Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, July 21, 2025


-NDRRMC: 2, kumpirmadong nasawi dahil sa Bagyong Crising at Habagat; 1 sugatan

-PAGASA: LPA sa Phl Sea, mababa ang tsansang maging bagyo

-Ilang lugar sa Guiguinto, binaha dahil sa Hanging Habagat at high tide; kabuhayan at pamumuhay ng mga residente, apektado

-INTERVIEW: ANA CLAUREN-JORDA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Ilang klase, suspendido ngayong araw dahil sa masamang panahon

-PBBM, nasa Amerika na para makipagpulong kay U.S. President Donald Trump at iba pang U.S. officials

-TNVS driver at motorcycle rider, nagsuntukan dahil umano sa gitgitan sa kalsada

-Orange Rainfall Warning, itinaas sa Metro Manila at ilang karatig-lugar; Yellow Rainfall Warning sa ilan pang probinsya

-Oil price hike, ipatutupad bukas

-Longlong Tam-Awan Road, isinara sa mga motorista matapos matabunan ng gumuhong lupa at bato

-P10 milyong halaga ng marijuana plants, binunot at sinunog

-Babae, arestado matapos umanong tangayin ang placement fee ng ilang aplikante sa isang recruitment agency

-3 magpipinsan, na-rescue matapos ma-trap dahil sa pagtaas ng tubig sa Mandapaton River

-Lalaking sinubukang ibenta online ang ninakaw na motorsiklo, arestado; 4 na motorsiklo na ninakaw rin daw niya, nabawi

-"Encantadia Chronicles: Sang'gre" cast, naka-meet and greet ang encantadiks sa "The Sang'gre Experience" event

-Bianca Umali at Ruru Madric, may romantic na tula para sa isa't isa sa kanilang 7th anniversary

-Presyo ng ilang gulay, tumaas kasunod ng pananalasa ng Bagyong Crising at Hanging Habagat

-Laban nina Manny Pacquiao at American Boxer Mario Barrios, natapos sa majority draw; Pacquiao, gusto ng rematch

-Kasaysayan at mga pagsubok sa pamamahala sa BARMM, tampok sa dokumentaryong "The Transition: An Inside Look at the Bangsamoro Peace Process"

-Truck at pampasaherong bus, nagbanggaan sa Brgy. Tayamaan; 9 sugatan

-Maraming tilapia, apektado ng fish kill; emergency harvest, isinagawa dahil dito

-Ilang motorista at commuter, stranded sa gitna ng baha

-Ilang lugar sa Maynila, binaha kasunod ng pag-ulan ngayong umaga

-GMA Pictures, Producer of the Year sa 8th Eddys; "Green Bones" at ilang Kapuso personalities, pinarangalan




For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00.
00:07.
00:08.
00:10.
00:12.
00:16.
00:18.
00:20.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:30.
00:34.
00:39.
00:42.
00:46.
00:47.
00:48.
00:56.
00:58mula sa 11 region ang apektado ng masamang panahon.
01:02Nagdeklara na ng State of Calamity ang Bayan ng Umingan sa Pangasinan
01:05dahil sa pagbahang dulot ng Bagyong Krising.
01:08Utos naman ng Department of Agriculture,
01:10mamahagi na ng tulong sa mga apektadong magsasaka at manging isda.
01:15Base sa kanilang inisyal na ulat,
01:16mahigit 2,000 magsasaka ang naapektuhan.
01:19Umabot naman sa mahigit 50 milyong pisong halaga ng agrikultura
01:22ang napinsala ng Bagyong Krising at habagat sa Western Visayas at Mimaropa.
01:28Wala na pong Bagyong Krising pero isang panibagong low-pressure area
01:35ang binabantayan sa Philippine Area of Responsibility.
01:38Namataan niya ng pag-asa 950 kilometers east-northeast ng Eastern Visayas.
01:43May medium chance daw itong maging bagyo at tatawaging Bagyong Dante.
01:47Sa ngayon, wala pang epekto sa bansa ang nasabing LPA.
01:50Hanging habagat pa rin ang magpapaulan ngayong araw.
01:54Base po sa rainfall forecast ng Metro Weather,
01:56ulan yung halos buong luson kasama na ang Metro Manila sa mga susunod na oras.
02:01May ulan din sa ilang panig ng Visayas at Mindanao.
02:05Pusible ang heavy to intense rains na maaari magdulot ng baha o landslide.
02:09Bunsod ng panay na ulan, ilang dam ang nagpapakawala ngayon ng tubig.
02:14Sa latest monitoring ng pag-asa,
02:15anim na gates ang nakabukas sa Binga Reservoir sa Benguet.
02:18Apat sa ambuklaw habang isa sa Ipo Reservoir.
02:22Ang tubig na inilalabas ng Ipo dumidiretso sa Bustos Dam.
02:26May water release na rin ang Bustos sa Bulacan.
02:29Pinaalalahan na ng mga residente sa mga bayan ng San Rafael, Bustos,
02:34Baliwag, Pulilan, Claridel, Kalumpit, Hagonoy at Paumbong
02:38na maging alerto sa posibling pagbaha.
02:42Pinaalerto rin ang paradya ng mga nakatira sa paligid ng Tulyahan River
02:46dahil sa posibling pag-apaw naman ng tubig sa Lamesa Reservoir.
02:50Nasa halos 80 meters ng tubig sa nasabing dam
02:53na napakalapit sa 80.15 meters na normal high water level nito.
02:59Kapag nangyari ito,
03:00diretsyo ang tubig sa Tulyahan River
03:01na posibling maging dahilan ng pagbaha
03:03sa ilang lugar sa Quezon City, Valenzuela at Malabon
03:07na nasa paligid ng ilog.
03:12Peruisho ang inabot ng mga tagagiginto Bulacan
03:14dahil sa bahang hatid ng hanging habagat
03:16na sinabayan pa ng high tide.
03:18Apektado tuloy ang kanilang pamumuhay at kabuhayan.
03:21Balita hatid ni Bea Pinla.
03:26Magdamag ng ambasi na Nanay Cecilia
03:28dahil sa bahang pumasok na sa bahay nila
03:30sa barangay Ilang-Ilang giginto Bulacan.
03:33Sinabayan daw kasi ng malakas na ulan kahapon
03:36ang high tide.
03:37Lahat ng gamit namin nakataas na po sa higaan namin.
03:40Kami po halos wala nang matulugan
03:42dahil nakataas po lahat ng gamit.
03:44Eh may mga bata pa po kaming kasama sa loob ng bahay.
03:49Warak-warak na rin po ang dingding.
03:51Ang mga haligi po wala na.
03:53Marupok na.
03:54Kahit anong taas o dumidaw ng baha rito,
03:58wala raw silang magawa kundi lusungin ito
04:00para maghanap buhay.
04:01Kwento naman ang tindera ng gulay na si Aneta
04:04na lubog din sa baha ang pananim na gulay
04:06kaya tiyak daw na wala silang maaani.
04:09Ang aming mga gulayan doon,
04:11walang pinakikinabangan.
04:13Kasi nasisiran ko ang tubig.
04:17Ilinulubog talaga ito.
04:19Hindi na kami nakakagpanagtanim doon.
04:22Kasi ganito,
04:24lubog talaga palagi.
04:26Herap habuhay talaga.
04:28Walang kong nahititindang marami.
04:31Apektado rin ang iba pang negosyo
04:33tulad ng karindirya ni Joel.
04:35Matumal daw ang kita kahapon
04:36nang abot pa sa bewang ang baha
04:38kaya umaasa silang makakabawi ngayong araw.
04:41Talagang naka-apekto po
04:42kasi gawa nung walang pupunta rito,
04:45walang kakain.
04:48May kamakain naman,
04:48may bumibili,
04:49kailan lang, ilan lang.
04:51Ayon sa Bulacan,
04:52PDRRMO nagpakawala ng tubig
04:54ang Bustos Dam
04:55kasunod ng malalakas na ulan.
04:57Isa pa raw ito
04:58sa mga nagpalala sa baha rito sa probinsya.
05:00Bea Pinlak,
05:01nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:05Update po tayo
05:06sa lagay ng panahon ngayong
05:07may hinihingi
05:08hangi habagat
05:09at bagong low pressure area.
05:11Kausapin natin si
05:12pag-asa weather specialist
05:13Anna Claren Horda.
05:14Magandang umaga
05:15at welcome po sa Balitanghali.
05:17Magandang umaga din po,
05:18Sir Rafi.
05:19Ganun sa ating mga taga-subaybay
05:20dito sa Balitanghali.
05:22O, puunahin po natin
05:22itong hangihing habagat
05:23hanggang kailan po
05:24ito magpapaulan sa bansa.
05:26Itong habagat po ay nakaka-apekto ngayon sa buong bahagi ng ating kapuloan
05:31at inaasahan natin na halos buong linggo po na ito ay habagat pa rin po yung weather system
05:36na makaka-apekto sa ating bansa.
05:39Ano pong asahan panahon sa buong maghapon?
05:41Kasi observation natin, napakalakas ng buhos ng ulan, bagamat pabugso-bugso lamang po ito.
05:47Ngayong araw po, dahil sa habagat dito sa Metro Manila,
05:50pati na rin sa mga Zambales, Bataan, Occidental Mindoro,
05:54pati na rin po sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, at sa may Cavite, Batangas, at Rizal.
06:00Inaasahan pa rin po natin ngayong araw yung halos bugso-bugso na malakas na mga bagulan.
06:06Dala nga po nitong habagat.
06:07At ngayon nga po sa Rafi, nakataas na rin po yung ating orange warning po dito sa Metro Manila,
06:13Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, pati na rin sa Batangas at sa ilang area sa Laguna.
06:20Kaya po, pinag-iingat po natin yung ating mga kababayan dahil for the next three hours ay may kalakasan po yung mga pagulan na ating inaasahan.
06:28At ganon din po sa ibang bahagi ng Luzon, may mga pagulan din po tayo, mga scatter drains po inaasahan ngayong araw.
06:34Ganon din sa bahagi po ng Visayas.
06:36At dahil matagal-tagal na yung mga pagulan, itong sinasabi niyong paparating pa na malakas na buhus ng ulan,
06:41talaga magpapabaha po ito, hindi po ba?
06:44Yes po, pumataas po ang tsyansa na magdala po ito ng mga pagbaha at mga pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
06:51Itong bagong low pressure area po sa loob ng Philippine Area of Responsibility, talaga bang maliit itong tsyansa na maging bagyo?
06:57Pero ano magiging epekto nito dito sa kalupaan ng bansa?
