Libu-libong indibidwal ang apektado ng mga pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa. Dahil ‘yan sa ilang araw nang pag-ulan dahil sa low pressure area na pinalalakas ng Habagat.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa ibang balita, 1000,000 individual ang apektado ng mga pagbaha sa iba't ibang panig na bansa.
00:06Dahil yan sa ilang araw ng pagulan, dahil sa low pressure area na pinalalakas ng habagat.
00:12Nakatutok si Darlene Kai.
00:18Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan, rumagasa ang baha na may kasamang putik at mga bato sa kalsadang ito sa Mako Davao de Oro nitong biyernes ng gabi.
00:30Pinapagbalik ang ulan.
00:31Pahirapan ang pagdaan ng mga motorista dahil bukod sa kumagat na ang dilim, sumabay pa ang malakas na agos ng baha sa kanilang biyahe.
00:41Nagpatuloy ang buhos ng ulan kaya lalo pang lumakas ang daloy ng tubig at pinasok na rin ang baha ang ilang bahay.
00:54Bumanga naman ang isang pickup sa isang puno sa Banggi, Ilocos Norte.
00:58Ayon sa investigasyon ng pulisya na wala ng control sa manibela ang driver dahil sa madulas na kalsada kasunod ng mga pagulan.
01:05Tatlawang sugatan pero nadala agad sa ospital at nasa maayos na umanong kalagayan.
01:09Sa Lawag City, tanawang pagliwanag ng kalangitan dahil sa mayat-mayang pagkidlat.
01:15Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon na ilang araw nang nararanasan sa iba't ibang panig ng bansa ay dahil sa low pressure area at ang pinalakas nitong habagat.
01:23Ayon sa DSWDO Department of Social Welfare and Development, libo-libo ang apektado ng mga pagbaha kabilang ang mahigit 8,000 individual sa Bulacan.
01:33Kasama rin sa napuruhan ng pagbaha ang Zamboanga City kung saan lagpas 4,000 individual ang apektado.
01:39Mahigit 2,000 umano rito inilika sa evacuation centers.
01:43Sa aming pinakahuling tala, yung mga pamilyang apektado ng habagat ay nabigyan na po ng mga family food packs and other non-food items.
01:53Ang halaga po ng naipahabot na natin na tulong ay nagkakahalaga ng mahigit 549,000 pesos.
02:02At ang yambilang na yan ay inaasahan natin na lumaki pa sapagkat nagpapatuloy pa rin ang koordinasyon ng DSWD sa mga local government units.
02:10Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.