Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa high tide, 25 barangay sa Makabebe, Pampanga ang lubog sa baha.
00:05Sanay na raw ang mga residente, kaya karamihan sa kanila ayaw ng lumikas.
00:10Saksi Live si Nico Wahe.
00:12Nico?
00:16Ma'am, abot baywang na bahang na may merwisyo ngayon dito sa barangay sa Plad David sa Makabebe, Pampanga.
00:23Pero ang masaklap pa, itong tubig baha dito ay hindi lang pala ngayong masama ang panahon.
00:28Kundi, mag-iisang taon na.
00:34Sa gitna ng dilim, kasabay ng malakas na ulan na may kasamang kulug at kidlak,
00:39binaybay namin ang kalsadang ito na mistulan ng ilog sa Makabebe, Pampanga.
00:44Iyan ay para marating ang barangay sa Plad David, ang pinakalubog na barangay sa Makabebe.
00:50Mga kapuso, pasado alas 8 na ng gabi at sakay tayo ng bangka na walang katig
00:56at papasok tayo doon sa barangay sa Plad David na ang pinakabaha ang lugar dito sa barangay Makabebe.
01:04Ayon sa MDRRMO, nasa bandang baywang na yung tubig dito sa barangay sa Plad David.
01:11At titignan natin ang sitwasyon nila na ayon sa kanilang kapitan,
01:14ang tubig sa kanilang barangay, lalo na sa kalsada, ay tumatagal ng hanggang isang taon.
01:20Ang mga residente, sawa na raw sa ganitong sitwasyon.
01:25Sobrang hirap po yung mga ano namin, puro alipungana.
01:27Si Casey, safety ng mga anak ang inuna, matapos pumasok na ng tubig sa kanilang bahay.
01:35Lilipat po kami kay nanay. Lubog po, wala na kaming matulugan.
01:40Ayon sa kapitan ng barangay, noong January 9, pahuling nawala ng tubig sa kanilang barangay.
01:46Yung tubig namin dito sa daan namin, ano na yan eh, mag-iisang taon na yan eh.
01:50Matatagdaga sila.
01:51Ngatapag-aupo, pag gumalan na ganyan, pag may bagyo, lumalaki, lumalaki.
01:56Sa amin pumupunta yung tubig.
01:58Sa ngayon, walong pamilya nang inilikas nila.
02:00Maraming residente ang piniling manatili na lang sa bahay dahil sanay na.
02:05Sa katabing barangay Takasan, nauna na namin pinuntahan, baharin.
02:09Nakabangka na ang ilang residente.
02:11Pinasok na rin ang tubig ang ilang bahay.
02:13Pero marami sa mga residente ay hindi na lumilikas.
02:17Sanay na po kami.
02:19Sa ganito.
02:20Ayun po, nagkataas na mga gamit.
02:23May ilang residente naman inunang asikasuhin ang kabuhayan.
02:26Gaya ni Eddie.
02:28Ayun lang, yung mga pispan na lang ang nilalambatan.
02:32Nilalambatan kasi.
02:33Lumalabas yung mga pakawalang tilapya at saka hipon.
02:38Ang ibang tilapya, inuwi na lang nila para may maulam.
02:41Unang-unang po, we are at ulangig na taon po.
02:46Saan po, saan po, saan po kami na Pampanga.
02:49Kasama po natin yung bayan ng Masanto, Latsaswa.
02:54So kami po, parisakan na tungkol.
02:57From a Pampanga River birth patient, using the Pampanga River as the main drainage, papuntang daagat.
03:08Sanay na raw ang mga taga rito, kaya hindi lahat gustong lumilikas.
03:1271 individual ang piniling lumikas sa ngayon.
03:15Pero handa raw ang LGU sakaling may kailangang ilikas.
03:19Sa barangay Santa Maria sa bayan ng Minalin, lubog na ang kalsada.
03:22Maging ang elementary school ng Santa Maria, binha na rin.
