Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, July 9, 2025

-Ilang lungsod sa Metro Manila, binaha dahil sa malakas na ulan/Traffic, ininda ng mga motorista sa SLEX dahil sa baha

-PAGASA: Habagat, magpapaulan sa buong bansa

-INTERVIEW: DR. JOHN MANALO

WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Grade 8 student, binugbog ng 3 lalaki sa Brgy. Talamban

-Julie "Dondon" Patidongan: Tumulong ang isang retired judge sa iba't ibang kaso ni Atong Ang/Patidongan, nalaman daw kay Atong Ang kung ano ang partisipasyon ng retired judge sa kaso ng mga nawawalang sabungero

-David Licauco, looking to settle down na in the next 3-4 years

-Pahayag ni Sen. Zubiri na "witch hunt" ang impeachment trial ni VP Sara Duterte, inalmahan ng Malacañang at ilang kongresista

-Pagtulong ng gobyerno sa gastusin ng mga ICC witness, inalmahan ni VP Duterte; DOJ, sinabing seguridad lang ang ibinibigay ng gobyerno

-11 estudyanteng sumama ang pakiramdam matapos kumain ng mangga kahit hindi nag-almusal, isinugod sa ospital

-Lalaking sangkot daw sa pagnanakaw ng pinya, patay matapos makipagbarilan sa guwardiya; 2 kasabwat, tinutugis

-Lalaki, buwis-buhay na iniligtas ang mga na-trap sa nasusunog na gusali

-PAGASA: Thunderstorm Advisory, nakataas sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang karatig-lugar

-2 battery ng dump truck, tinangay ng isang lalaki; inabandona nang makasalubong ang mga pulis

-2 milyong kilo ng kawad na hindi magamit at walang silbi, nakuha ng MERALCO sa Maynila/Manila Mayor Isko Moreno: Mga magkakabit ng kawad sa mga poste, kailangan ng pahintulot ng MERALCO sa halip na LGU

-Bangkay ng isang dalagita, natagpuan sa bahagi ng dike sa Brgy. Cardona

-Bahay at sasakyan, nasunog; nag-overheat na electrical installation, posibleng sanhi ng apoy

-42% ng mga Pinoy, hindi sang-ayon sa impeachment complaint laban kay VPSD, base sa SWS Survey

-PNP, nanindigan sa reklamong paglabag sa Anti-Hazing Act na isinampa sa apat na kadete ng PMA

-"PBB Celebrity Collab Edition" 4th Big Placers #AzVer, may mga ni-reveal sa kanilang PBB journey/Grand salubong ng Sparkle Family sa Kapuso Big 4 ng "PBB Celebrity Collab Edition"