07:01Yes po, Sir Rafi.
07:02Isang ngayon, meron po tayo minomonitor na isang low pressure area sa may silangang bahagi ng Southern Luzon or ng Visayas area po.
07:08At itong LPA na ito, mababa po yung tsyansa na maging isang bagyo within 24 hours.
07:14Pero kung may kita po natin, meron pa po tayo na yung kita na isang cloud cluster o kumpol ng kaulapan sa may bahagi po ng,
07:20o silangang bahagi ng Northern or Central Luzon area na kung saan itong cloud cluster sa may silangang bahagi ng Northern Central Luzon area
07:30ay posible rin po maging isang low pressure area within the day.
07:34At itong dalawang posibleng low pressure area neto ay magkaroon po na isang sirkulasyon o or parang kung imaginin po natin ay magsasama po silang dalawa.
07:43At yun nga po, ito po yung kumbaga mag-hatak o magpapairal po sa habagat sa atin ngayong linggo po na ito.
07:50So bagamat malayo pa po yung LPA at pambuo pa lang po yung panibagong sama ng panahon na ating mamonitor,
07:56ay binabantayan na po natin dahil nga patuloy pong iiral yung habagat dahil po dito sa mga sama na panahon na posibleng mabuo ngayong linggo po na ito.
08:06Ito pong interaksyon ng dalawang LPA, ano pong magiging epekto nito?
08:09Mas magiging malakas ho ba kung sakaling maging bagyo ito?
08:12At ano ang mga apekto ang lugar dito po sa bansa?
08:13Yes po, sa ating pagtaya sa Rafi, ngayong pag-Mercoles o hanggang Webes ay hindi natin ni-rule out yung possibility
08:21na maging bagyo din po itong minamonitor nating sama ng panahon o low pressure area.
08:28Pero sa ating latest analysis, posibleng palabas rin po ito na ating area of responsibility
08:33at hindi po natin nasa na makakaroon ng direct na epekto sa anumang bahagi po na ating bansa.
08:38Ngunit, atin pong babantayan itong posibleng hatak po nito sa habagat
08:43na kung saan pagdating nga rin po ng Martes, Merkoles hanggang Biernes po,
08:48inaasahan natin na malaking bahagi na ating kapuloan,
08:52yung posibleng makaranas ng buksong-buksong malakas na mga pagulan dala ng habagat.
08:56Muli, ano pong mga lugar yung posibleng bahain dahil sa hanging habagat?
09:01Yes po, dahil po sa habagat, lalo na po yung nasa western section ng Luzon, western section ng Visayas,
09:07posibleng po may malakas mga pagulan at dito rin po sa ating sa Metro Manila
09:11at sa central Luzon po, lalo na itong Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac,
09:17lalo na po sa may Bulacan area, mataas po yung chance ng mga pagbaha po dyan,
09:20pati na rin po sa Calabarzon area at lalo na din sa may Occidental Mindo.
09:26Nabanggit niyo po hanggang Merkoles, Uwebes, itong masamang panahon,
09:28pero makikita po po natin yung hanging araw ngayong linggong ito?
09:32Opo, ngayon, Sir Rafi, ay dito sa Luzon area,
09:35pati na rin po sa western Visayas, ay halos mababa po yung chance na makita po natin yung haring araw ngayon.
09:41So generally cloudy po tayo for the whole week.
09:44At yung mga pagulan, ay hihinto lang po saglit,
09:47pero huwag po tayo pakampante dahil nga halos all throughout the day may mga pagulan po tayo na inaasahan.
09:53Pero sa Mindanao area po, may gradual improvement ng weather tayong inaasahan dyan.
09:57Then ganoon din po sa central at sa eastern Visayas.
10:00Opo, ganoon na po ba yung characteristics ng ulan ngayon?
10:02Opo, napakalakas na ulan bagamat sandali lamang ito.
10:05Pero buhos, parang bagyo kung minsan, yung lakas ng buhos nito.
10:09Yes po, Sir Rafi.
10:10Yung characteristic po kasi ng habagat ay malalakas po yung bugso po nito,
10:15lalo na sa gabi, hapon gabi, madaling araw po.
10:19At yun nga, medyo umaga ang kapapatanghal eh,
10:21medyo nagkakaroon po siya ng break pero saglitan lang po
10:24at may mga bugso pa rin na mga pagulan.
10:26So yan po yung characteristics po ng habagat natin.
10:29Kaya ganoon po yung pattern na asahan po natin ngayong week po na ito.
10:32So dapat maging maingat, lalo't gabi pa pala,
10:35ganito yung katindi ng ulan.
10:38Dapat mag-iingat yung mga bahaing lugar.
10:39Maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo po sa Balitang Hali.
10:43Salamat po, Sir Rafi. Magandang mag-agap.
10:45Pag-asa weather specialist, Anna Cloren Horda.
10:47Dahil po sa masamang panahong hatid ng habagat,
10:51sospindido ang klase sa ilang lugar sa bansa.
10:54Wala na pong afternoon classes ng preschool hanggang senior high school
10:57sa public at private schools sa Mandaluyong.
11:00Kasama rin po riyan ang alternative learning system.
11:03Kansilado naman ang klase sa lahat ng antas sa Naik, Cavite.
11:07Gayun din sa mga bayan ng San Marcelino, San Felipe, San Narciso,
11:11Castillejos, Botolan at Olongapo sa Zambales.
11:14Sa Kabanggan, Zambales, kinder hanggang grade 12 lang ang walang pasok ngayon pong araw.
11:20Habang walang pasok ang daycare hanggang senior high school sa Iba, Zambales.
11:25Sospindido rin ang klase mula elementary hanggang grade 12 sa Palawig, Zambales.
11:30Ipatutupad naman muna ang modular distance learning sa lahat ng antas sa San Antonio, Zambales.
11:36Wala rin pong in-person classes ang daycare hanggang grade 12 sa Kibungan, Benguet.
11:40Tutok lang po dito sa Balitanghali para sa iba pang anunsyo ng class suspensions.
11:47Sa ibang balita, nasa Amerika na si Pangulong Bongbong Marcos para sa pulong nila ni US President Donald Trump.
11:54At live mula sa Washington DC sa Amerika, may ulap on the spot si Sandra Aguinaldo.
12:00Sandra!
12:00Yes, Rafi, dumating nga si Pangulong Bongbong Marcos dito sa Amerika ng 2.48pm.
12:11Linggo po yan dito pero 2.48am ng lunes dyan sa Pilipinas.
12:18Sinalubong po siya ni US Ambassador to the Philippines, Mary Kay Carlson.
12:23At Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez.
12:29Nananatili si Pangulong Marcos sa Blair House kung saan din tumuloy ang mga magulang niyang sinadating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
12:37at dating First Lady Imelda Marcos sa kanilang state visit noong 1966.
12:43Makakapulong ni Pangulong Marcos Jr. sina US Secretary of State Marco Rubio at US Defense Secretary Pete Hegseth sa Pentagon.
12:51Sa oras sa Pilipinas ay mamaya na po yung 7pm mangyayari.
12:56July 22 naman magkikita siya na Marcos Jr. at Trump sa White House.
13:01Ito ang unang bilateral meeting ng dalawang presidente mula nang magsimula ang ikalawang termino ni Trump noong Enero.
13:08Ang pagbisita ng Pangulong sa Amerika ay sinalubong ng kilos protesta mula sa ilang grupo.
