Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/17/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, June 17, 2025


-BJMP at Atty. Ferdinand Topacio: Arnie Teves, isinugod sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan

-100 Chinese na nahuli sa mga ilegal na POGO, ipina-deport sa China ngayong araw

-PAGASA: LPA sa bahaging Oriental Mindoro, magpapaulan sa NCR, southern Luzon at ilang panig ng Central Luzon

-Ilang bahay at tindahan, naperwisyo ng baha/ Buhawi, nanalasa sa siyam na barangay

-Bagong polisiya ng DepEd: Walang automatic suspension; LGU na ang magdedesisyon sa class suspension na may kinalaman sa lagay ng panahon

-Akusado sa pagpatay sa isang tricycle driver noong Disyembre, arestado

-Konduktor na nanguryente sa pasaherong PWD, pakakasuhan ng DOTr sa LTFRB

-Mga nakapakete at sako-sakong ilegal na droga, natagpuan sa dagat sa ilang probinsya sa hilagang Luzon

-Lalaki, arestado dahil sa panghahalay umano sa menor de edad na anak ng kanyang live-in partner; itinanggi niya ito

-DOTr: Balik-normal na ang biyahe ng MRT-3 matapos magkaaberya dahil sa nasunog na wire sa poste sa pagitan ng Cubao at Santolan stations

-World Premiere ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre," trending matapos ang pilot episode nito kagabi

-Motorcycle rider, sugatan matapos masalpok ng SUV

-Panawagan ni VP Duterte: Magtiwala na magiging patas ang senator-judges sa impeachment trial

-Senate President Escudero: Voluntary ang pag-inhibit ng senator-judge at hindi puwedeng pagbotohan

-Magkapatid na edad 5 at 2, nasawi matapos malunod habang naliligo sa dagat

-Bagong Silang na sanggol, natagpuang patay sa isang irrigation canal sa Brgy. Katanggawan

-Presyo ng manok at itlog sa Marikina Public Market, tumaas dahil sa mataas na demand

-PNP: Bullying sa mga paaralan, maaari na ring isumbong sa 911 hotline

-Ilang estudyante, 2 oras naglalakad papuntang eskwelahan dahil sa hirap sa masasakyan

-Mahigit 20 tricycle na kolorum o pumapasada na wala sa ruta, tiniketan

-16 na abogado, bubuo sa legal team ni VP Sara Duterte sa impeachment trial

-INTERVIEW: GREGORIO SAN DIEGO JR.
UBRA CHAIRMAN EMERITUS

-Thunderstorm Advisory, itinaas sa ilang panig ng central at southern Luzon

-INTERVIEW: CHRIS PEREZ
ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA

-6-anyos na batang lalaki, pumanaw dahil sa rabies infection matapos makagat ng alagang tuta