-#RaWi, ikinuwento ang tungkol sa kanilang PBB journey

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you so much for watching.
00:30Nagdulot na naman na mga pagulan sa Metro Manila ang hanging habaga. Nagresulta po yan sa pagbaha sa ilang kalsada.
00:38Kaya pahirapan ang pag-commute ng ilan nating kababayan. Balita natin ni James Agustin.
00:50Pahirapan makauwi ang ilang dumahan sa Mandaluyong City. Sa Maysilo Circle kasi nabahagi ng barangay Plainview, Bahana.
00:56May ilang sasakyang nangahas ng lumusong sa tubig sa kalsada. Ang ilang residente lumusong na rin.
01:03Ayon kay Yus Cooper Mike Esmeralda, mabilis tumasang tubig doon dahil sa mga pagulan.
01:08Sa bahagi naman ng Caruncho Avenue sa Pasig City, tila umaalon pa ang baha habang dumaraan ng mga sasakyan.
01:15Kwento ni Yus Cooper Christian Dakotanan, Manalon. Halos pumasok na ang tubig sa sinasakyan niyang tricycle.
01:22Binahari ng bahagi ng River Drive sa Las Piñas City. Umapaw na raw kasi ang ilog doon. Ayon kay Yus Cooper Luis Padua.
01:29Sa kuha naman ni Yus Cooper Sheryl De Los Santos, kitang mabilis ding tumasang tubig sa iba pang bahagi ng lungso.
01:35Kaya ang ilang residente nahirapang dumaan.
01:42Inabutan naman ang malakas na ulan ng uwian ng mga studyante sa tagi.
01:46Nagkaroon din ang pagbagal ng trapiko sa lugar ayon kay Yus Cooper Angelo Faustino.
01:51Walang galawang traffic naman ang inabutan ng mga motorista na dumaan sa South Luzon Expressway.
01:57Parehong southbound at northbound lane mabigat ang trapiko ayon kay Yus Cooper Ivan Tuazon Eguia.
02:02Dahil sa traffic, ilang commuter ang lumusong sa baha at taglakad sa S-Lex.
02:08Sabi ni Yus Cooper Sheryl Inzanto stranded na kasi sa kalsada ang mga sinasakyan nila.
02:13Hindi na raw siya tumuloy sa bandang tollgate ng Alabang dahil mas mataas na raw ng tubig.
02:18Sa kuha ni Yus Cooper Naila Martin makikita ang may baha pa rin sa kalsada pero ligtas naman daw nila itong natawi.
02:25Base sa abiso ng S-Lex Manila Toll Expressway Systems, kanina pasado las 12 na madaling araw.
02:30Nasa labing dalawang kilometro ang inabot ng trapiko na nagmula sa Alabang Exit Southbound.
02:36Habang mahigit apat na kilometro naman mula sa Sukat Exit Northbound.
02:40James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:44Mga kapuso, mataas pa rin po ang tsansa ng ulan sa maraming bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ngayong Mierkules.
02:56Patuloy kasi ang pag-iral ng hanging habagat.
02:59Sabi ng pag-asa, pinakaapektado ang Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Batanes at Babuyan Islands.
03:07Wala namang epekto sa bansa ang binabantayang low-pressure area na namataan 1,705 kilometers silangan ng extreme northern Luzon.
03:16Nananatiling mababa ang tsansa ng nasabing LPA na pumasok ng Philippine Area of Responsibility at maging isang bagyo.
03:24Sa mga susunod na oras, uulanin ang malaking bahagi ng bansa base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
03:30Posible po ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
03:35Bantay habagat tayo.
03:40Kausapin natin si pag-asa weather specialist Dr. John Manalo.
03:43Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
03:46Magandang umaga din po at sa lahat ng ating tagapanood.
03:49Opo, gaano po kalakas yung habagat ngayon at saan saan lugar po ito makakaapekto?
03:54Mahalaga din po siguro na mabanggit natin na yung habagat ay taon-taon na nangyayari sa atin.
03:59Yung kung gaano kalakas po ay base sa ating monthly outlook o yung inaasahan natin ng mga pagulan ngayon July, near normal po yung condition na nakikita natin.
04:09Ilang araw po tayong makakaranas ng pabugsubugsong ulan?
04:13Inaasahan po natin na patuloy yung epekto, yung tuloy-tuloy na mga pagulan dito sa western part ng ating bansa hanggang sa biyernes.
04:21At unti-unti pong magkakaroon tayo, makakaranas tayo ng improved weather conditions sa weekends.
04:25Pero in general po, from June to October, ito po yung panahon natin ng rainy season at associated ito sa habagat.
04:32Kaya asahan natin na magpapatuloy po yung mga pagulan natin.
04:35Bakit po kaya kahit pabugso-bugso, napakalakas naman ang buhos ng ulan?
04:40May mga cases po kasi na yung wind direction.
04:43Kapag southwest monsoon po kasi, yung hangin na nakaka-apekto sa atin ay galing sa Timog-Ganduran.
04:49At yung hangin na nandun, mataas po yung moisture, malapit sa equatorial region.
04:53At kapag dinadala po yung hangin, ayun po yung nagkakos ng mga kaulapan na dinadala ay mga pagulan, lalo na sa western part ng ating bansa.
05:01Ayun. E sa Metro Manila po, maranasan ba ulit yung pagbaha kagabi dahil sa malakas na ulan?
05:07Yung kagabi po ay well-organized yung thunderstorm na yun.
05:10Actually, yung southern part po ng Metro Manila yung pinaka-apektoan.
05:14Bukod po doon, yung mga probinsya na malapit dito, Cavite, Batangas, sila po yung mas inulan.
05:20Pero yung mga pagbaha ay associated na po talaga yan sa mga ganong pangyari.
05:24At hindi po natin inaalis yung posibilidad na muli po ay maka-apekto sa atin yung ganitong thunderstorm sa mga susunod na araw.
05:32Ikaw, ganyan naman po doon sa LPA sa labas ng PIR, nasa ano pong lokasyon at tagano po ito kalakas?
05:37Sa lukuyan po ay nasa 1,705 kilometer ito east ng extreme northern Luzon.
05:44Inaasahan din natin na yung development niya ay masyadong mababa.
05:47Ibig sabihin, hindi na po ito magpapatuloy sa susunod na 24 oras.
05:51Pero kung mapapansin po natin, ay meron tayong mga cloud clusters na nasa labas din ng Philippine Area of Responsibility.
05:57And then yung isa naman ay nasa northeastern part ng Pilipinas.
06:01Hindi natin inaalis yung posibilidad na magkaroon ng sirkulasyon or development ng low pressure area.
06:06Kaya ipatuloy po natin yan na i-monitor para maging updated po tayo.
06:10Pero may pag-asa po pa kayo itong mabuo bilang bagyot pumasok sa PAR?
06:14Yung low pressure area po ay hindi.
06:16Magdi-dissipate na po ito.
06:18Pero yung mamumuo pa lang, ito po yung titignan natin kung magkakaroon siya ng posibilidad na development.
06:25Kasi may tinatawag din po tayo na enhanced southwest monsoon.
