- today
24 Oras: (Part 2) 2 LPA, mino-monitor sa loob ng PAR kasabay ng pag-iral ng Habagat; La Mesa at Wawa Dam, nasa above overflow level na, mga nasa low-lying areas, posibleng bahain; Pres. Marcos, tumutuloy sa Blair house na "guest house" ng mga bisita ng U.S. Presidents, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Umapaw na ang ilang dam dahil sa walang tigil na ulan.
00:12Malakas ang lagasan ng tubig sa Upper Wawa Dam.
00:16Ayon si kay Rodriguez Rizal Mayor Ronnie Evangelista.
00:20Magsasagawa sila ng forced evacuation kung hindi gaganda ang panahon.
00:25Dumi-diretso kasi ang tubig ng Wawa Dam papunta sa Marikina River.
00:29Naka-red alert na rin ang lungsod ng Pasig.
00:33Sa abiso ng pag-asa, as of 5pm, nasa 135.69 meters na ang Wawa Dam na above overflow level.
00:43Posible rin bahain ang low-lying areas o mga barangay sa Tulian River dahil sa pag-apaw ng Lamesa Dam.
00:51Sa abiso ng pag-asa, as of 5pm, nasa 80.17 meters na ang tubig sa Lamesa.
00:59Binahari ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
01:02Binansag ang pinakamalapad na highway pero kanina, halos magsiksikan po sa inner lane ng mga sasakyan.
01:08Sa isang bahagi nito, dahil sa baka, nakatutok live si Darlene Kai.
01:12Darlene.
01:13Emil, hanggang ngayon, malakas at tuloy-tuloy yung bus ng ulan dito sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
01:22Buong araw, ganyan yung sitwasyon.
01:24Kaya bumaha rito, tumirik yung ilang motorista at na-stranded ang maraming pasahero.
01:29Baha ang idinulot ng malakas at tuloy-tuloy na bus ng ulan sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
01:39Sobrang baha.
02:09Baha ang mga sasakyan dahil marami ang hindi makadaan sa mga bahang parte ng kalsada.
02:14Tumirik ang motorcycler ni Joseph na ongoing pa naman ang delivery.
02:17Bala na lang po minto, ayaw manda.
02:20Hirap na po kasi hindi.
02:22Imbis na nakabiyay na po, ano pa po, mga beriya pa.
02:25Stranded naman ang ilang pasahero tulad ng Pamilya Villaluz.
02:28May kasama pa silang baby na nababasa na sa lakas ng ulan.
02:32Pero kailangan-kailangan na nilang makapunta sa San Jose del Monte Bulacan
02:36dahil namatay na ang kanilang padre de familia.
02:38Ay naku, topic ka na.
02:41Hindi namin alam kung anong oras kami makakarating.
02:44Grabe, mahirap po.
02:45Dalo na po humapunuhan din.
02:48Mahirap makasakay.
02:48Emilio mismo, kinatatayuan ko dito sa paglagpas ng Luzon Avenue sa eastbound.
03:00Tuloy-tuloy naman yung daloy ng trapiko dito.
03:03Hindi naman heavy yung traffic situation.
03:05Pero ayon sa MMDA Metrobase, doon sa bahagi ng Mindanao Avenue Extension
03:09ay may gutter deep na na-level ng baha.
03:12Pero dahil tuloy-tuloy nga yung pag-ulan,
03:14posible pa rin na magbago yung sitwasyon na yan.
03:16Kaya mag-antabay po tayo sa updates at mag-ingat yung mga motorista.
03:20Yan yung latest mula rito sa Quezon City.
03:22Balik sa iyo inyo.
03:23Maraming salamat, Darlene Kai.
03:26Sa ibang balita ay naasahang tatalakay ni Pangulong Bombong Marcos
03:31ang 20% taripa sa Philippine export sa Amerika
03:35sa mga pulong niya sa kanyang official visit noon.
03:39Ito ang unang pagkakataon na may tinanggap na Southeast Asian leader
03:43si U.S. President Donald Trump
03:45matapos ang ikalawang panalo niya.
03:48Mula sa Washington, D.C.
03:50Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
03:55Makailang beses nang nakabisita si Pangulong Bombong Marcos sa Amerika
03:59mula ng malukluk sa pwesto.