13:13Tila inuna raw kasi ni Pangulong Marcos Jr. ang economic at military interest ng Amerika kesa sa interest ng Pilipinas.
13:22Sinisikap pa namin kunin ang pahayag ng Malacanang kaugnay nito.
13:25Sabi naman ni Ambassador Romualdez, nire-respeto niya ang salubin ng mga nagkilos protesta.
13:31At sabi pa nga niya, mas magugulat siya kung hindi sila nagprotesta rito.
13:36Dagdag niya, pag-uusapan din kung paano makikinabang ang Amerika at Pilipinas sa isa sa isa habang isinusulong ang kanikanilang interest.
13:45Narito po ang pahayag ni Ambassador Romualdez.
13:50Hindi na pwede yung anong pwede natin makuha sa isang bayan.
13:55Kailangan ano yung tama para sa dalawa.
13:59Pero most important, yung anong mas mabuti para sa atin.
14:02It will be more on discussions on how we can continue to cooperate with the United States, our major ally.
14:10At the same time also, I think President Marcos would like to see how we can work with the United States
14:16and other countries that have the same mindset as far as the West Philippine Sea is concerned.
14:53Sa ngayon, Raffi, wala silang specific na sinasabi kung ano talaga yung points of discussion tungkol dyan.
15:12Pero ang sinasabi niya kasi patuloy naman yung negosasyon at pag-uusap,
15:17katunayan bumibisita sa Pilipinas ang mga US high-ranking, US defense officials at patuloy ang komunikasyon.
15:25Ang sinasabi niya ay kumbaga magbibuild lang sila ng pag-stronger alliance.
15:31At dahil naman daw meron tayong mga agreement na existing at sa tingin niya ang dalawang leader ay pa-iigtingin lamang o patitibayin ang alyansa na yan.
15:42Raffi?
15:43Sandra, tungkol naman sa 20% reciprocal tariff, observation kasi ng ilan, may mga kapitbansa tayo dito sa region na nakipagdikosasyon sa Amerika
15:52na hindi nagtutungo sa Amerika yung kanilang mga leader na pabababa yung porsyento ng taripa na ipinataw sa kanila ng Amerika.
16:00Ito bang pagtungo ng Pangulo dyan sa Washington na mas mangunghulugan na may tsyansa na mapababa talaga itong taripa na ipapataw ng Amerika sa Pilipinas?
16:13Naitanong din yan kanina, Raffi, kay Ambassador Rombualdez.
16:16Ang sinasabi niya ay bago pumunta rito ang Pangulo ay may mga pag-uusap na yung mga ranking officials din natin at ng Amerika.
16:26Kumbaga, meron ng gumugulong na pag-uusap at dito daw sa paghaharap nila ay muling ma-re-raise yung kung ano man yung naging resulta ng mga pag-uusap na yun.
16:37Pero, Raffi, sa ngayon, wala rin siyang masabi kung meron bang agreement na talagang nabubuo sa pagitan ng dalawang bansa.
16:46Raffi?
16:47At, Sandra, apektado rin yung mga Pinoy sa mahigpit na immigration policy ng Amerika. Anong nga mapag-uusapan dyan?
16:56Yan, Raffi, ang sinabi sa atin ni Ambassador Rombualdez kasi kasama siya sa talagang paghahanda dito sa pagbisita ng Pangulo.
17:04Pero sabi niya, hindi na mapapag-uusapan yung issue ng immigration na naging controversial nga rin dito sa Amerika.
17:12Bagamat sinasabi niya ay patuloy lang din naman na nakikipagtulungan ang Pilipinas sa U.S. government.
17:19At, sabi nga niya, meron daw ngayong identified ang kanilang immigration and customs office kung saan mahigit 3,000 Pilipino yung monitored nila na hindi naman daw nakakulong pero for deportation na.
17:35Pero, yun nga, sabi niya, ang issue na yan ay talagang hindi mapag-uusapan sa pagitan ng dalawang leader.
17:41Raffi?
17:42Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
17:46Huli kam na away kalsada sa Marikina, nagsuntukan ang dalawang motorista dahil lumano sa gitgitan.
17:52Ang isa sa mga sangkot, aminadong bubunot pa sana ng baril bilang panindak.
17:57Balitang hati di EJ Gomez.
18:01Sa kuha ng CCTV sa barangay Concepcion 1, Marikina City noong Webes, kita ang lalaking nakapulang sort na isang TNVS driver.
18:10At lalaking nakaitim na pantalon at nakasuot ng bag, isang motorcycle rider.
18:16Nagtatalo sila dahil umanosan ng yaring gitgitan sa kalsada ayon sa polisya.
18:21Sinusubukan daw mag-overtake ng rider pero di raw pinagbigyan ng driver ng kotse.
18:26Binusinahan ng suspect yung biktima.
18:31Nagkagigitan sila sa daan.
18:34And then, yun nga, huminto yung kotse doon sa isang gasolinahan para nga maayos o mapag-usapan.
18:44Pero, ang nangyari, bigla na lang sinuntok yung biktima and sinipay yung kotse.
18:55And minura pa.
18:57At pinagbandaan.
19:00Sa CCTV, kita ang pagturo ng driver sa umano'y bakas ng pagsipa ng rider sa pintuan ng kotse.
19:08Nagsagutan pa sila.
19:10Hanggang sa nagsuntukan ang dalawa.
19:13Sa pool din, ang tankang pagbunot umano ng baril ng rider.
19:17Hindi naman nailabas pero akmang parang may bubunotin doon sa sling bag.
19:25Inaresto ang 45-anyos na rider na napag-alamang nagtatrabaho bilang security guard sa isang online shopping at shipping company.
19:34Na-recover sa kanya ang isang sling bag, .38 caliber na revolver at mga bala nito.
19:40Lumabas din sa investigasyon ng polisya na nakainom ang rider.
19:43Ayon sa sospek na si Alyas Kiko, ang driver ng kotse raw ang nagsimula ng kanilang away kalsada.
19:51Aminado siyang nagtangkang bumunot ng baril para lang daw sana takutin ang 30-anyos na driver.
20:13Sabi ko, ano bang problema mo sir? Kasi muntik mo na akong mag-gain eh.
20:20Galit sa akin. Tapos sinipa ko yung sakyan.
20:24Tapos pagsipa ko, hinakabol niya ako, kinuha yung susi ko.
20:28Tapos ayaw niya may bigay.
20:30Sabi ko, ano bang gusto mo? Gusto mo na bariling kita eh.
20:32Pero yung baril sa loob lang.
20:35Karo mo lang magmam.
20:35Umamin din siyang kargado ng ilang bala ang dala niyang baril.
20:40Hindi daw siya nakainom.
20:42Naharap ang sospek sa mga kasong grave threat, physical injury, malicious mischief,
20:48at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
20:54Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang sangkot na driver.
20:57E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:05Paalala po muli, nakataas ngayon ang Orange Rainfall Warning dito po sa Metro Manila.
21:12Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan,
21:18at ilang panig ng Batangas at Laguna.
21:21Mataas po ang tsansa ng pagbaha sa mga nasabing lugar sa gitna ng pag-uulan.
21:26Isinailalim naman sa Yellow Rainfall Warning sa Tarlac at ilang pangbahagi ng Laguna at Batangas.
21:31Pusible rin ang baha.
21:32Tatagal ang Orange at Yellow Rainfall Warnings hanggang alas 2 mamayang hapon.
21:42Bip, bip, bip! Panibagong oil price hike ang haharapin ng mga motorista bukas.
21:48Batay sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis,
21:511 peso and 10 centavos kada litro ang taas presyo sa diesel.