06:28Kapag favorable po yung condition or nakapuesto siya sa northeastern part ng Pilipinas,
06:32mas pwede niyang pahilahin pa yung mga clouds na binangkit natin kanina
06:36at magdudulot po ito ng mas maraming pagulan sa western part ng Pilipinas.
06:40Kasama po dito yung Metro Manila.
06:41Sa bahagi po ng Bulkang Taal na binabantayan din ang aktividad, ano pong panahon ng aasahan?
06:47Asahan natin na posibli pa rin yung mga pagulan sa Friday dahil binangkit natin kanina yung mga factors
06:54at mahalaga na maibangkit din natin yung wind direction.
07:00Dahil southwest nang gagalang yung hangin, asahan natin na yung maaaring ibugaan yung vulkan na sa Taal
07:06ay mag-move din pakunta rin sa mga kalapit niyang probinsya, halimbawa ay sa Quezon.
07:12Kaya mahalagang magmonitoran.
07:13Ilang bagyo po ba yung posibleng pumasok ngayong buwan?
07:17Ngayong buwan po, 2 or 3 po yung ina-expect natin.
07:19Pero mahalaga din po na ma-inform tayo na yung 2 or 3 na yun ay climatological average.
07:25Ibig sabihin, yun yung inaasahan natin.
07:27Pero that doesn't mean na kapag nakatatlo na tayo ngayong July ay hindi na tayo makaka-experience pa ng bagyo
07:32o kaya at least 2 dapat may pumasok ngayong July.
07:35Hindi po. Yun po yung inaasahan natin, average number ng tropical cycle.
07:40Pero posibleng pa din po na mas konti or more than 3 pa yung pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng July.
07:47Kaya dapat maghanda pa rin. Maraming salamat po, Pag-asa Weather Specialist Dr. John Manalo.
07:52Maraming salamat din po.
07:53Ito ang GMA Regional TV News.
08:00May init na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:05Nasawi ang isang lalaki sa Solsona, Ilocos Norte.
08:09Chris, ano ang detalye?
08:10Pony, natuklaw ng isang kobra ang lalaki habang nasa bukid sa barangay Santa Ana.
08:18Ayon sa kapitbahay ng 36-anyos na lalaki, nagbubunot ng palay o nang punla ng palay ang biktima na mangyari ang insidente.
08:26Ilang minuto lang ang lubipas, nang hina at nahilo na raw ang lalaki kaya dinla sa pagamutan.
08:32Doon na siya binawian ng buhay.
08:34Nahuli at napatay rin kalauna ng kobra na may habang mahigit sa dalawang metro.
08:40Ayon sa Wildlife Rescue Center ng Department of Environment and Natural Resources,
08:45ang paglabas ng mga ahas tuwing may masamang panahon ay dahil sa displacement o pagkawala nila sa kanilang natural habitat.
08:53Payo nila sa mga makakakita nito, huwag silang gambalain at hayaan lang silang makaalis.
08:58Kung imposible naman, tumawag agad sa mga otoridad o sa eksperto para sila ay mahuli.
09:04Sa Tagkawayan Queso naman, patay ang isang driver ng boom truck matapos makasalpukan ng isang 10-wheeler.
09:13Batay sa investigasyon, nawala ng preno ang boom truck sa pababang bahagi ng kalsada sa barangay Santa Cecilia,
09:20bago ito sumalpok sa 10-wheeler.
09:21Apat ang sugatan sa insidente, kabilang na ang pahinante ng 10-wheeler na naipit sa loob ng sasakyan.
09:28Kritika naman ang isang rider matapos madamay sa salpukan.
09:31Isinugod sila sa ospital.
09:33Dahil sa insidente, bumigat ang dali ng trapiko sa lugar.
09:37Patuloy naman ang investigasyon.
09:42Hinahanap pa rin ng labi ng isang TNVS driver na hinoldap at pinatay ng tatlong pasaherong isinakay niya sa Paranaque.
09:50Dinig sa dashcam na biktima ang karumaldumal na sinapit niya.
09:53Babala po, sensitibo ang mga papapanood at maririnig ninyo.
09:57Sa balitang hati ni John Consulta, exclusive.
10:04Kalasada na lang sa Cavite ang makikita sa dashcam na ito ng TNVS unit ni Raymond Cabrera.
10:10Pero maririnig sa audio nito na hinoldap na ang driver at iba na ang nagmamani ako ng sasakyan.
10:16Sa isang punto, maririnig ang usapan ng mga suspect mula sa pagkuhan nila ng cellphone ng biktima hanggang sa aktual na pagpatay sa biktima.
10:24Finger pink po ito yung sasetong niya. Ay, walang password. Pinatabit yung puso.
10:30Hindi ko makuha. Tuluyan nyo na. Patayin ka na namin.
10:34Ang assumption natin is ito yung biktima at maririnig natin na siya ay sinasaksak at pinapahirapan ng mga tao na kasama niya sa sasakyan.
10:45At nagmamakaawa yung biktima at maririnig mo pa yung mga suspect na sinabi na sinaksak at isaksakin sa puso yung biktima natin.
10:58Ang malagim na krimen nangyari noong May 18.
11:01Sa CCTV ito, nahawak ng NBI.
11:05Makikita ang tatlong nalaki na sumakay sa TNVS Unit ni Cabrera mula sa isang establishmento sa Paranaque.
11:11Hindi kasama sa mga sumakay ang mismong nagbook sa ride hailing app.
11:15Umalis ang sasakyan pero muli itong mumalik sa pick-up point.
11:19Isa sa mga pasero ang bumaba at may kinuhang kutsilo sa halamanan.
11:23Merong tatlong tao na sumakay sa kanyang sasakyan at ito ay patungong muli no Baco or Cavite.
11:34So nung nandun na sila sa Cavite, nagtuloy-tuloy yung sasakyan.
11:39Imbis na may drop off, nagtuloy-tuloy itong sasakyan, nagpaikot-ikot sa Cavite.
11:45Sa CCTV namang ito sa Valenzuela City, makikita magparada ng TNVS sa isang convenience store
11:51at pagbaba ng dalawang sakay nito.
11:54Nakita natin sa CCTV, yung mga tao na nagdala kung saan pagkadala nila sa convenience store,
12:00lumabas sila, sumakay ng pedicab at later on sumakay sila sa isa pang sasakyan.
12:05Narecover ng NBI ang sasakyan na puno ng dugo at damit ng mga suspect pero wala ang katawan ng biktima.
12:12Ang pinakamengal po talaga namin is makita po siya.
12:15Kung may ginawa mo po talagang hindi maganda sa kanya,
12:18kahit mabikan na lang po namin siya ng maganda at maayos na living bu.
12:24Masakit siya o kasi hindi niyo deserve mangyari sa kanya yung sari.
12:30Yung binanas niya dun sa mga tao, walang awa po.
12:35Pata siya lumabal sa buhay, hindi siya nanglulungko ng tao.
12:38Ang pamilya ay nakikiusap, nagmamakaawa sa tulong ng publiko para mahanap ang katawan ng kanyang asawa.
12:45Nagre-raise sila ng pondo ng 100,000 reward para kung sino man ang makakapagbigay ng informasyon para sa asawa na nawawala.
12:56Tukoy na ng NBI ang pagkakainanlan ng mga suspect na sinampana ng reklamang carnapping at robbery with homicide.
