusto hong mag-aral abroad, may alok na scholarship ang mga gobyerno ng Saudi Arabia at New Zealand sa mga kwalipikadong Pilipino.
21:34Malitang hati ni Chino Gaston.
22:04Malik, living expenses at meron pang stipend.
22:08When they go to Saudi Arabia, they have everything free and they can study for all their universities.
22:18Layo ng programa na tumulong sa mga Pilipinong estudyante at palawakin ang kaalaman tungkol sa kultura, ekonomiya at buhay sa Saudi Arabia.
22:26Saudi Arabia has been developed for all the fields. We want you to discover this. And it's not just a place to learn. It's also like to grow. And this is our message.
22:38Ayon sa mga alumni ng programa, magandang pagkakataon nito na dapat samantalahin ng mga Pilipino.
22:44Wala rin daw dapat ipangamba sa seguridad dahil alaga sa mga university campus ang mga estudyante.
22:49The authorities pay special attention to the safety of all people, whether they are citizens or foreigners, regardless of their social status, whether they are students, workers or visitors.
23:08You do not feel any concern about your safety.
23:11Higit 800 Pilipinong estudyante ang kasulukuyang pinaaaral ng Saudi government sa kanilang scholarship program.
23:18Sa mga interesado, mag-log on lang sa Study in Saudi website para sa karagdagang impormasyon.
23:24Kaparehong full scholarship din ang alok ng New Zealand Embassy sa ilalim ng New Zealand Manaaki Scholarship Program.
23:30Sa school year 2025-2026-44 na scholarship grants ang ibibigay sa mga mapabalad na aplikante na pipiliin batay sa kanilang leadership potential, grado sa eskwelahan at kursong balakkunin sa New Zealand.
23:44Mag-log on lang sa website ng Manaaki Scholarship Programs para sa karagdagang impormasyon at para tingnan kung kayo'y kwalifikado.
23:54Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
23:57Huwagi ang ilang programa at pelikula ng GMA Network sa 2025 New York Festivals TV and Film Awards.
24:07Tapilang dyan ang The Atom Aralio Specials Pogo Land na nakuha ang gold medal para sa National Affairs Category.
24:15Tinalakay sa Pogo Land ang mas malalim at detalyadong usapin tungkol sa kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operators o Pogo.
24:23Nakakuha naman ng silver medal ang multi-awarded film na Firefly sa Feature Films Category.
24:30Ang kapuso mo Jessica Soho, Bronze Medalist para sa Documentary Environment and Ecology Category.
24:37Tinalakay sa Minahan sa Humonhon Island ang epekto sa kalikasan at tao ng malawakang pagmimina sa naturang isla sa Guian Eastern Samar.
24:47Ang flagship newscast ng GMA Integrated News na 24 Horas, ginawara naman ng finalist certificate para sa special coverage ng Super Typhoon Karina at Habagat noong July 2024.
24:58Gayun din ang Lost Sabongeros sa Documentary Investigative Journalism Category.
25:04Ang GMA Network ang Philippine Network na may pinakamaraming nomination at awards sa New York Festivals taon-taon.
25:15Puminto dahil sa traffic ang ilang sasakyan sa Maharlika Highway sa Barangay Busay sa Daraga Albay.
25:20Maya-maya lamang, isa hung fuel tanker ang dumating at inararo ang apat na nakahintong sasakyan.
25:28Sa lakas po ng impact, mayupi ang mga sasakyan.
25:31Umailalim naman ang isang motorsiklo sa fuel tanker.
25:34Sugatan ang rider at atkas niyang babae.
25:37Naisugod na sila sa ospital at nagpapagaling.
25:40Sugatan din ang pasahero ng isa sa mga nadamay na sasakyan.
25:44Base sa embestikasyon, nawala ng kontrol ang driver ng fuel tanker kaya bumanga sa mga sasakyan.
25:49Inaalam na ang kabuang halaga ng pinsala.
25:53Ayon sa mga pulis, inalaya ang driver ng fuel tanker matapos walang naghain ng reklamo laban sa kanya.
26:03Mahigit limang daang electoral violations ang naitala ng International Observer Mission sa eleksyon 2025.
26:10Kabilang dyan ang disenfranchisement, vote buying, harassment, election-related violence at foreign interference.