21:5540 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina,
22:00habang sa kerosene may dagdag na 70 centavos kada litro.
22:05Ikalawang linggo na yan ang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
22:08Ayon sa DOE, nakaka-apekto riyan ang polisiya sa taripa ni U.S. President Donald Trump.
22:14Ito ang GMA Regional TV News.
22:23Iba pang may init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
22:27Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Longlong Tamawan Road sa Baguio City
22:31dahil sa gumuhong bahagi ng isang bundok.
22:35Chris, may nadamay ba sa insidente?
22:36Raffi, mabuti na lang at walang natabunan o nasaktan sa rock slide
22:43sa gitna ng pananalasa ng bagyong krising at habagat.
22:47Ayon sa mga otoridad, sinakop ng buho ang buong kalsada.
22:51Inumpisa na rin ang clearing operations doon
22:53pero matatagalan daw dahil sa kapal ng lupa at bato.
22:56Pinapayuhan nila ang mga motorista na dumaan muna sa alternatibong kalsada
23:01upang hindi maabala ang kanilang biyahe.
23:03Sa Kayapa, Nueva Vizcaya naman, isinara sa mga motorista
23:07ang bahagi ng Nueva Vizcaya-Benguet National Road dahil din sa landslide.
23:12Inabot ng halos limang oras ang clearing operations
23:15sa junction Kayapa Proper Uyawe section.
23:19Nadaraan na ngayon ang kalsada.
23:24Binunod at sinudog ng mga taga PNP Drug Enforcement Group
23:27at Philippine Drug Enforcement Agency
23:29ang libu-libong tanim na marihuana sa Tinglayan, Kalinga.
23:32Ayon sa mga otoridad,
23:34nasa 10 milyong piso ang halaga ng mga sinirang marihuana plant.
23:37Walang naaresto sa naturang operasyon.
23:40Sa nakalipas na mga taon,
23:41ilang beses na rin nagsagawa ng operasyon
23:43ng mga otoridad sa mga marihuana plantations sa Kalinga.
23:47Hindi tulad sa ibang bansa,
23:48bawal pa rin po sa Pilipinas ang marihuana.
23:54Arestado ang isang babae matapos umunong tangayin
23:56ang placement fee ng ilang aplikante
23:57ng isang recruitment agency sa Paco, Maynila.
24:00Balita natin ni Jomar Apresto.
24:06Pababa pa lang ng bus ang babaeng iyan
24:08ng silbihan ng warrant of arrest
24:10na mga tauhan ng Barbosa Police Station
24:12sa Sampalong, Maynila.
24:14Ang babae,
24:15nahaharap sa patong-patong na kaso
24:17ng qualified theft.
24:18Qualified theft, 21 counts
24:21ng nanilagdaan ni presiding judge
24:25Sarina Internation sa Monte Villanueva
24:28na Digital Trial Court,
24:32National Capital Judicial Region,
24:33Branch 36, Manila.
24:36Ayon sa pulisya,
24:38isang informant ang nagturo sa kinaroroonan
24:40ng 32 anyos na akusado.
24:42Ito daw,
24:45nasa Apari,
24:46pauwi ng Maynila.
24:48So,
24:49yung sabi ng informant natin,
24:50sasakay sa lawag.
24:52Binigay sa amin yung number ng bus
24:54at yung pagkala ng bus.
24:57Inabangan na ng mga tropa
24:58sa Sampalong.
24:59Sa investigasyon ng pulisya,
25:02dating tauhan sa isang recruitment agency
25:04sa Paco, Maynila,
25:05ang babae na kinilala sa alias na Reyna.
25:08Siya raw ang itinuturong tumangay
25:10sa placement fee ng ilang biktima
25:11na nangangarap makapagtrabaho
25:13sa ibang bansa.
25:15So, yung mga placement fee,
25:17pupapasok sa kanyang e-wallet.
25:20Tapos sabi niya,
25:21nahack daw yung kanyang e-wallet.
25:24Natanggal sa trabaho ang akusado
25:26at nagsimula ng magtago sa mga otoridad.
25:29Nakausap namin siya
25:30pero tumanggi siyang humarap sa kamera.
25:32Aniya, pawang mga magtatrabaho sana
25:34sa Saudi Arabia
25:35ang kanyang mga kliyente.
25:37Ang bayan sa placement fee,
25:39katumbas daw ng isang buwan
25:41na sasahurin sana ng mga aplikante
25:42sa oras na matanggap sila.
25:45Sinabi naman ng Manila Police District
25:46o MPD,
25:48bukas ang kanilang tanggapan
25:49para sa mga tao
25:50na posibling na biktima rin
25:51ni alias Reyna.
25:53Mananatili muna sa Barbosa Police Station
25:55ng akusado
25:55habang hinihintay
25:57ang commitment order
25:58ng Korte.
26:00Jomer Apresto
26:01nagbabalita
26:02para sa GMA Integrated News.
26:04Ito ang GMA Regional TV News.
26:11Na meruwisyo rin itong weekend
26:12ang mga nagdaang pagulan
26:13sa Visayas at Mindanao.
26:15Sa Lilibertad,
26:16Negros Oriental,
26:17tatlong minor de edad
26:18ang kinailangang tulungang
26:19makatawid sa ilog.
26:21Cecil,
26:21ano nangyari sa kanila?
26:25Rafi nakatulog sa kubo
26:27ang magpipinsan
26:28at nang magising
26:29ay mataas na ang tubig
26:31sa Mandapatun River.
26:32Resulta yan
26:33na ilang araw na pagulan
26:35sa barangay Sulonghon.
26:36Ayon sa Lalibertad
26:37MDRRMO,
26:39humingi ng tulong sa kanila
26:40ang mga magulang
26:41ng magpipinsan
26:42edad 14,
26:4416 at 17.
26:45Nang bahagyan
26:46ang bumaba
26:47ang tubig sa ilog,
26:48gumamit
26:48ng lubid
26:49ang rescuers
26:50at isa-isang
26:51naitawid
26:52ang magpipinsan.
26:53Pahirapan man,
26:54tagumpay silang
26:55natulungan.
26:56Dahil din sa mga pagulan,
26:57nagkalanslide naman
26:58sa Libak Sultan,
26:59Pudarat.
27:00Pansamantalang
27:01natigil ang biyahe
27:02ng mga motorista
27:03sa Kutabato-Libak Highway.
27:05Nadaanan lang ang kalsada
27:06matapos ang dinawang
27:07clearing operations.
27:10Sa Davao City,
27:11arestado ang isang
27:12magnanakaw-umano
27:14ng motorsiklo.
27:15Ayon sa mga otoridad,
27:16nabisto ang sospek
27:17matapos niyang
27:18tangkaing ibenta online
27:20ang ninakaw na motorsiklo.
27:22Na-recover ng pulisya
27:23ang ninakaw na motorsiklo,
27:25maging ang tatlong
27:26iba pang sinasabing
27:27itinago niya
27:28sa ibang barangay.
27:30Magsasagawa raw
27:31ng verification
27:31ang pulisya
27:32bago isauli
27:33ang mga nakuhang
27:34motorsiklo
27:35sa mga may-ari nito.
27:37Mahaharap
27:37sa karampatang
27:38riklamo
27:38ang sospek
27:39na walang pahayag.
27:40Abisala Encantadix!
27:50Heartwarming support
27:51ang natanggap
27:52ng The Sangre Experience
27:53event
27:54sa pangunguna
27:55ng cast ng
27:56Encantadia Chronicle Sangre.
27:58May mensahe rin
27:59ng new generation
28:00of Sangres
28:01sa kanilang fans.
28:02Ang latest hadid
28:03ni Athena Imperial.
28:05Alright, say Abisala!
28:15Asnamon Voyonazar,
28:17tila bumukas
28:18ang lagusan
28:19sa pagitan ng
28:20Encantadia
28:20at mundo
28:21ng mga tao.
28:22Hindi magkamayaw
28:23ang fans
28:24nang makita nila
28:25ng personal
28:26ang buong cast
28:27ng Encantadia Chronicle
28:28Sangre.
28:29Kumpleto
28:30ang bagong
28:30henerasyon
28:31ng mga Sangre
28:32na ginagampana
28:33ni Nabyang Kaumali,
28:34Faith Da Silva,
28:35Kelvin Miranda
28:36at Angel Gardette.
28:38Ilang linggo pa lamang
28:39po umeere
28:40ang Encantadia Chronicle Sangre.
28:42Ay ganito na po
28:43ang pagtanggap
28:43sa amin.
28:45Kahit na hindi pa po
28:46kami magkakasama
28:47apat na umeere
28:48ngayon,
28:49excited po kami
28:50na bas makita pa po nila
28:51kung ano pa yung
28:51mga susunod
28:52ng mga yun.
28:53Kasing lamig man
28:54ang puso ni
28:55Kera Mitena
28:56ang panahon ngayon.
28:57Kasing init naman
28:58ang pagtanggap nyo
28:59ang mga Hatorian.
29:01Kaya maraming maraming
29:02salamat po sa inyong lahat.
29:03Natutuwa rin
29:04ang mga Sangre
29:05dahil tinitingala silang
29:06tila superhero
29:07ng generation ngayon.
29:09Nagagalak yung aking puso
29:10na pag sumikapan ko
29:12maging mabuting tao
29:13sa araw-araw.
29:14Kailangan din
29:15sa panglabas na nyo
29:16o sa likod ng kamera
29:17natututo ka rin
29:19bilang maging
29:19tagapagligtas
29:20ng iyong sarili
29:21at ng iyong kapwa.
29:22Wala na sigurong
29:23masasaya pa
29:24na makapagpasaya
29:26at makapag-inspire
29:27ng mga bata.
29:28Especially ako
29:28lumaki din ako
29:29na napapanood ko
29:30yung kanta niya.
29:31Inabangan din ang fan
29:32si Nanunong Imau,
29:34Michelle D.
29:34bilang Hara Cassandra,
29:36Rian Ramos
29:37bilang Kera Mitena
29:38at Shuvie Etrata
29:39bilang Veshdita.
29:41Ang cast ng Maka
29:42dumating din
29:43para suportahan
29:44ang Encantadia Experience.
29:46Full experience
29:48sa mundo ng Encantadia
29:49ang hatid nitong
29:50mall activity.
29:51Bukod kasi sa chance
29:52ang makausap
29:54at makita
29:54ang mga sangre
29:55at iba pang cast
29:56ng serye
29:56ay maaaring
29:57nating bisitahin
29:58ang Hattoria,
29:59Sapiro,
30:00Lireo at
30:00Adamia.
30:02Athena Imperial
30:03nagbabalita
30:04para sa
30:05GMA Integrated News.
30:06Tinig ang hatid online
30:12ng posts
30:13ng kapuso couple
30:14na si Naruru Madrid
30:15at Bianca Umari
30:16para sa kanilang
30:177th anniversary.
30:20Ipinose sa IG
30:21ni Bianca
30:21ang picture nila
30:22ni Ruru.
30:23Gumawa rin siya
30:24ng tula
30:25na sinagot
30:26ang tulang
30:26ipinose ni Ruru.
30:28Idilarawan ni Bianca
30:29sa kanyang tula
30:30ang mga pinagdaanan
30:31ng kanilang
30:327-year relationship.
30:33Sabi ni Bianca
30:34pang forever na
30:35ang love niya
30:36para sa aktor
30:37at siya lang
30:38ang ipinapanalanging
30:39makasama.
30:40Sa post naman ni Ruru
30:41gumawa siya
30:42ng edited
30:43random videos
30:44ni Bianca.
30:45Short but sweet lines
30:46ang kanyang tula
30:47para sa aktres.
30:48Kahit hindi perfecto
30:49totoo raw
30:51ang kanilang relasyon.
30:52Hanggang sa dulo
30:53si Bianca pa rin daw
30:55ang pipiliin.
30:59Usap-usapan din online
31:01ang love life
31:02ni kapuso actress
31:03Carla Abeliana.
31:04Ipinose niya kasi
31:05na may ka-dinner date siya
31:07pero hindi pa niya
31:08ni-reveal kung sino.
31:10Sabi niya sa caption
31:11Hi!
31:12with a blushing emoji.
31:14Tanong ng netizens
31:16dating na nga ba
31:17uli ang aktres?
31:18Wala pang direct
31:19confirmation
31:20tungkol dito
31:21si Carla.
31:26Sa mga balak
31:28magluto ng ulam
31:29na may sahog na gulay
31:30maghanda po
31:31ng dagdag budget
31:33dahil tumaas
31:34ang presyo niyan
31:35sa ilang pamilihan.
31:37Gaya na lang
31:38sa public market
31:39ng Marikina
31:40ang dating
31:4080 pesos per kilo
31:42na pechay bagyo
31:43100 pesos na ngayon.
31:4550 pesos naman
31:46ang itinaas
31:47ng carrots
31:48na 170 pesos
31:49kada kilo.
31:50Tumaas din
31:51ang patatas
31:51na nasa
31:52120 pesos.
31:54Nasa 50 pesos
31:55ang sayote
31:55at 140 pesos
31:57naman
31:57ang talong.
31:59Mabibili
31:59ang bagyo beans,
32:01bawang
32:01at sibuyas
32:02ng 180 pesos
32:04per kilo.
32:05Nasa 400 pesos
32:06naman
32:07ang kada kilo
32:08ng siling labuyo.
32:09Ayon sa mga
32:10nagtitinda,
32:12epekto raw yan
32:12na mga naantalang
32:13biyahe
32:14dahil sa pananalasa
32:15ng bagyong krising
32:16at ng habagat.
32:18Batay naman
32:18sa latest monitoring
32:19ng Department of Agriculture
32:21nasa 50
32:22hanggang 100 pesos
32:23ang kada kilo
32:24ng pechay bagyo
32:25sa NCR.
32:27Nasa 40
32:27hanggang 120 pesos
32:29ang repolyo.
32:3070 hanggang 150 pesos
32:33ang carrots,
32:3445 hanggang 120 pesos
32:36ang patatas
32:37at 30 hanggang 80 pesos
32:39ang sayote.
32:41Mabibili naman
32:41ng 70 hanggang 150 pesos
32:44ang talong
32:45at 90 hanggang 170 pesos
32:48ang bagyo beans.
32:49140 hanggang 170 pesos
32:52ang bawang,
32:5390 hanggang 160 pesos
32:55ang sibuyas
32:56at 110 hanggang 250 pesos
33:00ang siling labuyo.
33:07Majority draw
33:08ang resulta
33:08ng laban kahapon
33:09ni Manny Pacquiao
33:10at ni American boxer
33:11Mario Barrios
33:11sa Las Vegas, Nevada.
33:13Dahil diyan,
33:14hawak pa rin ni Barrios
33:15ang WBC welterweight title.
33:17Ipinamalas ng pambansang kamao
33:19ang kanyang bilis at lakas
33:20sa simula ng laban.
33:21Hindi siya bumitiw
33:22kahit bumawi si Barrios
33:23ng mga suntok sa ulo
33:24at katawan
33:25muna sa ikalawang round
33:26hanggang matapos ang laban.
33:29Matapos ang 12 rounds,
33:30isang judge
33:30siyang pumabor kay Barrios
33:32at dalawa
33:32ang nagdesisyong tabla
33:34ang laban.
33:36Pagkatapos ang laban,
33:37sinabi ni Pacquiao
33:37na akala niya
33:38ay nanalo siya.
33:39Handa rin siyang
33:40maka-rematch
33:40si Barrios.
33:41Ipinilabas ng Bangsamoro
33:46government
33:46ang kanilang dokumentaryo
33:48tungkol sa 6 na taong
33:49transition period
33:50mula nang itatag
33:52ang Bangsamoro Autonomous Region
33:54in Muslim Mindanao
33:55o BARM.
33:57Kapilang sa mga tampok
33:58sa dokumentaryong
33:59The Transition
34:00and Inside Look
34:01at The Bangsamoro Peace Process,
34:03ang kasaysayan
34:04ng pagkakatatag sa BARM
34:06noong 2019,
34:08mga pagsubok
34:08kasunod ng ilang dekadang gulo
34:10sa rehyon
34:11at mga dapat pang gawin
34:12ng mga susunod na lider
34:14para sa kapayapaan
34:15at kaunlaran sa BARM.
34:17Ayon sa Bangsamoro
34:18Information Office,
34:20layo nilang ipalabas
34:21ang dokumentaryo
34:22sa iba pang lugar
34:23sa bansa
34:23para mas maunawaan
34:25ang kanilang kasaysayan
34:26at gobyerno.
34:28Bangsamoro Transition
34:29Authority o BTA
34:30ang namamahala sa BARM
34:32mula nang itatag ito
34:34noong 2019.
34:36Matatapos ang pamamahala
34:37ng BTA
34:37pagkatapos ng
34:39BARM parliamentary
34:40election sa October 13.
34:44Ito ang
34:45GMA Regional
34:46TV News.
34:51Siyam ang sugatan
34:52sa banggaan
34:53ng pampasayrong bus
34:54at truck
34:55sa Mamburaw,
34:55Occidental, Mindoro.
34:57Sa ibigasyon
34:58ng pulisya
34:58pamaynila ang bus
34:59na may sakay
35:00na apat na
35:01patsyam
35:01na pasehero
35:02habang patungong
35:03sanusay ang truck.
35:04Magkaibang direksyon po yan.
35:06May niwasan umulong
35:07tricycle ang truck
35:08kaya nakain
35:09ang linya
35:09ng kasalubong
35:10na bus
35:10na dahilan
35:11ng banggaan.
35:12Wasak
35:13ang parehong
35:13driver's side
35:14ng mga sasakyan.
35:15Nakauwi ng mga sugatan
35:16habang inoobserban
35:18pa sa ospital
35:18ang driver
35:19ng truck.
35:20Ayon sa pulisya,
35:21nagkaareglo na
35:22ang magkabilang panig.
35:24Wala pang pahayag
35:24ang mga driver
35:25ng dalawang sasakyan.
35:26Nagsagawa ng emergency harvest
35:33ang fish cage operators
35:34sa Lake Cebu,
35:35Cotabato
35:36dahil sa muling
35:37pagtaman
35:38ng kamahong
35:38o fish kill.
35:40Ayon sa mga operator,
35:41dumami ang mga
35:42lumulutang
35:42napatay na tilapya
35:44kaya nagsimula
35:45na silang maghango.
35:46Karamihan sa mga
35:47apektadong fish cage
35:48ay mga nasa
35:49poblasyon
35:50at posibli pa raw
35:51lumawak
35:52ang epekto nito.
35:53Pusibling ang
35:54pabago-bagong
35:55panahon na naman daw
35:56ang dahilan
35:56ng naturang fish kill.
36:01Perwision na rin
36:02sa mga commuter
36:02at motorista
36:03sa Laurel, Batangas
36:04sa wangalang tigil
36:05na pagulan.
36:06May ulat on the spot
36:07si Von Aquino.
36:08Von!
36:12Rafi na stranded
36:14ang ilang motorista
36:15dahil sa binahang
36:16bugaan spillway
36:17dito sa Laurel, Batangas.
36:26Bunsod ng tuloy-tuloy
36:30na pagulan
36:31na barahan
36:31ng mga kahoy
36:32at iba pang dumi
36:33ang bugaan spillway
36:34kaya binaha
36:35ang daanan
36:36ng mga sasakyan.
36:37Ang bugaan spillway
36:38ay ginagamit
36:39na tawiran
36:39ng mga motorista
36:40patungo sa mga bayan
36:42ng Lemery
36:42at Agoncillo.
36:43Kahit delikado,
36:44may mga ilang sasakyang
36:46naglakas loob
36:46na tumawid
36:47sa binahang daan.
36:48May ilang pasaherong
36:49bumaba na sa bus
36:50at susubukang
36:51maglakad na lang.
36:52Ayon kay Mayor
36:53Lyndon Bruse
36:54nang masira
36:55ang bugaan bridge
36:56noong October 2024,
36:58inirequest nila
36:58sa DPWH
36:59na maglagay
37:00ng daanan
37:01sa spillway
37:01para may magamit
37:02ang mga motorista
37:03pero ganito
37:04ang nagiging problema
37:05tuwing walang patid
37:06ang ulan.
37:07Narito ang pahayag
37:07ng ilang nakausap
37:08nating motorista
37:10at ni Mayor Bruse.
37:13Wala naman po
37:14kasing ibang dadaanan
37:15at saka wala naman
37:17kami sasakyan
37:17maglalaad lang kami.
37:19Nakasakay kami ng bus
37:20kaso hindi rin
37:21makatawid.
37:22Oo,
37:23eh,
37:24kaya po
37:24mababa na lang kami
37:25eh,
37:25kaso ganyan nga
37:26baka hindi rin
37:27kayaanin kong paglalakad.
37:28Hindi kaya ng
37:28tricycle
37:29mayatotubigan
37:29yung loob
37:30may paninda.
37:31Lagi po tayo
37:31nakikipag-ognayan
37:32sa DPWH
37:33para ma-assist po tayo
37:35ng mga heavy equipment
37:36sa ganun
37:37mawala po yung
37:38ano,
37:39yung para.
37:44Rafi,
37:44nagsagawa na
37:45ng clearing operation
37:46yung DPWH
37:47para tanggalin
37:48yung bara doon
37:49sa spillway
37:49at makadaan na
37:50yung mga motorista.
37:52Samantala,
37:52suspendido pa rin
37:53ngayong araw
37:54yung search
37:55and retrieval
37:55operation
37:56ng Philippine Coast Guard
37:58para sa mga
37:58nawawalang sabongero
37:59dahil pa rin
38:00sa masamang panahon.
38:02Rafi?
38:03Maraming salamat,
38:04Von Aquino.
38:06Baha na rin
38:07sa ilang lugar
38:07sa Maynila
38:08kasunod
38:08ng walang patid
38:09na pagulan.
38:10Narito ang report
38:11ni Marisol Abduraman.
38:13At sa 11.20
38:14ng umaga
38:15ganito ang sitwasyon
38:16dito sa Spanya.
38:18Both lanes,
38:19gano'y nilang kikita
38:20o baha na.
38:22Kaya yung ilang
38:23sasakyan talagang
38:23hindi na nangahas
38:24na lumusong sa baha
38:25dahil sa bandang doon
38:28sa bahagi
38:28approaching USD
38:29talagang
38:30napakataas na
38:31ng baha.
38:32At least dito
38:33sa area natin
38:34kahit papano
38:34hindi pa gano
38:35pero dahil patuloy pa rin
38:36tayo nakakaranas
38:37ng mga pagambon
38:38eh baka
38:40nga tumansa ito
38:41pero hopefully
38:41hindi na nga.
38:42Gano'y nilang
38:43nilang dito
38:43alas pala
38:44tumadaan
38:45ng mga sasakyan
38:46dahil napakataas na rin
38:47ng baha.
38:52Eh yun yung
38:53ilang mga
38:53estudyante lamang
38:54na nakita natin
38:55kanina
38:55dahil yun nga
38:56sa sitwasyon natin
38:57dito sa Timargal
38:59gano'y nyo nakikita
39:00ang bahagi ito
39:01umabot na sa tunghod
39:02ang baha
39:03at dito
39:03mataas na rin
39:04kaya yung ilang sasakyan
39:05eh nagpapaligan na
39:07makahindi kayanin
39:08yung taas
39:09ng bahado
39:10o kawawa
39:10siyempre
39:11gano'y nang binanggit
39:12natin kanina
39:12may mga maliit
39:13na mga bata
39:15na pumasok
39:15sa ispelahan
39:16ng maagang kanina
39:17pero no choice
39:18kundi magsiuwi rin
39:19ngayon
39:19dahil yun nga
39:20bukod sa napakalakas
39:21ang busa
39:21ulang kanina
39:22pinapakapaas na
39:23ng bahagi
39:24sa bahagi ito
39:25Marisol Abduramal
39:28nagbabalita
39:29para sa
39:29GMA Integrated News
39:30Pinarangala ng ilang
39:39kapuso movies
39:40at personalities
39:42sa 8th
39:42Entertainment
39:43Editor's Choice Awards
39:44ng Society of
39:45Philippine Entertainment
39:47Editors
39:48Best Picture
39:49and Best Cinematography
39:51ang MMFF 2024
39:53Best Picture
39:54na Green Bones
39:55produced by
39:56GMA Pictures
39:57at GMA Public Affairs
39:59tampok sa pelikula
40:00ang hamon
40:01sa paggamit
40:01ng bagong pag-asa
40:03ng Person Deprived
40:04of Liberty
40:05na si Domingo Zamora
40:07at iba pa niyang kasama
40:08ang bida ng film
40:10na si Kapuso Drama King
40:11Dennis Trillo
40:12ang Best Actor
40:13habang si Kapuso
40:14Primetime Action Hero
40:15Ruru Madrid
40:16ang Best Supporting Actor
40:18Box Office Awardist din
40:20si na Dennis at Ruru
40:21si Kapuso Primetime Queen
40:23Marian Rivera
40:24ang Best Actress
40:25para sa kanyang
40:26natatangin pagganap
40:27bilang si Teacher Emmy
40:29sa Balota
40:29na produced
40:30ng GMA Pictures
40:31Box Office Award
40:33din si Asia's
40:34multimedia star
40:35Alden Richards
40:36para sa hit movie
40:37na Hello Love Again
40:39na co-produced
40:40ng Star Cinema
40:41at GMA Pictures
40:42Itinanghal naman
40:43na Producer of the Year
40:44ang GMA Pictures
40:46Isinusulong sa Senado
40:52ang panukalang
40:53ibaba sa sampu
40:54ang edad
40:54na pwedeng papanagutin
40:55sa mga karumaldumal
40:57na krimen