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:30Malita, isinugod sa ospital si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Tevez Jr.
00:35Kinumpirma yan ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Tupacio at ng Bureau of Jail Management and Penology.
00:41Nakaranas daw ng matinding pananakit ng chance si Tevez kagabi.
00:45Ayon sa BJMP, binigyan na si Tevez ng pangunang lunas at atensyong medikal kagabi.
00:51Dinala siya sa ospital kaninang umaga kasunod ng rekomendasyon ng doktor sa BJMP dahil hindi raw bumuti ang lagay ni Tevez.
00:59Maigpit ang siguridad ng BJMP kay Tevez sa hindi binanggit na pampublikong ospital.
01:04Ayon naman kay Atty. Tupacio, naibsan na ang sakit ng chan ng kanyang kliyente matapos mabigyan ng painkiller sa ospital.
01:11Pero kailangan pa rin ang dagdag na pagsusuri para matukoy kung ano ang kanyang sakit.
01:15Isa pang mainit-init na balita, sandaang Chinese na nahuli sa mga iligal na Pogo hubs sa Pilipinas ang ipinadeport na pabalik sa China ngayong araw.
01:28Ang ilan may mga iniwang asawa o partner at anak.
01:31May ulit on the spot si Salima Refran.
01:34Salima?
01:35Conny, 10.40am kanina yung flight ng isang daang diniport na Pogo workers pabalik ng China.
01:46Sila yung mga naaresto ng mga otoridad doon nga sa mga anti-Pogo raids o anti-Pogo operations sa Cebu, Cavite, Pasay at Paranaque.
01:55Bumuhos ang emosyon na magpaalam ang ilang Pinay na mga asawa at partner ng mga deporte kanina.
02:03Ang isa kasama pa ang kanyang anim na bonggulang na anak.
02:07Maswerte naman na mag-ina dahil kausap na nila ang pamilya ng lalaki sa China at makakasunod sila doon.
02:12Ang ibang may iwan, ipinagdarasal na lamang ang kanilang kapalaran at tumaasang magkakasama muli.
02:18Idineklara ang mga naaresto ng mga undesirable aliens na sa kawalan ang kaukulang mga visa at work permits.
02:24At dahil na rin sa pagtatrabaho sa mga pinagbawal ng mga Pogo, blacklisted na rin sila at hindi makakabalik ng Pilipinas,
02:31liba na lamang kung malilift ang blacklist order.
02:34Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK, China mismo nagbayad sa mga pamasahe ng mga dineport.
02:41Ito ay para masigurong deretso China at hindi makakatakas ang deportees.
02:45Matatanda ang may reports noon na nakakapag-layover pa sa ibang bansa ang mga deportee na mga Pogo boss at hindi na dedeport sa China.
02:53Narito ang mga pahayag ng ilang asawa at partner na mga dineport at ni PAOK Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz.
03:23Importante kasi sa kanila dahil marami silang nakukuwang informasyon dito sa mga bosses kung paano sila nag-ooperate, saan sila nag-ooperate at ano-anong mga sistema sa money laundering ang ginagamit nila.
03:36Ang ayaw kasi nila siyempre yung hindi nakakarating sa China mismo, yung mga boss nitong operation ng Pogo.
03:44Connie, pagdating nga sa China ay sasalang sa malalimang investigasyon ang mga dineport.
03:54Yan ay para sa mga kasong scamming, cybercrime, fraud at money laundering.
03:59Malaking krimen ang mga ito doon at maraming biktima at umaabot pa nga ng bilyong-bilyong dolyar ang mga nakukuha.
04:06Ayon sa PAOK, mula nang ipatupad ang crackdown sa mga Pogo, umabot na sa 4,000 ang mga naaresto.
04:14Nasa 2,500 naman ang mga dayuhan na na-deport sa kanilang mga bansa.
04:18Connie.
04:19Maraming salamat sa Lima Refran.
04:28May binabante ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
04:33Mula sa Visayas na sa bahaging south ng Luzon na ito.
04:35Namata niya ng pag-asa 70 kilometers east-southeast ng Calapan Oriental, Mindoro.
04:41Sabi ng pag-asa, mababa ang tsansa ng nasabing LPA na maging isang bagyo pero magpapalaw na ito dito sa Metro Manila, Calabarazon, Mimaropa, Bicol, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.
04:56Ulang dulot naman ang easterlies at mga local thunderstorms ang mararanasan sa iba pang bahagi ng bansa.
05:01Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin ng halos buong bansa sa mga susunod na oras.
05:08Posible ang heavy to intense rains na maaring magdulot ng baha o landslide.
05:12Nakataas ngayon ang thunderstorm advisory sa Nueva Ecija, Bulacan, Quezon, Batangas at Zambales.
05:19Tatagal ang nasabing babala hanggang 11.52 ngayong tanghali, ayon po sa pag-asa.
05:24Binaha po ang ilang lugar sa Dato Odin, Sinsuwa at Maguindanao del Norte.
05:36Nakuna ng video ang rumaragas ang bahang na merwisyo sa mga taga-baranggay awang.
05:41Ilang bahay at tindahan po ang binaha.
05:43Sinabayan pa ito ng malakas sa buhos ng pag-ulan.
05:46Ayon sa ilang residente, galing daw ang tubig mula sa bundok.
05:49Bago magtakipsilim, ay humupa naman din ang baha.
05:54Huli kang din po ang pananalasa ng buhawi sa Lambunaw, Ilo-Ilo.
06:02Sinabayan din po yan ang malalakas na pag-ulan.
06:04Nasa siyam na putlimang bahay, ang bahagyang nasira, matapos manalasa ang buhawi sa siyam na barangay.
06:11Nagpapatuloy ang assessment ng LGU.
06:13Wala namang naiulat na nasaktan.
06:15Abiso po sa mga magulang at mga istudyante ang mga lokal na pamahalaan na raw po ang in-charge sa class suspension na may kaugnayan sa lagay ng panahon.
06:29Ayon sa Department of Education, mas na mamonitor kasi ng mga LGU ang aktual na panahon sa kanilang mga lugar.
06:36Dahil sa bagong pulisiya, hindi na ibabase sa signal number ng bagyo ang automatic suspension sa bawat grade level.
06:43Nakadepende na ito sa assessment ng LGU.
06:46Layon daw ng pulisiya na maiwasan ang pagkaantala ng pagkatuto ng mga istudyante.
06:51Ayon naman kay League of Cities of the Philippines President at Quezon City Mayor Joy Belmonte,
06:56hindi pa nila nakikita ang naturang memo mula sa DepEd.
06:59Sa ngayon, susundin daw muna nila ang umiiral na class suspension protocol
07:03base sa typhoon signal at heavy rainfall warnings mula sa pag-asa.
07:09Matapos ang 6 na buwan, naaresto na ang akusado sa pagpatay sa isang tricycle driver sa Caloocan noong Desyembre.
07:16Handa raw siyang harapin ang kaso sa korte.
07:18Balitang hati at di James Agustin.
07:20Pinuntahan na maoperatiba ng Northern Police District Special Operation Unit ang bahaging ito
07:28ng barangay 176B sa Bagong Silang, Caloocan.
07:32Inabutan nilang nakasakay sa tricycle ang target ng kanilang operasyon.
07:37Agad pinadapa at pinusasa ng 43 anyo sa lalaki na subject ng areswaran para sa kasong murder.
07:44Ayon sa pulisya, ilang buwang nagtagong lalaki.
07:46Naalaman natin na nagtagusa sa part ng Bulacan, Santa Maria Bulacan at dito sa may kabite.
07:54So palipat-lipat siya hanggang mayroon tayong tipster na nagturo na umuwi-uwi siya ng Sabado-linggo.
08:03So inabangan ang tropa.
08:05Sa imbisigasyon, pinagbabaril umano ng akusado ang 44 anyo sa lalaking tricycle driver sa Bagong Silang noong Desyembre 2024.
08:14Inalam pa ang motibo sa krimen.
08:16Habang nagpapasada yung biktima, which is a tricycle driver,
08:21inabangan ng sospek.
08:24Nakasakay sila ng motor at ito ay kanilang pinagbabaril.
08:29So dead on the spot ang ating biktima.
08:32Ang naarestong lalaki, ikaapat sa most wanted persons list ng polisya sa buong Metro Manila.
08:39Dati na siyang naaresto matapos makuha ng umano ng bari at nakasuhan dahil sa iligal na droga.
08:44Sa korte na lang pong kapaliwalag, sir.
08:47Pero alam niyo pong may arrest warrant dapat sa inyo?
08:50Opo, sir.
08:50Kayo po kayo nagtagot?
08:52Hindi naman po, sir. Baliw na. Tasakot lang kung ma-hold.
08:55Masa ko sana nang harapin yan, sir.
08:57Na pag-return of warrant na ang polisya, tinihintay na lang ang commitment order mula sa korte.
09:02James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
09:08Pinakakasuhan ng Department of Transportation sa LTFRB
09:11ang konduktor na sangkot sa pambubugbog sa isang pasahero na may kapansanan sa loob ng bus.
09:17Sa ngayon, kasutindido na ang lisensya niya at ng driver ng bus.
09:20Pinadala na ni sila ng show cost order para magpaliwanag.
09:24Sa investigasyon, napagalamang ang konduktor mismo ang nangoryente
09:27sa pasaherong PWD gamit ang isang taser.
09:30Kasunod ng nahulikam na insidente,
09:32sinuspindi rin ang labing limang unit ng Precious Grace Bus Company
09:36mula sa EDSA Bus Carousel.
09:39Naunda nang sinabi ng kumpanya na ginawano ng driver at konduktor
09:42ang kanilang responsibilidad na pag-report ng insidente sa mga otoridad.
09:46Hahanapin din ng mga otoridad ng iba pang pasaherong nang bugbog sa biktima.
09:50Ito ang GMA Regional TV News
09:56Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:02May mga natatagpuan pa rin milyong-milyong halaga
10:05ng iligan na droga sa dagat sa ilang probinsya sa Hilagang, Luzon.
10:09Chris, saan-saan ba yung mga bagong insidente?
10:15Connie, mula sa mga balita natin dati sa Pangasinan,
10:18umabot na hanggang Ilocos Norte at Kagayan ang mga nagpalutang-lutang na syabu.
10:23Batay sa embesigasyon, pakipakete ng mga umanoy syabu
10:26ang natagpuan ng ilang manging isda at turista
10:29sa mga dagat sa Pauay, Lawag at Kurimau.
10:33Kabilang sa mga nasabat,
10:34ang isang malaking pakete ng umanoy syabu
10:36na nagkakahalaga ng 6.8 milyon pesos.
10:40Patuloy embesigasyon ng mga otoridad
10:41at inaalam ang kabuang halaga ng mga nagpalutang-lutang na iligan na droga.
10:46May nakita rin sa Dagat ng Pagudpud
10:48na isang pakete ng umanoy syabu
10:50na nagkakahalaga naman ng halos 7 milyon pesos.
10:54Tulad ng mga pakete sa Pauay, Lawag at Kurimau,
10:57nakabalot ito sa plastic na may label na durian at Chinese characters.
11:02Sa Claveria, kagaya naman,
11:04dalawang sako ang natagpuan palutang-lutang sa dagat
11:07na mga pakete ng umanoy syabu
11:10na may label naman na tsaa.
11:12Inaalam pa ang pinanggalingan ng mga iligal na droga.
11:16Arestado naman ng isang lalaki na wanted sa pangahalay umano
11:21sa menor de edad na anak ng kanyang live-in partner sa Maragondon, Cavite.
11:26Nahuli ang sospek sa barangay poblasyon sa Swal, Pangasinan.
11:29Batay sa embesigasyon,
11:31nagsimula umano ang pangahalay noong Disyembre.
11:33Pinagbantaan din daw ng akusado ang biktima.
11:37Pebrero nitong taon ang magsumbong ang biktima sa kapatid ng akusado.
11:41Ilang buwang nagtago ang akusado bago tuloy ang natuntun.
11:46Ayon sa mga polis, dati nang nakulong ang akusado sa Camarines Norte dahil din sa kasong pangahalay.
11:52Nakakulong na sa Cavite ang akusado na itinatanggi ang reklamong sexual assault.
11:57Balik operasyon na ang MRT-3 matapos magkaaberya kaninang umaga.
12:06Ayon sa pamunuan ng MRT-3,
12:08nasunog ang isang wire sa poste sa pagitan ng mga estasyon ng Cubao at Santo ng Southbound
12:12pasado alas 7 ng umaga kanina.
12:15Dahil dyan, nagbabaan sa estasyon ng ilang pasahero matapos silang abisuhang mag-bus carousel na lang.
12:21Nakuna naman ni U-Scooper Joram de Leon Cruz
12:23ang haba ng pila ng mga pasahero sa bus carousel sa Taft Avenue dahil sa beriya sa MRT.
12:30Pasado alas 8 ng umaga na ibalik sa normal ang biyahe ng tren matapos ang isinagawang maintenance at assessment.
12:36Patuloy pang inaalan ang sanhi ng insidente.
12:39Ivolive Encantadia
12:49Breathtaking visual effects at pangmalakasang storyline
12:54ang tampok agad sa palot episode ng Encantadia Chronicles Sangre.
12:59Pati ang mismong cast hindi yan pinalampas sa viewing party.
13:03Nasaksihan ko yan. Narito ang latest.
13:05Certified trending ang world premiere ng Encantadia Chronicles Sangre.
13:12Sa cinematic na unang episode, muling ipinakita ang unang henerasyon ng mga tagapangalaga ng brilyante
13:18at kasama si Nunong Imaw na ipakilala na rin ang mga batang sangre
13:23ang kwento ng apat na teritoryo at kahariang matatagpuan sa Encantadia
13:28na pinamumunuan ni Batalumang Kasyopeya.
13:32Remain, Arsus!
13:34Lumabas na rin ang ilang kalaban, gaya ni Kera Mitena na ginagampana ni Rian Ramos.
13:39Hindi na ba ako nakikilala ng aking dating Panginoon?
13:44Ang reyna ng Miniave na pumatay kay Arsus sa mundo ng mga isinumpa.
13:49Simula sa araw na ito ay ako na ang kikilala ni ninyong Kera.
