- 6/2/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, June 2, 2025
-P/General Nicolas Torre III, nanumpa na bilang bagong lider ng Phl National Police
-PGen. Nicolas Torre III, itinalaga ni PBBM bilang bagong hepe ng PNP
-Repair sa EDSA, ipinagpaliban ni PBBM nang hindi bababa sa isang buwan
-Oil Price adjustment, ipatutupad bukas
-Mudflow, namerwisyo sa boundary ng New Bataan at Maragusan
-Mahigit 30 lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index
-Isa, patay matapos masalpok ng truck ang isang tricycle sa Brgy. Ubaliw
-Bangkay ng babae, natagpuan sa bakanteng lote sa Brgy. Dalig/ Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa ilog
-LPG rollback, epektibo ngayong Hunyo
-Magtiyuhin, patay matapos malunod sa bahagi ng Chico River sa Brgy. Namuccayan
-Lalaking bumaril sa aso ng kanyang kapitbahay, sumailalim na sa inquest proceedings
-Paglilinaw ni VP Sara Duterte sa sinabi niyang bloodbath sa impeachment trial: "It's some sort of crucifixion against me...when there's a crucifixion, there's blood."
-PBBM: EDSA Rebuild, postponed nang isang buwan para humanap ng mas epektibong paraan sa rehabilitasyon ng EDSA
-Halos P800 million na halaga ng iba't ibang uri ng equipment at sasakyan, bahagi ng ikatlong tranche ng re-fleeting ng NIA
-Barangay tanod na rumesponde sa gulo, patay matapos saksakin ng isa umano sa mga sangkot sa away
-Hindi bababa sa 20 aso't pusa na sakay ng barko pa-Visayas, namatay; heatstroke, tinitignang sanhi
-Vince Maristela at Xyriel Manabat na latest evictees sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition," ikinuwento ang kanilang experiences sa loob
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Krishnah Gravidez ng Pilipinas, "soaking it all in" sa kanyang Day 1 as Miss World Asia 2025
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-P/General Nicolas Torre III, nanumpa na bilang bagong lider ng Phl National Police
-PGen. Nicolas Torre III, itinalaga ni PBBM bilang bagong hepe ng PNP
-Repair sa EDSA, ipinagpaliban ni PBBM nang hindi bababa sa isang buwan
-Oil Price adjustment, ipatutupad bukas
-Mudflow, namerwisyo sa boundary ng New Bataan at Maragusan
-Mahigit 30 lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index
-Isa, patay matapos masalpok ng truck ang isang tricycle sa Brgy. Ubaliw
-Bangkay ng babae, natagpuan sa bakanteng lote sa Brgy. Dalig/ Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa ilog
-LPG rollback, epektibo ngayong Hunyo
-Magtiyuhin, patay matapos malunod sa bahagi ng Chico River sa Brgy. Namuccayan
-Lalaking bumaril sa aso ng kanyang kapitbahay, sumailalim na sa inquest proceedings
-Paglilinaw ni VP Sara Duterte sa sinabi niyang bloodbath sa impeachment trial: "It's some sort of crucifixion against me...when there's a crucifixion, there's blood."
-PBBM: EDSA Rebuild, postponed nang isang buwan para humanap ng mas epektibong paraan sa rehabilitasyon ng EDSA
-Halos P800 million na halaga ng iba't ibang uri ng equipment at sasakyan, bahagi ng ikatlong tranche ng re-fleeting ng NIA
-Barangay tanod na rumesponde sa gulo, patay matapos saksakin ng isa umano sa mga sangkot sa away
-Hindi bababa sa 20 aso't pusa na sakay ng barko pa-Visayas, namatay; heatstroke, tinitignang sanhi
-Vince Maristela at Xyriel Manabat na latest evictees sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition," ikinuwento ang kanilang experiences sa loob
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Krishnah Gravidez ng Pilipinas, "soaking it all in" sa kanyang Day 1 as Miss World Asia 2025
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Sa kanyang unang talumpati, inilatag ni General Nicolás Torre III ang mga direktibang ipinutuol patutupad sa kanyang liderato.
00:38At may ulat on the spot si June Veneracion.
00:42June!
00:46Rafi, Connie, opisyal lang ang umupo bilang Chief PNP si General Nicolás Torre III.
00:53Tumayong guest of honor sa turnover ceremony si Pangulong Bongbong Marcos kung saan pinangunahan niya ang pagsasali ng PNP leadership kay Torre mula kay General Romel Francisco Marbil.
01:08Makasaysayan ito dahil ito ang unang pagkakataon na ang PNP chief ay mula sa Philippine National Police Academy o PNPA.
01:15Hindi gaya dati na puro mga taga PMA o Philippine Military Academy ang naitalaga.
01:20Isa sa mga direktiba ni Torre ay magkaroon ng 3-minute response time sa mga major urban areas.
01:26Lahat daw ng tawag ng publiko ay dapat matukunan.
01:30Kapag nabigo ang mga commander na ito na ipatupad ay marami raw ang nakaabang para sila ay palitan.
01:37Sabi ni Torre, ang pagangat ng karera ng polis ay merit-based at hindi na pwedeng batay sa endorsement na kung sino-sino.
01:45Malaking bagay rin daw sa pag-evaluate ang performance ng mga polis ay ang dami ng kanilang mga naaaresto.
01:51Pero babala ni Torre, dapat ang paramihan ng huli ay base sa ebidensya.
01:57Hinamon naman ng Pangulo si Torre na panitlihing malinis ang hanin ng PNP at pabilisin ang proseso ng pagpapanagot sa mga tiwaling polis.
02:06Sa ngayon, wala naman daw malakihang reshuffle na mangyayari sa mga nakaposisyon sa PNP.
02:11Pero may mga pagbabago dahil na rin sa pag-re-retiro ng ilang opisyal.
02:21Marks more than a beginning. It is a defining moment. Thus, let us seize it with unwavering courage,
02:28grounded in humility and a relentless commitment to serve the Filipino people with honor, excellence, and integrity.
02:39Maraming salamat po. Magbuhay ang pambansang pulisya. Magbuhay ang bagong Pilipinas.
02:44Magbuhay ang sambayanang Pilipino.
02:46At sa bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!
02:51Dahil gusto ng mga pulis ay ligtas ang publiko,
02:58ay isa sa mga utos rin ni General Torre ay yung mas matinding police visibility sa mga matataong lugar.
03:06Raffi, Connie?
03:07Yes, John, alam naman natin na napaka payat, talagang maganda ang itsura at makisig po ang itsura ng ating bagong Chief PNP.
03:16Meron bang direktiba na dapat wala rin siyan yung iba pang mga pulis tulad ng mga ibang nakaraan na mga direktiba sa kanila?
03:22Naabangan natin yan, Connie, dahil alam naman natin kung gaano ka fit itong si General Torre.
03:33Nakita naman natin doon sa Davao, yung pagpapa-aresto nga.
03:37Ito kay dating, o kay Pastor Apollo Kibuloy, nakikita nga na nagja-jagging pa,
03:41na nakabulipo vest, nakamidalang rifle, itong si General Torre.
03:48Makikita natin kung ganyan din ang kanyang gagawin sa mga kanyang tauhan.
03:54Setting by example, yung ganyang klaseng pamumuno,
03:58yan yung gusto niya rin pamarisan ng mga pulis na kanyang pamumunuan sa mga susunod na buwan.
04:05O kasi kung may tatlong minuto na talagang paghabol, dapat talagang makahabol.
04:09Pati yung mga pulis at fit sila, June.
04:11Ayan, naabangan natin. Maraming salamat, June Veneracion.
04:16Naging maugong na ang pangalan ni Police General Nicolastore III bago pa naging PNP Chief.
04:24You are under arrest for obstruction because it's even 29, sir.
04:28Let's go.
04:29What's up, please?
04:31What's up?
04:32Si Torre ang nanguna sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG,
04:36nangarestuhin itong Marso si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamore Air Base
04:41bago siya madala sa The Hague, Netherlands para humarap sa International Criminal Court.
04:45Siya rin ananguna sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apolo Quibuloy
04:49noong nakarang taon na ilang linggong nagtagal.
04:53Director pa siya noon ng Davao Police Regional Office.
04:56Ayon sa Malacanang, ang dalawang malalaking misyon ito
04:58kabilang daw sa mga naging dahilan sa pagpili kay Torre
05:01bilang bagong hepe ng Philippine National Police.
05:05Naging hepe si Torre ng Quezon City Police District hanggang magbitiw siya sa pwesto.
05:09Kaugnayan sa kontrabersya na pinaburan mo na niya
05:12ang road rage suspect at dating polis na si Wilfredo Gonzalez.
05:16Si Torre ang unang graduate ng Philippine National Police Academy o PNPA
05:20na hahawak sa pinakamataas na pwesto sa pulisya.
05:23Mga kapuso, postponed o pinagpaliban muna ang rehabilitation project sa EDSA.
05:30Kasunod po yan ang geretiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:33Sa June 13, dapat sisimulaan ang EDSA Rebuild
05:36pero ipagpapaliban muna ito ng hindi bababa sa isang buwan.
05:40Gusto ng Pangulo, mas pag-aralan pa ng Department of Transportation
05:43at Department of Public Works and Highways ang proyekto.
05:47Dati nang sinabi ng DPWH na posibleng tumagal ang EDSA Rebuild ng dalawang taon.
05:52Ang gusto naman ng Pangulo, mapabilis ito ng hanggang 6 na buwan lamang.
05:57Susunod naman daw sa direktibang yan ang DOTR at DPWH.
06:02Kasunod ng postponement ng EDSA Rebuild,
06:04hindi rin muna ipatutupad ang odd-even scheme sa EDSA ayon sa MMDA.
06:09Hahanap din daw ang MMDA ng iba pang paraan para maibsa ng traffic
06:13sa oras na simula ng EDSA Rebuild.
06:15Abiso sa ating mga motorista, may paggalaw po sa presyo ng ilang produktong petrolyo bukas.
06:25Sa anunsyo ng ilang kumpanya, may dagdag na 40 centavos kada litro sa gasolina.
06:3030 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng diesel
06:32habang may bawas namang centavos sa kada litro ng kerosene.
06:36Tuloy-tuloy po ang ulan sa iba't-ibang panig ng bansa.
06:46Sa boundary ng New Bataan at Maragusan, Davao de Oro,
06:49magresulta po ang masamang panahon na yan sa mudflow at paghuhuho ng lupa.
06:54Isang lane lamang ng kalsada ang nadaraanan ng mga motorista.
06:58Patuloy ang clearing operation sa lugar.
07:00Nagkalanslide din sa barangay Maliko, San Nicolás, Pangasinan
07:04dahil sa malakas din po na ulan nitong weekend.
07:06Sina ba yan pa yan ng malakas na hangin?
07:09Yung pagulan na yan sa ilang panig po ng Lawag, Ilocos Norte.
07:13Sa kabila po niyan, ay itinuturing ito ng mga magsasaka bilang biyaya
07:16dahil malaking tulong daw sa kanilang pagsasaka naman yan.
07:21Umaga pa lamang po kahapon ay inulan na rin ang Kabanatuan Nueva Ecija.
07:26Lumakas pa ng bandang hapon at gabi.
07:28Ayon sa pag-asa, habagat po ang nagpapaulan sa Luzon mula pa nitong weekend
07:33habang mga local thunderstorm naman sa Visayas at Mindanao.
07:38May mga pagulan man ngayon sa bansa, humanda pa rin sa amalinsangang panahon
07:42lalo sa mahigit 30 lugar sa bansa.
07:44Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 46 degrees Celsius na heat index
07:49sa Echage Isabela, 45 degrees Celsius sa Tuguegaraw, Cagayan,
07:53G1 Eastern Samar at sa Dipolog, Sambuanga del Norte,
07:5844 degrees Celsius sa Infanta at Alabat, Quezon,
08:01Daet, Camarines Norte at sa Masbate City,
08:0443 degrees Celsius naman sa Apari, Cagayan at ilan pang bayan at syudad sa Luzon at Visayas.
08:10Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong araw sa Calayan, Cagayan
08:15at iba pang panig ng bansa.
08:18Sabi po ng pag-asa, sa kabila ng mainit at malinsangang panahon,
08:22mananatiling ng mataas ang tsansa na ulan sa ilang bahagi ng bansa
08:25lalo na sa western section kasama na po ang Metro Manila.
08:29Patuloy kasing nakaapekto ang hanging habagat sa Luzon.
08:32Local thunderstorm naman ang aasahan sa Visayas at Mindanao.
08:36Huli ka, mang tricycle at kotse na yan na binabaybay ang Maharlika Highway sa Barangay Ubaliw, Pulanggialbay.
08:44Unti-unting lumipat ng linya ang tricycle nang biglang mag-overtake ang kotse at nasagi ang tricycle.
08:50Nawala ng kontrol ng tricycle hanggang sa masalpok ng paparating na truck.
08:54Tumilapan ang driver at dalawang pasahero ng tricycle.
