Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/23/2025
Walong taon na ang nakalipas pero ‘di pa rin tuluyang nakakabangon ang mga taga-Marawi matapos ang madugong giyera noong 2017. Pinamamadali na ng pangulo ang mga ‘di pa nagagamit na imprastruktura nang bumisita siya roon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:008 years ago, but still have not been able to survive the Mga Tagamarawi.
00:05After the war, the President of the President of the United States has not been able to use infrastructure for the Mga Tagamarawi.
00:13I'm going to talk to Ian Cruz.
00:15Marawi City
00:23Halos mapulbos ang Marawi City nang idaan sa pag-atake ng militar
00:27ang pagtaboy sa Maute Isis Group na kumogkob sa lungsod noong May 2017.
00:33Tumagal ng limang buwan ang madugong bakbakan,
00:35pero lalong matagal ang pagbangon sa dami ng nawasak na istruktura, tahanan at paaralan.
00:41Ang mapait na katotohanan, wala talagang panalo sa isang gera.
00:46Ang tunay na talo, ang mga inosenteng mamamayan na nagbuwis ng buhay at nawala ng tahanan at kabuhayan.
00:53Ang iba nga, may dinadala pa rin trauma hanggang ngayon.
00:57Walong taon na ang lumipas matapos ang Marawi Siege,
01:00pero nasa temporary learning spaces pa rin ang mahigit 700 K-12 students mula sa apat na elementary at isang high school.
01:08Wala silang blackboard kaya nag-improvise sa mga duro.
01:12Wala rin silang kisame na personal na nakita ni Pangulong Bongbong Marcos sa inspeksyon.
01:16Naghati ng kanyang opisina ng mga bag at school supplies para sa mga estudyante.
01:21Meron ding laptop at satellite para sa internet connection ng paaralan.
01:26Kung tutuusin, may gawa ng sampung bagong gusali na may tiga-apat na palapag na pwede para sa hanggang sampung libong estudyante.
01:34Para sana yan sa magiging Marawi dan sa Land Integrated School na nasa barangay Moncado Colony, na lugar din ang bakbaka noon.
01:42Pero may kailangan pang tapusin na pinondohan na ngayon ayon sa Office of the President.
01:47Malapit na matapos, kaunti na lang, maglalagay na lang ng perimeter fence, pwede na dalhin yung mga bata doon.
01:53Ang pinaka-importante po is yung pong fencing, perimeter fence.
01:57So you cannot transfer our lawyers kung hindi po safe ang mga mag-aaral.
02:01Binigyan na rin ng Pangulo ng deadline ang pagkumpleto sa Marawi City General Hospital na may 100-bed capacity.
02:15Dagdagkulong ito sa laging puno ang Amay Pakpak Medical Center ng DOH.
02:21Deadline of August na mabuksan na yung hospital para makapagservisyon na sa taong bayan.
02:29Tapos na rin ang Marawi City Port na nasa gilid ng Lake Lanao.
02:33Pero sabi ng Pangulo, kailangan magkaroon din ng pantalan sa iba pang bahagi ng lalawigang nakapalibot sa lawa.
02:40We have 18 municipalities surrounding Lake Lanao.
02:44Pagka ito lang, walang connectivity, hindi magkagamit dahil walang pupuntahan yung barko.
02:49So we will put others around the lake.
02:52Pinabibilis na rin ang pagbigay ng kompensasyon sa mahigit 14,000 pang residenteng naapektuhan ng Marawi Siege
02:59na pagtutulungan ng Marawi Compensation Board at National Housing Authority.
03:05May mga nauna naman ang natakos.
03:06Tumutulong na rin daw sa rehabilitasyon ang Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim, Mindanao.
03:24Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended