00:00Samantala kapapasok lamang na balita, sinuspindi na ng Malacanang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at lahat ng antas ng klase sa Metro Manila,
00:10Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales at Bataan, simula alauna ng hapon ngayong araw, Julio 21, 2025.
00:22Sa visa ng Memorandum Circular No. 88 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ipinagutos ng Office of the President ang suspensyon dahil sa tuloy-tuloy na pagulan na dulot ng habagat.
00:36Samantala tuloy naman ang trabaho para sa mga ahensyang naghahatid ng mahalagang serbisyo tulad ng kalusugan, disaster response at iba pang vital operations.
00:47Ipinauubayan naman ang suspensyon ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at opisina.