Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Pahirapan ang pag-uwi ng ilang estudyante na nakaalis na ng bahay nang suspendihin ang pasok kanina. Hiling nila, mas agahan ang suspensyon. Mungkahi naman ng Department of Interior and Local Government bigyan sila ng kapangyarihang magsuspinde ng klase.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Makakapuso, pahirapan ng pag-uwi ng ilang estudyante na nakaalis na ng bahay ng suspindihin ang paso kanina.
00:06Hiling nila, mas agahan ang suspensyon.
00:09Mungkahi naman ang Department of the Interior and Local Government.
00:11Bigyan sila ng kapangyarihang mag-suspindi ng klase.
00:15Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Basang-basa ang grade 7 student na ito sa Malabon na mahigit isang kilometro ang nilakad
00:26matapos suspindihin ang kanilang klase kaninang pasado alas 9 na umaga.
00:31Ang hirap po eh. Wala pong masakayan.
00:34Maulan pa. Baka po magkasakit kami.
00:36Panawagan ng mga nakausap naming estudyante.
00:39Agahan po nalang pag-suspend ng klase.
00:42Para po di na kami mahirapan.
00:44Ba't di na lang po sinaspend nung una pa lang? Kasi may nahirapan din mga students.
00:49Ayon sa Malabon City Hall, sinusunod lang nila ang dati ng protocol ng Department of Education.
00:55Nag-deploy rin ang City Hall ng libreng sakay para umalalay sa mga nahirapang bumiyahe.
01:01Sa Maynila, nagdeklara ng lokal na pamahalaan na half-day ang klase simula kaninang alas 12 ng tanghali.
01:08Sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan mula kinder hanggang senior high.
01:13July 3,025.
01:16So let it be, I hope you can share this information to those who are watching the head of schools.
01:23Pwede nyo na pong pauwiin habang mababa pa, hindi po masyadong malakas ang hangin.
01:32Sa Valenzuela naman, alas 5 pala na umaga ay nag-anunsyo na ang City Hall ng class suspension.
01:38Sa Lonsud kasi may ordinansa na para otomatikong makansila ang klase, hindi lang kung may signal number 1 pataas.
01:45Kansilado na rin kung may rainfall warning kahit yellow alert pa lang.
01:48Kung dati ang Department of Education ang nag-aanunsyo ng mga class suspensions,
01:53ipinaubayan na ito sa mga paaralan at sa mga local government units na higit na nakakaalam ng lagay ng panahon sa kanilang lugar.
02:00Pag gano'n, pag gano'n talagang bagyo, napansin nyo, pumapasok na si, lumalabas na si Executive Secretary Bersameen.
02:07Siya mismo nagsasabi na walang pasokan at all levels.
02:10But definitely, may autonomy ang local governments dyan.
02:13Pero ang Department of Interior and Local Government o DILG,
02:17gustong hilingin na ibigay na sa kanila ang kapangyarihang magdeklara ng class suspension.
02:22Ang practice ko ng governor ako, talagang sisirating ko lahat ng mapa kung paano ang parating.
02:27At kung gano'n, ay pwede natin ang announce mas maaga.
02:33Nakikita mo na at alam ko naman yung mga rain patterns na yan.
02:36Kasi sa bukunta, may geo-hazard map kami.
02:38Mas madilim mag-coordinate kung galing sa amin ang suspension ng classes.
02:42Pag-aaralan muna yan ayon sa Malacanang, sabay paalala sa mga LGU.
02:47Dito po ay mag-aaralan dahil as of the moment, kung ano yung nagiging sistema natin sa kasalukuyan,
02:55kung po muna mananatili.
02:56Kung maaari pong makapagbigay agad ang mga heads ng LGUs ng mabilisang order
03:03o kanilang panukala kung dapat isuspende ang klase.
03:09Bukod sa mga estudyante, nahirapan ding sumakay ang iba pang commuter kanina umaga.
03:13May mga nag-uunahang makasakay sa jeepney.
03:16Ang iba naman napilitan ang maglakad kahit maulan.
03:19Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended