Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging Sakli!
00:30Sa advisory ng NLEX as of 8.25pm, not passable o hindi madaraanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Valenzuela Interchange Northbound, Valenzuela Interchange Southbound at Paso del Blas Southbound Entry at Exit.
00:46Pansamantalang sarado naman ang mga toll-plasa sa Paso del Blas Southbound Entry-Exit, May-Kawayan Southbound Entry, Marilao Southbound Entry at Ciudad de Victoria Southbound Entry.
00:57Passable naman para sa lahat ng sasakyan ang Balintawak Loverleaf Southbound at Northbound, pati na rin sa ilang parte ng NLEX, NLEX Connector at Exitx.
01:07Binuksan naman ang mga U-turn slots sa Mapulang Lupa, Valenzuela Northbound, Libis Baisa Southbound bago magbalintawak, Torres Bugalyon Southbound paglambas ng Balintawal Toll Plaza, Lawang Bato, Valenzuela Southbound, Valenzuela Interchange Southbound at May-Kawayan Southbound.
01:27Makaibalita tayo kay Jomar Apresto na naiipat din ngayon sa traffic sa NLEX. Jomar, nasan ka na banda?
01:39Malz, mahigit isang oras na ako dito sa bahagi ng Mahalkan Road sa May-Kawayan, Bulacan.
01:43At kagaya ko, stranded ang napakaraming motorista dito sa papasok ng May-Kawayan Toll Plaza Southbound Lane.
01:49Yan ay matapos isara ng pamunungan ng NLEX sa mga toll booths dito.
01:53Ayon sa truck driver na si Ramil Papa, galing sila ng kabanatuan at sa punta sana sila ng Davotas.
01:58Mag-aalas 9 round ang biglang isara ang nasabing Toll Plaza.
02:02Mas maiginaanian na dito sila naipit kesa na magtabahang lugar.
02:05Mahigit isang oras na rin nakapila si Arman Valeriano kasamang kanyang mga kapatid.
02:09Susunduin raw kasi nila sa airport ang isa pa nilang kapatid.
02:12Sa isang text message, sinabi ni Robin Ignacio, ang traffic senior manager ng NLEX SETEC,
02:17nakasunod ito ng pagbahan na nararanasan sa bahagi ng Paso de Blas, Valenzuela mula pa kaninang 6.40pm.
02:24Bukod sa May-Kawayan Toll Plaza, map isinara rin sa mga motorista ang Southbound Lane o Southbound Lane entry
02:29ng mga sumusunod na Toll Plaza, Ciudad de Victoria, Marilaw Entry at ang Paso de Blas Entry at Exit.
02:34Hindi pa malino sa ngayon kung kailan posibleng buksan sa mga motorista
02:37ang mga nabanggit na Soll Plaza.
02:39Mula sa malakas na pagulan kanin-kanina,
02:42ang bunalangan nararanasan ngayon dito sa bahagi ng Malkan Road sa May-Kawayan, Bulacan.
02:48Jomor, dun sa mga lugar na nadaanan mo,
02:51meron ba kayong nakita na baha at kung meron ay gaano na ito kataas?
02:54Jomar?
03:24Dito naman sa bahagi ng Mahalkan Road, wala namang baha na nararanasan sa mga oras na ito.
03:29Jomar, pagkaganito kasi no na medyo masama yung visibility dahil sa ulan, pro na magkaroon namang aksidente?
03:36Meron ka na rin bang nabalitaan na aksidente dyan naman sa bahagi ng NLEX? Jomar?
03:41So far, nung nakausap ko yung mga taga-NLEX patrol mob, wala pa naman silang binabanggit na aksidente dito sa bahagi ng Mahalkan Road.
03:50Pero ang binabanggit nila, may mga ilang sasakyan na naipit na mismo doon sa loob ng NLEX.
03:57Jomar, meron na rin ba tayong mga zipper lanes naman? Jomar?
04:00Hmm, dito kasi magsakyan na tatayuan ko sa mismong pwesto ko, talagang walang madaanan eh.
04:07Dahil lahat ng toll booth eh sarado.
04:10Kaya maging yung mismong kalsada dito sa bahagi ng Mahalkan Road, eh ilang sasakyan lang din yung nakakadaan.
04:17Dahil maraming sasakyan yung naipit at nakakilat pa putot dito ng toll booth, Mark.
04:22Oo. Dito sa mga video na nakikita namin, merong mga pasahero na nakatayo na, nag-aabang na sa labas ng kanika nilang mga sasakyan.
04:30Parang meron ding naglalakad. Meron ka bang nadaan ng mga ganito? Jomar?
04:35Oo. Kasi ang ginagawa ngayon ng mga motorista dito, lalo na yung mga driver,
04:40itinapatay muna nila yung sasakyan.
04:42Hindi na kagaya ko, pinatay ko rin muna.
04:44Dahil nga, syempre, malakas sa gas.
04:46Tapos ang binabanggit na nila, mahigit isang oras na silang saranda dito.
04:50So, mahigit na ipatay muna nila yung makina nila.
04:54Kaya ang ginagawa nila, paikot-ikot sila.
04:56Kasi yung iba, curious kung bakit hindi nakakadaan yung mga sasakyan.
05:00Kaya ang ginagawa ng mga taga-ELTEX dito,
05:03pinapaliwanag din nila na sarado yung kanilang toll booth dahil na rin sa pagbaha sa baka din ng baleskwela.
05:09Oo. Jomar, dahil nga merong saradong toll gates, ano?
05:13Meron bang mga alternative na mga entries at exit points na ibinigay yung pamunuan ng NLEX? Jomar?
05:18Walang binabanggit yung NLEX dito kung meron silang pwedeng ikutan.
05:23Dahil, kagaya nung nakausap ko kaninang isang motorista,
05:26galing na saan ng MacArthur Highway.
05:28Pero ang sinasabi nga, mataas na rin yung baha kaya nagbakasakali sa
05:33na pumasok dito sa Maykawayan toll plaza.
05:36Pero nagulat nga rin sa, dahil sarado na yung mismong toll plaza dito.