08:57Isinugod sila sa ospital pero idineklarang dead on arrival ang isa sa mga pasahero.
09:01Sugatan ang driver at isa pang pasahero.
09:04Nasa kustodian na ng mauturidad ng driver ng truck.
09:07Wala siyang pahayap.
09:09Kinagahanap naman ng mauturidad ang driver ng kotse na tumakas matapos ang insidente.
09:16Pasintabi po sa mga kumakain.
09:18Dalawang bangkay ang magkahihwalay na nakita sa Pasig at Antipolo Rizal.
09:23Balitang hatid ni EJ Gomez.
09:24Sa masukal na bakanteng loting ito sa barangay Dalig, Antipolo City,
09:32natagpuan ang isang bangkay ng babae pasado tanghali nitong Sabado.
09:37Ang biktima na aagnas na ng matagpuan sa lugar.
09:41Isang nangangalakal ng basura daw ang unang nakakita ayon sa barangay.
09:45Kasi yung medyo tabi po noon, pinagtatapunan rin ang mga basura.
09:49Tabing highway kasi.
09:51E siguro pagdaan, napansin niya parang mabaho.
09:54Pagsilip sa bakod, no yun nakita niya.
09:57Ayun po, tumabad po yung bangkay na nakahiga,
10:00medyo may kumot pa at may unan,
10:03na aagnas na yung muka,
10:05na medyo iba ng amoy niya, mabaho na.
10:09Yung babae nakahiga,
10:11tapos may mga dalas siyang parang mga gamit,
10:13mga gamit dyan.
10:15Pinagtulungang buhatin ang bangkay
10:17mula sa gitnang bahagi ng bakanting lote palabas sa highway.
10:21Hindi pa tukoy ang pagkakakilala ng bangkay.
10:24Pero ayon sa barangay,
10:26posibleng hindi residente ng barangay Dalig ang biktima.
10:29Isang ayun po, ma'am,
10:31wala naman pong naghahanap pa na residente ng barangay Dalig
10:35para kung may nanawa, walang kamag-anak, wala naman po.
10:38Eh, napag-alam mo, parang medyo pag-alagala lang yata yung tao na yun, yung babae.
10:45Patuloy ang investigasyon ng pulisya sa insidente.
10:49Sa ilog na ito, sa barangay Santolan sa Pasig City,
10:52isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang kahapon.
10:56Ang lalaki, nakitaan ng dugo sa ilang parte ng katawan.
11:01Bakas din ang dugo sa kanyang damit.
11:03Nakita namin may dugoan siya sa ilong, may dugo sa tainga,
11:08sa ulo, may bukol, at saka sa leeg, at saka...
11:12Yung tuhod niya may ano din, damage, at saka sa mga siko.
11:17Tapos yung kamay niya sa daliri,
11:19nandun yung bag niya nakapulopot.
11:22Base sa investigasyon ng mga otoridad,
11:25posibling ilang araw nang nasa ilog ang bangkay.
11:28Inaalam pa ang pagkakakinala ng lalaki na posibling dayo raw.
11:32Sa ngayon ma'am dito sa Santolan, wala pa kaming alam na missing person.
11:37Kaya alam-alam ko, galing sa ibang lugar po.
11:40Kasi ma'am, ang dalay ng tubig, pababa po.
11:43Hanggang dito sa Santolan, river ng Pasig, up to floodway.
11:49E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:52Good news sa mga suki ng liquefied petroleum gas o LPG,
12:02nag-rollback ang presyo niyan sa pagpasok ng Hunyo.
12:05Para sa Petron, may tapiyos niya na 1 peso at 75 centavos kada kilo.
12:091 peso at 64 centavos naman ang tapiyas sa kada kilo ng LPG ng Sulayn.
12:14Ang rollback ay dahil sa pag-ubari ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
12:19Ito ang GMA Regional TV News.
12:26May init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
12:31Patay ang isang lalaki matapos malunod sa Chico River sa bahagi ng Santo Niño, Cagayan.
12:37Chris, bakit daw nalunod?
12:41Connie, tinangkaraw kasi niyang hanapin at sagipin sa ilog ang nawawala niyang pamangkin.
12:46Ayon sa impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, dumalaw ang biktima at dalagitang pamangkin sa kanilang kaanak doon.
12:54Nagkayayaan daw sila at limang iba pa na mag-piknik at maligo sa ilog nitong Sabado.
12:59Sa gitna ng swimming, napansin daw ng grupo na nawawala ang naliligong dalagita.
13:05Doon na nagdesisyon ang biktima na tumalon sa ilog, pero hindi na nagawang umahon dahil sa lalim ng tubig.
13:11Agad na ikinasang search and rescue operation para mahanap ang magtiyuhin.
13:15Unang natagpuan ng tiyuhin na idineklarang dead-on arrival sa ospital.
13:20Kahapo naman ang madaling araw na recover ang bangkay ng dalagita.
13:2430 metro ang layo kung saan sila naligo.
13:27Walang pahayag ang kanilang mga kaanak.
13:31Sa bataan naman, sumailalim na sa inquest proceedings ang lalaking bumaril sa isang aso sa barangay Kalaylayan sa Abukay.
13:39Paglilinaw ng pulisya, kapitbahay ang bumaril sa aso at hindi ang may-ari.
13:44Paliwanag ng sospek sa pulisya.
13:46Hinabol at muntik na raw kagatin ng aso ang kanyang asawa kaya binarin niya iyon.
13:51Ligtas naman ang aso na tinamaan ang balas sa paa.
13:55Naharap ang dalaki sa mga reklamong paglabag sa Animal Welfare Act, alarms and scandals, at paglabag sa omnibus election code.
14:10Naniniwala ang isa sa mga leader ng Kamara na itutuloy ng mga serador ng 20th Congress ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
14:18May paglilinaw naman ang visa sa sinabi niyang gusto niya ng bloodbath sa paglilitis.
14:24Balitang hatid ni Jonathan Andal.
14:29Noon pa man, gusto na raw ni Vice President Sara Duterte na humarap sa impeachment trial para malinis daw ang kanyang pangalan.
14:36May petisyon pa rin naman sa Korte Suprema ang visa para pigilan ng trial pero hindi pa rin ito inaatras.
14:40Ikinuwento yan ang visa habang nasa Haig, the Netherlands.
14:53Tinanong din ang visa tungkol sa pahayag niya noon na gusto niyang magkaroon ng paglilitis dahil gusto niya ng aniyay bloodbath.
14:59We have always said that the impeachment is a political persecution.
15:06If it's a persecution, it's some sort of crucifixion against me.