03:26Ang barangay San Isidro, hanggang tuhod na rin ang tubig.
03:29May ilang bahay nga na pinasok na rin.
03:35Ma'am, bumalik na kami dito sa barangay Takasan, kusan mas mababa yung tubig.
03:40At hindi na rin kasi makapasok doon gaano yung sasakyan sa barangay sa Vlad David.
03:45At ngayon, malakas pa rin yung ulan.
03:47Mula pa kanilang 5.30 ng hapon, consistent niyang ganyang kalakas.
03:50Kaya yung ilog na nasa aking likuran ay punong-puno na rin.
03:54At halos kapantay na nung kalsada.
03:56Ito nga ang tinatayuan namin ay punong-puno na rin ng tubig.
03:59Live mula rito sa Makabebe Pampanga para sa GMA Integrated News,
04:04ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
04:07Nico, sa ngayon ano, kasi sabi mo na merong mga pamilya na ayaw nang lumikas
04:11dahil nga sanay na raw sila nabaha.
04:13Pero paano yung consideration dito ng lokal na pamahalaan?
04:17Dahil kung may mapahamak sa kanila, sino naman ang sasagot doon, Nico?
04:26Makausap nga natin yung MDRRMO kanina nitong Makabebe Pampanga.
04:31Ang lagi nalang sinasabi ay resilient naman daw itong mga kababayan natin.
04:35Pero ang sinasabi naman nila, handa naman daw sila sakaling man na may magpalikas
04:40dito sa kanilang mga kababayan.
04:43At may kanya-kanya na raw silang protocol.
04:45Kumbaga, bawat barangay may sarili ng protocol
04:48sakaling man na hindi na talaga kayanin itong taas ng tubig
04:52sa kanilang mga bayan.
04:55Nico, kamusta naman yung lagay sa mga evacuation center ngayon?
04:58Meron bang mga pangunahin na pangangailangan
05:00yung mga lumikas na residente, Nico?
05:02Ma'am, kanina sa pagtatanong natin doon sa MDRRMO
05:10ay kabibigay lang daw nung DSWD sa kanila
05:13nung mga kakailanganin nila mga food packs.
05:16Sa ngayon, kung sakaling man daw na may magbibigay ng tulong,
05:19handa ro sila itong tanggapin lalong sumasama itong panahon.
05:24Ma'am.
05:25Maraming salamat at ingat kayo dyan.
05:27Nico Wahe.
05:27Dalawang low-pressure area na ang minomonitor ngayon
05:32sa loob ng Philippine Area of Responsibility
05:34kasabay ang patuloy na pag-iral ng habagat.
05:37Ang unang LPA ay nabuo kagabi
05:39at huling namataan 1,200 kilometers silangan ng Infanta Quezon.
05:44Nabuo naman kaninang hapo ng isa pang LPA
05:47na nasa 425 kilometers silangan ng Kalayan, Cagayan.
05:51Makakaapekto na yung trough nito sa Cagayan Valley.
05:54Ayon sa pag-asa, posibleng mag-merge o magsanib
05:57ang dalawang LPA
05:58at kapag naging isa na lang
06:00ay may chansang mabuo bilang bagyo.
06:03Sakaling matuluyan,
06:04papangalanan nitong Bagyong Dante.
06:06Sa ngayon, nakikita ng pag-asa
06:08na paangat ang magiging galaw nito
06:10sa mga susunod na araw.
06:12Hindi inaasahang tatama sa Pilipinas
06:14at posibleng tumbukin ang bahagi ng Taiwan.
06:17Pwede pang magkaroon ng pagbabago
06:19kaya tutok lang po sa updates.
06:21Sa ngayon, dahil sa dalawang LPA
06:23tuloy-tuloy ang pag-iral ng habagat
06:25at yan pa rin ang dahila ng maulang panahon.
06:28Bukas, umaga pa lang ay may ulan na sa Luzon,
06:30lalo sa western sections pati sa Bicol region.
