Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/29/2025
Nagbabala ang MMDA laban sa mga motoristang nagtatakip ng plaka. ‘Yan kasi ang nabistong istilo ng ilan para iwas huli sa ipinatutupad ngayong No Contact Apprehension Policy (NCAP).


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagbabalang MMDA laban sa mga motoristang nagtatakip ng plaka.
00:06Yan kasi ang nabistong estilo ng ilan para iwas huli sa ipinatutupad ngayong No Contact Apprehension Policy o NCAP.
00:15Nakatutok si Joseph Moore.
00:19Sa talas na mga kamera na ginagamit ang MMDA sa No Contact Apprehension Policy o NCAP,
00:26walang takas, kitang kita ang mga plate number.
00:28Kahit mukha nga, pero Pinoy pa ba?
00:32Mula ng ipinatupad ng NCAP, may ilang tinitipa ng ilang letra o numero ng plaka ng kanilang motor.
00:38Ang iba, face mask pa ang gamit pantakip. May COVID?
00:42Ayon sa MMDA, booking na ang mga the moves na ganito at pinapahunting na raw sila.
00:48Natakpan lang yung dalawa. So may way naman yan of backtracking yung mga plaka na yan at yung mga gumamit ng ruta na yan.
00:57Paano kung buong plaka ang nakatakip?
01:00Huwag raw pa kang pante dahil may mga traffic enforcers pa rin sa lugar na pisikal na hahabol at huhuli sa inyo.
01:08Eh kung peking plaka ang gamit?
01:10May license plate recognition software tayo.
01:12So pagdumaan yan ulit, marireflag yan sa amin at mapapaharang natin at kakasuhan natin criminally.
01:22May 5,000 pesos itong multa at pwedeng suspindihin ang inyong driver's license kapag nahuli kayo.
01:28Palaala ulit ng MMDA, exempted ang mga rome responding ambulansya, fire trucks at mga polis mobil sa NCAP.
01:36Ang iniiwasan ng MMDA ngayon magamit ng mga blinker o siren ng kahit na anong sasakyan.
01:42We have to make sure through manual review na talagang legitimate yan.
01:47Pag na-flag yan, pag nakita naman ang ating reviewers na emergency vehicle, automatic yan i-invalidate yung red flag.
01:55Di na dadating na may notice sa violation?
01:58Wala na, hindi na.
01:59Pero paano naman ito ni walang madaanan ng ilang motorista dahil sa mga nakahambalang sa daan,
02:05minsan mga vendor pat na clearing operation na kagabi ang MMDA.
02:09Mula Quezon City, sinubukan naman namin ang ilang rerouting scheme na inilabas ng MMDA kapag ginawa ng EDSA simula June 13.
02:18Base sa rerouting plan ng MMDA, pwede kaming dumaan sa Skyway.
02:25Tingnan natin kung ilang minuto at kung saan kami pwede mag-exit pagpapunta kami ng Maynila.
02:31Pero sa Quezon Avenue, sa Quezon City, papasok sa Skyway Stage 3, tukod na ang mga sasakyan.
02:37Mabuti na lamang at sa taas, maluwag pa.
02:39Wala pang anim na minuto, nasa may nagtahan exit na kami.
02:43At pagkatapos ng tatapang minuto, nasa may buwendi exit na kami na pwedeng labasan, papuntong Makati at Pasay.
02:49At pagkatapos na labing apat na minuto mula nung umalis kami sa Quezon City, nasa may airport na kami.
02:55Sa ngayon, mabilis pa.
02:57Pero aminado ang MMDA na maaring problema nga ang pagpasok at paglabas ng Skyway na alternatibo sa EDSA.
03:04Nakikipagugnayan na sila sa DPWH at mga lokal na pamahalaan para sa traffic management
03:09at para maglagay ng mga sign sa mga kaliyang bahagi ng rerouting plan.
03:14Nasa dalawang pong rerouting plans ang inilabas ng MMDA.
03:17Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.

Recommended