15:11When there's a crucifixion, there's blood.
15:14So it's a bloodbath.
15:15My, my bloodbath.
15:19So, I'm just sad that many people refuse to understand the context wherein I give statements.
15:30Ang pagkumpara ng visa ng kanyang impeachment trial sa crucifixion o pagpapapako sa Cruz,
15:36tinawag ng isa sa mga leader ng Kamara na drama lang.
15:39Hindi kailangan ng drama dito.
15:41We don't even have to resort to long ways such as that.
15:43Kung naniniwala ang ating vice-presidente at ang ating mga, ang kanyang mga kakampi na wala silang kasalanan,
15:52na wala silang pananagutan, iharapin nilang.
15:55Dahil unahin daw muna ng Senado ang mga nakabinding panukalang batas,
15:59inusog ang pagbasa ng Articles of Impeachment Laban kay VP Sara sa Senado sa June 11,
16:03dalawang araw bago ang Sine-DA adjournment ng 19th Congress sa June 13.
16:07At this point, sir, I really did not know if the impeachment trial will push through.
16:13But I told the defense team that they should prepare for whatever eventuality.
16:22Si House Assistant Majority Leader Rep. Judea Sidre naniniwala pa rin itutuloy ng Senado ang impeachment trial
16:28kahit pa tumawid ito sa 20th Congress.
16:31Aniya, nangyari na rin daw ang ganitong sitwasyon sa Amerika
16:34kung saan kinopia ng Pilipinas ang proseso ng impeachment.
16:36Pinakakilala doon si President Bill Clinton na impeach sa isang kongreso
16:43at rin nagkaroon ng trial sa kabilang kongreso.
16:45Gusto ko nalang panghawakan yung sinabi ni Sen. Jingo Estrada
16:50na gagampanan ng Senado ang kanilang constitutional duty
16:54na italakain ang impeachment.
16:57Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:01Kahit paspon ng isang buwan ang EDSA revealed,
17:04tuloy pa rin daw ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy
17:07sa ilang kalsada ayon sa Department of Transportation.
17:10May ulat on the spot si Joseph Moro.
17:13Joseph?
17:17Rafi Baguian ay nagpapahanap nga ng mas mabilis at mas efektibong paraan
17:22si Pangulong Bongbong Marcos para i-rebuild ang EDSA.
17:25Kaya yung naipresentang plano ng DPWH na lane by lane na pagkukumpuni nito
17:30ay itunuturing muna na scrap o ibinabasura.
17:33Ayon naman kay Transportation Secretary Vince Disson,
17:36tulad ng inanunsyo ng Pangulong kahapon,
17:37ang suspendido muna, ang EDSA rebuilding
17:40at ang kaakibat na add-even scheme na para sa EDSA
17:44na ipapatupad sana para ma-manage ang traffic tuon.
17:47Isang buwan ang suspension na Rafi,
17:49ito ay para humanap ang DPWH na mas efektibong paraan
17:52para gawin ng EDSA.
17:53At kung kaya, ay gawin ito sa loob ng 6 na buwan lamang
17:57sa halip na dalawang taon.
17:59Hindi raw uubra yung sinabi ng DPWH na lane by lane na pagkukumpuni.
18:03Ayon kay Disson, ang pagsuspindi sa EDSA rebuild
18:06ay ginawa ng Pangulong matapos mo nang maabisuhan siya
18:09na may mas efektibong mga paraan
18:11at na hindi masyadong magdudulot ng aberyas sa mga tao.
18:15Samantala, sinabi ni Secretary Disson na tuloy pa rin
18:17ang pagpapatupad naman ng no-contact apprehension policy
18:21o NCAP na ibang usapin sa EDSA rebuild.
18:24Ito ay may kaugnayan naman sa pagpapatupad
18:26ng Metro Manila Traffic Code sa buong Metro Manila.
18:29Kanina nga, nag-turnover ng ilampas limampu na mga reklamo
18:34na mga motoristang nagtatakip ng plaka
18:36para makatakas sa NCAP ang MMDA sa Land Transportation Office.
18:41Babala ng LTO at MMDA, maaaring makasuhan ng kasong kriminal
18:44ang mga motoristang gagawin ito.
18:47Narito po ang pahayag ni Secretary Disson
18:49tungkol sa pagsisuspindi ng EDSA rebuild.
18:52I think he was responding, number one,
18:59to people who have told him that there is a better way,
19:04that there is a non-conventional way.
19:07And that non-conventional way will address public concerns
19:12on the length of time that we all have to suffer.
19:16Ayon naman, Rafi, kaya DPW Secretary Manuel Monoan
19:24ay nire-revise na nila yung EDSA rebuild plan
19:27at ang target nila ay magawa nga yung gusto ng Pangulo
19:30na six months hanggang isang taon lamang ito gagawin
19:33sa halip na dalawang taon na monipagdurusan
19:35ng ating mga motorista, Rafi.
19:38Maraming salamat, Joseph Moro.
19:41Halos 800 million pesos na halaga
19:43ng iba't ibang uri ng equipment
19:45at sasakyan ang ngayon'y pagmamayari na
19:47ng National Irrigation Authority.
19:50Bahagi po yan ang ikatlong trench
19:51ng re-fleeting ng ahensya.
19:54May ulot on the spot si Ian Cruz.
19:56Ian?
20:00Yes, Connie, pinangunahan nga ni Pangulong Bongbong Marcos
20:04at ni Administrator Eddie Guillen
20:06yung seremonya ng pagkatalaga sa mga biniling equipment
20:10at sasakyan dito sa lungsod ng Taguig.
20:13Connie, ito na ngayon ikatlong yugto.
20:15Ang pagmamahagi ng mga sasakyan at equipment
20:19ng NIA sa kanilang reflecting program.
20:21Sa kabuan na halos 800 million pesos na ikatlong tranche
20:27ay kinabibilangan ng pagbili ng 229 units
20:29ang ibang-ibang uri ng equipment at mga sasakyan.
20:32Ang inisiyatibo ay bahagi ng pagsisikap
20:36ng NIA na gawing moderno ang mga kagamitan
20:39para mapabuti ang operasyon, aktibilidad sa field
20:42at matiyak ang napapanuhong pagpapatupad
20:45ng mga proyekto sa irigasyon sa buong bansa.
20:48Sa una nang ipinamahagi ng Pangulo
20:49ang ma-equip na sasakyan sa unang reflecting program
20:52noong December 2023 sa Subic, Zambales
20:54at sa ikalawang bahagi ng programa sa Mexico, Pampanga
20:58na may kabuan na halaga na 1.5 billion pesos.
