- today
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Possibly maging tropical depression ang dalawang low pressure area na binabantayan sa Philippine Area of Responsibility.
00:06Ang isa sa kanila may high potential o mataas na chance ang maging bagyo.
00:10As of 8am update ang pag-asa, posibleng mangyari yan sa loob ng 24 oras.
00:16Samantala, isa pang low pressure area ang minomonitor sa labas ng PAR na meron ding medium o katamtamang chance ang maging bagyo.
00:23Ilang residenteng na ipit sa matinding baha ang sinagip sa Barangay Santo Domingo sa Quezon City.
00:32Balitang atin di Jomara Presto.
00:37Kuha ito sa bahagi ng Barangay Santo Domingo sa Quezon City kaninang hating gabi.
00:42Inabot raw hanggang sa 2nd floor ang baha kaya kinailangan ng ilikas ang mga residente.
00:47Sa kuhang ito, kita pa ang pagsagip sa ilang bata at matatanda sa lugar.
00:51Ayon sa barangay, mayroon din daw mga residente na nagpalikas pero piniling magpaiwan sa kalye na G. Araneta Avenue.
00:59Ang ilan sa kanila, kita pa na sa bangketa na nagpalipas ng gabi.
01:03Estimated po namin is mga nasa 600 families or 1,500 individuals so far.
01:09Both na po yun sa evacuation site and also yung mga preferred po na dito po mag-stay.
01:15Pag pumunta po kasi kami doon sa evacuation po malayo.
01:19May ilang residente naman ang wala halos gamit na naisalba at mas piniling iligtas ang imahe ng poong Nazareno.
01:26Bandang alas 5 ng madaling araw, ganito na ang sitwasyon sa bahagi ng G. Araneta Avenue.
01:32Sandamakmak na basura ang naglutangan, particular sa Southbound Lane ng kalsada.
01:36Nananatili namang nakaantaboy ang rescue team at PNP para sa mga residente na posible pang ilikas.
01:42Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:48Narito po ang walang pasok dahil sa hanging habagat.
01:52Ayon sa Malacanang, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools
01:56at pati na sa mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Rizal at sa Occidental Mindoro.
02:08Pre-school hanggang grade 6 naman ang walang pasok sa Baguio City sa public at private schools.
02:15Maki-update na rin tayo sa narin sa inyong mga lokal opisyal para sa localized suspension of classes.
02:25Ramdam din ang epekto ng masamang panahon sa Pampanga, kabilang dyan ng Makabebe at Minalin na nalubog sa bahang ilang lugar.
02:33Balitang hatid ni Nico Wahe.
02:38Sa gitna ng dilim, kasabay ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat,
02:43binaybay namin ang kalsadang ito na mistulan ng ilog sa Makabebe, Pampanga.
02:48Iyan ay para marating ang barangay sa Plad David, ang pinakalubog na barangay sa Makabebe.
02:53Mga kapuso, pasado alas 8 na ng gabi at sakay tayo ng bangka na walang katig at papasok tayo doon sa barangay sa Plad David na ang pinakabaha ang lugar dito sa barangay Makabebe.
03:07Ayon sa MDRRMO, nasa bandang baywang na yung tubig dito sa barangay sa Plad David.
03:14At titignan natin ang sitwasyon nila na ayon sa kanilang kapitan, ang tubig sa kanilang barangay, lalo na sa kalsada, ay tumatagal ng hanggang isang taon.
03:24Ang mga residente, sawa na raw sa ganitong sitwasyon.
03:28Sobrang hirap po, yung mga ano namin, puro alipungana.
03:32Si Casey, safety ng mga anak ang inuna, matapos pumasok na ng tubig sa kanilang bahay.
03:38Lilipat po kami kay nanay, lubog po, wala na kaming matulugan.
03:44Ayon sa kapitan ng barangay, noong January 9, pahuling nawala ng tubig sa kanilang barangay.
03:49Yung tubig namin dito sa daan namin, ano na yan eh, mag-iisang taon na yan eh.
03:54Matatagdaga na lang?
03:55Ang mga pag-aupa, pag gumalan na ganyan, pag may bagyo, lumalaki, lumalaki.
03:59Sa amin pumupunta yung tubig.
04:01Sa ngayon, walong pamilya na ang inilikas nila.
04:04Maraming residente ang piniling manatili na lang sa bahay dahil sanay na.
04:08Sa katabing barangay Takasan, nauna na naming pinuntahan, baharin.
04:13Nakabangka na ang ilang residente.
04:14Pinasok na rin ang tubig ang ilang bahay.
04:17Pero marami sa mga residente ay hindi na lumilikas.
04:20Sanay na po kami.
04:22Sa ganito.
04:23Ayun po, nagkataas na mga gamit.
04:26May ilang residente naman inunang asikasuhin ng kabuhayan.
04:30Gaya ni Eddie.
04:31Ayun lang, yung mga pispan na lang ang nilalambatan.
04:35Nilalambatan kasi.
04:37Lumalabas yung mga pakawalang tilapya at saka hipon.
04:42Ang ibang tilapya, inuwi na lang nila para may maulam.
04:44Unang-unang po, we are traulahin na town po.
04:50Sa postal town po kami na Pampanga.
04:53Kasama po na ang bayan ng Masantol at Sasuan.
04:57So kami po ang pasyakan ng tube from the Pampanga River Basin.
05:04Using the Pampanga River as the pain drainage papuntang daagrat.
05:11Sanay na raw ang mga taga rito.
05:13Kaya hindi lahat gustong lumilikas.
05:1571 individual ang piniling lumikas sa ngayon.
05:19Pero handa raw ang LGU sakaling may kailangang ilikas.
05:22Sa Barangay Santa Maria sa bayan ng Minalin, lubog na ang kalsada.
05:26Maging ang elementary school ng Santa Maria, binhana rin.
05:29Ang Barangay San Isidro hanggang tuhod na rin ng tubig.
05:32May ilang bahay nga na pinasok na rin.
05:34Niko Wahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:38Update po tayo sa hanging habagat at dalawang low pressure area
05:42sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
05:45Kausapin natin si pag-asa weather specialist, Anna Cloren Horda.
05:48Magandang umaga at welcome po muli sa Balitang Hali.
05:53Magandang umaga po, Sir Rafi.
05:54Gundis po sa ating matagasubaybay.
05:56Opo, ano po mga senaryo yung posibleng mangyari,
05:58lalo't dalawa yung low pressure area sa Philippine Area of Responsibility?
06:03Opo, ito pong dalawang low pressure area ngayon.
06:05Yung isa yung nasa silangan po ng Extreme Northern Luzon
06:08at yung isa naman nasa silang bahagi ng Central Luzon Area.
06:12So, inaasahan natin na itong dalawang LPA na ito
06:15ay mag-merge po or magsasama isa-isang sirkulasyon.
06:19So, magkakaroon na lamang po tayo ng isang low pressure area within 24 hours.
06:24At kapag nag-merge na po sila o nagsama,
06:27ay mas tataas po yung chance na maging bagyo po ito.
06:31At yung sa kasalukuyan, Sir Rafi, yung dominanting LPA
06:35ay yung nasa silang bahagi ng Central Luzon Area.
06:39So, ito po yung inaasahan natin na posibleng maging bagyong si Dante within 24 hours.
06:45So, posibleng po itong maging bagyo ngayong gabi o bukas po na umaga.
06:48Kapag nabuo po itong bagyo, gaano po kaya itong kalakas?
06:51At saan itong makakaapekto?
06:52Sa ating pagtaya po, na posibleng po itong maging isang tropical depression within 24 hours.
06:59At yung tracking po natin dito ay kikilos po ito pa north-north-westward,
07:04palayo po ng ating Philippine landmass.
07:06Papunta po ito dyan sa may southern islands po ng Japan
07:09o sa may Ryukyu Islands.
07:11Dyan po siya natin inaasahan na pupunta.
07:13So, yung signal o yung hangin na dala po ng bagyo
07:17ay halos mababa po yung chance na magkaroon po sa anumang parte po ng northern Luzon.
07:22Opo. E may pangatlong LPA po sa labas ng PAR.
07:25Ano pong forecast nyo?
07:27Yung pangatlong low pressure area po sa labas ng ating area of responsibility
07:31ay mababa pa naman po ang chance na maging bagyo sa kasalukuyan
07:35at hindi pa po natin naasahan na makakaapekto po sa ating bansa.
