00:00Inaabangan na ang magiging pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilang mataas na opisyal ng Estados Unidos gaya ni U.S. Defense Secretary Pete Hegseth.
00:11Bahagi yan ang tatlong araw na official visit ng Pangulo sa Amerika na layang mapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.
00:18Mula Washington, D.C., may sento ng balitas si Raquel Bayan ng Radyo Pilipinas Live.
00:24Ilang oras na lamang magaganap na ang pinakaabangang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawa sa pinakamataas na opisyal ng Estados Unidos.
00:36Bahagi ito ng tatlong araw na opisyal na pagbisita ng Pangulo sa Amerika.
00:42Pagkadating ng Pangulo sa U.S. pasado alas dos na madaling araw-oras sa Pilipinas, agad itong binigyan ng briefing para sa mga nakalinyang aktividad ngayong araw.
00:50Pag patat ng alas 9 ng gabi mamaya, magaganap ang inabangang dayalogo sa pagitan ni na Pangulo Marcos at U.S. Defense Secretary Pete Hegseth sa Pentagon.
00:59Ayon kay Philippine Ambassador to U.S. Jose Manuel Romualdez, pagtitibayin dito ang mga kasunduan na mayroon na ang Maynila at Washington.
01:07Generally, we have all the agreements, the EDCA, the BFA, and our modernization program that we're working with the United States.
01:18So that's ongoing. So essentially, it's really the reaffirmation of all of these agreements that we have with the United States of our mutual defense, specifically surrounding the mutual defense treaty.
01:29Asahan anya na si Sentro ang pulong mamayang gabi sa pagpapatupad ng mga hakbang na magpapatatag sa mga balikatang ito.
01:36Susundan ito ng pulong ng Pangulo kasama si U.S. Secretary of State Marco Rubio.
01:40Dito naman posibleng matalakay ang mga usapin sa rehyon at iba pang international issues.
01:46Sabi ni Ambassador Romualdez, si Pangulong Marcos, inaalam kung papaano makipagtutulungan ng Pilipinas sa Estados Unidos at mga bansang kapareho ng Pilipinas ang mindset.
01:56At the same time also, I think President Marcos would like to see how we can work with the United States and other countries that have the same mindset as far as the West Philippines is concerned.
02:08So, it will be on those general subjects of discussion.
02:14Bukas naman inaasahan ang pulong sa White House ni Pangulong Marcos at U.S. President Donald Trump.
02:20Dito matatalakay ang 20% reciprocal tariff na ipinataw ng Estados Unidos sa Pilipinas.
02:27Mula sa Washington, D.C. USA para sa Integrated State Media, Raquel Bayan ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.