21:01Ang pagpapaganda ng irigasyon ay pangunahing prioridad
21:04ng NIA dahil ang food security
21:06ay kabila nga sa 8-point socio-economic agenda
21:10ng Administrasyong Marcos Ataconi.
21:13Sinabi nga ng Pangulo sa kanyang talumpati
21:16na mahalaga na magkaroon ng maganda
21:18at sapat na patubig para sa ating mga magsasaka
21:22dahil ito raw ay nangangahulugan
21:23ng mas magandang ani para sa kanila
21:27at nangangahulugan din syempre
21:28ng mas malaking kita para sa ating mga magsasaka.
21:32Yan muna ang latest mula rito sa Tagig.
21:34Balik sa iyo, Con.
21:35Maraming salamat, Ian Cruz.
21:37Ito ang GMA Regional TV News.
21:44Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
21:48Buhay ang naging kapalit sa paggamamagandang loob
21:50na isang barangay tanod sa Iloilo City.
21:53Cecil, paano man to sa kanya?
21:57Rafi, patay matapos saksakin ang barangay tanod
22:00na rumiresponde lang sana sa gulo sa mulod district.
22:03Basis sa investigasyon, tinangkang awatin ang tanod ang away
22:07pero hindi umano nakinig ang isang grupo.
22:10Nang umalis ang biktima, sinundan siya ng mga miyembro nito.
22:14Doon na umano siya pinukpok ng kawayan
22:16ng isang minor de edad na kasapin ng grupo.
22:19Pagkatapos sinaksak umano ang biktima
22:21ng 25 anyos na si Alias Jet Jet.
22:24Kwento naman ng isang saksi,
22:26ang tanod umano ang unang nanakit kay Alias Jet Jet
22:29kaya hinabol siya ng sospek at gumanti.
22:32Patuloy ang investigasyon.
22:34Gayun din ang paghahanap sa sospek
22:36at sa kasamahan niya ang minor de edad
22:38na nanghampas sumano ng kawayan.
22:42Namatay habang ibinabiyahe papunta rito sa Visayas
22:45ang hindi bababa sa 20 aso at usa galing dyan sa Luzon.
22:50Sa ipinakita sa medyo ni Cebu City Veterinarian Dr. Alice Utlang,
22:54kita ang sinapit ng mga hayop na nasa kulungan.
22:57Pusiblian niyang heat stroke ang ikinamatay ng mga ito.
23:00Sarado daw kasi ang pinaglagyan ng mga ito sa barko.
23:05Iimbestigahan din nila ang insidente.
23:07Makikipagugnayan din daw sila sa shipping company
23:10na may-ari ng barko kung saan isinitay ang mga hayop.
23:13Kabilang kasi sa mga pulisiya sa pag-transport ng mga alagang hayop,
23:18ay dapat nasa kaaya-aya o air-conditioned na lugar sa barko ang mga ito.
23:22Happy Monday mga mari at pare!
23:31Overwhelming support mula sa outside world ang natanggap
23:34ni na Vince Maristela at Cyril Malabat
23:37bilang latest evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
23:42Sa kanilang guesting sa unang hirit,
23:45ikinwento ng dalawa ang kanilang experience sa loob ng bahay ni Kuya.
23:49Grateful daw sila sa kanilang experience sa loob ng PBB House.
23:54Si Vince mamemiss daw ang luto ng kanilang mom na si Clarice.
23:59Si Cyril naman ang pagawa ng champorado.
24:02Magsisilbing aral daw sa kanila ang pagiging housemates sa bahay ni Kuya.
24:06Sa kanilang pagbabalik sa outside world,
24:09isa sa mga sumalubong sa dalawa ang kanilang pamilya at kaibigan.
24:13Sinalubong din ni Prinsesa ng City Jail Star Sofia Pablo si Vince
24:16na kanyang malapit na kaibigan.
24:19Para maging updated sa mga ganap sa bahay ni Kuya,
24:23panuorin ang PBB Celebrity Collab Edition
24:25tuwing 10pm weeknights at 6.15pm tuwing weekends sa GMA.
24:33Update po tayo sa lagay ng panahon kung saan habag at season na
24:37pero ilang lugar ang may mataas na damang init
24:40o yung tinatawag nating heat index.
24:42Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
24:47Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halit.
24:50Magandang umaga sa inyo Connie at sa lahat po na ating mga taga-subaybay.
24:53Malapit-lapit na ba tayong mag-official na pahingag na tag-ulan na po
24:57at ngayon kasi syempre habagat season pa rin tayo eh.
25:01Yes Connie, karaniyong nakapagumiri ng habagat ay
25:04ang nagiging kasunod sinaryo nito na sa satisfying criteria natin
25:07for declaration of onset of the rainy season
25:10at posibleng nga ngayong linggo ay magpalabas na tayo ng official statement
25:14regarding the start of the rainy season dito nga sa ating bansa.
25:17At masasabi ho bang napaaga yung pagtatapos ng dry season sa bansa?
25:22Well, kung titingnan natin during the last five years ay halos nasa buwan ng June
25:25yung start ng ating mga pag-ulan.
25:28So, we can say na normal lang halos ang magiging simula ng tag-ulan dito sa ating bansa
25:32ngayong taong 2026, at 2025.
25:35Opo, at gaano ho karaming ulan ang ibinuho sa bahagi po ng Mindanao
25:39para magdulot naman ang mga pagbaha?
25:42Yung nakita kasi natin 24 hours na pa-ulan sa ilang synoptic station natin sa Mindanao
25:47ay umabot lamang sa mga light to moderate yung mga naging pag-ulan.
25:51Pero ang nakikita natin posibleng faktor ay posibleng may mga tubig ulan
25:55o may mga pag-ulan na naganap sa mga matataas ng lugar
25:59at ito ay naging sanhin ng mga pagba sa mga low-lying areas
26:03dun sa mga paanan ng bundok.
26:04As a matter of fact, kahapon nga ako, ni apat na rainfall advisory
26:08ang pinalabas ng ating Mindanao PRSD
26:10kahit light to moderate lamang yung mga na-monitor na pag-ulan.
26:15Binang pagbibigay na yung pagbabala sa potential ng mga pagba
26:18sa ilang areas including yung mga nakikita natin sa ating screen ngayon.
26:23Opo, at ngayon pong nasa habag at season na tayo,
26:26posibleng bang mawala na yung, okay, mabawasan kaya yung heat index po natin
26:30na damang init na nararamdaman?
26:33Well, occasionally, kasi kung magsisimula na nga talaga yung tagunan sa ating bansa,
26:38hindi naman po ibig sabihin na halos araw-araw ay uulan.
26:41Magkakaroon po tayo ng mga araw, minsan isa hanggang dalawang linggo,
26:44na may tinatawag tayong monsoon break
26:46o halos wala tayong mararanasan na pag-ulan.
26:48Pag nagkaganto ko, hindi natin sinasantabi yung posibilidad na posibleng pa rin pumalo
26:53sa danger level, so yung mga forecast heat index natin,
26:57kahit na panahon na, pag nagsimula na yung panahon na tag-ulan dito sa ating bansa.
27:02But more or less, kapag magiging madas sa pag-ulan,
27:04then likely mas mababa po yung may tatala nating heat index.
27:07Okay, pero sa ngayon, meron ba tayo na mamonitor na anumang bagyo?
27:12At kung meron man, ilan ho ba ang inaasahan natin kayang bagyo sa buwang ito?
27:16Sa ngayon po ay habagat lamang yung dominant weather system, no?
27:20At wala tayong nakikita bagyo in the next 2 to 3 days.
27:23Pero kung magkakaroon man, we're expecting at least isa hanggang dalawang bagyo
27:27para po sa buwan ng June.
27:29Alright, marami pong salamat sa inyong update na yan sa amin.
27:32Yan po naman si...
27:32Pag-asa, Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
27:41Ready nang magpamalas ng Beauty with a Purpose
27:44sa Miss World Asia 2025 Krishna Gravides.
27:49Soaking it all in.
27:51Yan ang sinabi ni Krishna sa kanyang first day of rain bilang isa
27:55sa anim na Continental Queens.
27:57With a modern take ang suot niyang pink and floral Filipiniana.
28:00Full support naman sa comment section ng fellow Pinay beauty queens.
28:05Kabilang ang crowned winners na si Catriona Gray at Megan Young.
28:09Proud daw sila sa ipinamalas ni Krishna na umabot hanggang top 8.
28:14Kinuranahan namang Miss World 2025 si Opal Sushata ng Thailand.
28:19Yan ang unang title crown ng Thailand sa naturang beauty pageant.
28:25Ito na ang mabibilis na balita.
28:27Nasunog ang motorsiklong yan matapos bumangga sa dalawang AUV sa Rojas Boulevard sa Maynila.
28:35Batay sa embisigasyon, mabilis ang takbo ng motorsiklo nang bumangga sa dalawang sasakyan.
28:40Sugatan ang rider na dinala na sa ospital.
28:42Agad namang rumispondi ang mga bumbero at napula ang apoy.
28:46Dahil sa insidente, bumigat ang daloy ng trapiko.
28:49Arestado ang isang lalaki sa Tagulogan na Misamis sa Oriental dahil sa pagnanako umano ng motorsiklo.
28:58Batay sa embisigasyon, pagmamayarin ang isang taga-barangay Igbit sa Opal ang motorsiklong ninakaw.
29:04Nagkasa ng intrapet operation ng mga otoridad matapos makatanggap ng reklamo at naaresto ang suspect sa Tagaluan.
29:11Ayon sa mga polis, naibalik na sa may-ari ang ninakaw ng motorsiklo.
29:15Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang suspect na maaharap sa reklamong paglabag sa New Anti-Car Napping Law.
29:25Makikita sa CCTV ang motorsiklong yan na nakaparada sa harap ng isang computer shop sa Barangay 93 sa Kaloocan.
29:31Ilang sandari lang huminto sa harap nito ang isang puting van.
29:35Nang umalis ang van, nawala na ang motorsiklo.
29:37Sa kuha ng isa pang CCTV, isinakaya't tinangay na pala ito ng tatlong lalaki na sakay ng van.
29:43Ayon sa may-ari ng motorsiklo, kinabukasan na ng mapansin niyang nawawala ang motorsiklo.
29:49Hinahanap na ng mga otoridad ang motorsiklo maging ang mga kumuha nito.
29:58Pinaghahanda muli ng pag-aasang ilan natin mga kapuso sa maulang panahon ngayong pong lunes.
30:02Ayon sa ahensya, asahan ang malalakas na ulan sa mga susunod na oras sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales at Mataan.
30:13Dahil diyan, mataas po ang banta ng baha o landslide sa mga nasabing lugar kaya maging alerto.
30:19Balita naman po mula sa Nigeria.
30:23Labing isang Pinoy ang nakakulong doon ngayon.
30:26Ayon sa Economic and Financial Crimes Commission ng Nigeria,
30:30naghahain ng guilty plea sa korte ang mga naturang Pinoy para sa cyberterrorism at internet fraud charges.
30:36Kasama rin nilang ikinulong ang dalawang Chinese, isang Malaysian at isang Indonesian.
30:40Ayon sa tagapagsalita ng EFCC, sangkot ang mga ikinulong sa recruitment ng mga kabataang Nigerian para sa identity theft at pagpapanggap bilang foreign nationals.
30:55Sinintensyan sila ng isang taong pagkakulong at muntang tig 1 million Nigerian Naira o mahigit 35,000 pesos.
31:02Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkakulong ng mga naturang Pinoy.
31:07Tinututukan na raw ito ng Embahada ng Pilipinas at tibigyan ng legal assistance ang mga apektadong Pilipino.
31:20Kay nwestiyon ni outgoing Senate Minority Leader Coco Pimentel ang pag-usog sa schedule ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
31:28Ang isa naman sa mga kaalyado ang Senator-elect ng vise na niniwalang hindi siya mapapatalsik sa pwesto.
31:35Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
31:39Hindi pa man nagsisimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
31:44Naghamon ang mga kaalyado niyang uupo bilang Senator Judge na kasama rin niya ngayon sa The Hague.
31:49Lintik lang ang walang ganti.
31:51Pumanta sila.
31:53Ayaw niyong tumigil, purbahan natin.
31:56They will not be able to remove the Vice President.
32:01Itaga mo sa batuyan, itaga niyo sa batuyan.
32:04Walang mangyayari.
32:07The Vice President will stay as Vice President.
32:10Sabi ni Presidential Sister Sen. Amy Marcos,
32:13masaya siyang nausog ang kalendaryo ng impeachment
32:15dahil marami pang panukalang batas na dapat ipasa bago matapos ang 19th Congress.
32:21Mula June 2 sa June 11 na ang presentation ng impeachment charges.
32:25Pag-convene ng impeachment court at panunumpa ng Senator Judges.
32:29Para sa akin yun ang importante makatulong sa tao at tigilan na ang pangunguna ng pampolitikang impeachment na yan.
32:38Pero sa kabilang banda, bakit inuurong ng inuurong yung impeachment?
