Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nakaranas din ng malalakas na ulan at hangin ang Hong Kong na epekto ng bagyong kriseng na may international name na Typhoon Wifa.
00:08Sa pahayag ng Hong Kong government, halos 500 puno ang naitalang bumagsak sa lakas ng hangin.
00:14Mahigit 200 residente naman ang napilitang lumikas.
00:18Kahapon, itinaas sa T10 category o Most Extreme Level ang bagyo sa Hong Kong.
00:23Pero kalaunay ibinabarin ito sa Typhoon Warning No. 3.
00:27Tumaas ng level ang ilog sa Laurel, Batangas dahil sa pag-uulan.
00:33Abot-baywang na baha naman ang naranasan sa Cainta Rizal, saksi si Ian Cruz.
00:41Hanggang hita ang baha sa barangay San Isidro, dito sa Cainta Rizal.
00:45Marami ang napilitang lumusong, gaya ng estudyanteng ito na ipinasya ng maglakad dahil patuloy ang pagtaas ng tubig.
00:53Hindi na raw niya mahihintay ang naantalang sundo.
00:57Hanggang paalam po, tapos biglang naging tuhod, tapos ngayon hita, malapit na pong magbewang.
01:04Ang senior citizen naman na ito at kanyang kasama, napilitang lumusong kahit pa kagagaling lang sa dialysis session sa Quezon City.
01:13Sanay na raw sila sa baha pero sana raw.
01:15Ano ba dapat gabi ng gobyerno dapat na ginagawa na nila noon pa?
01:18Yung flood control, ewan ko, wala naman nagagawa.
01:23Matagal na yun eh.
01:25Dahil sa walang tigil na ulan, naghahanda na ang mga residente sakaling mas tumaas pa ang tubig.
01:30Pagtaas na hod nga dito, may sukatang kami eh.
01:35Ngayon na hod, hukamililikas.
01:38Kasama sa nalubog ang gusali ng DepEd Calabar Zone.
01:42Alauna ng hapon, wala nang pasok ang gobyerno pero lagpas alas 4 na, mayroon pa rin nananatili sa mga gusali.
01:49Ayon sa kainta MDRRMO hotline, nagbigay sila ng transportasyon kanina sa mga stranded na mga sodyante, guro at iba pang residente.
01:58Sa kahabaan ng Felix Avenue, masigipang daloy ng trapiko.
02:02Sa mga gilid ng kalsada, marami kasi ang nakaparadang sasakyan na galing sa mga mabababang komunidad ng kainta at katabing Pasig City.
02:10Sa Vista Verde Subdivision, marami ang napilitang lumusong sa baha.
02:15Ayon sa mga tao, hanggang bewang nila ang baha at tumataas pa.
02:19Ang iba, nagbangka na palabas ng komunidad.
02:22Hanggang bewang po.
02:24Hanggang bewang. So talagang kailangan na magbangka?
02:27Opo.
02:28Ang iba naman, handang magbayad ng 100 pesos sakay ng pedicab na hinihila ng dalawang lalaki sa baha.
02:35Wala na kasing tricycle eh na bumabiyahe.
02:39Kaya ito na lang.
02:41Tsaka yung bangka.
02:42Ang iba, kasama pa sa mini pool, nagginawang bangka ang mga fur babies para makalikas.
02:48Pati ang lumang bathtub, hinamit na rin na bangka para makapaghatid ng mga pauwi sa bahay.
02:55Apektado rin ang masamang panahon ng Laurel Batanga.
02:58May mga pagkakataong hindi madaanan ng sasakyan ng spillway dahil sa pagtas ng tubig sa ilog.
03:03Madaanan lang sa kabila, kaso nga lang si Rabin.
03:06Sigurado, hindi humapalampas na mga yan.
03:08Antayin na humunang humupa.
03:10Arama ka daan.
03:11Pero ang ilang residente, para lang makauwi, ay napilitang tumawid sa umapaw ng spillway.
03:17Medyo malakas na nga Agos. Kaya naman.
03:19Pero ang kakang sasakyan di kaya.
03:21May umapaw ding creek.
03:23Gumagos din ang tubig na may halong lupa sa kalsada na lumikha ng konting baha.
03:28Pero bago pa man mangyari ito, nagsagawa na ng preemptive evacuation ang lokal ng pamahalaan.
03:34Para sa GMA Integrated News, Akos Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:40Pero wisyo't sakit ng ulo ang idinulot sa mga motorista at commuter ng pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Maynila.
03:47May hatid naman na libreng sakay ang Philippine Navy sa mga stranded.
03:51Saksi Live, si Katrina Son.
03:53Katrina!
03:57Mab, dahil nga sa walang tigil na pag-uula, naging pahirapan na ang pag-uwi ng ilang mga commuter dito sa Maynila.
04:03Ilang mga motorista rin na ang stranded dahil yan sa baha.
04:13Itong sinuong na mga commuter at motorista na pauwi na mula sa kanilang trabaho ngayong gabi.
04:18Pahirapan ang pagsakay.
04:21Punuan kasi ang mang ilang nilang jeep at bus na sumusuong sa abot-tuhod na baha.
04:27Pahirapan man, mag-ano, mag-antay man kasi walang dumadaan na jeep man at mga bus.
04:33Kaya naman may ilang napilitang maglakad para makahanap ng masasakyan.
04:55Hirap din ang mga may dalang sasakyan, may nagtulak ng motor at may ibang pilit na gahanap ng madaraanan sa gilid ng kalsada.
05:05Pahirapan makauwi po sa ngayon.
05:07Kasi dun medyo malalip kaya sinundan ko lang yung kaninang motor.
05:11Eh yun, susubukan ko makadama, katawid.
05:15Malalim eh.
05:17Struggle.
05:18Ang iba naman, hindi na sumugal at nagpa siyang hintayin na lang ang paghupan ng baha para makatulong sa mga commuter na hirap makasakay.
05:27Nag-ikot ang Philippine Navy para magbigay ng libreng sakay.
05:31Hirap na kasi ang ilang mga sasakyan na daanan ng ilang mga kalsada.
05:35Sa Rojas Boulevard, Pio Campo hanggang UN Avenue, dire diretsyo hanggang Calo Street, gutter deep na baha ang nagpabagal sa mga sasakyan.
05:45Sa harap naman ang Manila City Hall hanggang Lotto, apot hanggang tuhod ang baha.
05:50Pagdating naman ang Espanya, baha ang halos buong kalya na ito.
05:54May mga parte rin na lampas tuhod ang baha.
05:57Kaya naman ang ilang mga kapataan dito ginawang parang swimming pool ang lugar.
06:02May ilang mga sasakyan din na nagsibalikan.
06:05Ma'am, sa mga oras naman na ito ay tuloy-tuloy pa rin yung malakas na ulan na nararanasan natin dito sa Espanya, sa Maynila.
06:16Kaya naman yung mga sasakyan na nagdaraan dito, ma'am, talagang humihinto muna sila
06:20at sinecheck muna nila kung kaya nga ba ng kanilang mga sasakyan na dumaan dito.
06:25Dahil patuloy rin, ma'am, ang pagtaas ng baha rito dahil yan sa tuloy-tuloy na pag-uulan.
06:32At live mula dito sa Espanya, sa Maynila, para sa Jimmy International.
06:35Sa Greated News, ako si Katrina Sor na ang inyong saksi.
06:40Katrina, sa nakikita namin ngayon, parang medyo humupa na yung area kung saan ka nakatayo sa Espanya.
06:45Pero yung bang papunta pa sa likod ay mas malalim at hindi talaga madadaanan ng mga light vehicles sa ngayon.
06:52Katrina?
06:56Ma'am, itong lugar, kung nasaan tayo ngayon, ito talaga yung lugar na medyo mababa yung baha.
07:02Doon sa ating likuran, dyan talaga yung daan na hindi nadaraanan ng ibang mga motorista.
07:09Katulad na lamang nung mga nakamotorsiklo.
07:12Ayan, medyo nahihirapan na sila dyan, ma'am.
07:14At saka may area daw dyan, ma'am, na medyo palalim.
07:17Kaya naman, mas nag-iisip yung iba kung daraan ba sila o hindi.
07:20Kasi hindi nga nila sigurado kung gaano kalalim yung ilan sa mga parte dyan, ma'am.
07:26Katrina, sa pag-iikot nyo kanina, meron ba kayong nakita ng mga traffic enforcers naman na gumagabay doon sa mga motorista para hindi na sila pumunta doon sa mga kalsada na lubog nga sa baha?
07:36Katrina?
07:40Yes, ma'am.
07:41May mga nakita tayong traffic enforcers at ibang mga volunteers na tumutulong talaga at gumagabay doon sa mga motorista at saka doon rin sa mga commuters kung saan nga ba sila sasakay.
07:52Kaya makikita natin na kahit umuulan ay tuloy-tuloy ang ginagawa nilang servisyo sa publiko, ma'am.
07:58Maraming salamat at ingat kayo dyan, Katrina Son.
08:01Samantala, walang pasok bukas, July 22, sa lahat ng antasa pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila,
08:08Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, gayon din sa Batangas, Rizal, Pangasinan, Tarlac, Occidental Mindoro, pati na rin sa Laguna.
08:22Dahil sa tuloy-tuloy na pagulan, lubog sa baha ang malaking bahagi ng Kamanaba.
08:27Saksi, si Mark Salazar.
08:31Tanghali nang biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan sa Kamanaba area.
08:36Naka-orange rainfall warning na noon ng Metro Manila.
08:40Mga kalahating oras lang na tuloy-tuloy na pagulan, bumubulwak na ang mga kanal dahil hindi kinakaya ng drainage system ang tubig ulan.
08:49Biglaan din kung tumaas ang tubig ng San Juan River, kaya may pagkakataong nagkukumahog sa pag-evacuate ang komunidad sa gilid ng Dario Bridge sa Quezon City.
08:58Kabilang sa inilikas kanina ang bedridden at stroke patient na ito na may tubo pa sa ilong.
09:06Sa maghapon, tumukod ang traffic sa dami ng kaling lubog sa baha, lalo na ang EDSA Balintawak sa Quezon City.
09:17At sa C4 Road sa Malabon.
09:21Ilang mga estudyante ng Kaluoka nang nahirapan sa pag-uwi galing sa morning shift.
09:26Meron din namang mga estudyante na nag-enjoy pa.
09:29Tila mas laro talaga ang nakikita ng mga bata sa baha kesa panganib lang kung ano-anong sakit.
09:51Akala mo nga resort itong P. Aquino Avenue sa Malabon sa dami ng batang naglalangoy sa baha.
09:58Sa maghapong uulan, titila, uulan, hindi na bumaba ang baha na may kasamang tubig-dagat sa paligid ng Malabon City Hall, lalo na sa Malabon Central Market.
10:11Pasado alas 3 ng hapon, ganito naman ang eksena sa MacArthur Highway.
10:36Malalaking sasakyan lang ang nakakatawin sa bahang umabot hanggang tuhod.
10:41May mga motor na tumirik, kaya ang ibang rider tinawid ang baha nang nakapatay ang makina ng motor.
10:47Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
10:54Kaugnay ng malawakang pagbaha sa Valenzuela, balikan natin si Mayor West Gachalian.
11:01Mayor, si Mav po sa saksi. Kamusta po yung baha sa lungsod ngayon, Mayor?
11:05Well, Mav, hindi masyadong okay.
11:07So, out of 33 barangais, 24 po ay affected na ngayon.
11:12And we opened at least 35 evacuation centers po ang aming minamanage right now.
11:20So, ang nangyari kasi, Mav, very isolated.
11:24Ang daming pocket areas na sabay-sabay pong bumaha.
11:29At pati po yung MacArthur Highway namin, may mga certain areas pa rin na hindi possible.
11:34Pagbanta naman po dito sa Enlex Northbound, ang Paso de Blas exit po namin, entrance and exit po, which is the Valenzuela exit,
11:44ay naka-shutdown na rin po at mataas pa rin po ang tubig.
11:49Mayor, Kaugnay nga po, nung mga isinarang bahagi ng Enlex na nasa area po ng Valenzuela,
11:55ay meron po bang mga nag-bottleneck na sasakyan doon?
11:57Meron po bang assistance na ibinibigay ang LGU kagaya po ng enforcers, Mayor?
12:01Well, right now po, ang buong kahabaan po ng Enlex na sa harap ako ng PCTV ngayon,
12:07ang buong kahabaan po ng Enlex mula po Balintawak at Skyway ramp po pababa before Balintawak,
12:16ay lahat po ito ay hindi na po gumagalaw, nag-stand still na po.
12:20At pati po yung exit ko namin ay hindi na po nila inaalaw na pumasok at lumabas.
12:27So, right now po, ang LGU po ay focus po sa rescue efforts namin dahil ang dami pong tumatawag po sa amin for rescue
12:36at ang exit po ng Enlex, ang nagmaman po yan ay enforcers po ng Enlex.
12:43Opo. Mayor, ngayon nga po kasi madilim na dahil gabi na at malakas pa rin po yung ulan.
12:47Paano nga po kung meron pang mga hihiling na magpa-rescue?
12:50So, kaya pa po ba silang puntahan ng LGU Mayor?
12:53Well, pinakaya po namin together with BFP and National Office Hespo,
12:59nagtutulong-tulong po kami.
13:01Right now po, meron kaming pinadeploy na almost 100 na po na mga rescue teams namin,
13:06ang BBM trucks, mga rescue equipment.
13:09At patuloy po, sinasagot rin ni rescue namin at sinasagot yung mga messages sa Facebook
13:15at sa tumatawag po sa hotline namin.
13:18So, as of 9 o'clock p.m., we already have 609 families in our 35 evacuation centers.
13:28That's totaling to almost 2,520 individuals po ang hinahouse namin.
13:34So, pagdating naman po sa pagdiligas, wala naman po problema
13:37dahil ang mga kababayan namin, sanay sila pumupunta po sa designated evacuation centers namin.
13:45Maraming salamat po sa panahon at ingat po kayo, John Mayor.
13:48Okay, maraming salamat po. Thank you.
13:50Yan po si Valenzuela City Mayor, Wes Gechalian.
13:55Umangat ang nitim at puting usok habang nasusunog ang isang ferry boat sa gitna ng dagat sa Indonesia.
14:00Hindi bababasa limang sakay nito ang nasawi.
14:03Mahigit limang daan naman ang nakaligtas,
14:05kabilang ang dalawang buwang sanggol na nagkaroon ng tubig sa kanyang baga.
14:09Stable na ang lagay ng sanggol sa ospital.
14:12Iniimbisigahan pa ang sanhinang sunog.
14:14Ayon sa mga otoridad doon,
14:16mahigit dalawang daang pasahero at labing limang crew member lang ang nakalagay sa manifest ng ferry boat.
14:22Muntik nang mahulog ang American singer na si Katy Perry habang nasa ere sakay ng isang prop.
14:29Sa gitna ng kanyang performance, tila may naputol at nasira sa butterfly-shaped prop kung saan nakasakay si Katy habang iniikot ang mga tao.
14:38Natapos naman niya ang kanyang performance at ligtas siyang nakababa.
14:42Nangyari ang insidente sa kanyang concert sa San Francisco, California sa Amerika.
14:49Salamat sa inyong pagsaksi.
14:51Sa ngalan ni Pia Arcangel, ako po si Mav Gonzalez.
14:54Para sa mas malaking nisyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan,
14:58mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.