00:00Samantala, hindi lang mga kalsadang binaha, maging social media binaha ng mga posts kaugnay sa mga lugar na hindi madaanan ng sasakyan o kaya'y pinasok na ng tubig dahil sa walang tigil na pagulan.
00:11May report si Floyd Brenz.
00:13Sa post ni Albert Asilo, ipinakita niya ang ilang mga inabutang estudyante ng humaragasang pagbaha.
00:20Kuha ito sa Mambugan, Antipolo City, matapos pauwiin ang mga mag-aaral mula sa klase.
00:26Sa videong post namang ito, makikita ang sitwasyon ng baha sa kahabaan ng MacArthur Highway.
00:33Partikular sa BBB, marulas sa lungsod ng Valenzuela.
00:37Ilang mga maliliit na sasakyan ang huminto habang binabagtas ang ilang bahagi ng naturang highway.
00:44Ipinakita naman sa ibinahaging litrato sa Facebook ang sitwasyon ng baha sa kahabaan ng Taft Avenue.
00:50Nagdulot ang gutter deep na pagbaha ng mabagal na daloy ng trapiko.
00:54Sa Malabon City, lubog na rin ang malaking bahagi ng bayan.
00:58Hindi na halos madaanan ng maliliit na sasakyan ang kalsada.
01:02Sa Malabon pa rin, sa Tugatog, ilang mga residente na ang inilikas ng kawanin ng barangay,
01:08kabilang na ang sanggol na ito, nasakay ng bangka.
01:12Sa video namang ito, na'y binahagi ng isang netizen,
01:15makikita ang dahan-dahang bumabaybay sa gitna ng kahabaan ng Commonwealth ang ilang sasakyan
01:20para makaiwas sa malalim na baha.
01:23Nagdulot naman ang labis na pagkabahala sa mga residente
01:26na ninirahan malapit sa Tulahan River sa Gentile de Leon
01:29ng halos kalahating metro na lamang.
01:32Aapaw na sa riprap ang ragasang tubig papunta sa mga residente.
01:36Pasado alas 12 ng tanghali na i-record ang video.
01:41Floyd Brenz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.