06:34Simula tanghali at hapon,
06:35halos buong Luzon ang uulanin
06:37at may malalakas na buhos pa rin.
06:39Ang Metro Manila,
06:41maaga pa lang ay posibleng ng ulanin.
06:43Mauulit yan sa hapon
06:44at malawakan ng ulan.
06:46Pwedeng magtuloy-tuloy rin yan sa gabi.
06:48Sa mga kapuso naman natin sa Visayas at Mindanao,
06:52may mga kalat-kalat na ulan
06:53sa western at eastern Visayas sa umaga.
06:56Magtutuloy-tuloy sa hapon,
06:57pero meron na rin sa ilang bahagi
06:59ng central Visayas
07:00at ilang bahagi ng Mindanao.
07:03Ang maulap at maulang panahon,
07:05posibleng magtagal pa sa halos buong linggo.
07:08Rumagasa ang bahapapasok ng isang bahay
07:10sa bahagi ng C3, Caloocan City,
07:13bandang alas 7.30 ngayong gabi.
07:15Sa kuha ni U-scooper Niki Galvan,
07:18makikitang nalubog na sa tubig
07:19ang ilan nilang gamit.
07:21Nagdulot naman ang matinding trapiko
07:23sa bahagi ng Commonwealth
07:25ang mataas na bahak.
07:26Kuha yan alas 7 ngayong gabi.
07:29Alas 11 pa lang kaninang umaga,
07:31abot-bewang na ang bahak
07:32sa bahagi ng General Luis
07:34sa Novaliches, Quezon City.
07:36Napilitang lumusong ang ilang estudyante.
07:39Abot-bewang din ang bahak
07:40kaninang tanghali
07:42sa bahagi ng Paso de Blas
07:43sa Valenzuela City.
07:45Ayon kay U-scooper Regine Puno
07:47sa Sota,
07:48maraming sasakyan ang tumirik
07:49at maging siya ay hindi na
07:51nakapasok sa trabaho.
07:53Sa Pasay City naman,
07:54hindi nagpatinag sa malakas na ulan
07:57ang U-scooper na si Armando Mortejo.
07:59Nakadalo pa siya sa graduation ceremony
08:01na ginanap sa Pasay City
08:03kaninang umaga.
08:04Sa gitna ng walang humpay na pagulan,
08:07umabot na sa full supply level
08:09o 135 meters ang tubig
08:12sa Wawada ngayong araw
08:13base sa social media post
08:15ni Rizal Governor Nina Inares.
08:17Dahil dito,
08:18tuloy-tuloy ang pag-apaw
08:19ng tubig mula sa dam.
08:21Ayon kay Rodriguez Rizal
08:22Mayor Ronnie Evangelista,
08:24magsasagawa sila
08:25ng fourth evacuation
08:26kung hindi pa bumuti
08:28ang lagay ng panahon.
08:30Naka-red alert din
08:31ang lungsod ng Pasig.
08:33Umapaw na rin ang Lamesa Dam
08:34na maaari pang magpabaha
08:36sa mga barangay
08:37na apektado ng Tulyahan River.
08:39Ayon sa MMDA,
08:41tuloy-tuloy ang operasyon
08:42ng 71 nilang pumping stations.
08:46Nasagi pang isang bata
08:48matapos anurin
08:49ng rumaragasang baha
08:50kaninang umaga
08:51sa Batasan Health Schedule City.
08:53Tumatakbo ang bata
08:54sa gilid ng kalsada
08:55nang digla siyang tangayun
08:57ng tubig
08:57at lumusok sa butas
08:59ng ginagawang kalsada.
09:01Agad siyang sinunda
09:02ng kanyang ama.
09:03Sa isang bahagi na
09:04ng ginagawang drainage
09:05na harang
09:06at naiangat ang bata.
09:09Maging ang ilang lugar
09:10sa Visayas at Mindanao
09:12nakaranas din
09:13ng masungit na panahon.
09:14Saksi si Kim Salinas
09:16ng GMA Regional TV.