13:54Ang mga bagong sangre, sabay-sabay pinanood ang premiere ng biggest telefantasha sa GMA Prime.
14:01Everything just adds to yung power and magic ng mundo ng Encantadia.
14:07Ang sarap makita kung gano'ng kagaling.
14:09Yung kaya nating i-produce tayo, di ba bilang mga Pilipino?
14:13Yung fact na alam namin na pinapanood namin ito together, iba siya sa pakiramdam eh.
14:18Ang masasabi ko lang, ano, astig.
14:20Encantadix, mahal namin kayo. Sana po ay masaya kayo.
14:27Kasamang napanood sa sangre si Sanya Lopez na ang latest makeup transformation bilang si Sangre Danaya.
14:35Ngunit kaya ko rin pamunuan ng terrain.
14:38Million-million na ang views sa TikTok.
14:42Kaabang-abang naman ang magiging papel sa sangre ni Shuve Etrata after her PBB exit this weekend.
14:49Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:53Huli ka amang pagsalpok ng SUV na yan sa isang motorsiklo sa isang intersection sa Haro, Iloilo City.
15:10Sa lakas ng impact, nasira ang helmet ng rider at nasugatan siya sa ulo.
15:15Dinala sa ospital ang rider.
15:17Sumuko naman sa mga polis ang driver ng SUV ilang oras matapos ang aksidente.
15:21Tumanggi siya ang magbigay ng pahayag.
15:29May panawagan si Vice President Sara Duterte tungkol sa napipintong impeachment trial.
15:35Dapat daw magtiwala na magiging patas ang Senator Judges.
15:38Sinabi rin ng Bisen na kung accountability ang hinahanap,
15:42dapat daw kaso sa korte ang isinampang imbis na impeachment complaints.
15:46Balitang hatid ni RJ Relator ng GMA Regional TV.
15:51Sa gitna ng mga panawagang mag-inhibit sa hinaharap niyang impeachment trial
15:57ang ilang senador dahil sa kanilang mga pahayag at ikinilos.
16:02Nanawagan si Vice President Sara Duterte na pagtiwalaan ang mga Senator Judges na magiging patas sila.
16:10Sinasabi ko, ibigay na natin yung benefit of a doubt dyan sa ating mga Senator Judges.
16:15Nagagawin nila ang trabaho nila ng patas according to sa sinumpaan nila as Senator Judges.
16:24Paliwanag niya kung bayas umano ng isang senador, pabor sa kanya ang magiging basihan.
16:30Paano naman daw iyong mga senador na may bayas laban sa kanya?
16:34Kung ganun ang ating basihan sa inhibisyon, dapat din natin ipainhibit ang mga senators na may bayas against Sara Duterte.
16:47Tulad na lang ni Sen. Riza Ontiveros na in a public speech, sinabi niya na kailangan talaga ibain ang pamilyang Duterte.
16:58Tugon niya sa pahayag ng ilang business groups na pagpapakita na accountability ang pagpapatuloy ng impeachment trial.
17:07Igirit niyang hindi ito tungkol sa accountability.
17:10Kung accountability daw ang hanap, dapat sa korte nagpunta at hindi sa impeachment court.
17:16Dalawa lang yung penalties dyan.
17:19Removal from office at perpetual disqualification from government service.
17:23Walang penalties dyan. Dahil walang kaso dyan.
17:27Ang impeachment ay removal process ng isang impeachable officers.
17:33Kung gusto talaga nila ng accountability, ay mag-file ng mga kaso dyan sa mga korte.
17:41Noong nakaraang linggo, inadapt ng Kamara ang rekomendasyon ng House Committee on Good Government
17:47na sampahan ng kasong sibil at kriminal si Duterte para sa umano'y maling paggamit ng confidential funds
17:54ng Office of the Vice President at Department of Education.
17:58Nagbigay ng reaksyon dito si VP Sara sa isang video na ipinamahagi sa media ng OVP.
18:04Kung ako, okay lang. Dahil politiko ako, alam ko kung anong kailangan ko gawin
18:12at gusto ko rin sumagot sa loob ng korte.
18:16Pero naaawa ako dahil sa mga threats sa harassment na ito
18:20ay merong mga empleyado ng ating opisina na nadadamay.
18:26Mula sa GMA Regional TV, R. Jill Relator, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:35Kaugnay pa rin sa mga panawagang mag-inhibit sa impeachment trial
18:38ni Vice President Sara Duterte, ang ilang senator judge,
18:41sinabi ni Senate President Jesus Scudero na voluntaryan.
18:45Dagdag ni Scudero na tumatayo ring presiding officer ng impeachment court,
18:49wala siyang kapangyarihang magpa-inhibit ng kapwa senator judge.
18:53Hindi rin na niya ito pwedeng pagbotohan ng mga senador.
18:56Kung kwasyonagli raw ang kakayahan ng isang senator judge na magpasya ng patas,
19:00maaari raw magsampan ng ethics complaint sa Senado.
19:04Ito ang GMA Regional TV News.
19:10Marita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
19:14May mga batang magkapatid na nalunod sa El Salvador, Misamis, Oriental.
19:18Sara, ano nangyari sa kanila?
19:20Raffi, lingid sa kaalaman ng ina.
19:25Isinama raw ng kapitbahay ang magkapatid na maligo sa dagat sa barangay poblasyon.
19:31Kwento ng ina ng mga bata, bigla na lang niyang narinig na may sumigaw na may nalulunod nitong Sabado ng hapon.
19:37Doon na siya napatakbo at nadiskubreng ang lima at dalawang taong gulang niyang anak iyon.
19:43Unang nasagip ng mga otoridad ang 10 at 14 anyos na babaeng kapitbahay ng mag-iina.
19:48Sila ang sinasabing nagsama sa dalawang bata sa dagat pero itinanggi nila ito.
19:53Mabuti na ngayon ang kanilang lagay.
19:55Ang mga batang biktima, gabi na nang matagpuan at idiniklarang dead on arrival pagdating sa isang klinik.
20:01Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang patay sa isang irrigation canal sa General Santos City.
20:10Ayon sa pulisya, batay sa embisigasyon ng soko, limang oras nang nakababad sa tubig ang bangkay nang makita ng isang residente sa barangay Katanggawan.
20:18Agad na inasikaso ng barangay ang pagpapalibig sa sanggol.
20:23Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang ina ng sanggol na posibleng maharap sa reklamong infanticide.
20:31Kasabay naman po ng pagbabalik eskwela ay tumaas ang presyo ng isa sa mga kalimitang almusal o pambao ng mga bata sa paaralan.
20:42Ito po yung manok at itlog.
20:44Balitang hatid ni EJ Gomez.
20:49Araw-araw daw namimili ng itlog ang construction worker na si John.
20:53Yun daw kasi ang pinakamurang ulam na pwede niyang mabili, lalo na pang almusal.
20:57Ngayong araw, tatlong piraso ang binili niya.
21:00Na pa-partnera ng pritong talong at kamatis.