26:18Kaya kung international standards ang pagbabasehan, hindi raw pasado sa aspeto ng pagiging malaya at patas ang 2025 midterm elections.
26:29Isa pa sa mga pinuna ng IOM ang pagpapatuloy ng mga political dynasty sa Pilipinas.
26:35Marihing kinuntra naman ang Commission on Elections ang pagkakaroon ng voter disenfranchisement dahil mataas naman daw ang voter turnout.
26:4582.2% ito na pinakamataas sa kasaysayan ng midterm elections sa bansa.
26:51Sang-ayo naman ang Komilex sa ibang obserbasyon ng IOM.
26:54Kabilang ang mga isidente ng vote buying.
27:00Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa barangay Sembo sa Taguig.
27:04Ang biktima, binanikan pa ng gunman para pagbabarilin muli.
27:09Balitang hatid ni Bea Pinlak.
27:11Tila normal lang na naglalakad ang lalaking ito sa barangay Sembo, Taguig City.
27:19Nakasuot siya ng puting cap at face mask.
27:21Nang makarating sa madilim na bahagi ng isang eskenita,
27:25bumunot siya ng baril at pinagbabaril ang 37 anyos na lalaking nakatambay sa motor habang nagsa-cellphone.
27:33Hindi nagaanong nahagip sa CCTV ang pamamaril, pero kitang bumulag ta ang biktima.
27:38Ang suspect naman, sumabay sa pagtakbo ng ibang residenteng nagpulasan sa takot.
27:44Pero maya-maya, bumalik siya para pagbabarilin ulit ang biktima bago tuluyang tumakas.
27:52Bali yung ano po kasi, yung victim po natin, naglalaro ng cellphone,
27:58may lumapit po na yung gunman, yun po, pinagbabaril po siya.
28:02Tapos pag alis po ng suspect, bumalik pa po, pinagbabaril na ulit.
28:08Bali nakuha po kasi limang basyo.
28:11Pero marami pong tama eh. Puro katawan po ang tama eh.
28:14Sa likuran.
28:15Sa likod, sa ano.
28:17Ang 41 anyos na suspect sa pamamaril, naaresto ng pulisya sa barangay Pitugo kahapon.
28:24Nakumpis ka rin umano sa kanyang tatlong sachet ng shabu na may halagang mahigit 8,000 piso.
28:31Ayon sa pulisya, onsehan sa droga ang isa sa mga tinitingnang motibo.
28:36Itinanggi ng suspect ang krimen.
28:38Wala po, wala po akong pangyayaring yun.
28:41Hindi ko po alam kung bakit ako yung tinuturo nila at kung ano yung daylan.
28:46Wala pong daylan para gawin ko sa kanya yung ganong bagay.
28:51Wala naman po akong galit sa kanya eh.
28:54Senlinggo pa lang po kami magkakilala.
28:56Sa investigasyon ng pulisya, may isa pa umanong kasabwat ang suspect na patuloy pa nilang tinutugis.
29:02Reklamong murder at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng suspect na nasa kustudiyan na ng Taguig City Police.
29:11Bea Pinlap nagbabalita para sa GMA Integrated News.
29:15Nais ng Department of Education, nabawasan ang tatlong general education subjects ang kolehyo at ilipat sa high school curriculum.
29:24Ayon sa DepEd, plano nilang alisin sa kolehyo ang art appreciation, contemporary world at ethics.
29:30Para daw kasi hindi napaulit-ulit para sa mga estudyante dahil sakop na ang mga ito sa ilang subject mula grade 7 hanggang grade 12.
29:39Nais din ang Technical Panel for Teacher Education, Commission on Higher Education, nabawasan ang mga subjects sa general education.
29:47Kapag daw nailipat ang ilang dito sa SHS curriculum, posible pa daw na mabawasan ng isang semester sa kolehyo.
29:55Pinag-uusapan na daw ito ng DepEd at CHEN.
30:00Daan-daang pilgrims na ang nasa Mecca, Saudi Arabia para sa nalalapit na Hajj Pilgrimage.
30:10Suot ang bright robes, hindi alintana ng mga lumahok ang matinding inip habang umiikot sa Kaba, ang sagradong gusali sa sentro ng Grand Mosque.