40:57Pinaligan naman niya
40:58ng Council for the Welfare
40:59of Children
41:00Anila
41:00hindi yan ang solusyon
41:02sa kalimitang ugat
41:03ng problema
41:03na kahirapan
41:04at problema
41:05sa pamilya
41:06Balit ang hatid
41:07Dimaki Pulido
41:08Nitong Marso
41:12sa Paranaque
41:13na matay sa saksak
41:14sa loob ng classroom
41:15ang isang babaeng
41:16grade 8 student
41:17Kaklaseng lalaki
41:18ang suspect
41:19pareho silang
41:20edad labing apat
41:21Kamakailan
41:22ninakawan
41:23at tinadtad ng saksak
41:24ang isang babaeng
41:24edad labing siyam
41:25sa Tagum City
41:26Nahuli na ang apat
41:28na suspect
41:28kabilang
41:29ang tatlong
41:29minor de edad
41:30Sa datos ng PNP
41:32Women and Children
41:32Protection Center
41:33sa unang anim
41:34na buwan ng 2025
41:36mahigit dalawat
41:37kalahating libo
41:38ang mga kasong
41:39sangkot
41:39ang mga CICL
41:40o Children
41:41in Conflict
41:42with the Law
41:42Sa ilalim
41:44ng Juvenile Justice
41:45and Welfare Act
41:46of 2006
41:47ang mga kabataan
41:48edad labing lima
41:49pababa
41:49walang criminal liability
41:51o hindi maaaring
41:52kasuhan
41:53o ikulong
41:53Sa ilalim naman
41:54ng Republic Act
41:5510-630
41:56itinakda sa 15
41:57to 17 years old
41:59ang discernment rule
42:00o pagkaunawa
42:01sa ginawa
42:02Si Sen. Robin Padilla
42:03naghahain ng panukala
42:05para itakda
42:05na may criminal liability
42:07na rin
42:07ang batang 10 years old
42:09Ito'y kung sangkot
42:10ang bata
42:11sa heinous crime
42:12o karumaldumal na krimen
42:13tulad ng pagpatay
42:15rape
42:15kidnapping
42:16serious illegal detention
42:18kung saan pinatay
42:19o ginahasa ang biktima
42:20robbery with homicide
42:22or rape
42:22car napping
42:23kung saan pinatay
42:24o ginahasa ang biktima
42:25at paglabag
42:26sa Comprehensive Dangerous
42:28Drugs Act
42:28Paliwanag ng Council
42:30for the Welfare of Children
42:31hindi totoong
42:32walang parusa
42:33ang mga batang sangkot
42:34sa mga karumaldumal
42:35na krimen
42:36mandatory
42:37na ipapasok
42:38ang child
42:38in conflict
42:39with the law
42:39sa youth care facility
42:41o bahay pag-asa
42:42para matulungan
42:43ang kanyang rehabilitasyon
42:44particular
42:45sa edad
42:4512-15
42:46hanggang 15
42:47nasa batas
42:48nasa batas din
42:48na sa kaso
42:49ng CICL
42:50mamamagitan
42:51ang mga social worker
42:52ng DSWD
42:53dapat i-turn over
42:54sa kanilang mga magulang
42:56kaanak
42:56o guardian
42:57at sa sa ilalim
42:58sa community-based
42:59intervention program
43:00maliba na lang
43:02kung sa assessment
43:02ng social worker
43:03kailangang dalhin
43:04ang bata
43:05sa isang youth care facility
43:06Korte ang magde-desisyon
43:08sa ihahaing petisyon
43:09ng DSWD
43:10para sa involuntary
43:12commitment ng bata
43:13na hindi bababa
43:14sa isang taon
43:15Paano pag hindi na naman
43:16nagbago
43:17ibabalik po siya
43:19ulit sa Korte
43:19sasabihin ng Korte dito
43:22after ng dalawang chance
43:23o mahigit pang chance
43:25ang binigay sa iyo
43:26mukhang hindi ka talaga
43:27na rehabilitate
43:28dun po
43:29yung i-execute na po
43:30yung judgment ng Korte
43:31So pali po
43:32na walang criminal liability
43:33may proseso lang
43:34kung pinagdadaan
43:35Masyado raw
43:37simpleng pagtingin
43:38sa komplikadong problema
43:39ang pagbaba ng edad
43:40ng criminal liability
43:41Hindi raw yan
43:43ang solusyon
43:43sa kalimitang ugat
43:44ng problema
43:45na matinding kahirapan
43:46at problema
43:47sa pamilya
43:49Ang ilan sa mga
44:00nakausap namin
44:01pabor sa panukala
44:02May isip po
44:04ng mga ibang
44:04mga ibang kabataan
44:06na
44:06hindi na sila
44:08gagawa na ganun
44:09kasi
44:09nakasuha na nga
44:10at saka
44:11mali din talaga
44:12yung mga gawain
44:13matatakot na yung mga bata
44:15kasama magulang
44:17at saka
44:17yung bata
44:18kakasuhan na rin
44:19Sabi ng iba
44:21sana may angkop lang
44:22na parusa
44:22dahil masyado
44:23pang murang edad
44:24na sampung taong gulang
44:26Pwede po yung nanay din
44:28o yung magulang
44:29pero may
44:30proper punishment
44:31din po na
44:32pwedeng maibigay
44:33sa bata
44:34para mas
44:35matutukan
44:35and makorek pa po sila
44:37at that young age
44:38Napapabayaan
44:40kaya kung
44:41minsan po
44:42ang bata
44:43maagang naliligaw
44:44Alamin po muna
44:45kung ano po
44:46yung pinagdadaanan
44:47ng bata
44:47Mackie Pulido
44:49nagbabalita
44:50para sa GMA
44:51Integrated News
44:52Tinanong din namin
44:54ng netizens
44:55kung paboro sila
44:56sa panukalang
44:56ibaba sa sampung edad
44:57ng pwedeng papanagutin
44:59sa karumaldumal na krimen
45:00Ito ang say nila
45:02Ang sabi ni Desiree Panugaling
45:04ay walang problema
45:05basta mapatunayang
45:06sangkot nga sila sa krimen
45:07Hindi naman agree dyan
45:09si Johnny G
45:10wala pa raw kasi silang
45:11kakayahan
45:12na gumawa ng
45:13sariling desisyon
45:14at hindi dapat sila
45:15ang sisihin
45:16sa nagawang krimen
45:17Para naman kay Thomas Alagaw
45:19ang batas ay batas
45:21at dapat managot sa krimen
45:22ang gumawa nito
45:23Pabor din dyan
45:24si Brian Dayo
45:25pero dapat
45:26may iba silang
45:27parusa
45:28o kulungan
45:29with counseling
45:30at tamang guidance
45:31din daw dapat
45:32Monday Surprise
45:40ang eksena
45:40ng isang alagang aso
45:41sa Quezon City
45:42Ito kasing si Fur Baby
45:44meron palang
45:45hidden
45:46awability
45:47Huwag abalahin
45:49dahil busy
45:50ang asong si Kendi
45:51May nahulog
45:53na nilagang itlog
45:53pero hindi niya
45:54agad sinibog
45:55kaya pa
45:56kaya pala niyang
45:56alisin ang balat nito
45:57with matching shell control
45:59Dahil sa excellent job
46:01may reward siya
46:02May itinatago rin
46:04galing si Kendi
46:05sa isa pang bagay
46:06na bilog
46:07sa usapang basketball
46:08kasi lalaban din daw siya
46:10bilang MVP
46:11o most barkable player
46:14ang tricks
46:15ni Kendi
46:15bahigit 250,000
46:17ng views
46:18sa TikTok
46:19Trendy
46:21Ang galing
46:22magbalat ng itlog
46:23Marami nahihirapan
46:24sa magbalat ng itlog
46:25Ito po ang balitang hali
46:27bahagi kami ng
46:28mas malaking misyon
46:29Rafi Timo
46:30Kasapan niyo rin po ako
46:31Aubrey Carampelle
46:32para sa mas malawak
46:33na paglilingkod sa bayan
46:34mula sa GMA Integrated News
46:36ang News Authority
46:37ng Pilipino
46:38ng Pilipino
47:08KKPLOLIP
47:11KK exhausting
47:11kKPLOLIP
47:16Kitsung
47:17KPLO
47:20KMP NATO
47:20K Plus
47:22KK Almighty
47:22KPLK
47:23kk
47:23KPM
47:24Kesi
47:25Kpost
47:29Kkins
47:35K вничegin
47:36Koma
47:37K kupika

Recommended