07:39Kapag binabantayan po natin kung magbubuo nga yung dalawang LPA,
07:42ay yung hangin habagat po ba magpapaulan pa rin?
07:46Tama po, Sir Raffi.
07:47Kapag naging bagyo po itong LPA na ating minomonitor
07:51at kapag yun nga, kapag nagsama po sila
07:53ay na-expect po natin na yung habagat ay mas lalo po nitong papairalin
07:57at kapag naging tropical depressive nga po ito
07:59ay posible na itong ma-enhance yung habagat
08:02kaya inaasahan natin na ngayon hanggang Webes po
08:05yung posibleng malalakas na buhos na mga pagulan
08:08sa malaking bahagi po ng Luzon.
08:10Opo. Kahapon po, napakaraming binahay.
08:12Ganong kadaming ulan po ba yung binuhos ng habagat kahapon?
08:16Base po sa datos natin dito sa may Science Garden po,
08:19dito sa may Quezon City,
08:21ay nasa around 285 mm po yung rainfall na natanggap po natin.
08:26So, at pinakamataas naman po,
08:29dyan sa may bahagi ng Sangley Point Cavite,
08:31nasa around 382 mm of rainfall po yung naiktala po natin kahapon.
08:36Marami po kasi nagkukumpara sa Undoy,
08:38pero malayo po ito dun sa Undoy level.
08:41Opo. Tama po kayo, Sir Rapino.
08:43Si Undoy po kasi within 6 hours po,
08:46ay nakatanggap na po ito ng more than 300 mm of rainfall po.
08:52At kung kukumpara naman po natin ito kay dating bagyong si Karina
08:56o yung last year po,
08:57ay in 18 hours,
08:59nakadeceive po tayo ng more than 300 mm of rainfall.
09:03So, malayo po ito kay Undoy,
09:05pati na rin po kay Karina po nung nakaraang tao.
09:07Ganyan pa man, kailangan pa rin po mag-iingat
09:09dahil nagbago na rin yung topography
09:10ng maraming lugar sa atin.
09:12Sa mga lugar po,
09:13kaya posibleng direktang makaranas ng malakas
09:15at malawakang pagulan pa?
09:18Opo, Sir Rapi.
09:19So, ngayong araw, hanggang bukas po,
09:21concentrated pa rin dito sa may Southern Luzon area.
09:24So, kasama po ang Metro Manila, Calabar Zone,
09:27Mimaropa, lalo na po sa Occidental Mindoro,
09:29inaasahan po natin yung malakas na buhos ng mga pagulan.
09:32Lalo na rin po sa Misan Bales, Bataan,
09:34and other areas po ng Central Luzon,
09:37ay may mga pagulan din po tayo naasahan,
09:39pati na rin po sa may Bicol Region area.
09:41So, kaya po,
09:42pinag-iingat po natin yung ating mga kababayan
09:44dahil posibleng peak po ng mga pagulan natin
09:47ay Wednesday at Thursday.
09:48At pagdating po po ng Friday,
09:50na mag-ship sa Northern Luzon area,
09:54lalo na po sa Ilocos Region,
09:55yung malalakas na buhos ng mga pagulan.
09:57Kaya kahit ngayon na medyo light pa lang po
10:00yung ulan natin dyan,
10:01ay pinag-ahandaan natin sila.
10:02Dahil pagdating po ng Friday,
10:04posibleng mas malakas na bukso ng mga pagulan.
10:06Yung inaasahan natin sa Northern Luzon area,
10:09lalo na po sa may Pangasinan, La Union.
10:11Kaya po, iingat po sa ating mga kababayan.
10:13Mahalaga po ma-emphasize sa bukas pa at sa mga kalawa,
10:17yung peak ng ulan.
10:18So talagang marami pa po ulang tayo matatanggap.
10:22Yes, tama po, Sir Raffi.
10:23So hanggang Webes po,
10:25kung dito po tayo sa Metro Manila
10:27and nearby areas Calabarzon, Central Luzon,
10:29Mimaropa,
10:30ay hanggang Webes po yung inaasahan natin
10:32na meron po tayong bugso-bugso
10:34na malakas na mga pag-uulit.
10:35Maraming salamat po sa oras na binagi nyo po
10:38sa Balitang Hali.