30:20Inaasahang darami pa ang mga tao na makikiisa sa pilgrimage na opisyal na magsisimula sa June 4 hanggang 9.
30:26Ang Hajj ay isa sa limang pilar sa reliyong Islam at isa sa mga pinaka-importante paraan ng pagpapakita ng kanilang pananampalataya.
30:34May plus one na sa kulitan, sina Fopo at Bonesy.
30:45Isinilang na ang pangalay ng kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez.
30:50Next year, si Mommy Megan ang throwback ng kanyang pregnancy journey.
30:55At surprise, kadulo ang kanilang baby boy.
30:59Isang linggo na raw mula nang isilang niya ang kanilang little one.
31:03Overwhelmed with emotions, nag-share din ang pregnancy moment si Daddy Mikael.
31:08New chapter on lockdown sa buhay mag-asawa kasama ang kanilang little bundle of joy.
31:14Congrats Megan at Mikael!
31:16Huli kam ang pagtakbuan ng babaeng yan sa isang eskinita sa barangay 29A, Caridad, sa Cavite City.
31:26Hinahabol pala siya ng isang lalaki na kanyang ka-live-in partner.
31:30Maya-maya, itinutok ng lalaki ang dalang baril sa direksyon ng babae at pinaputok.
31:36Ayon sa mga polis, hindi tinamaan ang babae.
31:39Naaresto naman ang suspect.
31:40Paliwanag niya sa polisya, hindi daw niya intensyong patamaan ang babae,
31:44kaya niya inilihis ang baril.
31:46Base sa imbisigasyon, nag-away ang dalawa ng sawayin ng babae ang lalaki
31:51dahil sa malakas na pagpapatugtog habang umiinom ng alak.
31:55Tulog noon ang kanilang walong buwang gulang na anak.
31:58Kinabukasan, muli silang nag-away at doon na nangyari ang habulan.
32:02Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang lalaki.
32:05Mahaharap siya sa mga reklamong attempted murder, grave threat, alarms and scandals, at paglabag sa gunbag.
32:11Para mapabilis ang biyahe ng mga pasahero, inalis na po ang x-ray machine sa ilang estasyon ng MRT-3.
32:20Balak din ang Department of Transportation na mas agahan ang operasyon ng MRT-3,
32:25oras na simulan ang EDSA Rehabilitation.
32:28Balitang hatid ni Joseph Moro.
32:30Nitong Marso, in-extend ng isang oras ang operating hours ng MRT-3.
32:38Ginawang 10.25 ang entrance closing sa North Avenue tuwing weekday at 9.25 tuwing weekend.
32:4511.04pm naman, nagsasara ang entrance sa Taft Avenue tuwing weekdays at 10.04pm tuwing weekend.
32:52Pero ang gusto ngayon ng Department of Transportation, palawigin ang operasyon sa pagbubukas ng MRT.
32:58Sa gabi kasi medyo sagad na tayo na halos 11 o'clock na nagsasara ang MRT-3 and kailangan ng maintenance time.
33:07Pinipigit natin ngayon na from 4.30am ang pagumpisa, gagawin natin 4am.
33:13Pinipigit ko pa yun sa ating maintenance operator.
33:17Ang MRT ang isa sa mga aasaang sasalo sa mga pasaherong iiwas sa EDSA kapag sinimula ng rebuild nito sa June 13,
33:24na sasabayan ang pagbubukas ng klase sa June 16.
33:28Yung mga misasakyan na nanggagaling sa Marayo, pwede sila magpark sa mga magapit sa mga stasyon ng tren
33:35and magtetrend sila o magbubus sila.
33:37Kaya naman gusto nilang alisin ang iba't ibang nagdudulot ng pagkaantala gaya ng x-ray machine
33:42na bahagyang nakakabagal daw sa pag-usad ng mga pasahero.
33:46Medyo, malilit na ako eh.
33:48For safety reason.
33:49Okay, pero pag marami kayo?
33:51Ah, carry lang kasi willing to wait naman din ako.
33:54Binaklas na ang x-ray machine sa Bonnie Avenue Station
33:57at isusunod ang mga nasa iba pang stasyon ng MRT.
34:01Ang kapalit pagpapakalat ng mga canine unit at mga heavily armed na tauhan ng Coast Guard.
34:06Sa halip ng mga x-rays, mga ganitong metal detector na lamang at yung mga bomb sniffing dogs
34:11ang ipapalit ng DOTR na pang security measure sa mga MRT stations sa susunod na linggo ito raw
34:18ay para mas mabilis yung pagpasok ng mga pasahero.
34:21May ilang kinakabahan sa pagtatanggal ng mga x-ray machine.
34:25No, please don't.
34:27Kasi para sa aming mga pasahero, importante talaga siya.
34:33Nag-increase tayo ng visibility, ng Coast Guard and other enforcement visibility
34:38na medyo kamukha sa ibang bansa, ang mga barel, maraki, mahahaba para deterrent.
34:45Kasi yun ang nakita natin sa ibang bansa ginagawa.
34:48Gusto rin alisin ng DOTR ang ganitong eksena na halos isa't kalahating oras pumipila mga pasahero
34:54lalo na noong sampu pa lamang ang trend ng MRT.
34:58Dalawang pong trend na ang umiikot ngayon tuwing peak hour sa planong dagdaga ng tatlo ng DOTR.
35:03Ang dating pagpila na umaabot sa 30 to 45 minutes magiging lima hanggang sampung minuto na lamang.
35:1030 minutes ang mawawala sa pila time at sa travel time ng mga kababayanan.
35:15Babaklasin din at aayusin ang signage na ito na napulaan sa social media
35:19dahil hindi raw mabasa ng maayos dahil sa kulay at disenyo.
35:23Ang signages at ang wayfinders sa mga airport, train station, napaka-importante nga.
35:31Kasi nagdadagdag yan sa kaginahawaan ng experience ng mga commuter.
35:36It needs to follow standards.
35:39Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
35:43Ito ang GMA Regional TV News.
35:49Isang motorcyklo ang sumalpok sa isang cement mixer sa lawag Ilocos Norte.
35:54Nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang tumilapong rider.
35:58Nirespondehan pa siya ng mga paramedic pero i-denect na rang dead-on arrival sa ospital.
36:04Ano sa pulisya, nasa gilid ng kalsada ang cement mixer dahil sa ginagawang drainage ng mabangga ito ng rider.
36:11Nakuhan na ng pamilya ang labi ng biktima na taga-pidig.
36:14Wala silang ibinigay na pahayag.
36:16Patay ang isang negosyante matapos barilin habang sakay ng kanyang motorcyklo sa Datodeng Sinsuat, Maguindanao del Norte.
36:27Batay sa embisigasyong, papunta ang Quatabato City ang biktima ng mangyari ang pamamaril.
36:32Ayon sa mga residente sa lugar, nakarinig sila ng isang putok ng baril bago nila natagpuan ang dugoang biktima sa kalsada.
36:40Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na may-ari ng isang lechunan sa Quatabato City.
36:46Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen at tinutukoy pa ang sospek.
36:54Mahigit 2 milyong pisong halaga ng umanay-shabu ang nasa bat sa isang lalaki sa Antipolo Rizal.
36:59Ang sospek na itinuturing na high value target ng pulisya sa Korte na Langda magpapaliwanag.
37:06Balitang hatid ni E.J. Gomez.
37:10Sa madilim na eskinitang ito sa barangay San Roque, Antipolo City,
37:15nasa Kote na mga operatiba ang isang lalaking tulak-umano ng iligal na droga.
37:20Napagbilhan niya ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa drug by bust operation pasado alas dos ng madaling araw kahapon.
37:28Ang sospek isa raw sa mga high value target ayon sa pulisya.
37:33Yung kanyang kumbaga naging amo is arrested and from there nagkaroon ng follow-up operation.
37:42Mabot po ng more or less two weeks since the arrest of his immediate handler.
37:50Then, based on the details na binigay sa ating operatiba, ay natuntun natin itong isa pang high value individual.
38:00Nakumpis ka sa sospek ang anim na pakete ng Umanoy Shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 310 grams at nagkakahalaga ng 2.1 million pesos.
38:11Lumabas sa investigasyon ng pulisya, nasa Metro Manila, nang gagaling ang supply ng droga ng sospek na ibinabagsak niya sa Antipolo at mga karatig bayan.
38:20Kumail lang po ako ma'am, kumail lang po kami sa lugar.
38:23Sino po yun?