13:03John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:10Huli kamang pambubugbog ng tatlong lalaking yan sa isang grade 8 student sa barangay Talamban, Cebu City.
13:16Matapos pagsusuntukin ang biktima sa gilid ng kalsada, mabilis na umalis sa mga suspect.
13:21Ayon sa investigasyon, pauwi na ang biktima kasama ang kanyang pinsan at kapitbahay ng abangan ng mga suspect.
13:27Kinala ng biktima, ugat ng krimen ang isang insidente sa kanilang eskwelahan na pinagbintangan siyang nakatapo ng noodles ng kanyang kaklase.
13:35Tukoy na ng pulis siya ang pagkakakailanlan ng mga sangkot.
13:39Nahaharap sila sa kaukulang reklamo.
13:41I-siniwalat ni Julie Dondon Patidongan na isang retiradong judge ang tumutulong umano sa iba't ibang kaso ni Atong Ang.
13:56Iniimbisigahan na yan ng Korte Suprema.
13:59Malitang hatid ni Ian Cruz.
14:01Isang dating huwes umano ang tumutulong daw sa grupo ng negosyanteng si Charlie Atong Ang para maayos ang iba't ibang kaso niya.
14:10Sa eksklusibong panayam sa GM Integrated News ni Julie Dondon Patidongan alias Sotoy,
14:16sinabi niyang kasama sa inayos ni judge ang kaso nilang anim na akusado kaugnay sa pagkawala ng mga sabongero.
14:23Katulad noong itong sa kaso namin na anim, kaya medyo nabsulto kami.
14:30Gawa si ex-judge na yan.
14:37So ano papel niya?
14:38Basa lahat ginagapang yan hanggang taas.
14:41Sabi ni Dondon, si Atong ang mismo nagsabi sa kanya ukol sa partisipasyon ng ex-judge.
14:47Kaya naman nalalaman ko, kasi nung nagtatago ako o nasa bahay na ako sa Mindanao,
14:54tinatawag niya sa akin yan.
14:57Magsabi niya, Dondon, magpasalamat ka kay ex-judge ha.
15:02Kasi siya naayos na ang ano natin.
15:04Galing siya sa, minsan kasi nasa Japan yan sila.
15:08Naayos na, doon sila nag-uusap-usap.
15:11Ani Totoy, malalim daw ang impluensya ng dating huwe sa hudikatura.
15:15Tagal na kasi yung judge siya. Parang naging hippie yata siya sa buong judge na yan.
15:23So kahit saan palig ng bansa siya?
15:25Yes.
15:26Sabi ni Justice Secretary Boyeng Rimulya,
15:29iniimbisigahan na ng Korte Suprema ang mga umanay tiwaling huwes na maaaring kasabuat sa missing sabongero.
15:34Sa isang pahayag, sinabi ng Korte Suprema na may impormasyon na sila ukol dito mula sa Department of Justice.
15:59Sineseryoso rao ng kataas-saas ang hukuman ang mga ganitong impormasyon kaya may imbesigasyon sila.
16:06Ipapatupadaw nila ang karampatang mga aksyon laban sa mga mapapatunayang tiwaling huwes, batay sa pamamaraan ng hudikatura.
16:14Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:22Happy Midweek mga mare at pare!
16:25Kasamang nakatsikahan ni pambansang ginuod David Licawko ang inyong mare at sumagot siya sa tanong kung nakaset na ba siya for marriage.
16:42Pero hindi siya nagdetalye sa kanyang love life dahil gusto niya raw itong maging private.
16:53Sa usapang friendship naman, reunited na raw si David sa kaibigan niyang si ex-PBB housemate Dustin Yu.
17:00May ibinahagi raw si David na ilang tips how to handle the celebrity spotlight.
17:05Pag muna isipin yung mga haters, nandiyan yan eh. Parang control what you can control.
17:13Kailangan niyang gawin yung mga ginagawa niya dati.
17:17Kung sino siya.
17:18Umalma ang Malacanang at ilang kongresista sa sinabi ni Sen. MIG Zubiri na isang witch hunt ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
17:35I have to listen to the evidence that will be presented by them.
17:43Of course, I have some biases.
17:45I think that it is a witch hunt because they want to remove her from public service
17:50para yung iba makaupo at yung iba ay mawawalan ng kandidato na kalaban pagdating sa halala ng 2028.
17:59But I will set that aside.
18:01I'll set my bias aside because we have to follow the process.
18:04Sabi ni Palace Press Officer Claire Castro, mas mainam na iwasan na mga Sen. Judges ang mga ganyang pahayag
18:13dahil nakikitaan niya kung saan sila kumikiling.
18:16Tinawag naman ni House Prosecutor Lawrence Defensor na unbecoming
18:20o hindi dapat sabihin ng isang Sen. Judge na witch hunt ang impeachment
18:25lalo tungkulin daw nilang maglitis ng patas.
18:29Dagdag ni ML Party List Rep. Laila Delima na inaasahang sasali sa House Prosecution Team
18:34Insulto sa Kamara at sa mga naghain ng impeachment complaint laban sa Bise ang pahayag ni Zubiri.
18:40Bagamat pinawag na witch hunt, sinabi ni Zubiri na kailangang gawin ng Senado
18:45ang tungkulin to bilang impeachment court alinsunod sa konstitusyon.
18:50Sinisikap ang kuna ng bagong pahayag si Zubiri kaugnay sa mga sinabi ng Malacanang
18:54at nabanggit ng mga kongresista.
18:58Sabi naman ang Bise na kasalukuyang nasa The Hague, the Netherlands,
19:01ayaw na niyang makisali sa anisagutan ng mga mambabatas.
19:07Witch hunt ang sinasabi nila tungkol sa impeachment trial
19:11na hindi pa nga po nakakapag-start ng trial.
19:14So parang isang judge na nagsabing hindi na siya guilty
19:17habang hindi pa dinidinig ang anumang ebidensya.
19:20Hindi dapat nanggagaling yun sa isang senator judge
19:24who are expected to receive the evidence with impartiality
19:28and to treat the impeachment as a constitutional process.
19:32Sana hindi na maulit yun.
19:33It's an insult to the House as the initiator of the impeachment process.
19:41Also an insult to the various groups that filed those first three
19:46impeachment complaints bago nag-adopt diretsyo
19:50yung more than one-third of the members of the House.
19:55Huli kamang pagbulusok na isang dump truck sa binangon ng Rizal.
19:59Dead on the spot ang driver.
20:00Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
20:06Bumulusok ang isang truck ng basura sa barangay Darangan, binangon ng Rizal.
20:11Sumalpok ito sa isang bahay at tindahan.
20:14Dead on the spot ang 43 taong gulang na driver na si Tcholan Binala.
20:19Sugatan naman ang may-ari ng bahay.
20:22Naupo lang ako rito para magpalamig dito sa tapat ng aircon.
20:26Hanggang bigla na lang may sumabog na.
20:29BOW!
20:29Tapos biglang humagi sa akin yung aircon.
20:32Ito nga, sulgat.
20:33Tapos paglabas namin, makata namin yung truck.
20:36Yung mukha ng truck, na, dyan na.
20:38Namatay ang isa nilang alagang aso na nabagsakan daw ng semento.
20:42Maswerte namang sarado ang tinamaang tindahan nang mangyari ang insidente.
20:47Buti hindi ako nagbukas kasi kumakain muna ako.
20:50Ngayon pagtapos ko ano, tapos ko kain, narinig ko lang biglang sabog.
20:55Kala ko anong nangyari, yun pala, isa na, may retso dun.
21:00Buti nga, wala yung mga anak ko dito eh.
21:02Sa lakas ng impact, matindi ang pagkakayupi ng unahang bahagi ng truck.
21:07Kwento raw ng pahinante, tapos na silang maghakot ng basura,
21:10kaya pinatanggal ng driver ang kalso ng gulong.
21:13Hindi tiyakong nakaanda ng makina ng truck noon, pero bigla na lang daw itong dumausdos.
21:18Nung magtanggal sila ng kalso, biglang dumiridiretso yung sasakyan.
21:24So unexpected na mawawalan siya ng preno.
21:27So kaya nagdiret-diretso siya dito.
21:30Patuloy na iniimbestigahan ng Rizal Provincial Police ang insidente.
21:34Pahirapan ang pagtanggal sa labi ng driver dahil sa tindi ng pagkakayupi sa cabin ng truck.
21:40Nakakaawa ko yung ano niyo.
21:42Durog yung ganto niyo.
21:45Maawa ko.
21:46Hindi ko kaintingan ng matagal na.
21:49Naulila ng driver, ang kanyang live-in partner at kanilang tatlong anak.
21:54Sobrang hirap po kasi siya lang po yung nagaanap huwag sa amin.
21:58Pati yung mga anak ko, maliit.
22:01Iyak nang iyak nga.
22:02Iyak siya, inanap siya, papa niya.
22:04Tiniyak ng barangay na tutulungan nila ang pamilya ng nasawing truck driver.
22:09Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa may-ari ng tinamaang bahay at tindahan para pag-usapan ang Danyos.
22:16EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:20Huli kam sa Cebu City.
22:24Nagihintay ng go-signal ang mga motorista sa isang bahagi ng intersection sa barangay Santo Niño.
22:30Ilang sandali lang, kabilang sa mga umandaragad, ang isang traditional na jeep.
22:34Naabangga ito na isang modern jeep ni nagaling sa kabilang direksyon ng intersection.
22:38Sa lakas ng impact, nasiksik sa bandang harapan ang mga pasahero ng modern jeep.
22:42Inaalam pa kung may sakay ang traditional jeep at may ibang nadamay sa nangyari.
22:47Ayon sa mga opisyal ng barangay, posibleng beating the red light ang modern jeep habang nagmamadali naman umano sa pagtakbo ang traditional jeep.
22:55Kinukuwa pa ang payag ng parehong driver.
22:57Patuloy ang investigasyon.
22:59Bantay, Bulcang Taal naman tayo matapos ang naitalapong volcanic tremors sa bulkan.
23:07Kausapin po natin si Paolo Redliva, resident volcanologist ng Taal Volcano Observatory.
23:14Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
23:17Magandang umaga po, Ms. Connissi.
23:19Opo.
23:20Kapusta po ang pagbabantay niyo sa Bulcang Taal?
23:22May mga volcanic tremors pa rin po.
23:24Ba kayong namomonitor hanggang sa mga sandaling ito?
23:27Ah, yung volcanic tremor po na nagsimula nung Sunday ng umaga ay na didetect pa po ng mga records namin.
23:38So, ongoing pa po ito.
23:40Although may period na humihina siya at kaso medyo bumabalik po sa dating antas o level ng record po.
23:51At ano po ang chance na mga biglaang pagputok po ng vulkan?
23:56Ah, kasi yung tinitingnan po doon sa volcanic tremor,
24:01ah, noong June 16 po kasi,
24:05nagkaroon din po tayo ng isang maliit o mahinang pagsabog sa Taal Volcano.
24:10Ah, bago po nangyari yun, nagkaroon din po nga nung tremor
24:13o na nagdulot ng pagtaas ng pinatawag naming real-time seismic amplitude measurement
24:19o paglakas ng enerhiya na dulot ng continuous na tremor na yun.
24:25So, sa ngayon po, binabantayan po po namin kung magkakaroon nga rin po ng posibilidad na magkaroon ng gano'ng pagsabog po.
24:35Ano ba ang parameters na tinitignan ninyo kung kailangan na itaas ang alert level ng vulkan ngayon mula sa alert level 1?
24:42Kasi ang nabalitaan po natin, kung sumabog man ito, ay maaaring hindi naman ganong kalakas.
24:50Opo. So, sa alert level 1 po na classified as low-level volcanic address,
24:56meron rin po tayong mga naitatala mga paglindol, may nasusukat na sulfur dioxide,
25:02may liit na pamamaga ng vulkan.
25:05At para po ma-raise to sa alert level 2, mas mataas pong bilang ng mga vulkanic earthquakes,
25:13mas malalakas po siya, na posibleng pong mararamdaman na po ng mga residente,
25:18kahit po dito sa kabila ng vulkan taal sa mga komunidad po.
25:23At medyo malaki po yung ground deformation na tinatawag natin o pamamaga ng vulkan,
25:28at mas mataas na level po ng vulkanic gases.
25:31So, sa ngayon po, medyo wala pa naman tayo sa ganong antas o level bas po sa monitoring ng pee bulbs po.
25:40Marami pong salamat sa inyong update sa amin.
25:43Maraming salamat din po, Ms. Connys, at sa mga taga-panood ng bahitang tanghali. Salamat po.
25:48Maraming pong salamat. Yan po naman si Mr. Paulo Reniva,
25:51resident volcanologist ng Taal Volcano Observatory.
25:56The International Criminal Court is now in session.
25:59Rodrigo Roan Duterte.
26:09Pwersahan o ginamitan umano ng harassment ang pagkuhas sa ilang ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
26:15sa kanyang kaso sa International Criminal Court.
26:18Sinabi yan ni Vice President Sara Duterte habang nasa The Hague, Netherlands,
26:22para bisitahin muli ang ama.
26:24Balita ang hatid ni Marisol Abduraman.
26:25Ito ang reaksyon ni Vice President Sara Duterte
26:38sa pagtulong ng gobyerno sa gustusin ng mga saksing haharap
26:42sa International Criminal Court laban sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
26:47Hinihingan namin ang reaksyon si Justice Secretary Jesus Crispin Ramulia
26:51pagkaman dati na niyang nilinaw na ang ibibigay lamang ng gobyerno
26:54ay yung para sa siguridad ng mga saksi at hindi ang pagbiyahe patungo sa The Hague.
26:59Tinanong din ang Vice hinggil sa sinabi ni Pangulia tungkol sa mga ebidensya laban sa dating Pangulo.
27:04Kaya nga umabot sa ICC ito eh.
27:06Kasi dito, binura na lahat ng pwedeng burahin eh, para hindi matuloy yung mga kaso.
27:12Ang komento dito ng Vice.
27:13Gawa-gawa. Gawa-gawa talaga na ebidensya.
27:17At yung ibang ebidensya nila, meron din tayong ebidensya na kinuha yun
27:22by force or intimidation or harassment of individuals.
27:28So, makikita din natin yun.
27:32Soon, very soon.
27:34Hiningan namin ang pahayag ang Justice Department, kaugnay niyan.
27:37Nasa The Hague muli ang Vice para dalawin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte
27:42na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa ICC.
27:45Ayon mismo sa VP, ilang araw siyang mananatili roon.
27:49Si PRD, ipa-expound kung ano yung skin and bones.
27:53Payat siya at sobrang payat niya na hindi niyo pa siya nakita na ganito kapayat.
28:00Siguro nakita ko siyang ganito kapayat nung binata pa siya.
28:03Hingin naman sa sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na tigilan na ang pamumulitika, sabi ng Vice.
28:10Siguro tumingin siya sa salamin, no?
28:12Magsinasabi niya yung staff na ang pamumulitika kasi sila yung namumulitika.
28:17Ang ginagawa lang namin lahat ay sumasagot kami, di ba?
28:20Wala naman kami ginagawang atake.
28:22Sa amin lahat ay sagot at depensa.
28:25So silang tumigil.
28:28Muling iginiit ng Malacanang na wala silang kinalaman sa impeachment case laban sa Vice.
28:33Tugon naman ang palasyo sa balak ng defense team ng dating Pangulo na isumiti sa ICC ang report ng Senate Committee on Foreign Relations
28:41na nalabag umano ang karapatan ng dating Pangulo nang siya ay arestuhin.
28:45Baka maging negatibo pa po sa kanila.
28:49Kung makikita po siguro ang pag-iimbestiga doon at makikita kung paano ito ginawa,
28:55siguro hindi naman po bulag ang ICC judges para makita kung ano ba talaga yung maaaring naging katotohanan dito.
29:01Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
29:07Ito ang GMA Regional TV News.
29:11Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
29:17Labing isang estudyante sa Kanlaon Negros Oriental ang isinugod sa ospital.
29:21Si Essel, anong nangyari sa kanila?
29:25Rafi, sumama-umano ang pahiramdam ng mga estudyante habang nasa flag ceremony.
29:31Ayon sa School Governance and Operation Division ng Kanlaon City School Division Office,
29:35isa sa mga estudyante ang nawala ng malay dahil sa lagnap.
29:39Ang tanggapan naman ng Department of Education sa Lungsod,
29:42sinabing acid reflux ang naramdaman ng karamihan sa mga estudyante.
29:47Kahit hindi nakapag-almusal, kumain ang mga naturang estudyante ng mga mangga
29:52na pinitas nila habang naglalakad papasok sa eskwela.
29:56Nakalabas na ng ospital ang siyam sa kanila.
29:58Dalawa naman ang nananatili sa ospital dahil sa lagnap.
30:02Sa isang social media post, kinumpirma ng prinsipal ng Patrosinia D. Encarnacion National High School
30:09na si Dean Brian Bailon na may mga estudyante ngang sumama ang pakiramdam noong araw na yun.
30:15Under control na raw ang sitwasyon.
30:17Ayon sa mga doktor, hanggang maaari, huwag pong kumain ng mga pagkain asidik tulad ng mangga
30:23kapag wala pang ibang lamang pagkain ng sikmura.
30:26Sa Tupi, South Cotabato, patay sa enkwentro ang isang lalaki na pinaniniwala ang sangkot sa pagnanakaw ng pinya.
30:36Basis sa inyosin, nahuli ng security guard ng plantasyon na ikinakarga sa likod ng pick-up ng tatlong sospek
30:43ang mga bagong pitas na pinya.
30:45Namaril-umano ang isa sa mga sospek kaya ginantihan ng gwardya.
30:49Dead on the spot ang sospek.
30:51Tumakas naman ang dalawa niyang kasama na tinutugis na ng mga otoridad.
30:57Nasa kustudiya naman ng pulisya ang gwardya.
30:59Sinisika pa namin kunin ang pahayag ng gwardya pati ang may-ari ng plantasyon.
31:11Makapigilhin niya ang pag-rescue sa Paris, France.
31:13Kahit nasa ika-anim na palapag, buwis-buhay na iniligtas ng lalaking iyan ang mga natrap sa isang nasusunog na gusali.
31:19Isa-isang tinulungan ng lalaki ang mga natrap kabilang ang ilang bata na makatawid sa kabilang bahagi ng gusali.
31:26Umani ng papuri sa social media, maging sa presidente ng France ang katapangan ng lalaki.
31:32Base sa embesigasyon, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali
31:35dahil umano sa pagsabog ng baterya ng isang bisikleta habang nakacharge ito.
31:40Labindalawang sugatan sa sunog ayon sa pulisya.
31:43Mainit-init na balita, nakataas ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi po ng Metro Manila.
31:52Ayon sa pag-asa, apektado ang Quezon City at Marikina.
31:55Uulanin din ang Tarlac, Cavite, Matangas, Laguna, Nueva Ecija at sa ilang panig ng Zambales,
32:02Pampanga, Bulacan, Quezon Province, Bataan at Rizal.
32:08Pina-alert po ang mga residente mula sa banta ng Baha o Landslide.
32:12Tatagal ang thunderstorm advisory hanggang 12.45 ngayong tanghali.
32:20Isang espesyal na tribute ang ibinigay kay entertainment columnist,
32:25host at talent manager Lorit Solis sa huling araw ng kanyang lamay.
32:30Dumalo ang kanyang mga naging alaga sa showbiz,
32:33gaya ni na Paulo Contes, Yasmin Curdy, Benji Paras,
32:37kasama ang anak na si Andre, Congresswoman Lani Mercado, Sandy Andolong at Glidel Mercado.
32:44Naroon din si GMA Network Entertainment Group Officer-in-Charge
32:48and Vice President for Drama, Cheryl Ching C.
32:52Pati si na Ding Dong Dantes, Tirso Cruz III, Isa Seguera at Liza Dino.
32:58Kahapon, crinimate ang labi ni Manay Lolit na pumanaw sa edad na 78.
33:08Ang network po ay binavalyo ang kanyang loyalty.
33:14Napakarami po niyang programang nagawa sa network
33:18at napakarami po niyang naging kaibigan.
33:23Ang kanyang generosity po ay known sa industry.
33:28Lahat po ng nakukuha niyang blessings ay sinishare niya.
33:36Mabibilis na balita po tayo.
33:40Isang bata ang natagpuan walang malay sa tabing ilog sa barangay Talon Trece
33:43o Tres sa Las Piñas sa kasagsagan ng pagulan kagabi.
33:47Binigyan ang first aid ng bata bago siya dalhin sa ospital.
33:50Ayon sa kagawad ng barangay,
33:52posibleng hindi tagaroon ang bata dahil walang naghahanap sa kanyang magulang.
33:56Mahigit sanda ang pamilya sa barangay
33:58ang naapektuhan ng naranasang pagbaha at kinailangang lumikas.
34:02Nanantili muna sila sa covered court malapit sa barangay.
34:07Nagsagawa ng operasyon ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation
34:11sa Paranaque Integrated Terminal Exchange kaninang umaga.
34:14Kasunod yan ang natanggap nilang reklamo na may mga taxi
34:17na nangungontrata ng mga pasahero.
34:20Ilang driver ang tinikitan dahil naghihintay sila ng pasahero