05:41Merong isang option dito, yung pwede kang dumaan ng Maykawayan horsebound
05:46and hindi ikot ka ng Marilaw. Pero ang problema, tara na durin sa mga oras.
05:50Maraming salamat, Jomar Apreso at ingat kayo dyan.
05:54Pero we shot sakit ng ulo ang idinulot sa mga motorista at commuter
05:57ng pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Maynila.
06:00May hatid naman na libreng sakay ang Philippine Navy sa mga stranded.
06:04Saksi live si Katrina Son.
06:06Katrina!
06:06Mab, dahil nga sa walang tigil na pag-uula,
06:12naging pahirapan na ang pag-uwi ng ilang mga commuter dito sa Maynila.
06:17Ilang mga motorista rin na ang stranded dahil yan sa baha.
06:26Itong sinuong na mga commuter at motorista na pauwi na mula sa kanilang trabaho ngayong gabi.
06:31Pahirapan ang pagsakay.
06:34Punuan kasi ang mga ilang nilang jeep at bus na sumusuong sa abot-tuhod na baha.
06:40Pahirapan po, ma'am.
06:41Mag-ano, mag-antay.
06:42Mag-antay, ma'am.
06:43Kasi walang dumadaan na jeep, ma'am.
06:45Tsaka mga bus.
06:46Pahirapan po.
06:47Pahirapan na pa kami dito.
06:49Mahirapan na pa.
06:51Puro punuan, punuan.
06:54Ayun, ayun, ayun.
06:54Naghihintay akong biyaheng perview.
06:57Parang matuma lang mga dumadaan ng sustraksyan.
07:00Magkakalating oras na.
07:02Hirap nga ako sumakay.
07:04Kaya naman may ilang napilitang maglakad para makahanap ng masasakyan.
07:09Hirap din ang mga may dalang sasakyan.
07:11May nagtulak ng motor.
07:13At may ibang pilit na gahanap ng madaraanan sa gilid ng kalsada.
07:18Pahirapan makauwi po sa ngayon.
07:20Kasi dun medyo malalim.
07:22Kaya sinundan ko lang yung kaninang motor.
07:24Ayun, susubukan ko makadama, katawid.
07:28Malalim eh.
07:30Target.
07:31Ang iba naman, hindi na sumugal at nagpa siyang hintayin na lang ang paghupan ng baha.
07:37Para makatulong sa mga commuter na hirap makasakay.
07:40Nag-ikot ang Philippine Navy para magbigay ng libreng sakay.
07:44Hirap na kasi ang ilang mga sasakyan na daanan ng ilang mga kalsada.
07:48Sa Rojas Boulevard, Pio Campo hanggang UN Avenue, dire diretsyo hanggang Calo Street, gutter deep na baha ang nagpabagal sa mga sasakyan.
07:57Sa harap naman ang Manila City Hall hanggang Loto, apot hanggang tuhod ang baha.
08:03Pagdating naman ang Espanya, baha ang halos buong kalya na ito.
08:07May mga parte rin na lampas tuhod ang baha.
08:10Kaya naman ang ilang mga kapataan dito, ginawang parang swimming pool ang lugar.
08:15May ilang mga sasakyan din na nagsibalikan.
08:17Ma'am, sa mga oras naman na ito ay tuloy-tuloy pa rin yung malakas na ulan na nararanasan natin dito sa Espanya, sa Maynila.
08:29Kaya naman yung mga sasakyan na nagdaraan dito, ma'am, talagang humihinto muna sila at chinecheck muna nila kung kaya nga ba ng kanilang mga sasakyan na dumaan dito.
08:38Dahil patuloy rin, ma'am, ang pagtaas ng baha rito dahil yan sa tuloy-tuloy na pag-uulan.
08:44At live mula dito sa Espanya, sa Maynila, para sa GMA Integrated News.
08:48Ako si Katrina Sor, na ang inyong saksi.
08:52Katrina, sa nakikita namin ngayon, parang medyo humupa na yung area kung saan ka nakatayo sa Espanya.
08:58Pero yung bang papunta pa sa likod ay mas malalim at hindi talaga madadaanan ng mga light vehicles sa ngayon. Katrina?
09:09Ma'am, itong lugar, kung nasaan tayo ngayon, ito talaga yung lugar na medyo mababa.
09:13Mababa yung baha.
09:15Doon sa ating likuran, dyan talaga yung daan na hindi nadaraanan ng ibang mga motorista.
09:22Katulad na lamang nung mga nakamotorsiklo.
09:25Ayan, medyo nahihirapan na sila dyan, ma'am.
09:27At saka may area daw dyan, ma'am, na medyo palalim.
09:30Kaya naman, mas nag-iisip yung iba kung daraan ba sila o hindi.
09:33Kasi hindi nga nila sigurado kung gaano kalalim yung ilan sa mga parte dyan, ma'am.
09:39Katrina, sa pag-iikot nyo kanina, meron ba kayong nakita ng mga traffic enforcers naman na gumagabay doon sa mga motorista para hindi na sila pumunta doon sa mga kalsada na lubog nga sa baha?
09:49Katrina?
09:49Yes, ma'am, may mga nakita tayong traffic enforcers at ibang mga volunteers na tumutulong talaga at gumagabay doon sa mga motorista at saka doon rin sa mga commuters kung saan nga ba sila sasakay.
10:05Kaya makikita natin na kahit umuulan ay tuloy-tuloy ang ginagawa nilang servisyo sa publiko, ma'am.
10:11Maraming salamat at ingat kayo dyan, Katrina Son.
10:13Sa puntong ito, makakausap naman natin si Marikina Mayor Maan Chodoro.
10:19Mayor Chodoro, magandang gabi po. Si Ma'am po ito sa saksi.
10:22Yes, hello. Magandang gabi, Ma'am.
10:25Mayor, patuloy po ang pagtaas ng tubig sa Marikina River malapit ng mag-18 meters.
10:30Kamusta po yung paghahanda ng LGU natin para sa posibleng forced evacuation ng mga residente pong maapektuhan, Mayor?
10:36Thank you, Ma'am. As we speak, the third alarm has been raised at around 10 o 8 p.m.
10:46Ang totoo, ang mga taga Marikina po ay kanina pa, nung mag-16-17 meters, ay nagpre-preemptive evacuation.