38:24Nakasabay ko lang po siya.
38:26Nang tanungin tungkol sa pagbibenta ng iligal na droga.
38:29Ma'am, pasensya na po kayo ma'am. Baka po pwede sa koordinat lang po ang papaliwanan.
38:33Previously, naaresto na siya ng iligal drugs noong 2019 and 2022. At nasa probation siya ngayon.
38:43Sa custodial facility ng Antipolo City Police Community for Zinc 2, nakakulong ang sospek.
38:48Sasampahan siya ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
38:57E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
39:02Magkaiba ang sinasabi ng ilang mababatas kung pupwede bang ituloy sa 20th Congress
39:06ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kapag hindi natapos ng kasalukuyang kongreso.
39:13Sa impeachment rules, kailangan tapusin.
39:19At kailangan ba tapusin?
39:20Kailangan tapusin yung impeachment.
39:21Yung Senate rules ang nagsasabi, based on the Constitution,
39:25na pag adjourn sinidigay ko, lahat ng business nyo patay.
39:28It's a justisable issue. Pwede dali sa Supreme Court.
39:31Hindi natatapos ang isang impeachment proceeding na nakahaina sa Senado.
39:39At ihambing natin ito sa isang kaso sa Korte.
39:43Once a case is filed with the trial court,
39:47the judge may retire, the judge may get promoted,
39:50but the case stays on with the trial court.
39:53Ayon kay Sen. Elec at dating impeachment judge Tito Soto,
39:57posibleng kailangan ng resolusyon mula sa Supreme Court
40:00para malaman kung pupwede pang ituloy ang impeachment trial
40:04kapag nag-adjourn ang 19th Congress sa June 13.
40:07Para naman kay House Prosecutor Lawrence Defensor,
40:10malinaw na ang matatapos lang sa June 13 ay ang legislative power nila.
40:15At hindi ang tungkuli nila sa impeachment trial.
40:18Sa lunes, June 2, ipipresenta ng House Prosecutors
40:21ang Articles of Impeachment laban kay VP Duterte.
40:25Sabi ni Defensor, isang kasamahan lang nila
40:27ang magbabasan niyan sa Senado.
40:30Sa June 3 naman, magkoconvene ang Senado bilang impeachment court.
40:36Samantala, ang posibleng venue na impeachment trial sa Senate Building
40:40silipin sa malitang hatid ni Maki Pulido.
40:43Nandito tayo ngayon sa Senate Building, second floor ng Senate Building.
40:49Sa bandang gitna ng hallway na yun ay ang Senate Session Hall.
40:53So, diyan gaganapin yung impeachment trial.
40:55Inaasahan na sa June 2 ng alas 4 ng hapon,
40:59diyan na rin inaasahan na gaganapin yung reading of articles of impeachment
41:04laban kay Vice President Sara Duterte.
41:06At sa June 3, ang inaasahan naman, 9 a.m. ay magkoconvene na bilang isang impeachment court
41:13ang mga Senador ng 19th Congress.
41:16Pinagahandaan na ng Senado ang gaganapin ng impeachment
41:19at katunayan, pinagahandaan na nila yung kwarto ng depensa at ng prosecution.
41:25Isa ito, ang Tolentino Room.
41:27Ang hindi lang natin alam sa ngayon ay kung ito ay para sa prosecution
41:32o para sa depensa.
41:34So, diyan sila mag-huddle, diyan sila mag-meeting during the impeachment trial,
41:39yung mga abogado.
41:40So, maliban sa Tolentino Room, isa pa ito, ito yung Quezon Room.
41:46So, sabi ko nga, hindi pa natin alam kung alin dito yung prosec o para sa depensa.
41:51Katabi ng dalawang kwartong yan, ito naman ang multipurpose room.
41:55Ito yung gagamitin ng media na magkocover ng impeachment trial.
42:00Kung titignan ninyo, medyo malaki, isi-set up pa raw ito ng Senado
42:06para ma-accommodate yung mga media na magkocover.
42:10So, medyo malaki siya dahil ang gagamit ng kwartong ito
42:14ay mga taga-TV, mga print, mga radio, at mga online na registered media outlets.
42:22So, dito yan tatambay at hinahanda na yan ng Senado para sa impeachment trial.