32:42O tanggapin ninyo, talo na ang impeachment.
32:46Yun lang yun. Kahit ngayon, kahit sa Hulyo pa, talo na.
32:51Dismayado naman si outgoing Senate Minority Leader Coco Pimentel
32:55na binago ni Senate President Cheese Escudero ang impeachment calendar.
32:59Noong February 2025, nagpalabas na ng impeachment calendar si ESP.
33:06Di ba dinibati natin dati yun na fourth week?
33:10Dapat nga, hindi mo na hinihintay ang June 2.
33:12Pero siya na ang nasunod kasi lumipas na yung panahon.
33:16Dagdag ni Atty. Domingo Cayosa,
33:18tila dinidribol ng Senado ang impeachment ni VP Sara.
33:21Even if you look at the rules of the Senate itself,
33:25malinaw naman na pag may impeachment,
33:28it takes precedence over the ordinary legislative work.
33:33After pinangakuan niya ang taong bayan,
33:36nung nagko-complain na bakit dinidribol niya ito,
33:38pinapatagal niyo, dapat ito sa lalong madaling panahon ayon sa konstitusyon.
33:43Mahalaga raw na marinig ang magkabilang kapo,
33:46lalo't mabibigat ang paratang laban sa vice.
33:48Sana raw, hindi na umabot pa sa puntong makialam ang Korte Suprema.
34:04Bukod sa isya ng schedule,
34:06sabi ni dating Senate President Tito Soto,
34:08kailangan ding linawi ng Senado kung paano ang gagawin sa mga re-electionist.
34:12Manunumpa na kasi sila bilang Senator Judge sa June 11,
34:15pero magtatapos ang termino nila sa June 30.
34:18Si Pia kayo tanong, member siya ngayon.
34:22Ahoy, kasi re-election siya.
34:23Okay, tasabihin niya, continuing ba siya?
34:26Hindi, June 13 tatapos ang term niya.
34:29June 13 ng alas 12 na tanghali, bagong Senator Ulyse.
34:33Oo, ang daming questions nga.
34:35Oo, yun ang ano nun eh.
34:37Yung ang sitwasyon nun.
34:38Kaya justice civil talaga.
34:39So, hindi pwedeng sabihin na,
34:40hindi, ano yan eh, incumbent siya niya.
34:43Oo, hanggang June 13 incumbent.
34:45Oo, okay.
34:46July 1, bagong Senator Ulyse, bagong term Ulyse.
34:49Pero, kundinin, July 28 pa.
34:51Ang continuing, yung labindalawang 2028 pa natapos.
34:55Hindi naman pwedeng impi.
34:56Hinihingan pa namin ng tugon si Senate President Escudero.
34:59Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
35:02Mga kapuso, paalala pong muli,
35:10huwag hong babaliwalain ang rabies dahil ito po ay nakamamatay.
35:14Ang mga gustong kabakuna kontra rabies,
35:16dagsasa San Lazaro Hospital sa Maynila,
35:19ngayon pong lunes ng umaga.
35:21Paalala ng pamunuan ng ospital,
35:23meron ding libling rabies vaccine sa mga local government unit.
35:27Dapat daw taasan na mga LGU
35:29ang dami na mga nababakunahan kada araw.
35:31Dapat din daw makontrol ng mga LGU
35:34ang populasyon ng mga pagalagalang aso at pusa
35:38at bakunahan ang mga ito.
35:40Sa tala ng Department of Health,
35:42mahigit apat na raan ang naitalang kaso ng rabies noong 2024.
35:4697% ng mga kasong yan ay dulot ng hindi bakunadong hayo.
35:52100% ang fatality rate o lahat ng pasyente ay namatay.
35:5755% naman ang naitalang kaso ng rabies mula January
36:00hanggang March 1 ngayon pong 2025.
36:03Kung kayo po ay nakagat o nakalmot,
36:07hugasan agad ang sugat sa dumadaloy na tubig sa loob ng 10 minuto.
36:11Linisan ito ng alkohol o povidon iodine
36:15at pumunta agad sa Animal Bites Center at hospital
36:19para matingnan po kayo ng doktor at kayo ho ay mabakunahan.
36:24Mahalagang kumpletuhin ninyo rin ang susunod pang doses ng rabies vaccine
36:29para mas maging efektibo ito.
36:31Nagbabala ang Department of Health sa pagkalat ng mga peking balita o impormasyon
36:38kaugnay ng mga bagong kaso ng monkeypox o mpox sa bansa.
36:42Nitong weekend, inilunsad naman ang ahensya ang kampanya kontra Yossi at Vape.
36:46Narito po ang aking report.
36:47Inilunsad ng Department of Health ang kampanya kontra paninigarilyo at paggamit ng vape.
36:55Dito, pinakilala ang mga maskot ng kampanya.
36:58Si Nayossi Kadiri, Ateros Eva Lee at si Vape Sulasok.
37:02Si Eva Lee at si Vape Sulasok at si Atherosclerosis.
37:11So, pinapakita nito yung mga sakit na makukuha sa vaping.
37:14Yung atheros, yun yung atherosclerosis.
37:18Yung E-Valley or E-Cigarette and Vape Associated Lung Injury.
37:27Mas marami pang chemicals yung vape.
37:30So, very dangerous talaga na lululon yung mga kabataan sa vaping.
37:35So, yun yung mensahe namin.
37:36Sana talagang masunod yung batas pag below 18, hindi magwe-vape.
37:41Humingi rin ng media ng update tungkol sa mga kaso ng M-POX sa bansa.
37:45Kabila ang tungkol sa mga viral video na nagsasabing magsuot ng face mask para maiwasan ang pagkalat ng M-POX.
37:52Ako, yan ang problema sa ating social media.
37:55Andaming misinformation.
37:57Kahit nakamask ka, kung may skin-to-skin contact ka, magkaka-M-POX ka.
38:01Sa M-POX po, walang tulong yung face mask.
38:06Taliwas sa sinabi ni Health Secretary Ted Erbosa, ilang LGU at health office na ang naunang nagrekomendang magsuot ng face mask tulad sa Davo del Sur, Cagayan de Oro at Cotabato.
38:17Gatepan ni Erbosa, hindi dapat mangamba dahil mild variant lang daw ng M-POX ang nasa bansa ngayon.
38:23Hindi rin daw totoong tumataas ang kaso ng M-POX sa Pilipinas.
38:26Lahat ng M-POX na na-detect namin ay CLAID-2.
38:30Ang Public Health Emergency of International Matters ay CLAID-1B M-POX.
38:36Wala pong ganun sa Pilipinas kahit last year.
38:39In fact, nung nireview namin yung statistics ng M-POX last year at this year, mas mababa po ang cases ng M-POX.
38:47So, sa science, walang increase ng M-POX.
38:50Nagbabala rin ng DOH laban sa mga peking Facebook posts tungkol sa lockdown bunsod ng M-POX.
38:56Sex, sorry. M-POX pa rin to.
38:59M-POX na naman. Iyon po na. Ikaw na na sa po.
39:03Sir, kasi sa online, yung kumakalat na ano...
39:07Problema natin, nakikinig tayo sa online.
39:10Ito ang mga experts...
39:10May lockdown daw po ng June 10?
39:14Opo.
39:14Wala. Lockdown does not work for M-POX.
39:18Joy, lockdown does not work for M-POX.
39:21Why? Because it's skin-to-skin contact.
39:24Lalo pag nag-lockdown ka, lalong mag-skin-to-skin contact.
39:27Kapag ang umaray, e kaming nasa mga medical community, then makinig kayo.
39:34Kung katahimik kami, ibig sabihin, wala kaming nakikitang problema.
39:41Ayon sa DOH, hindi ang kabuoang bilang ng kaso ang kanilang tinututukan.
39:45Pag tumingin ka dun sa total, ang magiging impression is parang ang dami-dami yung kaso na natin.
39:51Simula noong 2024, 911 na.
39:55Tating na natin is on a per month basis.
39:58Yung na-detect natin is less than 50 cases per May.
40:02Nanawagan din ang DOH sa publiko na iwasan ang mga maling impormasyon tungkol sa M-POX.
40:08Patuloy din daw ang kanilang pagbabantay at pag-iingat na hindi makapasok ang mas malumang M-POX-Claid 1B variant sa bansa.
40:14Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
40:20Ito ang GMA Regional TV News.
40:27May natagpo ang patay na babae sa isang abandonadong gusali sa San Fernando, Pampanga.
40:33Sa Embesigasyon ng Pulisa, isa't kalahating araw ng patay ang babae.
40:37Bago nakita ang kanyang bangkay nitong Webes, May 29, at wala raw nakikitang foul play ang pulisa.
40:43May 27 daw ng huling makitang buhay ang babae.
40:47Inaalam pa ng pulisa ang pagkakakilala ng babae at sani ng kanyang pagkasawin.
40:52Huling pinatunayan ni Pino-Olympian Ernest John E. G. Obdiana na siya pa rin ang king of Asian pole vaulting.
41:04Nakakuha ulit ni Obdiana ang Ginto sa 2025 Asian Athletics Championships sa Gumi, South Korea matapos siyang maklear ang 5.77 meter mark.
41:13Ito na ang 3-peat win ni Obdiana mula na maging gold medalist sa parehong kumpetisyon noong 2019 sa Dubai at 2023 sa Thailand.
41:22Sa kanyang Instagram, shinair rin ni Obdiana ang isang groupie kasamang kanyang fellow winners.
41:26Silver medalist ang China at bronze medalist ang Thailand.
41:30Heartbroken
41:35Heartbroken
41:36Ganyan inilarawan ni Direk Mark Reyes ang pagpanaw ni TGIS star Rodwick Red Sternberg.
41:44Sa kanyang Instagram, shinair ni Direk Mark na nakumpirma niya ang balita sa misis ni Red na si Sandy Sternberg.
41:51Mahalaan niya ng TGIS barkada si Red at binibigyan ang kanilang kasamahan ng isang group hug.
41:56Nag-post din sa kani-kanilang social media pages ng mensahe ng pakikiramay ang TGIS co-stars na si Angelo De Leon at Michael Flores.
42:06Pumanaw ang 90s heartthrob na kilala sa karakter na si Kiko sa edad na 50 nitong May 27.
42:13Hindi na e-dinitalya ni Sandy ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang mister.
42:17Sa ngayon, umihiling muna sila ng panalangin at privacy sa panahon ng kanilang pagluluksa.
42:22Samantala, iginiit ng kampo ni Arnie Tevez Jr. na walang special treatment para sa dating congressman
42:32habang nakakulong sa NBI detention facility sa New Bilibid Prison sa Muntindupa.
42:37Sabi ng abogado niyang si Ferdinand Topacio, may makakasama si Tevez sa detention cell, gagamit ng common toilet at ventilador.
42:44Unang sinabi ng NBI na hiniwalay muna si Tevez sa ibang detainee para masanay siya sa kulungan.
42:51Mananatili si Tevez roon hanggat walang commitment order mula sa korte.
42:55Si Tevez ay akusado sa mga kasong pagpatay sa Negros Oriental,
43:00kabilang po ang pagiging mastermind umano sa pamamaril kay Nuoy Negros Oriental Governor Ruel de Gamo
43:05at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
43:09Dati nang itinanggi ni Tevez ang mga akusasyon.
43:14Sabi nga, basta estetik ang lugar, dadayuhin talaga yan.
43:21Lalo na sa mga Instagrammers, yung mga makamilig sa Facebook is life dyan.
43:26Facebook is life, relate much dyan, Mare.
43:28Dahil kung ganyan ang hanap mo, baka bet mo ang paandar na flower pasyalan.
43:34Saan ba yan? At nang maidagdag na sa listahan.
43:36Ito na.
43:38Ipin na sa inyong virtual maps ang buwakan ni Alejandra.
43:43Ang blooming tour spot sa Balamban, Cebu.
43:47Magaganda ang mga bulaklak saan ka man lumingon.
43:50Vibrant ang colors, kaya perfect sa mga mahilig mag-picture.
43:53Lahat ng yan, ma-experience sa halagang 100 pesos.
43:58Wow na!
44:00Ang ganda pang ano nga yan, pang IG.
44:02Graba po, oo, oo, beautiful.
44:05At para po sa inyong mga kwentong totoo, kwentong kapuso, sumali na sa YouScoop Plus Facebook group at ishare ang inyong mga larawan at video.
44:13Maaring mag-feature ang inyong istorya sa aming newscast.
44:16Gamitin lang ang hashtag YouScoop sa inyong mga posts.
44:19At ito po ang balitang hali. Bahagi kami ng mas malaking misyon. Ako po si Connie Sison.
44:27Rafi Tima po.
44:28Kasama nyo rin po ako, Aubrey Carampe.
44:30Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
44:32Bula sa GMA Integrated News, ang news authority na ang Filipino.
44:49Bula sa GMA Integrated News.
Recommended
48:02
|
Up next
45:08
39:03
44:27
43:49
47:53
42:11
20:04
46:16
43:15
45:56
12:13