10:56Saka na, we have a total of 3,344 families na nagsustain na sa mga evacuation centers natin.
11:07Opo. Mayor, wala namang pong naging mga aberya kasi po, di ba, karaniwan merong mga residente yung ayaw umalis, ayaw iwan po yung mga bahay nila, Mayor?
11:15Ang totoo, siguro we've learned in our past experiences dahil meron namang mga bagyo na rin o mga habagat na nakaranas kami ng ganito kalakas at tumaas ng hanggang 18 o higit pa yung ating ilog.
11:32Natuto na rin po kami dito sa Marikina na responsible kami may sarili ng pusa sa pagpunta sa mga evacuation centers para sa aming siguridad na rin.
11:42Kaya, wala namang naging untoward problems, paghikayat sa ating mga kababayan.
11:50Mayor, nakahanda naman po yung mga evacuation centers natin. Ilan po ba yung nakahanda po sa buong lungsod?
11:56Yes. Handa naman tayo. Ang total evacuation centers natin is 36. Pero sa ngayon, ang nakabukas ay 25 evacuation centers.
12:07So, kung sa akin mang dumami pa ang mga magbidesisyon na pumunta, lalo na ngayon, forced evacuation na tayo doon sa mga low-lying areas,
12:17ay pwede pa silang tanggapin sa mga evacuation centers natin. At meron pa ang mga nakaabang na pwedeng buksan na mga evacuation centers.
12:25Mayor, ngayon nga po na nag-third alarm na tayo. Nasa ilang pamilya ho ang inaasahan natin na mag-evacuate?
12:31In the past, right now, meron kaming 16,000 individuals. In the past, forced evacuation, nasa 30,000 ang pumunta sa mga evacuation centers.
12:47Opo, marami-ramay yung pamilya. Mayor, sapat po ba yung mundo? Opo, para po sa disaster response?
12:53Masa ngayon, sapat naman. Pero of course, tayo kapag ganitong merong takuna o meron tayong disaster na kinakaharap,
13:02kailangan natin ng pagtutulungan, hindi lang ng gobyerno, pero ng pribadong mga ahensa o kaya ng mga pribadong tao.
13:11Kung gusto nilang mag-donate sa ating mga evacuation centers, bukas po ito para sa kanina.
13:18Mayor, kanino ho makikipag-ugnayan kung meron nga hong gustong mag-donate at ano ho ba yung mga pangunahing pangangailangan sa evacuation centers natin, Mayor?
13:27O, right now kasi ang immediate need is food. Talagang dahil yung mga tao pumunta na lang dito, wala sila talagang dalang pagkain, hot meals, wala silang dalang ganon.
13:39Medyo malaki yung volume or malaki yung dami ng mga tao na naririto. So, medyo mahirap siyang pakainin lahat.
13:47Pero unti-unti naman, we're trying our best na supply yung hot meals sa kanila.
13:52Basically, ngayon yun ang kailangan nila eh, mga hot meals talaga.
13:58Opo. Mayor, sa huling monitoring po ng LGU, saan po pinaka mataas ang baha?
14:04Ah, right now, mataas ang baha natin sa areas ng Malanday, Kumana, and Nangka.
14:13Hanggang saan po itong mayor? Opo.
14:15Merong areas na hanggang bewang.
14:18Opo. Mayor, kung sakali po ngayong gabi ay meron pang residente na hihiling po na magpa-rescue,
14:25saan po sila makikipang ugnayan at meron po po bang makakalabas?
14:28Given nga po na madilim na at umuulan pa rin po sa labas, Mayor.
14:32Actually, ngayon, Mav, our preposition, the rescue boats, are still in place sa mga low-lying areas.
14:41Meron din tayong inabang na mga sasakyan para maghatid sa kanila sa mga evacuation centers.
14:49They can call our hotline, 161, pati yung police hotline natin.
14:54Pwede rin na lang tawagan.
14:55And then, they can also message the PIO page.
14:58Pwede na lang i-private message yung PIO.
15:01We're doing this round the clock.
15:03Gising naman kami hanggat merong mga residente na gustong magpa-rescue, gagawin po natin.
15:09Mayor, wala naman yung problema sa kuryente po at sa cellphone service po dito sa Marikina City ngayon, Mayor?
15:16So far, okay naman siya. Okay naman ang kuryente at cellphone service.
15:21Alright, maraming salamat po sa panahon. Yan po si Marikina Mayor Maan Shodoro.
15:27Salamat, Hal.
15:29Kaninang tanghali, maraming residente ng Marikina ang lumikas nang ideklarang nasa ikalawang alarma na ang ilog.
15:36Saksi si Marie Zumali.
15:39Patuloy ang mga pagulan kaya umapaw na ang tubig sa Marikina River.
15:45Umabot na hanggang sa katabing kalsada.
15:48Mag-alas dos ng hapon nang ideklara ang ikalawang alarma sa Marikina River.
15:53Agad na lumikas ang mga nakatira sa tabing ilog, pati na sa mabababang parte ng Marikina.
15:58Bit-bit ang isang buwang gulang na sanggol.
16:01Lumikas ang pamilyang ito at nagtungo sa H. Bautista Elementary School.
16:04May nakaka-anong po, bahala po yung baha.
16:08Nakaka-trauma po kasi.
16:09Lalo na po ngayon, may mga anak na po kami.
16:12Lagpas ano po kasi dati, lagpas tao po.
16:15May nakalaang mga kwarto sa eskwelahan para sa mga senior citizen,
16:19lactating mother o nagpapasusong ina, pati na rin mga buntis.
16:23Ang ginang na bagong opera lang sa matres, lumikas na rin.
16:26Ikaw operak lang, tradies pa lang, bukundoy.
16:30Ano kami doon, natrap sa loob na bahay.
16:33Ayaw ko nang maulit-ulit.
16:35Ginawa na rin soup kitchen ang isa sa mga kwarto para rito na iluto ang ipapakain sa mga inilikas.
16:41May pamamahagi rin kit na may banig at kumot.
16:44As of 4pm, nasa 1,637 na individual o 346 na pamilya na ang inilikas sa iba't ibang evacuation centers sa Marikina.
16:53Pre-emptive naman as we've talked with mga tao dito sa evacuation centers.
16:58Wala pa naman baha sa kanilang mga areas pero gusto nilang mag-ingat at maghanda.
17:04Mabilis ding umapawan tubig sa ilang estero kaya umabot ng hanggang gutter deep ang baha sa ilang kalsada
17:10gaya sa barangay Santa Elena, ang itinuturong sanhe ang sangkatutak na basura.
17:15Inexcavate natin yung mga nakukuha nating mga trash, mga debris.
17:20Ang totoo, ito ay dahil interconnected tayo.
17:24Yung creeks coming from upstream, sa may Rizal Park, dito dumadaloy kaya nakikita natin yung mga basura talaga na iipon.
17:35Halos mapuno ng mga nakolektang basura ang isang truck bukod pa sa mga nakuha sa ibang mga estero.
17:41Dahil sa patuloy na pagulan, sinuspindi na ang klase sa lungsod ngayong araw hanggang bukas.
17:46Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyo. Saksi!
17:51Samantala, ito naman po ay live nakuha na sa Marikina River.
17:55Umakyat na sa 17.9 meters ang level ng tubig doon.
18:00Sa kuha sa bahagi ng Santo Niño Water Level, makikitang mabilis pa rin ang agos ng tubig.
18:05Nananatiling nakataas ang second alarm ayon sa Marikina City Rescue 161.
18:10Nakapaskil din ang mga numero para sa kanilang emergency hotline.
18:13Kapag umabot na sa 18 meters ang tubig o sa third alarm, magpapatupad na ng mandatory evacuation ang mga otoridad.
18:23Rumagasa ang baha papasok ng isang bahay sa bahagi ng C3 Caloocan City bandang alas 7.30 ngayong gabi.
18:30Sa kuha ni U-scooper Nikki Galvan, makikitang nalubog na sa tubig ang ilan nilang gamit.
18:36Nagdulot naman ang matinding trapiko sa bahagi ng Commonwealth ang mataas na baha.
18:41Kuha yan alas 7 ngayong gabi.
18:43Alas 11 pa lang kaninang umaga, abot-bewang na ang baha sa bahagi ng General Luis sa Novaliches, Quezon City.
18:51Napilitang lumusong ang ilang estudyante.
18:54Abot-bewang din ang baha kaninang tanghali sa bahagi ng Paso de Blas sa Valenzuela City.
19:00Ayon kay U-scooper Regine Puno sa Sota, maraming sasakyan ang tumirik at maging siya ay hindi na nakapasok sa trabaho.
19:07Sa Pasay City naman, hindi nagpatinag sa malakas na ulan ang U-scooper na si Armando Mortejo.
19:14Nakadalo pa siya sa graduation ceremony na ginanap sa Pasay City kaninang umaga.
19:18Sa gitna ng walang humpay na pagulan, umabot na sa full supply level o 135 meters ang tubig sa Wawada ngayong araw,
19:28base sa social media post ni Rizal Governor Nina Inares.
19:32Dahil dito, tuloy-tuloy ang pag-apaw ng tubig mula sa dam.
19:36Ayon kay Rodriguez Rizal Mayor Ronnie Evangelista, magsasagawa sila ng fourth evacuation kung hindi pa bumuti ang lagay ng panahon.
19:44Naka-red alert din ang lungsod ng Pasig.
19:48Umapaw na rin ang lame sa dam na maaari pang magpabaha sa mga barangay na apektado ng Tulyahan River.
19:54Ayon sa MMDA, tuloy-tuloy ang operasyon ng 71 nilang pumping stations.
19:59Dahil sa high tide, 25 barangay sa Makabebe, Pampanga ang lubog sa baha.
20:06Sanay na raw ang mga residente.
20:08Kaya karamihan sa kanila, ayaw ng lumikas.
20:10Saksi live si Nico Wahe.
20:12Nico!
20:17Mab, abot baywang na bahang na may merwisyo ngayon dito sa barangay sa Plad David sa Makabebe, Pampanga.
20:23Pero ang masakla pa, itong tubig baha dito ay hindi lang pala ngayong masamaang panahon.
20:28Kundi, mag-iisang taon na.
20:35Sa gitna ng dilim, kasabay ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlak,
20:40binaybay namin ang kalsadang ito na mistulan ng ilog sa Makabebe, Pampanga.
20:44Iyan ay para marating ang barangay sa Plad David, ang pinakalubog na barangay sa Makabebe.
20:50Mga kapuso, pasado alas 8 na ng gabi at sakay tayo ng bangka na walang katig at papasok tayo doon sa barangay sa Plad David na ang pinakabahaang lugar dito sa barangay Makabebe.
21:04Ayon sa MDRRMO, nasa bandang baywang na yung tubig dito sa barangay sa Plad David.
21:11At titignan natin ang sitwasyon nila na ayon sa kanilang kapitan, ang tubig sa kanilang barangay, lalo na sa kalsada, ay tumatagal ng hanggang isang taon.
21:21Ang mga residente, sawa na raw sa ganitong sitwasyon.
21:25Sobrang hirap po yung mga ano namin, puro alipungana.
21:29Si Casey, safety ng mga anak ang inuna, matapos pumasok na ng tubig sa kanilang bahay.
21:35Lilipat po kami kay nanay. Lubog po, wala na kaming matulugan.
21:41Ayon sa kapitan ng barangay, noong January 9 po, huling nawala ng tubig sa kanilang barangay.
21:46Yung tubig namin dito sa daan namin, mag-iisang taon na yan.
21:51Patatag-tagal nila.
21:52Ang mga pag-aupo, pag gumalan na ganyan, pag may bagyo, lumalaki, lumalaki. Sa amin pumupunta yung tubig.
21:58Sa ngayon, walong pamilya na ang inilikas nila. Maraming residente ang piniling manatili na lang sa bahay dahil sanay na.
22:05Sa katabing barangay Takasan, nauna na namin pinuntahan, baharin.
22:09Nakabangka na ang ilang residente. Pinasok na rin ang tubig ang ilang bahay.
22:13Pero marami sa mga residente ay hindi na lumilikas.
22:17Sanay na po kami. Sa ganito.
22:20Ayun po, nagkataas na mga gamit.
22:23May ilang residente naman inunang asikasuhin ng kabuhayan. Gaya ni Eddie.
22:28Ayun po, yung mga pispan na lang ang nilalambatan.
22:33Lumalabas yung mga pakawalang tilapya at saka hipon.
22:38Ang ibang tilapya, inuwi na lang nila para may maulam.
22:41Unang-unang po, we are atro lang yung town po.
22:47Saan po, saan po, saan po kami na Pampanga.
22:50Kasama po natin yung bayan ng Masanto, Latsaswa.
22:54So, kami po, parisakan na hong took from the Pampanga River Bird Basin.
23:01Ah, using the Pampanga River as the pain, ah, 3 days, ah, papunta ang daagat.
23:08Sanay na raw ang mga taga rito. Kaya hindi lahat, gustong lumilikas.
23:1271 individual ang piniling lumikas sa ngayon.
23:15Pero handa raw ang LGU sakaling may kailangang ilikas.
23:19Sa barangay Santa Maria sa bayan ng Minalin, lubog na ang kalsada.
23:23Maging ang elementary school ng Santa Maria, binhana rin.
23:26Ang barangay San Isidro, hanggang tuhod na rin ang tubig.
23:29May ilang bahay nga na pinasok na rin.
23:35Ma'am, bumalik na kami dito sa barangay Takasan,
23:39kusan mas mababa yung tubig.
23:40At hindi na rin kasi makapasok doon gaano yung sasakyan sa barangay sa Vlad David.
23:45At ngayon, malakas pa rin yung ulan.
23:47Mula pa kanilang 5.30 ng hapon, consistent niyang ganyang kalakas.
23:50Kaya yung ilog na nasa aking likuran ay punong-punong na rin at halos kapantay na nung kalsada.
23:56Ito nga ang tinatayuan namin ay punong-punong na rin ng tubig.
24:00Live mula rito sa Makabebe Pampanga para sa GMA Integrated News,
24:04ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
24:07Nico, sa ngayon ano, kasi sabi mo na merong mga pamilya na ayaw nang lumikas
24:12dahil nga sanay na raw sila nabaha.
24:14Pero paano yung consideration dito ng lokal na pamahalaan?
24:17Dahil kung may mapahamak sa kanila, sino naman ang sasagot doon, Nico?
24:26Makausap nga natin yung MDRRMO kanina nitong Makabebe Pampanga.
24:31Ang lagi nalang sinasabi ay resilient naman daw itong mga kababayan natin.
24:36Pero ang sinasabi naman nila, handa naman daw sila sakaling man na may magpalikas dito sa kanilang mga kababayan.
24:43At may kanya-kanya na raw silang protokol, kumbaga bawat barangay may sarili ng protokol
24:48sakali man na hindi na talaga tayanin itong taas ng tubig sa kanilang mga bayan.
24:55Nico, kamusta naman yung lagay sa mga evacuation center ngayon?
24:58Meron bang mga pangunahin na pangangailangan yung mga lumikas na residente, Nico?
25:02Ma'am, kanina sa pagtatanong natin doon sa MDRRMO ay kabibigay lang daw nung DSWD sa kanila
25:13nung mga kakailanganin nila mga food packs.
25:16Sa ngayon, kung sakaling man daw na may magbibigay ng tulong,
25:20handa rin sila itong tanggapin lalong sumasama itong panahon.
25:24Ma'am.
25:25Maraming salamat at ingat kayo dyan.
25:27Nico Wahe.
25:28Binaharin ang Commonwealth Avenue at Araneta Avenue sa Quezon City.
25:34Ang ilang estudyanteng pa-uwi naglakad na sa baha.
25:37Saksi si Chino Gaston.
25:42Tanghaling ng datlan namin ang mga estudyanteng ito
25:45na hindi makatawid sa lalim ng tubig sa bahaging ito ng Araneta Avenue.
25:50Nasa klase raw sila nang inanunsyong suspendido na ang pasok.
25:54Pero paano na lang daw sila uuwi?
25:56Dahil kahit jeep, hindi na makadaan sa bahang kalsada.
26:00Hindi po makadaan dati ba?
26:02Ah, saan ka ba uwi?
26:03Sa talon po.
26:04Hindi ka ba maglalakad na lang daw?
26:06Hindi po, may sulot po kami.
26:07Yung nag-suspended po kasi nyo, nung ano na, pauwi na po kami.
26:11Last subject na po yun.
26:13Tapos doon na po, ano, nalaman namin na baha na rin dito.
26:17So paano ka makakauwi?
26:19Hindi ko po alam.
26:20Ang baha sa kalsada, kasabay ng pagtaas ng creek malapit dito na halos umapaw na sa tulay.
26:27Kalaunan, napilitang maglakad sa baha ang mga estudyante.
26:31Ang ilang kaanak, kinarga sa likod ang ganilang mga sinusundo.
26:35At kung maingat ang mga estudyante sa maruming tubig at naglulutangang basura,
26:39ang ilang mga bata, hindi alintana ang panganib at ginawang swimming pool ang kalsada.
26:45Nagdulot ng traffic sa mga katabing kalsada ang baha dahil hindi madaanan ang magkabilang lane ng isang bahagi ng Araneta Avenue.
26:54Pero may mga ilang sasakyang nagpumilit gaya ng puting van na ito.
26:59Sa isang bahagi naman ng Santo Domingo Street, mataas din ang baha at hindi makadaan ang mga sasakyan.
27:06Sa Commonwealth Avenue, baha rin ang idinulot ng malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
27:10Sobrang baha.
27:11Partikular na nalubog, sa tubig ang bahagi ng southbound lane paglagpas ng Doña Garment at Don Fabian sa bandang Fairview.
27:20Sa video, nakuha ng isang residente.
27:23Sa inner lane lang nagtangkang dumaan ang mga sasakyan.
27:27Lalo't galing sa kabilang gilid ang dumadaloy na tubig.
27:31Pero tumirik ang ilang motosiklo kaya itinulak na lang ng kanilang rider.
27:35Ayon sa uploader ay hanggang tuhod niya na ang baha.
27:40Bumigat tuloy ang trapiko sa Commonwealth Avenue.
27:43Halos walang galawan ang mga sasakyan.
27:45Bigo ang maraming motorista na makadaan sa mga bahang parte ng kalsada.
27:50May ilang bahagi ng Commonwealth na gutter deep ang baha.
27:53But as the GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
27:56Nasagi pang isang bata matapos anurin ng rumaragas ang baha kaninang umaga sa Batasan Health Schedule City.
28:06Tumatakbo ang bata sa gilid ng kalsada nang biglasang tangayin ng tubig at lumusok sa butas ng ginagawang kalsada.
28:13Agad siyang sinunda ng kanyang ama.
28:16Sa isang bahagi na ng ginagawang drainage na harang at naiangat ang bata.
28:20Samantala, walang pasok bukas, July 22, sa lahat ng antasa pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila,
28:28Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, gayon din sa Batangas, Rizal, Pangasinan, Tarlac, Occidental Mindoro, pati na rin sa Laguna.
28:40Tumaas ng level ang ilog sa Laurel, Batangas dahil sa pag-uulan.
28:47Abot-baywang na baha naman ang naranasan sa Cainta Rizal.
28:50Saksi si Ian Cruz.
28:55Hanggang hita ang baha sa Barangay San Isidro.
28:58Dito sa Cainta Rizal, marami ang napilitang lumusong.
29:02Gaya ng estudyanteng ito na ipinasya ng maglakad dahil patuloy ang pagtaas ng tubig.
29:07Hindi na raw niya mahihintay ang naantalang sundok.
29:11Hanggang paalam po, tapos biglang naging tuhod, tapos ngayon hita, malapit na pong magbewang.
29:18Ang senior citizen naman na ito at kanyang kasama, napilitang lumusong kahit pa kagagaling lang sa dialysis session sa Quezon City.
29:27Sanay na raw sila sa baha pero sana raw.
29:29Ano ba dapat gabi ng gobyerno dapat na ginagawa na nila noon pa?
29:32Yung flood control, ewan ko wala naman nag...
29:35Nagagawa?
29:37Oo, matagal na yun, e.
29:39Dahil sa walang tigil na ulan, naghahanda na ang mga residente sakaling mas tumaas pa ang tubig.
29:45Pagtataas na hulungan dito, may sukatang kami.
29:49Ngayon na hulungan kami lilikas.
29:52Kasama sa nalubog ang gusali ng DepEd Calabar Zone.
29:56Alauna ng hapon, wala nang pasok ang gobyerno pero lagpas alas 4 na, mayroon pa rin nananatili sa mga gusali.
30:03Ayon sa kainta MBRRMO hotline, nagbigay sila ng transportasyon kanina sa mga stranded na mga sodyante, guro at iba pang residente.
30:12Sa kahabaan ng Felix Avenue, masigipang daloy ng trapiko.
30:16Sa mga gilid ng kalsada, marami kasi ang nakaparad ng sasakyan na galing sa mga mabababang komunidad ng kainta at katabing Pasig City.
30:24Sa Vista Verde subdivision, marami ang napilitang lumusong sa baha.
30:29Ayon sa mga tao, hanggang bewang nila ang baha at tumataas pa.
30:33Ang iba, nagbangka na palabas ng komunidad.
30:36Ang iba naman, handang magbayad ng 100 pesos sa kainang pedicab na hinihila ng dalawang lalaki sa baha.
30:49Wala na kasing tricycle na bumabiyahe. Kaya ito na lang, saka yung bangka.
30:56Ang iba, kasama pa sa mini pool, nagginawang bangka ang mga fur babies para makalikas.
31:02Pati ang lumang bathtub, hinamit na rin na bangka para makapaghatid ng mga pauwi sa bahay.
31:09Apektado rin ang masamang panahon ng Laurel, Batangas.
31:12May mga pagkakataong hindi madaanan ng sasakyan ng spillway dahil sa pagtasang tubig sa ilog.
31:17Ang daanan lang sa kabila, kaso nga lang si Rabin.
31:20Sigurado, hindi humapalampas na mga yan. Antay na humunang humupa. Arama ka daan.
31:26Pero ang ilang residente, para lang makauwi, ay napilitang tumawid sa umapaw ng spillway.
31:31Medyo malakas na nga Agos. Kaya naman. Pero ang kakangasasakyan di kaya.
31:35May umapaw din creek. Umagos din ang tubig na may halong lupa sa kalsada na lumikha ng konting baha.
31:42Pero bago pa man mangyari ito, nagsagawa na ng preemptive evacuation ang lokal ng pamahalaan.
31:49Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
31:54Dahil sa tuloy-tuloy na pagulan, lubog sa baha ang malaking bahagi ng Kamanava.
31:59Saksi si Mark Salazar.
32:01Tanghali ng biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan sa Kamanava area.
32:09Naka-orange rainfall warning na noon ng Metro Manila.
32:12Mga kalahating oras lang na tuloy-tuloy na pagulan,
32:16bumubulwak na ang mga kanal dahil hindi kinakaya ng drainage system ang tubig ulan.
32:21Biglaan din kung tumaas ang tubig ng San Juan River, kaya may pagkakataong nagkukumahog sa pag-evacuate ang komunidad sa gilid ng Dario Bridge sa Quezon City.
32:31Kabilang sa inilikas kanina ang bedridden at stroke patient na ito na may tubo pa sa ilong.
32:38Sa maghapon, tumukod ang traffic sa dami ng kaling lubog sa baha, lalo na ang EDSA Balintawak sa Quezon City.
32:49At sa C4 Road sa Malabon.
32:53Ilang mga estudyante ng Kaluokan ang nahirapan sa pag-uwi galing sa morning shift.
32:59Meron din namang mga estudyante na nag-enjoy pa.
33:01Tila mas laro talaga ang nakikita ng mga bata sa baha kesa panganib lang kung ano-anong sakit.
33:24Akala mo nga resort itong P. Aquino Avenue sa Malabon sa dami ng batang naglalangoy sa baha.
33:31Sa maghapong uulan, titila, uulan, hindi na bumaba ang baha na may kasamang tubig dagat sa paligid ng Malabon City Hall, lalo na sa Malabon Central Market.
34:01Ang motor dito baka mga trap sa labas eh.
34:03Pasado alas tres ng hapon, ganito naman ang eksena sa MacArthur Highway.
34:08Malalaking sasakyan lang ang nakakatawid sa bahang umabot hanggang tuhod.
34:13May mga motor na tumirik, kaya ang ibang rider tinawid ang baha nang nakapatay ang makina ng motor.
34:19Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
34:28Maging ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao, nakaranas din ang masungit na panahon.
34:33Saksi si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
34:36Nagkandahulog sa dagat ang ilang bahay kasunod ng paghampas na malalakas na alon sa barangay Tubig Tana sa bungao tawi-tawi nitong linggo ng madaling arawan.
34:50Sampung bahay ang naiulat na nasira.
34:53Bago pa man yan mangyari, ay lumikas na sa isang paaralan ang mga residente.
34:58Hinahatira na sila ng pagkain at iba pang tulong ng LGU.
35:01Winasak at itinumba naman ng malalakas na hangin ang ilang bahay sa barangay Tasiman sa Lake Cebu, South Cotabato.
35:08Ayon sa kanilang barangay sekretary, natuklap ang hubong ng tatlong silid aralan.
35:13Pinadapa rin ang hangin ang mga puno ng saging.
35:16Isandaang libong piso ang inisyal na halaga ng mga naitalang pinsala.
35:20May paguho naman sa bundok sa tabi ng National Highway sa barangay Pansud-Lebaca-Sultan-Kudarat.
35:26Humambalang sa kalsada ang ilang puno at ibri,
35:29kaya stranded ang ilang sasakyan.
35:32Pinag-iingat ang mga motorista dahil kahit mas maayos na ang panahon doon,
35:36posibleng magka-landslide pa dahil sa ilang araw na pag-uulan.
35:40Sa Illula City, sasakyan man o tao,
35:43napipilitang lumusong sa mataas pa rin ba sa ilang kalsada.
35:47Pero may mga ayaw ng tumuloy.
35:48Sa tabi ng Dungon Creek sa barangay Kalubihan, may baha pa rin sa loob ng ilang bahay.
36:00Sa datos ng Illula City Disaster Risk Reduction and Management Office,
36:04may gitisang libo ang nasa evacuation centers dahil sa pagbaha.
36:09Labinwalong bahay naman ang nasira bonsod ng malalakas na hangin.
36:12Sa katotag, 70 pa siya.
36:15Intinuyo sa nga to na pag-manage ako yung centers,
36:18pag-upain sa pagbaha pa rin sa ilang kalsada sa bayan ng Leganesa.
36:24Nag-iwan ng putik ang humupang baha sa ilang paaralan.
36:27Base sa datos ng NDRRMC,
36:30mahigit 400 libo ang apektado ng pananalasan ng habagat
36:34at bagyong krising sa buong bansa.
36:36Isa, ang naitalang nasawi sa Surigao matapos tamaan ng bumagsak na puno.
36:41Binibiripi ka pa kung may kinalaman din sa bagyo at habagat
36:44ang apat pang naitalang nasawi sa iba't ibang lugar.
36:48Para sa GMA Integrated News, ako si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
36:53Ang inyong saksi.
36:56Dalawang low-pressure area na ang minomonitor ngayon
36:58sa loob ng Philippine Area of Responsibility,
37:01kasabay ang patuloy na pag-iral ng habagat.
37:04Ang unang LPA ay nabuo kagabi
37:06at huling namataan 1,200 kilometers silangan ng Infanta Quezon.
37:11Nabuo naman kaninang hapo ng isa pang LPA
37:13na nasa 425 kilometers silangan ng Kalayan, Cagayan.
37:18Makakaapekto na yung trough nito sa Cagayan Valley.
37:21Ayon sa pag-asa, posibleng mag-merge o mag-sanib ang dalawang LPA.
37:25At kapag naging isa na lang, ay may tsyansang mabuo bilang bagyo.
37:29Sakaling matuluyan, papangalanan itong Bagyong Dante.
37:33Sa ngayon, nakikita ng pag-asa na paangat ang magiging galaw nito
37:36sa mga susunod na araw.
37:38Hindi inaasahang tatama sa Pilipinas
37:41at posibleng tumbukin ang bahagi ng Taiwan.
37:44Pwede pang magkaroon ng pagbabago,
37:45kaya tutok lang po sa updates.
37:48Sa ngayon, dahil sa dalawang LPA,
37:50tuloy-tuloy ang pag-iral ng habagat
37:51at yan pa rin ang dahila ng maulang panahon.
37:54Bukas, umaga pa lang,
37:56ay may ulan na sa Luzon,
37:57lalo sa western sections pati sa Bicol region.
38:00Simula tanghali at hapon,
38:02halos buong Luzon ang uulanin
38:04at may malalakas na buhos pa rin.
38:05Ang Metro Manila, maaga pa lang ay posibleng ng ulanin.
38:09Mauulit yan sa hapon at malawakan ng ulan.
38:13Pwedeng magtuloy-tuloy rin yan sa gabi.
38:15Sa mga kapuso naman natin sa Visayas at Mindanao,
38:18may mga kalat-kalat na ulan
38:19sa western at eastern Visayas sa umaga.
38:22Magtutuloy-tuloy sa hapon,
38:24pero meron na rin sa ilang bahagi ng central Visayas
38:27at ilang bahagi ng Mindanao.
38:29Ang maulap at maulang panahon,
38:31posibleng magtagal pa sa halos buong linggo.
38:34Nakaranas din ng malalakas na ulan at hangin ang Hong Kong
38:38na epekto ng bagyong kriseng
38:40na may international name na Typhoon Wifa.
38:43Sa pahayag ng Hong Kong government,
38:45halos limang daang puno
38:46ang naitalang bumagsak sa lakas ng hangin.
38:49Mahigit dalawang daang residente naman
38:51ang napilitang lumikas.
38:53Kahapon, itinaas sa T10 category
38:55o Most Extreme Level
38:56ang bagyo sa Hong Kong.
38:58Pero kalaunay ibinabarin ito
38:59sa Typhoon Warning No. 3.
39:01Kahugnay ng malawakang pagbaha sa Valenzuela,
39:05balikan natin si Mayor West Gachalian.
39:08Mayor, si Mav po sa Saksi.
39:09Kamusta po yung bahas sa lungsod ngayon, Mayor?
39:12Well, Mav, hindi masyadong okay.
39:15So, out of 33 barangais,
39:1724 po ay affected na ngayon.
39:20And we opened at least
39:2235 evacuation centers po
39:25ang aming minamanage right now.
39:28So, ang nangyari kasi, Mav,
39:30very isolated.
39:32Ang daming pocket areas
39:33na sabay-sabay pong bumaha.
39:36At pati po yung MacArthur Highway namin,
39:39may mga certain areas pa rin
39:40na hindi possible.
39:42Pagbanda naman dito sa Enlex,
39:44Northbound,
39:45ang Paso de Blas exit po namin,
39:48entrance and exit po,
39:49which is the Valenzuela exit,
39:51ay naka-shutdown na rin po
39:53at mataas pa rin po ang tubig.
39:56Mayor, kaugnay nga po
39:57nung mga isinarang bahagi ng Enlex
39:59na nasa area po ng Valenzuela,
40:02ay meron po bang mga nag-bottleneck
40:03na sasakyan doon?
40:04Meron po bang assistance
40:05na ibinibigay ang LGU
40:07kagaya po ng enforcers, Mayor?
40:09Well, right lang po,
40:11ang buong kahabaan po ng Enlex
40:13na sa harap ako ng PCTV ngayon,
40:15ang buong kahabaan po ng Enlex
40:17mula po Balintawang
40:19at Skyway ramp po
40:20pababa po ng,
40:21before Balintawang,
40:22ay lahat po ito
40:24ay hindi na ko gumagalaw,
40:26nag-stand deal na po.
40:28At pati po yung exit po namin
40:30ay hindi na ko nila inaalaw
40:31na pumasok at lumabas.
40:35So, right now po,
40:37ang LGU po ay focus po
40:38sa rescue efforts namin
40:40dahil ang dami pong
40:41tumatawag po sa amin
40:43for rescue
40:44at ang exit po ng Enlex
40:46ang nagmaman po yan
40:47ay enforcers po ng Enlex.
40:50Opo.
40:51Mayor,
40:51ngayon nga po kasi
40:52madilim na dahil gabi na
40:53at malakas pa rin po yung ulan.
40:55Paano nga po
40:55kung meron pang mga hihiling
40:57na magpa-rescue?
40:58Kaya pa po ba silang
40:58puntahan ng LGU, Mayor?
41:00Well,
41:01pinakaya po namin
41:02together with BFP
41:04and National Office
41:06Hespo,
41:07nagtutulong-tulong po kami.
41:08Right now po,
41:09meron kami pinadeploy
41:10na almost 100 na po
41:12na mga rescue teams namin,
41:13amphibian trucks,
41:15mga rescue equipment,
41:16at patuloy po sinasagot rin
41:19na rescue ho namin
41:20at sinasagot yung mga messages
41:22sa Facebook
41:22at sa tumatawag po
41:24sa hotline namin.
41:26So,
41:26as of 9 o'clock p.m.
41:27we already have
41:29609 families
41:32in our
41:3235 evacuation centers
41:35that's totaling to
41:36almost 2,520
41:38individuals po
41:39ang kinahouse ho namin.
41:41So,
41:42pagdating naman po
41:42sa pagliligas,
41:43wala naman pong problema
41:44dahil ang mga kababayan ho namin
41:47sanay sila pumupunta po
41:48sa designated evacuation centers
41:51ho namin.
41:52Maraming salamat po
41:53sa panahon
41:54at ingat po kayo dyan, Mayor.
41:55Okay,
41:56maraming salamat din po.
41:57Yan po si Valenzuela City Mayor
41:59West Gachalian.
42:02Umangat ang itim
42:03at puting usok
42:04habang nasusunog
42:05ang isang ferry boat
42:06sa gitna ng dagat
42:07sa Indonesia.
42:08Hindi bababasa
42:08limang sakay nito
42:09ang nasawi.
42:10May git limang daan
42:11naman ang nakaligtas.
42:13Kabilang ang dalawang
42:13buwang sanggol
42:14na nagkaroon ng tubig
42:15sa kanyang baga.
42:17Stable na ang lagay
42:17ng sanggol sa ospital.
42:19Iniimbisigahan pa
42:20ang sanhi ng sunog.
42:22Ayon sa mga otoridad doon,
42:23mahigit dalawang daang
42:24pasahero
42:25at labing limang crew member lang
42:27ang nakalagay
42:27sa manifest ng ferry boat.
42:31Muntik nang mahulog
42:32ang American singer
42:33na si Katy Perry
42:34habang nasa ere
42:35sakay ng isang prop.
42:37Sa gitna ng kanyang performance,
42:38tila may naputol
42:39at nasira
42:40sa butterfly-shaped prop
42:42kung saan nakasakay
42:43si Katy
42:43habang iniikot
42:44ang mga tao.
42:46Natapos naman niya
42:47ang kanyang performance
42:48at ligtas siyang nakababa.
42:50Nangyari ang insidente
42:51sa kanyang concert
42:51sa San Francisco,
42:52California sa Amerika.
42:56Salamat sa inyong pagsaksi.
42:58Sa ngalan ni Pia Arcangel,
43:00ako po,
43:00si Mav Gonzalez.
43:01para sa mas malaking nisyon
43:03at sa mas malawak
43:04na paglilingkod sa bayan.
43:05Mula sa GMA Integrated News,
43:07ang News Authority
43:08ng Filipino.
43:09Hanggang bukas,
43:10sama-sama tayong magiging
43:11Saksi!
43:17Mga kapuso,
43:19maging una sa Saksi.
43:20Mag-subscribe sa GMA Integrated News
43:22sa YouTube
43:22para sa ibat-ibang balita.
43:24Mag-subscribe sa GMA Integrated News

Recommended