04:01Pero ang pagbisita niya ngayon ay unang pagkakataon din may tinanggap na Southeast Asian leader
04:08si U.S. President Donald Trump matapos ang ikalawang panalo nito.
04:13Sa kanyang official visit, pinatira siya ni Trump sa makasaysayang Blair House,
04:18guest house para sa mga bisita ng U.S. President na katabi ng White House.
04:23It would be wonderful for him to stay there because when his parents were invited here by President Reagan,
04:36they stayed at the Blair House.
04:40Bantay sarado ng U.S. security ang Blair House na sinugod ng mga kontra sa pagpupulong nila ni Trump.
04:47Mag-ibaka!
04:49Huwag matakot!
04:52Huwag matakot!
04:54Mag-ibaka!
04:56Mag-ibaka!
04:57Ngayon lunis na umaga sa Amerika, nakadakdang makapulong ni Marcos si Defense Secretary Pete Hegg Seth
05:05sa Pentagon, ang headquarters ng U.S. Defense Department.
05:09Masusundan niyan ng hiwalay na pulong kay U.S. Secretary of State Marco Rubio.
05:14Inaasahang tatalakayan nito ang defense and security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika
05:20sa gitna ng mga agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.
05:26Isa po sa pag-uusapan dito yung 20% tariff na ipapataw ng Amerika sa mga produktong papasok mula sa Pilipinas
05:34sa pag-asang makabubuo ng trade agreement na makakabuti sa dalawang bansa.
05:39Para magkatugma yung relationship, kailangan tama lang for both sides.
05:45So we have to always think on those bases now.
05:47Hindi na pwede yung anong pwede natin makuha sa isang bayan.
05:52Pagbibida rin ni Romualdez, maganda ang pagsisimula ng ugnayan ni na Trump at Marcos
05:58mula nung mag-usap sila sa telepono matapos manalo si Trump sa eleksyon.
06:03In that phone call, as you probably may recall, President Trump recalled his meeting Mrs. Imelda Marcos,
06:11the mother of the President, and that basically set the tone.
06:15That personal connection obviously is significant.
06:18Nakatakdari makipagpulong si Marcos sa mga business leaders dito,
06:22kabilang dyan mula sa semiconductor industry, mga interesado sa Luzon Corridor,
06:26mga nagpaplanong mag-expand na negosyo sa Pilipinas, maging yung may mga malalaki ng negosyo sa bansa.
06:33Kaugday naman sa kontrobersyal na immigration policy ni Trump na naghihikpit sa mga dayuhan
06:39na iligal ang pananatili sa Amerika, sabi ni Romualdez, malamang hindi na ito matalakay.
06:45The bottom line is, there is really not much room for discussion,
06:50but to simply work in such a way that all Filipinos that are upward deportation
06:57will be deported to the Philippines and not to their country.
07:01Mula dito sa Washington, D.C., Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Oras.
07:05Mga kapuso, buong araw na inulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
07:13Hanggang kailan kaya yan mararanasan?
07:15Alamin natin kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
07:19Amor!
07:22Salamat, Emil. Mga kapuso, dalawang low-pressure area na nga aminong monitor ngayon
07:26sa loob ng Philippine Area of Responsibility at kasabay pa po niyan ang patuloy na pag-iral ng habagag.
07:32Ang una pong low-pressure area, nabuo po yan kagabi at huling namataan kanina
07:36sa layong 1,220 kilometers silangan po ng southeastern Luzon.
07:42So medyo malayo po yan dito sa ating bansa.
07:44Pero nabuo naman kaninang hapo ng isa pang LPA na nasa 405 kilometers silangan po ng Kalayan, Cagayan.
07:51So ito po yung medyo malapit kaya po nakaka-apekto na po yung trafo extension po nito
07:55dito sa bahagi po ng Cagayan Valley.
07:58Ayon po sa pag-asa, posibleng mag-merge o mag-sanib po itong dalawang low-pressure area.
08:04At kapag naging isa na lang po yan, may chance na po ito na mabuo bilang bagyo.
08:09Sakali pong matuloy ito, papangalanan ito na Bagyong Dante.
