Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nilaso numano ang mga alagang aso na isang pamilya sa Cavite na sanhin ang pagkamatay ng isa sa mga ito.
00:09Ang itinuturong may sala ang kanilang kapitbahay.
00:13Saksi si Jamie Santos.
00:18Nanginginig at nanlalambot hanggang sa tuluyang bumagsak.
00:22Ganyan ang lagay ng asong si Boboy, nang datnan ng pamilya Kulada, umaga ng April 13.
00:28Ang isa naman nilang alagang si Prince, bigla ring nanginig, bumula ang bibig at nagsuka.
00:35Ang kanilang mga alaga, may nakain daw sa labas ng kanilang bahay.
00:39Nilason daw ang kanilang fur babies.
00:42Bakit nitinan niya ng aso ko? Wala pa kapit. Hindi naman kayo inaanong yan.
00:46Ayon sa pamilya Kulada, base sa nakuhan nilang CCTV footage, kapitbahay umano nila ang may gawa nito.
00:53Bago pa man ang insidente, sinugod na raw sila ng kapitbahay.
00:58The day before po nangyari, merong sugudan sa bahay po namin na nirereklamo nga po si Prince na tinahulan daw po.
01:06Which is nakita daw po ng pamangkin ko bago siya tahulan.
01:09Eh sinuwag yung binugaw niya si Prince.
01:12Kaya siya tinahulan.
01:14Pero hindi po siya sinugod or anything na wala pong kahit anong ginawa si Prince.
01:18Tumahul lang.
01:20Inassure ko po siya na hindi naman po nangagat yan.
01:23Sa footage na ibinahagi nila sa Jemay Integrated News, makikita ang isang taong naglalakad at tila naghagis ng isang bagay sa direksyong kinaruroon na ni Boboy.
01:34Dahil tulog, tilang sandali pa bago niya ito nakain.
01:37Pumanaw si Boboy.
01:39Nakaligtas naman si Prince matapos nitong maisuka ang kinain na kulay asul na pinaniniwala ang may lason.
01:46Pero ang insidente, nag-iwan daw ng matinding trauma sa kanilang alaga.
01:51Ang dating masiyahing si Prince, ngayon'y takot na sa tao.
01:55Para siyang nanginginig pag lalabas or kukunin mo.
02:00Ganun po yung naging ano sa kanya.
02:02Ilag.
02:03Dahil dito, kasamang Philippine Animal Welfare Society, nagsampa sila ng kaso nitong May 20 laban sa itinuturong suspect.
02:11Nung nakita ko yung CCTV, doon na po ko nag-decide na sabi ko mag-file na po ko.
02:17And then nag-usap po sa pamina ng mga kapatid ko po.
02:20Para yung nanay ko syempre, yung sinabit po talaga sa akin na ituloy sa suhan.
02:25Kasi hindi po biro.
02:28Saka pamilya na po si Boboy sa amin.
02:30Kapatid na po yung turing namin.
02:31Saka yan po yung alaala ng tatay namin.
02:35Sobrang masakit po sa amin syempre kasi yun po yung naiiwan sa kanya.
02:39Saka parang actually parang si tatay sa amin.
02:45Yung parang walang pake pero sobra po kaming protektahan talaga nun.
02:49Sinubukan naming puntahan ng bahay ng suspect pero sarado ang bahay.
02:54Hustisya lang ang hiling ng pamilya kulada para kay Boboy.
02:58Nang hanggang sa huli ay nanatiling tapat na kaagapay ng kanilang pamilya.
03:02Hindi kami titigal hanggang hindi namin nabibigay yung hustisya na para sa'yo.
03:06Kasi pamilya ka namin.
03:10Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.

Recommended