34:23sa labas mismo ng PITX at hindi sa itinalagang taxi bay.
34:27Inissuean sila ng temporary operator's permit
34:29dahil sa illegal terminal at obstruction.
34:32Nagpaalala naman ng mga taga-asaig sa mga pasahero
34:35na sumakay sa taxi bay para maiwasan na mabiktima ng pangungontrata.
34:41Piniyak po ng sabahang industriya ng agrikultura o sinag
34:49na walang nakapapasok na imported na sibuyas
34:52na kontaminado ng E. coli sa Pangasinan.
34:55Ayon sa sinag, wala rin pangamba ng kontimenasyon ng E. coli
34:59sa mga ibiribentang sibuyas sa mga merkado roon.
35:02Sabi ng mga eksperto sa kalusugan,
35:04posibleng magdulot ng gastrointestinal disease
35:07ang pagkain ng produktong kontaminado ng E. coli.
35:10Sa Mangaldan, problema po ang patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas.
35:15Native o mga locally produced na sibuyas kasi ang ibiribenta roon.
35:19Batay sa huling monitoring ng Department of Agriculture
35:22sa ilang pamilihan sa Metro Manila,
35:24nasa P120 hanggang P150 na ang presyo ng pulang sibuyas.
35:29Habang nasa P85 hanggang P150 ang kada kilo ng puting sibuyas.
35:34Nasa P400 naman ang kada kilo ng bawang.
35:38At P120 hanggang P250 ang kada kilo ng luya.
35:46Huli kam sa Pototan, Iloilo.
35:48Kitang pumarada ang tricycle na yan sa barangay Malusgod.
35:51Ang driver nito, bumaba at nagbasid sa paligid.
35:55Ilang sandali lang, nakita na siya sa video na may bit-bit na mga baterya ng sasakyan.
35:59Dinala niya mga ngayon sa tricycle at saka tumakas.
36:02Ang mga baterya nasa isang dump truck pala,
36:05nagkakahalaga raw ng P11,000 pesos.
36:07Narecover din ang ninakaw ng mga baterya sa barangay Lubok.
36:11Ayon sa pulisya, inabando na ang mga ito ng suspect ng makasalubong
36:14ang mga rumurondang pulis.
36:17Disididong magsampan ng reklamo ang may-ari ng ninakawang dump truck.
36:22Tuloy ang clearing operation sa Binondo, Maynila,
36:25laban po sa mga buhol-buhol na kawad sa mga poste.
36:29At may ulot on the spot si Dano Tingcunco.
36:32Dano!
36:36Dito sa Yuchenco Street sa Binondo, Maynila,
36:39mula Abril hanggang sa araw na ito,
36:42tinatayang nasa 2,000 kilo ng kawad na hindi magamit
36:46at walang silbi ang nakuha ng Meralco
36:49sa kanilang clearing operations ng spaghetti wire.
36:52Kaya raw, ganun na lang ang suporta ng Manila City Government sa Meralco
36:56dahil isang paraan ang clearing operations ng spaghetti wire
36:59para maiwasan yung merong matumbahan ng poste,
37:03lalo na yung mga sinampayan talaga ng husto ng kable.
37:06Sabi ni Mayor Isco Moreno,
37:08tuloy-tuloy lang daw, o sa kanyang salita,
37:10ay want to sawa ang operasyon hanggang sa maging maganda na raw sa mata
37:14ang mga poste ng kuryente sa Maynila.
37:16Pero ang punteriaan niya talaga,
37:18ang public safety,
37:19bonus na lang daw yung itsura ng mga poste.
37:22Ayon sa Meralco,
37:23nagsimula raw talaga ang problema sa mga spaghetti wire,
37:26lalo na dito sa lugar na ito,
37:27nung kasagsaga ng lockdown,
37:29kung kailan kaliwat-kanan ang pagkakabit sa mga poste
37:33ng walang clearance sa Meralco.
37:35Kaya kanina,
37:36inanunsyo ni Mayor Isco na sa Maynila,
37:38simula actually nung nakaraang linggo pa,
37:41na lahat ng mga magkakabit ng linya ng kuryente
37:45o kahit anong servisyo sa mga poste,
37:48kailangan muna ng pahintulot ng Meralco
37:50sa halip na sa city government ng Maynila.
37:53Narito ang bahagi ng kanila mga naging pahayag.
37:58It is now, Meralco,
38:00who will say yes or no,
38:02o kung kayo'y makakapaglatag sa poste ng Meralco.
38:07If it is for development,
38:09and if it is workable and feasible,
38:12I don't think Meralco will deny your request.
38:15But if it is not,
38:16then we will heed and follow the direction of Meralco.
38:22Kasi at the end of the day,
38:24puro high-tension wire yan eh.
38:26Ano yan, mas-mas delikado yan para sa mamamaya namin
38:30o sa lungsod.
38:32Pag tagulan,
38:33nandiyan din yung possibility ng power outages
38:36brought about by Inclement Weather,
38:38lalo pag binagyo tayo.
38:40So ito,
38:41ginagawa na natin this early,
38:44although tagulan na tayo,
38:45para maayos natin ng mabuti.
38:49Yung mga poste natin,
38:50hindi mabigatan.
38:51Hindi magkaroon ng...
38:52Kasi otherwise,
38:53pag dumaan ng malakas na hangin
38:56at medyo minahalas tayo,
38:58pwedeng mabuwal yan.
38:59At Connie,
39:04hindi lang dito sa Maynila
39:06ginagawa ng Meralco
39:07yung clearing operation
39:08sa mga spaghetti wire,
39:09kundi sakop daw nito
39:10yung kanilang buong franchise area.
39:13Yan ay sakop nito
39:15yung Mega Manila Region.
39:16Connie?
39:16Maraming salamat,
39:17Dano Tingcunco.
39:20Ito ang GMA Regional TV News.
39:25Isang bangkay ng dalagita
39:27ang natagpuan sa bahagi ng dike
39:28sa barangay Cardona
39:30sa Girona Tarlac.
39:31Natukoy ang biktima
39:32na isang dalagitang 17 anyos
39:34mula sa barangay Villapas.
39:36Nakita raw ang bangkay
39:37ng biktima
39:38ng mga nagjajogging
39:39sa lugar nitong lunes
39:40at agad na itawag
39:42sa mga otoridad.
39:43Inaalam pa
39:43kung ano
39:44ang ikinamatay ng biktima.
39:49Nasunog ang isang bahay
39:51at sasakyan
39:52sa Talisay,
39:53Negro Suksidental.
39:54Nagtulungan na
39:55ang mga residente
39:56para maapula ang apoy.
39:57Nagkaroon pa raw
39:58ng pagsabog.
40:00Base sa embesigasyon,
40:01wala ang mag-live and partner
40:03na nagmamayari
40:04sa bahay
40:05nang magsimula ang sunog.
40:07Nakabalik naman agad
40:08ang lalaking mayari
40:09at sinubukang iligtas
40:11ang kanilang mga gamit.
40:12Nagtamo siya ng pasos
40:14sa kaliwang braso.
40:15Pusibli raw
40:16nagsimula ang sunog
40:17sa may kusina
40:18dahil sa mga wire
40:19o nag-overheat
40:20na electrical installation.
40:22Sabi ng mga otoridad,
40:23abot sa P360,000
40:25ang halaga
40:26ng pinsala.
40:36Hindi raw sang-ayon
40:38ang 42%
40:39ng mga Pilipino
40:40sa inihahing
40:40impeachment complaint
40:41labang kay Vice President
40:42Nanzara Duterte
40:43batay sa survey
40:45ng social weather stations.
40:4732% naman
40:48ang sang-ayon.
40:49Pinakamaraming sumang-ayon
40:51ay mula po sa Mindanao
40:52abang pinaka-kaunti