08:13Sa ngayon, nakikita po ng pag-asa na paakyat o paangat po yung magiging galaw niyan sa mga susunod na araw.
08:18So ito po sa ating mapa, meron tayong nakikita.
08:20Ito po yung dating Bagyong Crising na may international name na WIFA.
08:23At ito naman po, posibleng sama ng panahon na yun sa mga susunod na araw pa naman at masyado po yung malayo sa PAR.
08:29So ngayon, focus po natin ito pong possible na Bagyong Dante na hindi naman po inaasahang tatama dito sa Pilipinas
08:36at posili pong tumbukin ito po nga bahagi po malapit sa Taiwan.
08:40Pwede pang magkaroon ng mga pagbabago sa mga susunod na oras o araw kaya tutok lang po kayo sa updates.
08:46Sa ngayon, dahil po sa dalawang low-pressure area, tuloy-tuloy rin po yung pag-ira ng hanging habagat.
08:51At yan din po yung dahilan kung bakit po nakakaranas pa rin po tayo ng maulang panahon.
08:56So dahil po nandito sa eastern portion po yung dalawang sama ng panahon,
09:00tila dito rin po medyo sumusunod no ito pong habagat.
09:03Kaya talaga pong ramdam na ramdam natin yung pagdaan at yung epekto po ng habagat dito po yan sa ating bansa.
09:10Pero bakit nga ba ganito na lang kung magpaulan itong habagat?
09:13Kahit wala naman po magyo, sobra po yung hangin at pati na yung mga pag-ulana.
09:16Warm and moist po yung katangian ito pong hanging habagat.
09:20At kapag po mainit at marami pong moisture sa hangin, maraming ulap din po ang pwedeng mabuo.
09:25Kaya mataas din po ang tsansa ng mga pag-ulan.
09:28At inaasahan po natin ito po yung mga kaulapan na dala po ng habagat.
09:32At yan po, posible po yung magpaulan sa ilang bahagi ng bansa.
09:36Ngayong gabi, mataas pa rin ang tsansa ng ulan.
09:38Dito po yan sa Northern at pati na rin po sa Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, dito po sa May Mindoro Provinces, pati na rin po sa Bicol Region, Panay Island at ilang bahagi po ng Eastern Visayas.
09:50Mga kapuso, yung ulang dala po ng habagat, ang katangian po yan o pattern, pwede pong halos tuloy-tuloy pero pwede rin naman na may mga break o pabugso-bugso.
10:00Bukas, umaga pa lang, may mga ulan na po dito po yan sa Luzon, lalong-lalong na po sa Western Section.
10:05So kasama po dyan, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Calabarzon, ganoon din po dito sa Metro Manila, Mindoro Provinces, at pati na rin po dito sa Bicol Region.
10:16Simula naman po, tanghali at hapon, halos buong Luzon na po ang uulanin.
10:21Ito po yan, at meron pa rin mga malalakas sa buhus ng ulan na posibleng magpabaha o di kaya naman magdulot po ng landslide.
10:27Ang Metro Manila, maaga pa lang ay posibleng na po makaranas ng mga pagulan.
10:32Mauulit po yan sa hapon at malawakan na po yung mga pagulang mararanasan natin na pwede pong magtuloy-tuloy po yan hanggang sa gabi kaya patuloy pong magmonitor sa rainfall advisory list ng pag-asa.
10:43Sa mga kapuso naman natin sa Visayas at Mindanao, may mga kalat-kalat na ulan dito po yan sa Western Visayas, pati na rin po dito sa Eastern Visayas sa umaga.
10:52Magtutuloy-tuloy po yan sa hapon pero meron na rin po mga pagulan sa ilang bahagi po ng Central Visayas.
10:58So yung mga malalakas sa buhus ng ulan, dito po yan sa Panay Island, Negros, Eastern Visayas at pati na rin sa ilang bahagi po ng Mindanao.
11:07Ang maulap at maulang panahon, posibleng pong magtagal pa o magpatuloy sa halos buong linggong ito kaya ingat mga kapuso.
11:14Yan muna ang latest sa laging ng ating panahon.
11:17Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
11:24Nagahanda na mga tagakainta sa Rizal sakaling tumaas pa ang baha na abot baywang na kanina.