10:40Salamat po, mag-araman.
10:41Pag-asa weather specialist,
10:43Ana Cloren Horda.
10:45Update naman tayo sa España Boulevard sa Maynila
10:48na karaniwang binabaha kapag maulan.
10:50May ulat on the spot si Marisol Abduramay.
10:54Marisol, kumusta dyan?
10:57Alam mo, Raffi,
10:59alam mo, Raffi,
10:59yan nga sanang sasabihin ko,
11:01ano, pabago-bagong panahon,
11:02may climate change siya,
11:03pero eto talagang,
11:04Espanya, Raffi,
11:05ang ikangay masasabi nating suki na ata
11:07sa bahat tuwing masamang panahon.
11:09Sa katulayan, Raffi,
11:10nandito tayo kahapon
11:11at hanggang ngayon,
11:12walang pagbabago sa sitwasyon
11:14na nakatiling bahad dito sa area bagamat.
11:17Sabi ng mga taga DPWH
11:18na magdamag na nagbantay dito
11:19kung ikubo pa na kaninong umaga.
11:21Yung nakikita nyo yan sa atin ni Curan,
11:23e mas mababa na nga raw po yan
11:24dahil medyo humupan na ng bahagya.
11:27Pero ganun pa man,
11:28mataas pa rin ang bahad dito sa Espanya
11:29ayon sa mga taga DPWH
11:31na nagbabantay pa rin dito sa area.
11:33Bumahay ito, Raffi,
11:34nung nagsimula nga
11:35na manalasang bagyong krising.
11:37As of 10.20 a.m. kanina
11:39na sa 20 cm
11:40ang taas ng bahad dito
11:42sa ating kinaroon
11:43na mas mataas siyempre
11:44sa gawing gitna ng kalsada
11:46kung saan may mga
11:47nagswiswimming na mga bata.
11:49Kaya mangilan nila na lamang
11:50ang sasakyan ng mga dumaraan.
11:52Kadalasan,
11:52kung hindi mga truck o bus
11:54ay ang mga pickup
11:54o yung mga 4x4
11:56at malalakas ang loob
11:57na talagang nangas
11:58na sumuong sa bahag.
12:00Magdamag na nagbantay dito
12:01ang DPWH flood watch
12:03na nagbumonitor
12:04sa level ng tubig dito
12:06maya't maya.
12:06Mahalaga ito, Raffi,
12:07para malaman
12:08kung pwede pang madaanan
12:09ang lugar
12:10lalo na sa mga light vehicles.
12:12Kanina nga, Raffi,
12:13noon napansin natin
12:14na dinadivert na nila
12:15ang mga sasakyan
12:16kapag natapos na nila
12:18yung sukat
12:19ang level ng tubig dito
12:20dahil alam nila
12:20na medyo delikado na ito
12:22sa mga malilit na sasakyan.
12:24Samantala,
12:24sa 10 a.m. kanina,
12:26meron ng 22 evacuation sites
12:28sa Manila
12:28at meron na rin
12:30842 na pamilya
12:32na inilikas ito
12:33sa lungsod.
12:34Halos lahat na rin
12:35ang kalsada dito
12:36sa lungsod
12:37ay baha.
12:38Merong hindi na madaanan
12:39ng mga maliliit
12:40na sasakyan
12:41gaya na lamang dito
12:42sa Espanya area,
12:43merong sa Blooming Tree,
12:44De La Fuente
12:45at iba pa.
12:46Raffi,
12:46hindi lang masyado
12:47siguro makikita dito
12:48sa ating background
12:48dahil lumilim lang tayo
12:50dito sa tulay
12:50pero patuloy tayo
12:52nakakaranas dito
12:53ng katamtaman,
12:54hindi naman ganun
12:55kalakas ang ulan.
12:56Ito ang pinangangambahan
12:57ng mga nagbabantay
12:59at mga residente dito
13:00dahil kahit humuhupan
13:01ng bahagi ang tubig
13:01ay hindi talaga ito
13:03totally nawawala Raffi
13:04dahil tuloy-tuloy pa rin
13:05ang buhos ng ulan.