21:03Ito, dalawa sa umaga, albasal.
21:05Ano pong pa-partner sa itlog?
21:07Itong hatlog po.
21:08Minsan merong mahal, merong mura.
21:10Kung saan na mura, dun nga, hindi may lipat.
21:12Pag mahal, alis ako.
21:14Paninda naman sa school na pinagtatrabahuhan niya ang dalawang tray ng itlog na binili ni Mirna.
21:20Ramdam daw niya ang pagtaas muli ng presyo.
21:23May mataas nga po.
21:26Lahat naman po ang nagtaasa.
21:27Dito sa Marikina Public Market, mabibili ang isang tray ng pinakamaliit na itlog sa 185 pesos.
21:33Ang medium size, 210 pesos.
21:36Ang large, 235 pesos.
21:39Extra large, 250 pesos.
21:41At jumbo, 270 pesos.
21:44Ayon sa Department of Agriculture or DA,
21:46Inaasahan ang pagtaas ng presyo ng itlog dahil sa pagtaas ng demand, ngayong pasukan na.
21:51Sabi naman ang tenderong si June.
21:53Ang demand, medyo tumaas na kasi nga, nagbukas na yung klase.
21:59Yung supply, hindi ganong tumaas kasi nga, yung iba nagkakal na.
22:03Nagpapalitan sila ng manok para sa susunod na buwan, tataas na yung supply nila.
22:10Tumaas din ang presyo ng manok.
22:13Ang dating sariwang buong manok na 198 pesos, 205 pesos na ngayon.
22:18Mabenta raw sa ngayon ang sariwang manok ayon sa tenderong si John.
22:22Kailan pa nagsimulang pumaas yung ating presyo?
22:25Nakarang linggo po po kasi pagmabili kasi nagpapataas sila ng manok.
22:31Sa mater, minsan naubos rin pag madaming tao.
22:33Ang chilled or frozen whole chicken naman, ibinibenta ng 240 pesos na dating 220 pesos lang.
22:40Ang choice cuts naman, tumaas na sa 260 pesos ang kada kilo.
22:45EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:53Maaari na rin isumbong sa 911 hotline ng pulisyabang insidente ng bullying sa mga paaralan.
22:59Ayon kay TNP Chief Police General Nicholas Torrey III, re-responde rin yan ang mga local police station.
23:06Makikipagugnayan sila sa pamunuan ng mga paaralan.
23:08May mga pulisyunit na rin nakatutok sa mga istudyanteng mabibiktima ng krimen.
23:14Ayon naman kay Pangulong Bongbong Marcos, bukod sa bullying sa mga paaralan,
23:18tinututukan din ang gobyerno ang cyberbullying na nakaapekto sa mental health ng mga istudyante.
23:29Kasabay ng pasukan, balik sa kripisyo, ilang guro na lingguhang bumibiyahe sa dagat
23:35para makapagturo sa kanilang mga istudyante sa Zamboanga City.
23:40Sa Cebu City naman, inaabot ng dalawang oras sa pagnalakad ng ilang mag-aaral
23:44para makapasok lang sa paaralan.
23:47Ang mainit na balita, hatid ni Alan Domingo ng GMA Regional TV.
23:50Pasado ala 6 ng umaga, dumating sa Napo Elementary School sa Cebu City
23:58ang magpinsang grade 6 students na sina Jose at Kim Shane Tabornal.
24:03Madaling araw pa lang daw, umalis na sila sa kanilang bahay sa karating na sityo Kahugan
24:09na nasa Bulubunduking bahagi ng barangay sa Pangdako.
24:13Pinili ng magpinsang maglakad papasok sa eskwilahan dahil sa hirap sa masasakyan.
24:18Wala may eskwilahan dito kod.
24:22O nga ito sa chelisod nito sa dito kaya kwa nara gamay raandaan.
24:27Kapoy said kayo maglakaw kung ang papa maninda siya,
24:31magmanggak niya, usay, maglakaw rami, usay, kwaon, said me.
24:37Si Christine naman, sinamahan ang kanyang limang taong gulang na anak
24:41na kindergarten pupil.
24:44Kailangan nilang tumawid sa tatlong sapa mula sa sityo Kahugan.
24:47Sa una wala pa?
24:49Wala. Sa parapod miagi niya.
24:51Kung magbaha man gani, maguan lang sa dagpisi para among abayan.
24:55Delikado.
24:56Oo.
24:57Ayon sa prinsipal ng eskwilahan,
24:59mahigit dalawampung mag-aaral ang galing sa sityo Kahugan.
25:03I told the teacher, we really have to teach well kay kanyang mga bata ato are spantaong gilakaw.
25:11And they have to, the competencies, they really have to teach these children according to their level.
25:19Balik eskwela, balik sakripisyo rin ang ilang guro sa mga paaralan sa mga island barangay sa Zamboanga City.
25:29Kinakailangan nilang sumakay ng bangka at manatili sa isla ng limang araw kada linggo.
25:36Kaya bukod sa gamit nila sa pagtuturo, may dala rin silang bigas, tubig, damit at iba pa.
25:43Kasama nila sa biyahe ang mga security escort na sundalo na magbabantay sa kanila habang nasa paaralan.
25:51Malaki pong sacrifice every time na pagpupunta kami sir, lalo na pag masama yung panahon.
25:58Kasi yung kailangan talaga namin harapin yung alon, kasama na yung mahangin.
26:04Sa gabi, dibateryang solar light ang nagsisilbi nilang liwanag at dimetrong internet naman para sa komunikasyon sa kanilang pamilya at division office.
26:16Sa kabila ng mahamon, tuloy ang kanilang servisyo para makapagturo sa susunod na hinerasyon.
26:24Mula sa GMA Regional TV, Alan Domingo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
26:30Kasabay ng pagbubukas ng klase kahapon dito sa Pangasinan, may ilang pasaway na tricycle driver ang nasita.
26:41Mahigit na lumampung tricycle driver ang nahuli sa paligid ng Mangaldan National High School.
26:46Karamihan sa kanila, namamasada na wala sa ruta o kaya ay kolorum o walang prangkisa.
26:51Tinikitan sila ng binuong Special Task Force.
26:55Aminado sa mga paglabag ang ilang driver.
26:59Magpapatuloy pa rin ang paninita hanggang sa mga susunod na araw.
27:03Ayon sa Maldan Public Order and Safety Office, 3% na mga pumapasad ng tricycle sa bayan ang kolorum.
27:09May ibibigay naman daw na prangkisa kung mag-a-apply sila.
27:13Labing-anim na abogado ang bubuo sa legal team ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
27:26Nakalista sila sa dokumentong galing sa Fortune, Narvaza and Salazar Law Firm
27:30na ipinadala sa Senate Secretary na nagsisilbing impeachment court clerk.
27:35Ang labing-anim na abogado ay sina Philip Sigfrid Fortun, Gregorio Narvaza II, Sheila Sison, pati sina Carlo Joaquin Narvaza, Roberto Batumbacal, Justin Nicole Gular, Lyndon Miguel Backel, David Ronel Golia VII.
27:52Ngayon din, sina Maria Celina Golda, Fortune, Clar Lane Radoc, Francesca Marie Flores, Miguel Carlos Fernandez, Michael Wesley Powa, Raynon Monsayak, Mark Vinluan at Ralph Bodota.