11:32Ang ilang kinailangan ng magbangka, nakatutuklay.
11:36Si Ian Hu, Ian.
11:37Mel, alam mo, pabugso-bugso pa rin yung malakas na ulan dito nga sa Kainta Rizal na siyempre nagdudulot ng malaking pangamba sa ating mga kababayan.
11:49Alam mo, Mel, kanina nakakalakad pa tayo dito nung nakabota pero ngayon hindi na talaga kaya dahil nga tumataas ang tubig baha.
11:58Kaya nakailanglipat na tayo ng location ngayon.
12:00Hanggang hita ang baha sa barangay San Isidro, dito sa Kainta Rizal, marami ang napilitang lumusong.
12:11Gaya ng estudyanteng ito na ipina siya ng maglakad dahil patuloy ang pagtaas ng tubig.
12:17Hindi na raw niya mahihintay ang naantalang sundo.
12:20Hanggang paalam po, tapos biglang naging tuhod, tapos ngayon hita, malapit na pong magbewang.
12:27Ang senior citizen naman na ito at kanyang kasama napilitang lumusong kahit pa kagagaling lang sa dialysis session sa Quezon City.
12:37Sanay na raw sila sa baha pero sana raw.
12:39Ano ba dapat gabi ng gobyerno dapat na ginagawa na nila noon pa?
12:42Yung flood control, ewan ko, wala naman nagagawa.
12:47Oo, matagal na yun eh.
12:49Dahil sa walang tigil na ulan, naghahanda na ang mga residente sakaling mas tumaas pa ang tubig.
12:54Pag tataas ang hulungan dito, may sukatang kami eh.
12:59Ngayon ang hulungan kami lilikas.
13:02Kasama sa nalubog ang gusali ng DepEd Calabar Zone.
13:05Alauna ng hapon, wala nang pasok ang gobyerno pero lagpas alas 4 na, mayroon pa rin nananatili sa mga gusali.
13:13Ayon sa kainta MDRRMO hotline, nagbigay sila ng transportasyon kanina sa mga stranded na mga sodyante, guru at iba pang residente.
13:21Sa kahabaan ng Felix Avenue, masigip ang daloy ng trapiko.
13:26Sa mga gilid ng kalsada, marami kasi ang nakaparadang sasakyan na galing sa mga mabababang komunidad ng kainta at katabing Pasig City.
13:34Sa Vista Verde Subdivision, marami ang napilitang lumusong sa baha.
13:39Ayon sa mga tao, hanggang bewang nila ang baha at tumataas pa.
13:43Ang iba, nagbangka na palabas ng komunidad.
13:46Hanggang bewang po.
13:48Hanggang bewang.
13:49So talagang kailangan na magbangka?
13:50Apo.
13:52Ang iba naman, handang magbayad ng 100 pesos sakay ng pedicab na hinihila ng dalawang lalaki sa baha.
13:59Wala na kasing tricycle eh na bumabiyahin.
14:03Kaya ito na lang, saka yung bangka.
14:06Ang iba, kasama pa sa mini pool, nagginawang bangka ang mga fur babies para makalikas.
14:12Pati ang lumang bathtub, ginamit na rin na bangka para makapaghatid ng mga pauwi sa bahay.
14:19Mel, siyempre yung panalangin ng mga taga rito sa Kainta, gayon na rin sa marami pang bahagi ng Pilipinas na tumigil na nga yung pagulan para maibsan itong matataas na pagbaha.
14:32At Mel, sabi ng mga nakausap natin dito, mga residente, talaga daw halos hindi sila matutulog ngayong magdamag dahil nga kung minsan dito ay biglang dumarating yung malaking tubig.
14:42Kaya kailangan daw nakabantay sila at laging gising.
14:45Balik sa iyo, Mel.
14:46At ganyan din ang ating panalangin.
14:48Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
14:50Hanggang baywang na baka ang inindaan ng nakatira sa tabing ilog sa Barangay Damayan sa Quezon City.
14:57Mula roon, nakatutok live si Ivan Mayrina.
15:00Ivan.
15:00Emil, simula nitong Sabado ay taas-baba pero hindi tuluyang humuhupa ang baha dito sa West Riverside sa Barangay Damayan sa Quezon City.