40:54naman mula sa Luzon.
40:55Sa parehong survey,
40:5644%
40:57ang naniniwala
40:58ang dini-delay
40:59o mano
40:59ng Senado
41:00ang impeachment trial
41:01ng Vice.
41:0225% naman
41:03ang nagsabing
41:04hindi sila naniniwala rito.
41:06Sanlibot dalawang daan
41:08ang sumagot
41:08sa survey
41:09na may sampling error
41:10na plus-minus
41:113%.
41:12Ginawa ang survey
41:13nitong June 25
41:15hanggang 29
41:16kung kailan
41:16nagsumite
41:17ng certification
41:18ng House prosecutors
41:19kaugnay sa
41:20one-year bar rule
41:22pati ang kanilang tugon
41:23sa sagot ng Vice
41:24sa summons
41:25ng impeachment court.
41:27Sinabi rin noon
41:27ni Senate President
41:28Chief Escudero
41:29na labing tatlong boto
41:30ang kailangan
41:31para madismiss
41:32ang impeachment
41:34sakaling maghain
41:35ng dismissal
41:35ang kampo ng Vice.
41:37Sisikapin namin kunin
41:38o kunan
41:39ng pahayag
41:40ang kampo ng Vice
41:41tungkol sa risulta
41:42ng SWS survey.
41:44Ang Catholic Bishops
41:45Conference of the Philippines
41:46naman
41:46nababahala
41:48sa pagkaantala
41:49ng impeachment
41:49proceedings sa Senado.
41:51Naniniwala raw silang
41:52lehitimo
41:53at demokratikong hakbang
41:55ang impeachment
41:56para sa transparency
41:57at accountability
41:58sa gobyerno.
42:00Dati nang itinanggi
42:01ng Senate Impeachment Court
42:02na dinidelay nila
42:03ang proseso.
42:07Nanindigan
42:08ang Philippine National Police
42:09sa reklamo nilang
42:09paglabag
42:10sa Anti-Hazing Act
42:11laban sa apat na kadete
42:13ng Philippine Military Academy.
42:15Ayon kay PMP Spokesperson
42:16Jean Pajardo,
42:17hindi lang isang beses
42:18nakaranas ng pananakit
42:19ang kadeteng biktima
42:20anya ng hazing.
42:22May pagkakataon pa raw
42:23na naospital ang biktima
42:24dahil sa pananakit.
42:26Disinidong ituloy
42:26ng kadete
42:27ang reklamo
42:27kahit umalis na siya
42:28sa PMA
42:29noong June 30.
42:31Naunang sinabi
42:31ng PMA
42:32na hindi hazing
42:33ang nangyari
42:34sa kadete.
42:35Hindi pa rin nila
42:35natatanggap
42:36ang kopya
42:37ng reklamo.
42:39Sabi naman
42:39ng Armed Forces
42:40of the Philippines,
42:41suspindido na
42:42ang dalawang kadete,
42:43pinurusa
42:43ng isang kadete
42:44habang acquitted
42:45naman
42:45ang isa pa.
42:46Team Aspern
42:54ng Pinoy Big Brother
42:55Celebrity
42:55Colab Edition
42:57magingay,
42:58matapang,
42:59na sinagot
43:00ni na AZ Martinez
43:01at River Joseph
43:02ang ilang tanong
43:04tungkol sa kanilang duo.
43:05What is your biggest
43:10what if
43:11sa loob
43:12ng bahay
43:12ni Kuya?
43:13What if
43:15wala yung
43:17core group ko?
43:18I don't think
43:19I'll make it.
43:20I don't think
43:21I'll be able
43:22to make it
43:22without yung people
43:23sa end of the table,
43:25yung roar,
43:26yung sinasabi nilang roar,
43:27yung core,
43:28and of course
43:29yung Azver.
43:30What if wala sila
43:31and I know
43:32na I wouldn't be here
43:33without them.
43:34So, sila yung strength ko,
43:36sila yung
43:37reason kung bakit
43:38din ako lumalaban.
43:39I was nominated
43:40during the first
43:41nomination,
43:42so
43:42lagi kong iniisip
43:44kung ano kaya
43:45mangyari kung
43:46umalis ako
43:47ng first nomination.
43:48How different
43:49would my life
43:50have been?
43:51And like,
43:52ang dami kong
43:53may miss out,
43:54ang dami kong
43:55ma-re-regret.
43:56Sa kanilang guesting
43:58sa unang hirit,
43:59binalikan din
44:00ng fourth big placers
44:01ang second big jump
44:03challenge kung saan
44:04sila ang sumakses.
44:06Inamin ni River
44:06na natakot siya
44:07sa challenge dahil
44:08sumama rin
44:09ang pakiramdam ni AZ.
44:11Proud daw siyang
44:12itinuloy ni AZ
44:13ang laban.
44:14Si AZ,
44:15no regrets
44:16at handang
44:16piliin ulit
44:17si River
44:18bilang final duo
44:19kung bibigyan
44:20ng second chance.
44:21Happy raw sila
44:22sa kanilang
44:22after party
44:23kung saan
44:24nakabonding din nila
44:25ang staff
44:26ng programa.
44:27Ramdam din nila
44:27ang suporta
44:28ng kanilang fans
44:29sa unang hirit
44:30kanina.
44:39Heartwarming din
44:40ang grand salubong
44:41ng Sparkle
44:42GMA Artist Center
44:43para sa Kapuso
44:44Big Four.
44:45All smiles
44:46ang Kapuso Big
44:46winner na si Mika
44:47Salamangka,
44:48second big placer
44:49Will Ashley,
44:51third big placer
44:51Charlie Fleming
44:52at fourth big placer
44:54AZ Martinez.
44:55Present sa event
44:56ang ex-PBB Houseguest
44:58at Reyna Michelle D.
45:00Pati si GMA Network
45:01Senior Vice President
45:02Attorney Annette Gozon Valdez
45:04at iba pang opisyal.
45:06Game ring nagpa-picture
45:07ang Big Four
45:08sa meet and greet
45:09sa Sparkle Family.
45:14Fighters with Soft Hearts
45:16Sumalang sa GMA Integrated
45:18News Interviews
45:19si na Will Ashley
45:20at Ralph DeLeon
45:21o Rawi
45:22na second big placer
45:24duo ng PBB
45:25Celebrity Collab Edition.
45:27Kwento ng Rawi
45:28talagang ipinaglaban nila
45:30ang pananatili
45:31sa bahay ni Kuya.
45:33Si Will inamin
45:33na naisip niyang
45:34mag-voluntary exit
45:36pero pinalakas daw
45:37ng mga kapwa housemate
45:39ang kanyang loob.
45:40Si Ralph naman
45:41special
45:41ang touring sa PBB
45:43journey
45:43dahil nagbalik siya
45:45as wildcard
45:46sa bahay ni Kuya.
45:47Proud din daw sila
45:48sa kanilang PBB journey.
45:54Kung meron man po
45:55akong ginagawang
45:55isang bagay
45:56gusto kong ibigay talaga
45:58yung 100% best ko
45:59and yun yung
46:00something na naging
46:01proud talaga po ako
46:02kasi
46:02ang laking growth po
46:04nun para sa akin.
46:05I haven't been
46:06handed anything
46:07dito po sa
46:08line of work po
46:09namin ni Will
46:10and I wanted
46:11to be that way also
46:12kasi dun ko po talaga
46:13mawapatunayan
46:14na deserve ko po talaga
46:15yung mga binibigay
46:16po sa akin
46:16blessings.
46:19At ito po ang
46:20Balitang Hali
46:21bahagi kami ng
46:21mas malaking misyon.
46:22Ako po si
46:23Kwani Cizan.
46:24Rafi Tima po.
46:24Kasama nyo rin po ako
46:25Aubrey Caramper.
46:26Para sa mas malawak
46:27na paglilingkod sa bayan.
46:29Mula sa GMA Integrated News
46:30ang News Authority
46:31ng Filipino.
46:32BOO

Recommended

1:38:16