13:06So patuloy pa rin silang
13:07magbabantay dito
13:08at nakikita natin
13:09may mga mangilang-gilang
13:10sasakyan na rin
13:11na hindi na rin talaga
13:12nangahas ikangan
13:13na sumubok
13:14na dumaan dito sa Espanya
13:15dahil syempre
13:16mula dito sa ating location
13:17mas malalim pa
13:18sa gawing gitna doon
13:19kaya ayun
13:20kung makikita ninyo
13:21in an ordinary day
13:22talagang alam naman natin
13:23na napaka-traffic dito
13:24pero ngayon
13:25bihira
13:26ang mga dumada
13:27na sasakyan
13:28Raffi
13:28Marisol
13:29may naging paliwanag ba
13:30yung DPWH
13:31kung bakit ganyan pa rin
13:32yung sitwasyon
13:32kasi alam natin
13:33tinaas na yung bahagi
13:34ng Espanya
13:35at meron pang malaking
13:36drainage sa ilalim
13:37so hindi na ba ito sapat?
13:43Unfortunately Raffi
13:44wala silang naibigay
13:45ng paliwanag
13:45well we understand Raffi
13:47kasi they're not
13:47the person's authority
13:49ikangan na-authorize
13:50na magsilita ba
13:50sa gunung bagay
13:51kaya ang ginawalang nila
13:52para kahit papano
13:53mamitigit ang sitwasyon
13:54dito na hindi lumala
13:55may at mayaring silang
13:56nag-eco traffic
13:57kasi kasama sa kalilang
13:58binabantayin dito
13:59bukod sa nagbabantay sila
14:00ng level ng tubig
14:01pag may mga basurang
14:02palutang-lutang
14:03na maaaring makabara
14:04sa mga drainage
14:04ay agad nilang dinadampot
14:06dyan at tinatanggal
14:07sa area
14:07para kahit papano
14:08kapag kaganitong
14:09medyo mahinang ulan
14:10ay humuhupa
14:11ang tubig dito Raffi
14:12May mga stranded pa bang
14:13commuters dyan
14:14Marisol?
14:19Raffi wala naman
14:20so far no
14:21although kanina
14:21nung dumating dito
14:22kanina tayo maaga
14:23may mga ilan
14:24na naglakad na lang
14:25kasi bihira
14:25na rin
14:26ang mga dumada
14:27na jeep dito Raffi
14:28so may mga
14:29mangilang-ilang tayong
14:29kababayan kanina
14:30actually even
14:31hanggang sa mga oras nito
14:32na naglalakad na lamang
14:34dito sa area
14:34kasi walang nadal
14:35masyadong mga
14:36pampaserong jeep Raffi
14:38kung meron may yung bus
14:39ay punuan na rin Raffi
14:40at bihira na rin Raffi
14:41Maraming salamat
14:43Marisol Abduraman
14:44Nasa official visit pa rin
14:47sa Amerika
14:48si Pangulong Bongbong Marcos
14:49tiniyak niyang nakahanda
14:50ang gobyerno ng Pilipinas
14:51para tulungan
14:52ang mga kababayan
14:53nating nasa lanta
14:54ng masamang panahon
14:55at live
14:56mula sa Washington DC
14:57sa Amerika
14:58may ulap on the spot
14:59si Sandra Aguinaldo
15:00Sandra
15:01Raffi
15:06sa gitna nga
15:06ng sunod-sunod na pulong
15:08ni Pangulong Bobong Marcos
15:10dito sa Washington DC
15:12ay nagmamonitor din siya
15:14doon sa baha
15:15na nararanasan
15:17sa ilang lugar
15:17dyan sa atin
15:18at kanina nga
15:20ay nagpalabas siya
15:21ng isang recorded video
15:22para naman tiyakin
15:23doon sa mga nasalanta
15:24na parating na
15:25ang tulong
15:26sa gitna ng kanyang mga pulong
15:31dito sa Washington DC
15:32naglabas
15:33ng isang recorded video
15:34si Pangulong Marcos
15:35kaugnay sa
15:36nararanasang
15:37matinding pagbaha
15:38sa Metro Manila
15:39at ilang karating na lugar
15:41Anya
15:42parating na
15:42ang tulong
15:43para sa mga nasalanta
15:44Ang mga relief goods
15:46ay nakahanda na
15:47idinideliver na
15:48doon sa mga area
