Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Bukas na mararamdaman ang ikalawang bugso ng taas-presyo sa langis na inutay-utay imbes na isang bagsakang mahigit limang piso. Pero ayon sa pangulo, ‘di pa kailangang mamigay ng fuel subsidy. Sinabi niya ‘yan sa Tarlac, kung saan sinunog ang bilyong pisong halaga ng droga, kabilang na ang mga nalambat sa dagat.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukas na po mararamdaman ang ikalawang bugso ng taas presyo sa langis na inutay-utay
00:04imbes na isang bagsakang mayigit limang piso.
00:07Pero ayon sa Pangulo, hindi pa kailangang mamigay ng fuel subsidy.
00:12Sinabi niya yan sa tarlak kung saan sinunog ang bilyong pisong halaga ng droga
00:15kabilang na ang mga nalambat sa dagat.
00:18Nakatutok si Jun Veneracion.
00:23Sa harap ni Pangulong Bongbong Marcos,
00:25ipinasok sa insinerator at sinunog ang isa't kalahating tonelada
00:30ng iligala droga sa isang disposal facility sa Kapas Tarlac.
00:34Kabilang dito ang mahigit isang toneladang floating shabu
00:37na nakuha ng mga mangiisda sa Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan.
00:44Pumunta lang tayo rito upang makita.
00:47Dahil nais kong makita kung ano ba talaga yung buong sistema.
00:51Dahil kailangan tiyaki natin na yung mga nahuhuling drugs ay talagang sinisira
00:58at wala ng pag-asa na bumalik pa sa na maibenta pa.
01:04Bago sunugin, isinailalim muna ng mga chemist ng PIDEA
01:08sa screening test ang mga iligala droga na aabot sa halos 10 bilyong piso.
01:13Presumptively, may presence po siya ng shabu.
01:17Kung ang kulay po ay magiging deep blue.
01:19Pyroresis machine ang tawag dito.
01:23Nasa loob niyan, yung mahigit isang toneladang floating shabu
01:27at iba pang droga na nakumpis ka sa iba't ibang anti-illegal drug operation.
01:32Ang init sa loob niyan, nasa 700 degrees Celsius.
01:35Kaya siguradong walang matitira pagkatapos ng 10 oras na proseso
01:41na kung tawagin ay thermal decomposition.
01:44Bukod sa problema sa iligala droga,
01:46tinututukan din ang gobyerno ang gera ng Israel at Iran.
01:49Lalo na ang epekto nito sa presyo ng langis.
01:53Kaya nagpulong kahapon ang mga economic manager ng Marcos administration.
01:57We look at it at inanalyze namin kung paano mangyayari.
02:04Nakita natin that the effect on the economy should be manageable.
02:08Mula $79 per barrel, ay bumaba na ang presyo ng langis sa $69 per barrel
02:15kasunod ng anunsyo ng ceasefire.
02:17Dahil ayos naman na aniya ang presyo ng langis,
02:20walang nakikitang dahilan ng Pangulo na magbigay ng fuel subsidy.
02:23Ang sinasabi namin, hindi ayuda subsidy pag tumasang presyo.
02:31E kung di tumasang presyo ng langis, then there is no need for that.
02:35Para sa GMA Integrated News,
02:38June Vanera Show na Katutok, 24 Oras.

Recommended