09:17Nagkandahulog sa dagat
09:23ang ilang bahay
09:24kasunod ng paghampas
09:25na malalakas na alon
09:26sa barangay Tubig Tana
09:28sa bungao tawi-tawi
09:29nitong linggo
09:30ng madaling araw.
09:31Sampung bahay
09:32ang naiulat na nasira.
09:34Bago pa man yan mangyari
09:35ay lumikas na
09:36sa isang paaralan
09:37ang mga residente.
09:39Hinahatira na sila
09:40ng pagkain
09:40at iba pang tulong
09:41ng LGU.
09:42Winasak at itinumba
09:44naman ng malalakas na hangin
09:45ang ilang bahay
09:46sa barangay Tasiman
09:47sa Lake Cebu,
09:48South Cotabato.
09:49Ayon sa kanilang
09:50barangay sekretary
09:51na tuklap ang hubong
09:52ng tatlong silid aralan.
09:54Pinadapa rin ng hangin
09:55ang mga puno
09:56ng saging.
09:57Isandaang libong piso
09:58ang inisyal na halaga
10:00ng mga naitalang pinsala.
10:01May paguho naman
10:02sa bundok
10:03sa tabi ng National Highway
10:04sa barangay Pansud
10:05Lebaca Sultan Kudarat.
10:08Humambalang sa kalsada
10:09ang ilang puno at ibrie
10:10kaya stranded
10:11ang ilang sasakyan.
10:13Pinag-iingat
10:13ang mga motorista
10:14dahil kahit
10:15mas maayos na
10:16ang panahon doon,
10:17posibleng magka-landslide pa
10:19dahil sa ilang araw
10:20na pag-uulan.
10:21Sa Ililo City,
10:23sasakyan man o tao,
10:24napipilitang lumusong
10:25sa mataas pa rin baha
10:27sa ilang kalsada.
10:28Pero may mga ayaw
10:29ng tumuloy.
10:30May na-deliver lang
10:31ang mga kabilya,
10:31mam.
10:32O, basibla kaya,
10:33mamaw.
10:34Basibla kong malangalang
10:35sasakyan ba.
10:36Sa tabi ng Dungon Creek
10:37sa barangay Kalubihan,
10:39may baha pa rin
10:39sa loob ng ilang bahay.
10:41Sa datos ng
10:42Ililo City Disaster
10:43Risk Reduction
10:44and Management Office,
10:45may gitisang libo
10:46ang nasa evacuation centers
10:48dahil sa pagbaha.
10:50Labinwalong bahay naman
10:51ang nasira
10:51bunsod ng malalakas na hangin.
10:53Sa katotang,
10:54pag-17 pa siya.
10:56Tiniyo sa nga ito
10:57na pag-manage
10:58sa evacuation centers
10:59pag-upayin sa
11:00pag-uulan na dila.
11:01May pagbaha pa rin
11:02sa ilang kalsada
11:03sa bayan ng Leganes.
11:05Nag-iwan ng putik
11:06ang humupang baha
11:07sa ilang paaralan.
11:08Base sa datos
11:09ng NDRMC,
11:11may git-apat na raang libo
11:12ang apektado
11:13ng pananalasan
11:14ng habagat
11:15at bagyong krising
11:16sa buong bansa.
11:17Isa,
11:18ang naitalang nasawi
11:19sa Surigao
11:19matapos tamaan
11:20ng bumagsak na puno.
11:22Bine-benipika pa
11:23kung may kinalaman din
11:24sa bagyo at habagat
11:26ang apat pang naitalang nasawi
11:27sa iba't ibang lugar.
11:29Para sa GMA Integrated News,
11:31ako si Kim Salinas
11:32ng GMA Regional TV.
11:34Ang inyong saksi.
11:35Mga kapuso,
11:38maging una sa saksi.
11:40Mag-subscribe sa GMA Integrated News
11:41sa YouTube
11:42para sa ibat-ibang balita.

Recommended