15:50na nangangailangan
15:51yung mga medical team
15:52kasabay na rin
15:53ng ating mga relief goods
15:56at tinitiyak natin
15:58na merong transportasyon
15:59at syempre
16:00ay tinitiyak natin
16:02na may sapat
16:03na supply ng tubig
16:05sapat na supply ng kuryente
16:06at lahat ito
16:09ay para sa pangangailangan
16:12ng mga naging biktima
16:14nitong pagbaha
16:15at malakas na ulan
16:17May panawagan din siya
16:19sa publiko
16:19Pakiusap ko lang po sa inyo
16:21ay pakinggan nyo po
16:23ang mga sinasabing advisory
16:25ng inyong LGU
16:27ng National Government
16:29at pakisundan lang po
16:30para naman
16:31matiyak natin
16:32na hindi kayo malagay
16:34sa alanganin
16:34Nandito kami lagi
16:36upang magbigay
16:37ng lahat ng servisyo
16:38ng kailangan
16:39sa harap
16:40ng hamon
16:41ng climate change
16:42Dito sa Amerika
16:43nagtungo si Marcos
16:45sa Pentagon
16:45headquarters
16:46ng US Defense Department
16:48Sinalubong siya
16:49ni Defense Secretary
16:50Pete Hegseth
16:51Ginawaran siya
16:53ng Enhanced Honor Cordon
16:54Seremonya
16:55na ibinibigay
16:56ng Defense Department
16:57sa mga senior officials
16:59na bisita nila
17:00tanda ng
17:01pagpapakita
17:01ng malaking respeto
17:03Sa meeting
17:04sa meeting
17:04ni Naheg
17:04Seth
17:05at Marcos
17:05ilan sa nakasama
17:07ng Pangulo
17:07sina Defense Secretary
17:08Gibo Teodoro
17:09at National Security
17:11Advisor
17:11Eduardo Año
17:12Dito muling
17:13nagpahayag
17:14ng suporta
17:15ang Amerika
17:15sa modernisasyon
17:17ng militar
17:17ng Pilipinas
17:18Tiniyak din niya
17:19ang commitment
17:20ng Amerika
17:21sa Mutual Defense Treaty
17:22na may probisyon
17:24kaugnay sa pag-atake
17:25sa puwersa
17:26at teritoryo
17:26ng dalawang bansa
17:27Nagpasalamat naman si Marcos
17:53sa tulong ng Amerika
17:54pati na sa balikatan
17:56at iba pang training
17:57Malaking tulong daw
17:58sa puwersa ng Pilipinas
17:59sa gitna ng mga banta
18:01na kinakaharap nito
18:02I believe that our alliance
18:05the United States
18:05and the Philippines
18:06have formed
18:07a great part
18:08in terms of
18:10preserving the peace
18:11in terms of
18:13preserving the stability
18:14of the South China Sea
18:16but I would even go as far
18:18as to say
18:19in the entire
18:19Indo-Pacific region
18:20Rafi nakamitig naman ni Mark
18:27si U.S. Secretary of State
18:28Marco Rubio
18:30at isa sa kanilang
18:31bigyan din yung commitment
18:32sa deterrence
18:33at pag-enforce
18:35ng freedom of navigation
18:36sa Indo-Pacific
18:38at sa harap nga po
18:39ng State Department
18:41ay nag-rally naman
18:42ang grupong migrante
18:43panawagan nila sa Pangulo
18:45na makipagkita
18:46sa mga pamilya
18:47na mga nakulong
18:49at maging yung nakalaya na
18:50dahil sa sinasabing
18:52mahigpit
18:52na immigration policy
18:54ni President Trump
18:56Rafi
18:57sa araw na ito
18:58ay nagkaroon din
18:59ang pulong
19:00si Pangulong Marcos
19:02kasama yung
19:03jepe
19:03yung chief
19:04ng Central Intelligence Agency
19:06pero wala pa silang
19:07niririlis na
19:08karagdagang information
19:09kaugday dyan
19:10at bukas naman po
19:12dito sa Washington DC
19:13ay inaasahan naman
19:14yung pulong na mismo
19:16ng Pangulo
19:17at ni President Donald Trump
19:19Rafi
19:20Maraming salamat
19:22Sandra Aguinaldo
19:22live mula sa Washington DC
19:24sa Amerika