15:14Pero naging pinakamataas yan, dakong alauna ng hapon kanina sa kasagsagan ng malakas sa buhos ng ulan.
15:24Hanggang baywang ang baha kanina ng alauna ng hapon sa West Riverside sa Barangay Damayan sa Quezon City.
15:29Dahil tabing ilog, ito talaga ang unang binabaha sa barangay.
15:33Lagi po, lagi po tuwing umuulan po, kapag patuloy po na tumataas yung tubig ilog po, tumataas din po yung tubig baha po dito sa lugar ng West Riverside po.
15:45Ito pong sitwasyon ngayon, alas tres imedya ng hapon sa West Riverside sa Barangay Damayan dito sa Quezon City.
15:52Tulad na nakikita ninyo, kahita kanina hanggang bewang ang tubig baha rito.
15:57So, yan mga lubid na yan, yan ang ginagamit nila para makatawid.
16:02At atayo naman, gamit natin itong balsa na gawa sa styrofoam.
16:08Ang styro balsa, rakit ng ilan para sa mga ayaw lumusong.
16:12Sayang din anilang bariya-baryang kita.
16:13Pero kung minsan ay libre lang bilang pakikisama, kwento nila bahagi na ng buhay nilang ganito.
16:19At kabisado na nilang taas baba ng baha.
16:21Depende sa buhos ng ulan.
16:23Kaya si Mang Mario hindi lumikas at nasa ikalawang palapag lang ng kanyang tirahan.
16:27May tila naman eh.
16:29Hindi nang tuloy-tuloy ang ulan eh.
16:31So ito ho, kabisado nilang.
16:33Depende sa buhos ng ulan.
16:35Kabisado, kabisado na.
16:36Pero hindi rin anilang may kakailanang mga pagbaha nitong mga nakarantaon.
16:40Pabilisan ng pabilis at palalim na ng palalim.
16:44Tulad ng napunan ni Frenzo na naging bahagi na mga pagbaha simula pagkabata.
16:48Dati dito hanggang pataas na bata, hanggang dibdib.
16:52Tapos ngayon hanggang dyan sa may grills.
16:54Hanggang nyo sa grills.
16:55Sa kabila nito, hindi alintana ng mga residente ang peligro.
16:59At idinadaan na nga lang sa kantsawan at tawanan ang ganitong siste tuwing tagulan.
17:04Yan ang konsekwenses ng mga tawing ilog.
17:06Asahan mo yan.
17:07Hindi mo pwede sisihin ng gobyerno.
17:09Tumira kami rito eh, di ba?
17:11Ano mo magalit kami sa gobyerno?
17:12Emil, hanggang alas 5 kaninang hapon, umaabot na sa halos isan na ang pamilya.
17:24Ang nasa evacuation center, yan ay ang mismong barangay hall ng barangay na mayan
17:29at ang social hall ng kalapit na simbahan.
17:32Patuloy ang paghikayat, Emil, ng barangay sa mga residente na lumikas na dahil mahirap abutan ng pagtaasang tubigbaha sa kalaliman ng gabi.
17:43At patuloy naman ang 24 oras na monitoring ng barangay, lalo pat hindi tumitigil ang pagulan.
17:49At sa ating kinatatayon, Emil, eh unti-unti na namang gumagapang at tumataas na naman ang tubigbaha rito.
17:55Emil.
17:55Maraming salamat, Ivan Mayrina.
18:08Tatlong taon na sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos, kalahati ng kanyang termino.
18:15Kaya bago ang kanyang ikaapat na State of the Nation address,
18:19babalikan natin ang ilan sa mga pangako niya sa mga nakaraang ulat sa bayan.
18:24Unahin natin ang pagtutok ng Marcos administration sa edukasyon.
18:30Ang mga classroom kapos na ng mahigit isang daan at animnapung libo na aabuti ng limang dekada bago mas solusyonan.
18:40Ayon po yan mismo sa Depay.
18:43Ang State of Education at Kalbaryo ng mga estudyante, silipin sa special report na tinutukan ni Maki Pulido.
18:54Sa mga araw na gipit ang pamilya, pumapasok si Maki ng hindi nag-aalmusal.