28:10Nakasaad din sa dokumento na bibigyan ng kopya nito ang kamera pero may naka-note na quote, tender copy refused to receive, end of quote.
28:18Aalamin pa rao ni House Prosecution Panel Spokesperson Odie Bukoy kung bakit walang tumanggap sa dokumento pero pwede naman daw itong iwan sa kamera.
28:29Hindi rin naman anya ito makakaapekto sa impeachment proceedings.
28:38Samantala, kaugnay po sa pagtaas ng presyo ng manok at iklog, ngayong balik eskwela pa rin naman, ay kausapin po natin.
28:45Si United Boilers Raiders Association Chairman Emeritus at Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio Sandiego Jr.
28:54Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
28:57Magandang umaga sa inyo Connie at magandang umaga din sa inyong mga tiga-tubay-tubay.
29:03Opo, ano ang dahilan ng pagmamahal po ng presyo ng manok at itlog sa ilang pamilihan?
29:08Naku Connie, magulo na yung aming industriya ngayon, parang nahawa na sa gulo ng sinas.
29:17Maraming bagay eh. Una sa lahat, yung kalidad ng mga sisiw na bibili namin, hindi pare-pareho.
29:23So, pagkatapos eh, sa panahon na ito na mahirap mag-alaga ng manok, lalong nagkakaproblema kami,
29:32ang nagiging end result, nati-delay kami ng pagkabenta ng manok.
29:37Halimbawa, dati-dati, 34 days, maibibenta namin yung manok, nadatagdagan na isang linggo yung alaga.
29:44Kasi mahirap ang palaki. So, kaya ngayon, Connie, ang presyo namin, parang record high sa farm.
29:54150 pesos per kilo na live na broiler.
29:58Pero, para sa alaman mo at ngayon, tagi-subaybay,
30:03nung dalawang buwan na nakakaraan, bumaba ito hanggang 75 pesos, bawat kilo.
30:08So, kaya sabi ko, ang gulo na ng aming industriya, at ang nakakalungkot dyan,
30:14yung pagbaba ng presyo namin sa mga farm namin, hindi naman kaanang nararamdaman ng mga bibili.
30:20Alos, hindi nagbabago sa retail yung presyo.
30:24So, ganyan din na nangyayari ako ni sa itlog.
30:27Nung isang buwan, ang medium na itlog, bumaba hanggang may mga farm na nagbebenta below 4 pesos ang medium.
30:38So, ngayon, nakakabawi na yung mahirap din mag-alaga ng pa-itlog naman.
30:45So, ngayon, 6.25 ang average ng medium dito sa Luzon.
30:55Mas mataas sa Visayas, na 7.55.
30:59At sa Mindanao, 6.50.
31:02So, medyo mataas.
31:03Kaya lang, pagka nakita mo, malayo doon sa binibenda sa retail.
31:07Di ba, nakokover niyo naman kada umaga yan eh.
31:09Yes, sir.
31:10At ang sinasabi ko rin, Tony,
31:12nung panasasabi kayo,
31:15siya ay Iga, nung na-interview ako last week,
31:18sabi ko nga,
31:19ang hindi din maganda,
31:22yung mga, dahil sa mga kinokover niyo mga palengke,
31:24nakalagay lang yung presyo,
31:26kinakalagay yung size.
31:27Eh, ang daming size ng itlog, 8 sizes.
31:30Yes, po.
31:31Kaya po, pwedeng maloko ang bubibili.
31:36Hindi naman maloko,
31:37hindi sila nagagabayan kung yung presyo nila,
31:40anong size yung binabiyaran nila.
31:41Okay.
31:42Pero,
31:43papano ho aayusin ito?
31:45Sabi nyo nga,
31:45magulong industriya nyo ngayon,
31:47pero hindi naman ho,
31:47laging ganyan siguro.
31:49Ano?
31:50Ah,
31:51nag-umpisa yan ako ni,
31:52nung tumami yung ini-import natin manok.
31:55At sa ngayon,
31:56hindi lang manok ang ini-import natin,
31:57hindi lang karo na manok,
31:58pati yung hatching egg na pinipisa para mag-e-sizil,
32:02ini-import na rin natin.
32:03Aha.
32:04Kaya ang efekto sa amin,
32:05sa aming mga nagaalaga ng local chicken,
32:09parang sugal na yung hanap buhay namin,
32:11mag-aalaga kami,
32:12hindi namin alam kung pagka binenta na namin yung manok,
32:15ah,
32:16kung kikita kami.
32:17At isa din sa nagpapagulo ako ni,
32:21lahat din mo na mahaba ito.
32:23Sige po, go ahead, sige po.
32:25Malaki din ang efekto sa amin,
32:27ang mga nagiging dehisyo ng local government.
32:30May over-regulated na nung isang linggo,
32:34nung Pyerkule,
32:35kapag-meeting sa amin yung mga membro namin sa Bulacan,
32:38at naghimihingi ng tulong,
32:40kasi gustong ipasara na ng local government
32:42yung mga poultry nila.
32:44At sila, binigyan na lang sila ng taning
32:46hanggang Disyembre,
32:48dapat wala na sila doon pagpagdating nitong Disyembre.
32:52Okay.
32:52So, yun ang problema.
32:54So, ang industriya niyo ho ngayon ba,
32:57masasabi nating nanganganid
32:58na may mga malulugi,
33:00magsara,
33:01at lalo ho nga magkaroon kaya
33:03ng effect ito sa supply?
33:05Lalo na ho,
33:06sinasabi sa ganitong panahon,
33:08talagang yung presyo ho ng itlog
33:10ay tumataas dahil na rin ho sa matumal ho
33:12yung mga panging itlog ng mga manok.
33:15Medyo tumataas.
33:17Kaya lang,
33:17ibig sabihin,
33:18hindi na i-reflect yung presyo namin sa mga farm.
33:21Ito sa retail,
33:21yun ang sinasabi namin.
33:23In fact,
33:24kausap kamiting nga namin si Secretary Kahapot,
33:27sa Secretary Laurel at PA,
33:30inaano namin na magkatulungan.
33:31Kasi nga,
33:32mahirap din naman yun
33:33na hindi nila paggagawa
33:34at sila ang na-tcc.
33:36Sa mukha nito,
33:37nung ang talagang
33:39nanganganid dito ko ni,
33:41yung mga small and medium
33:42na may mga nagsasara na talaga
33:45at ang problema namin,
33:48yung mga anak namin,
33:49ayaw nang manahin yung aming hanap buhay.
33:51Kasi may edad na ako,
33:53yung aming hinderasyon,
33:55matyaga eh,
33:56kahit kamalugi,
33:57sasabihin namin,
33:58talagang ganyan na hanap buhay natin.
34:00Magkaalaga pa rin tayo.
34:02Pero yung mga anak namin,
34:03mga delenyan,
34:04hindi naman,
34:05tiyaga,
34:05nagpapakahirap kayo dyan,
34:06hindi naman kayo kumikita.
34:08So, yun ang makakakalungkot.
34:09Mawawala na,
34:10maubusan tayo ng farmers sa Pilipino.
34:12Sana ho,
34:13maayos.
34:13Hindi naman,
34:14Connie,
34:14mawawala yung layer,
34:16yung mga itlog,
34:17at saka yung ano,
34:17kasi malalaking kumpanya ngayon
34:19yung papalik doon sa maliliit eh.
34:21Ay see.
34:21Mga dayong kumpanya rin.
34:22Okay.
34:24Ako, marami pong salamat.
34:26Nakakalungkot man yung mga
34:27naging experience po ninyo,
34:29pero kami ho ay
34:29nagdarasal na sana maayos