42:29Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
42:33Mahigit sanlibong bags ng asukal at sweetener ang naharang support area sa Maynila
42:39dahil sa kakulangan sa permit.
42:41May ulat on the spot si Ian Cruz.
42:43Ian?
42:45Yes, Connie.
42:45Inspeksyon nga ng Department of Agriculture,
42:48ang mga nasabat na asukal at sweeteners ito yan sa Porto Area, Manila.
42:52Nasa 1,000 bags ng refined sugar mula sa Thailand
42:55at mahigit 1,000 bags ng sweeteners mula naman sa Taiwan
42:58ang hinaharang ng Bureau of Customs dahil nga sa kawalan ng permit
43:01na madala dito sa bansa.
43:03Ayon kay Secretary Francis Tulawell,
43:05ipapasuri nila ang mga asukal kung fit for human consumption
43:09at kapag bigta si Coconi,
43:10ipapasa ito sa appropriate agency para nga pakinapangan ng publiko.
43:14Ayon kay Sugar Regulatory Administration Administrator Pablo Luis Azcola,
43:18na karami mong ginudonate ng customs sa DA
43:20ang mga nasabat nila para maipahagi ito sa publiko.
43:24Ayon sa SMA, kilala nila ang nag-import ng asukal at sweeteners
43:28na maaaring masuspender sa Hanay
43:29ng mga aftertoday nilang tanggapan.
43:32Wala pa rin pinapayagang mag-import ng asukal
43:35dahil sapat daw ang supply nito sa bansa.
43:37Matala, misdeclared naman na tela
43:39ang nasabat sa loob ng isang container
43:42na naglalaman ng mga sigarilyo, Connie.
43:45Maraming salamat, Ian Cruz.
43:48Isang awesome and meaningful day
43:56ang na-experience ng ilang sparkle artist
43:58sa kanilang pag-bisita sa Philippine Animal Welfare Society o POS.
44:04Yan ang isinire sa Instagram ni na Andrea Torres,
44:07Tia Tolentino at Ara Sanagustin
44:09na naging volunteer for a day.
44:12Nakabonding nila roon ang 70 rescue dogs
44:15at 163 cats
44:17at ang resident turtle na si Poggie.
44:20Sila rin mismo ang nag-prepare ng lunch at treats
44:23para sa fur babies.
44:24Chika ng Sparkle Beauties,
44:26hindi matatawaran ang heartwarming experience
44:29na nakasama ang rescued animals.
44:32Kaya hinihikayat nilang mag-volunteer ang publiko
44:34at i-consider ang pag-adopt
44:37kaysa ang pagbili ng pet.
44:39O, ito ha, taas kamay.
44:48Ang mga may slick tong magulang dyan.
44:49Taas ang kamay ko dyan.
44:50Ako din.
44:51May mga girls tayo eh.
44:52Yes.
44:53O, challenging ba ang pagkapaalam sa usapang love life
44:56gaya nitong Tagalaguna.
45:02Talaga na.
45:03Sumpo po yan.
45:03Sumpo nag-director.
45:04Ayan.
45:05Ano nag-director.
45:07Certificate of no marriage o senomar.
45:10Yan lang naman ang bit-bit ni Angelo Federizo
45:13para kumbinsihin ang parents ng silipon niyang babae
45:16na payagan ang panliligaw.
45:18Pabirong requirement lang naman daw yan.
45:20Sana yan, ha, ni mommy at daddy ni Isa Dataro.
45:24Pero itong si pareng Angelo,
45:26tinutoo at nagdala ng dokumento.
45:29Worth it naman dahil nakuha niya
45:31ang matamis na oo para maligawan si Isa.
45:35Ang senomar paandar,
45:372 million na ang views.
45:40Trending!
45:41Pero good job, Angelo.
45:43Nagpapaalam sa magulang bago manlilita.
45:45Dapat ibalik yung mga ganyan.
45:47At ito po ang balitang hali.
45:49Bahagi kami ng mas malaking misyon.
45:51Ako po si Connie Siso.
45:52Kasapan niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
45:54Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
45:56Mula po sa Jimmy Integrated News,
45:58ang News Authority ng Filipino.
46:13Em Ogorak na paglilingkod sa bayan.
46:16Nikolini karni.
46:20Pangli ye.

Recommended