19:10Kahit gutom, pursigidong mag-aral ang siyam na taong gulang na grade 4 student.
19:14Kasi po sabi po ni Mama, kailangan ko daw po matapos ang pag-aaral ko.
19:19Para po matupad po lahat ang pangapangarap po po.
19:23Ang pangarap ni Maki, ipinaglalaban niya sa isang makeshift classroom
19:27na isiningit sa espasyo sa exit gate ng Kalubkob Elementary School sa Naikavite.
19:32Manipis na pader lang ang pagitan, highway na.
19:39At dahil kauulan lang, basa ang sahig.
19:43Kasama niya rito ang limamputsyam na iba pang estudyante.
19:46Bakit nahihirapan kang matupo?
19:49Ang niingay po. May mga nadaan po mga lakas po na tunog.
19:54Para po silang nagbabomba.
19:55So hindi mo na marinig sa teacher?
19:59Hindi na po.
20:01Mula 700 na estudyante noong 2018,
20:04lumobo sa higit 1,800 ang student population ng paaralan
20:08na may apat na classroom lang
20:10nang buksan ang housing resettlement project sa Naik.
20:13Ang sabi sa amin ay tanggapin ang mga bagong dating ng mga estudyante.
20:20Tulad sa maraming iba pang paaralan sa bansa,
20:23para-paraan na lang.
20:24Dito sa Kalubkob Elementary School,
20:27bukod sa mga makeshift classroom,
20:29ginamit na ang labing isang housing unit sa resettlement project
20:32para sa grade 1 hanggang 3.
20:34Sa classroom na ito, ang ratio ay 1 is to 60.
20:37Sa lagay na yan, nabawasan na raw ang bilang ng mga estudyante.
20:41Kaya hindi naman daw nakapagtataka
20:43kung hirap matuto ang ilan sa mga estudyante
20:46dahil sa sitwasyon ng kanilang silid-aralan.
20:50Sa mga naunang State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos,
20:53idiniin niya ang kahalagahan ng inclusive education.
20:57Dapat daw, may akses ang lahat sa dekalidad na edukasyon
21:00at ang patuloy na pag-aayos ng mga pasilidad.
21:04The condition and availability of schoolrooms for our students must also be addressed.
21:10Sa kasalukuyan, 165,000 ang classroom shortage.
21:15Pinakamalala sa Metro Manila, Calabarzon at Barm.
21:18Halos triple yan kumpara sa bilang ng kakulangan sa mga silid-aralan noong 2013.
21:25Sa pag-aaral ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2,
21:29nagdudulot ito ng congestion o ratio na 1 is to 50 o isang classroom
21:34sa bawat 50 estudyante o higit pa.
21:38Lumala ito sa mga lugar na may resettlement project ng National Housing Authority
21:42na itinayo ng walang kasabay na mga paaralan o dagdag na classroom
21:46tulad sa Calubcob Elementary School.
21:49May mga 58 housing projects.
21:51So, libo-libong bata lumilipat sa isang lugar,
21:55dagsabigla, hindi kaya ng school,
21:58biglang nagkakaroon ng multi-shift, apektado yung pagkatuto.
22:01Pinakamalala ang siksikan sa elementarya kung kailan dapat matutunang magbasa
22:07at umintindi ang estudyante.
22:10Dahil sa sitwasyon sa loob ng mga silid-aralan,
22:13aminado ang Department of Education.
22:15Marami sa ating kabataan, hirap magbasa at magbilang.
22:19Malaki yung impact nun, Maki, kasi yung grade 3 na hindi nakabasa ng letra
22:24at nag-transition sa grade 4, it's almost irreversible.
22:28Because in reading, you rely on sight, you rely on sound, you rely on hearing.
22:34So, hindi pa pwedeng siksikan kayo.
22:37Ayon sa Philippine Statistics Authority,
22:39batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey,
22:44nasa 19 milyon ng edad 10 hanggang 64
22:46ang literate but not functionally literate
22:50dahil sa kakulangan ng comprehension skill.
22:52Kabilang sa mga not functionally literate,
22:55ang mga basically literate o yung nakakabasa, nakakasulat at nakakapag-compute,
23:00low literate o nakakabasa at nakakasulat,
23:03at illiterate o hindi nakakabasa at nakakasulat.