34:31ang naging sistema
34:32at ito pong mga
34:33nabanggit yung problema.
34:34Thank you very much.
34:35Yan po naman si...
34:36Salamat.
34:37Maraming salamat din, Connie,
34:38at nabigyan mo akong pagkakata
34:39para maipaliwanan
34:40sa mga babayan natin
34:42sa ano nangyayari
34:43sa aming industriya.
34:44Thank you, sir.
34:44Para maintindihan din nila
34:45na hindi kami
34:47ang pinanggagalingan
34:48ng lahat ng problema.
34:49Opo.
34:50Yan po naman si Ubra,
34:51Chairman Emeritus
34:52at Philippine Egg Board Association
34:53Chairman Gregorio San Diego Jr.
35:02Nakataas po ngayon
35:03ang thunderstorm advisory
35:04sa ilang bahagi
35:05ng Central at Southern Dizon.
35:06Ayon sa pag-asa,
35:07apektado po ang Zambales,
35:09Tarlac, Pampanga,
35:10Cavite, Laguna
35:11at ilang panig
35:12ng Batangas at Quezon.
35:13Tatagal ang thunderstorm advisory
35:15hanggang 12.57
35:16ngayong tanghali.
35:20Update tayo
35:21sa binabantayang
35:22bagong low pressure area
35:23sa loob ng Philippine Area
35:24of Responsibility.
35:26Kausapin natin
35:27si pag-asa
35:27Assistant Weather Services Chief
35:28Chris Perez.
35:30Magandang umaga
35:30at welcome
35:31sa Balitanghali.
35:33Magandang umaga, Raffi,
35:34at sa lahat po
35:35ng ating mga taga-subaybay.
35:36Base po sa inyong monitoring,
35:38nasa na na yung lokasyon
35:39ng binabantayang LPA?
35:41Raffi,
35:42kanina las 8 na umaga
35:44ang binabantayan
35:45nating LPA
35:46nasa layong
35:4770 kilometers
35:48east-southeast
35:49ng Calapan City,
35:50Oriental Mindoro.
35:51At mapapansin nga natin
35:52na dito sa ating
35:53latest satellite imagery
35:54na talagang kalat-kalat
35:56yung mga kaulapan
35:57na dala nito.
35:59Saan yung lugar po
36:00ito magpapaulan?
36:00Inaasahan po natin
36:03na magiging maulap
36:04may mga pagulan
36:05at pagkidlat
36:05at pagkulog ngayong araw
36:07dahil sa LPA
36:07dito sa Metro Manila.
36:09Ganon din dito
36:10sa may bandang
36:10Calabarzon,
36:12Mimaropa,
36:13sa Laloigan ng Zambales,
36:14Bataan,
36:15Pampanga,
36:15at Gulakan.
36:16Kaya sa mga kababayan
36:17po natin dito
36:18sa mga nabangit
36:19nating lugar,
36:20ang tabayanan din po
36:21yung mga posibleng
36:22localized thunderstorm
36:23at saka
36:23local advisory
36:25na ipapalabas
36:25na ating mga
36:26pagkasa Regional
36:27Services Division
36:28para maging alerta tayo
36:29sa mga posibleng
36:30pagbao,
36:31pagkukunang lupa
36:31dala ng mga pagulan
36:33na dala nga
36:33nitong low pressure area.
36:35Ang tanong siguro
36:35ng marami,
36:36magiging bagyo po ba ito?
36:38Sa ngayon,
36:39Rafi,
36:39malit na ang chance
36:40na itong maging bagyo
36:41dahil nga
36:41nakakaroon na ito
36:42ng interaction
36:43sa landmass
36:43ng ating bansa.
36:44Subalit,
36:45patuloy din po tayo
36:46magmumonitor
36:46para kung anong
36:47pagbabago
36:48sa pagkailas nito,
36:49cloud development
36:50at posibleng ulan
36:51na dala nito
36:51ay agad-agad
36:52nating mabison
36:53yung ating mga
36:53kababayan.
36:54Iyon,
36:55wala nga ang bagyo
36:55pero bakit kaya
36:56panay po
36:57yung pag-uulan
36:57sa ilang bahagi
36:58ng Mindanao
36:58gaya po sa
36:59Maguindanao del Norte?
37:01Dito po sa
37:02ilang bahagi
37:03na ating bansa
37:04ay nakakaranas naman
37:05ng mga pag-ulan,
37:06mga isolated thunderstorm
37:08din,
37:08dulot ng either
37:09localized thunderstorm
37:10o nang
37:11minsan ng easterlies
37:12so alam naman natin
37:13yung mga nakarang-araw
37:14ay nakaranas
37:15ng mga pag-ulan
37:16sa ilang bahagi
37:17ng Mindanao
37:18at posibleng yung mga
37:19kalupaan dyan,
37:20malalambot pa
37:20so nandiyan pa rin
37:22yung peligro
37:23ng mga posibleng
37:23landslides
37:24at saka mga flashlights
37:25dalo na kung uulan
37:26dito sa mga
37:26bulubunduking lugar
37:27at yung mga
37:28downstream community
37:29na tawag natin
37:30ay makakaranas
37:31ng mga ulan
37:32na magbumula pa po
37:33sa itas ng mga areas
37:34na inuulan nga
37:35yung mga bulubunduking lugar
37:36kaya mag-monitor din po
37:38yung mga kababayan natin
37:38sa Mindanao
37:39sa ating mga localized
37:40thunderstorm
37:41at rainfall advisory
37:42papalabas naman
37:43ng ating Mindanao
37:44pag-asa regional services division
37:46E matanong na rin po namin
37:47paano po yung magiging
37:48coordination
37:49o information
37:49dissemination nyo
37:50sa LGUs
37:51pagdating po sa
37:51class suspension
37:52Sabi po kasi
37:53ng Deped
37:53e binibigyan na nila
37:54sa LGU
37:55yung desisyon
37:56na mag-suspendin
37:56ng class
37:56batay po
37:57sa real-time
37:58weather conditions
37:59Normally, Rafi
38:01kapag may bagyo
38:02may mga warning signal
38:04tayo nakatasay
38:04may automatic na
38:05suspended
38:06levels na
38:07or antas
38:09ng klase
38:10na sinususpindi
38:11base sa
38:12nakataas na warning signal
38:14sa ilang lugar
38:14So, balit kung
38:15wala naman bagyo
38:16at alimbawa
38:16meron tayong
38:17umihiran na habagat
38:18at nagpapaulan nga
38:19sa ilang lalawigan
38:21ang nangyayari nga po niya
38:23nakapatang na po
38:24sa local government units
38:26ang class suspension
38:26So, dito po sa pag-asa
38:28nagmo-monitor tayo
38:29at meron po tayong
38:30coordination
38:31with the
38:31both the national
38:32and local level
38:33ng NDRRMC
38:35na siya naman po
38:36may coordination
38:37with the LGUs
38:38So, kung meron tayong
38:40rainfall advisory
38:41kung meron tayong
38:42papalabas sa weather advisory
38:43or may napapansin tayong
38:44significant weather disturbance
38:46na posibleng magpaulan
38:48at given the condition
38:49na umuulan na
38:50during the last few days
38:51sa isang lugar
38:52ay agad-gad po natin
38:53inaabis
38:54agency
38:55or for example
38:58in this case
38:58ng disaster preparedness
38:59ay ang OCD
39:00and DRMC
39:0124-7
39:03po operation natin
39:03So, we can have a
39:05pre-disaster risk assessment
39:06meeting
39:06kahit
39:07this oras ng gabi
39:09or early a.m.
39:10para lang po
39:11maabisuan yung mga
39:12kababayan natin
39:13with regards
39:15sa kanyang decision