23:07Sa naunang pahayag ni Education Secretary Sonny Anggara,
23:10posibleng abuti ng mahigit limang dekada
23:13bago matuldukan ang kakulangan sa mga silid-aralan.
23:15Lumalaki yung cost of construction o yung paggato sa pagpapagawa
23:20ng mga silid-aralan, tapos lumalaki din yung ating populasyon.
23:24Gusto sana naming itanong sa Department of Education
23:27kung ilan na ang napatay yung mga classroom
23:29sa ilalim ng Administrasyong Marcos,
23:32pero hindi sila nagbigay ng panayam kaugnay nito.
23:34Back to basic ang panukala ng EDCOM 2.
23:38Kung matindi pa rin ang kakulangan,
23:39dapat ihabol ang mga estudyante
23:41yung hindi pa rin makapagbasa o makaintindi.
23:43Kaya sinimulan na ng DepEd ang Remediation Program.
23:47Pagkatapos ang klase,
23:48tuturuan ang mga estudyante ang hirap sa pagbasa.
23:52Magtutuloy ito ngayong taon sa ilalim ng aral program.
23:56Noong nakaraang taon,
23:56sa 60,000 sa mga estudyante ang nakitaan ng kahinaan,
24:00nasa 2,000 na lang ang kailangang ihabol
24:02matapos sumailalim sa Remediation Program.
24:05Isa sa mga lugar na ito ang...
24:08Sa FBR Phase 3 Elementary School sa Norzagaray, Bulacan,
24:11naihabol nila ang lahat ng mga grade 3 student
24:14na hirap magbasa.
24:15Isa rito si Catriona.
24:17Naihiya po sa sarili ko kasi po.
24:20Anong grade 3 po?
24:22Hindi pa po ako marunong magbasa.
24:24Paano ka nila rin?
24:26Sabi nila po,
24:28ah, hindi marunong magbasa.
24:30Ano ginagawa mo lang?
24:33Pagka sinasabi nila yun.
24:35Naihiiyak ko lang po ako.
24:37Pagkatapos ng Remediation Program,
24:39Nakakapagbasa na po ako.
24:42Kaya masaya po ako kasi po
24:43pag may pinatalo ko si ma'am,
24:46natatas na po ako ng kamay.
24:49Bahagyang tumaas ang pondo para sa edukasyon.
24:51Pero sabi ng EDCOM 2,
24:53ito'y dahil sa Senior High School at Higher Education.
24:56Yung pagtaas natin sapat lang
24:58para talagang mapantay.
25:00Pero sapat ba siya para mapagbuti
25:02lalo na sa Kinder to Grade 3?
25:05Hindi.
25:06Umaabot ng tatlo hanggang limang taon
25:08ang pagpapagawa ng DPWH ng school building.
25:12Yan ay kung may espasyo na kalimitang problema
25:14sa mga paaralan sa Metro Manila.
25:16Gusto ng DepEd na kumontrata na
25:18ng pribadong sektor.
25:19Para sa EDCOM 2,
25:21pwede rin voucher program
25:22para makapag-enroll ang mga estudyante
25:24sa mga pribadong eskwelahan.
25:26Sana raw,
25:27tumulong na rin
25:27ang mga lokal na pamahalaan.
25:29Kailangan maging inovative eh.
25:31So if we just rely on the GAA,
25:34yung national budget natin
25:35on a yearly basis,
25:36baka hindi kayanin yung 165
25:38for probably the next 3 years.
25:40But there are other innovations
25:42that being undertaken.
25:44Patong-patong ang problema
25:46sa sektor ng edukasyon.
25:48Resulta, ayon sa ilang eksperto,
25:50ng ilang dekadang kapabayaan
25:52at kakulangan sa budget.
25:53Kailangan daw harapin ng tama
25:55ang krisis sa edukasyon
25:57dahil ang mga batang
25:58hindi gaanong natuto sa paaralan
26:00ang mga susunod na workforce
26:02ng bansa.
26:03Para sa GMA Integrated News,
26:06Maki Pulido na Katutok,
26:0724 Horas.