39:16to suspend
39:16the classes
39:17at their area
39:18of responsibility
39:19Okay, maraming salamat po
39:21sa oras na binahagi nyo
39:22sa Baritang Hali
39:23Ito ang GMA Regional TV News
39:30Namatay isang batang
39:34anim na taong gulang
39:35sa gumaka Quezon
39:36dahil sa rabies infection
39:38Kremated na ang bata
39:40at nakalagak
39:40ang kanyang abo
39:41sa kanilang bahay
39:42Ayon sa tatay ng bata
39:44na matay ang kanyang anak
39:45mahigit isang buwan
39:46matapos makagat
39:47ng alaga nilang tuta
39:48noong May 10
39:49nitong Webes
39:50nilagnat
39:50at sumakit
39:51ang tiyan
39:51ng kanilang anak
39:52Lumala ang sintomas
39:54ng bata
39:54nitong Biernes
39:55kaya isinugod na siya
39:56sa ospital
39:56at kalaunay
39:57na matay roon
39:58Hindi raw nila
39:59inakala
40:00na rabies ito
40:02dahil nakumpleto
40:03ng kanilang anak
40:04ang rabies vaccine
40:06noong June 4
40:07Nais paimbestigahan
40:09ng mga magulang
40:09ang nangyari
40:10sa kanilang anak
40:11Sabi naman
40:12ng ospital
40:13posibli pa rin
40:13mamatay sa rabies
40:15ang isang pasyente
40:16kahit nakumpleto
40:17ang bakuna
40:17Hindi rin daw sinabi
40:19agad ng mga magulang
40:20na namatay ang tutang
40:21ng agat
40:22sa bata
40:22Sugatan ang isang
40:27babaeng esudyante
40:28matapos
40:29mabanggan ang
40:29motorsiklo
40:30sa Iloilo City
40:31Nangyari ang
40:32aksidente
40:33sa isang pedestrian
40:34lane
40:34sa Haro District
40:35Base sa investigasyon
40:37tumatawid noon
40:38ang 20 anos
40:39na esudyante
40:40nang mapansin niya
40:41ang paparating
40:41ng motorsiklo
40:42Umatras
40:43ang esudyante
40:44Umiwas naman
40:45ang rider
40:46pero napakabig
40:47siya sa direksyon
40:48kung saan
40:48umatras
40:49ang biktima
40:50Isinaman ang polis
40:51siya sa presinto
40:52ang rider
40:52pero pinalaya
40:53rin matapos
40:54hindi agad
40:55masampahan
40:55ng reklamo
40:56Walang pahayag
40:57ang rider
40:58at biktima
40:58Ramdam na agad
41:06ang mga
41:06nakakatakot
41:07na bangungot
41:08sa official poster
41:09ng mind-bending
41:11horror film
41:12na P77
41:13Featured sa poster
41:15ang bidang
41:16si Kapuso
41:17primetime princess
41:18Barbie Forteza
41:19habang nasa loob
41:20ng elevator
41:21Makikita sa refleksyon
41:23ng salamin
41:23ang sari-saring
41:24syokot face niya
41:26Ginaya pa nga
41:27ni Barbie
41:27ang isang post
41:28ng character niyang
41:29si Luna
41:29Nangyari yan
41:31sa paglagda ng
41:31distribution partnership
41:33ng P77
41:34sa pagkita ng
41:35GMA Pictures
41:36at Warner Brothers
41:38Philippines
41:38We're very happy
41:43to be the 7th
41:44local film
41:45to be distributed
41:46by Warner
41:46so tamang-tama
41:47diba?
41:48GMA 7
41:497th film
41:50P77
41:51so mukhang
41:52the stars
41:53are aligning
41:54for this movie
41:55Kung sa July
41:57kung sa July 30
41:59mapapanood na
41:59sa mga sinihan
42:00ng P77
42:01nag-premiere
42:02naman kagabi
42:03sa streaming platform
42:04na View
42:04ang revenge drama
42:06series na
42:06Beauty Empire
42:07Episode 1
42:08pa lang
42:09tapata na agad
42:10in their
42:11white and black gowns
42:12ang character
42:13ni Barbie
42:14at Kailin Alcantara
42:15Simula pa lang
42:16daw yan
42:17ng exciting
42:17murder mystery
42:19na mapapanood din
42:20sa GMA Prime
42:21starting July 7
42:23perfect daw
42:24ang series
42:24sa mga
42:25hanap
42:25ay women
42:26empowerment
42:27Ibang lumaban
42:32ang babae
42:33para sa akin
42:34mas nakakatakot
42:35bakit?
42:36kasi ang mas ginagamit
42:37namin utak
42:38hindi lakas
42:39Mga init-init na balita
42:44nakauwi na sa
42:45Pilipinas ngayong araw
42:46ang ilang Pinoy
42:46at overseas
42:47Philippine worker
42:48na stranded sa Dubai
42:49dahil sa nangyayaring
42:50gulo sa pagitan
42:51ng Iran
42:51at Israel
42:52ayon sa Department
42:53of Migrant Workers
42:54pasado alas 10 kanina
42:56nang makalapag
42:56sa Pilipinas
42:57ang eroplanong sakay
42:58sa kanila
42:588 sa kanilang
43:00OFW
43:00napapunta sana
43:01sa Jordan
43:02ang ilan naman
43:03ay mga babae
43:04at mga bata
43:04kahapon
43:0518 OFW rin
43:07ang nakauwi
43:08matapos maudlot
43:09ang pagtatrabaho
43:09sa Middle East
43:10dahil sa lumalalang
43:11tensyon doon
43:12ayon sa DMW
43:14may ilang Pinoy
43:15na sugatan
43:16sa mga airstrikes
43:16sa Israel
43:17sa Iran
43:18naman
43:19sinabi ni
43:19Philippine Ambassador
43:20to Iran
43:20Roberto Manalo
43:21na tensyonado
43:22pa rin
43:22ang sitwasyon doon
43:23wala namang nasaktan
43:25sa 700 pinoy roon
43:26at wala rin
43:27nag-request
43:28na mapauwi
43:29Muling itinalaga
43:33ni Pangulong Bongbong Marcos
43:34si J. Ruiz
43:35bilang acting secretary
43:36ng Presidential Communications Office
43:38o PCO
43:39ayon kay Executive Secretary
43:41Lucas Bersamin
43:42kahapon
43:43inilabas ang
43:43reappointment paper
43:44ni Ruiz
43:45ni-reappoint
43:46ng Pangulo
43:47si Ruiz
43:47sa pwesto
43:48matapos
43:48i-defer
43:49o ipagpaliba
43:50ng commission
43:50on appointments
43:51ang deliberasyon
43:52sa unang pagkakatalaga
43:53kay Ruiz
43:54Overload cuteness
44:01ng isang aso
44:02from later
44:02yung ating ibibida
44:03Itong alaga
44:04sikat dahil
44:05sa kanyang
44:05mixed emotions
44:06Aba-aba
44:07ano ba
44:08ang drama
44:08ng ating
44:09autista
44:10Enjoy sa mga kiss
44:20ni Fur Mom
44:20pero hashtag
44:21galit
44:21sa halik
44:22ni Fur Dad
44:23Presenting
44:24ang drama-rama
44:24ng asong
44:25si Mochi
44:26Not so soft
44:28muna
44:28kay Daddy Josh
44:29dahil
44:30inakalang siya
44:30ang umago
44:31ng merienda
44:32Don't worry
44:33madali lang
44:34daw ang solusyon
44:35Konting lambing
44:36lang
44:37magiging
44:37sweet kisses
44:38din
44:39viral ang video
44:40with 1 million views
44:43Trending
44:44Ayan ang balitang hali
44:47Bahagi po kami
44:48ng mas malaking mission
44:49Ako po si Kuali Sison
44:50Rafi Tima po
44:51Asama niyo rin po ako
44:52Aubrey Caramper
44:53Para sa mas malawak
44:54na paglilingkod sa bayan
44:55Mula sa GMA Integrated News
44:57ang News Authority
44:58ng Filipino

Recommended