Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/2/2025
-P/General Nicolas Torre III, nanumpa na bilang bagong lider ng Phl National Police

-PGen. Nicolas Torre III, itinalaga ni PBBM bilang bagong hepe ng PNP

-Repair sa EDSA, ipinagpaliban ni PBBM nang hindi bababa sa isang buwan

-Oil Price adjustment, ipatutupad bukas

-Mudflow, namerwisyo sa boundary ng New Bataan at Maragusan

-Mahigit 30 lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index

-Isa, patay matapos masalpok ng truck ang isang tricycle sa Brgy. Ubaliw

-Bangkay ng babae, natagpuan sa bakanteng lote sa Brgy. Dalig/ Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa ilog

-LPG rollback, epektibo ngayong Hunyo

-Magtiyuhin, patay matapos malunod sa bahagi ng Chico River sa Brgy. Namuccayan

-Lalaking bumaril sa aso ng kanyang kapitbahay, sumailalim na sa inquest proceedings

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nanumpa na ang bagong hepe ng Philippine National Police.
00:03Sa kanyang unang talumpati, inilatag ni General Nicholas Torre III
00:06ang mga direktibang ipinutu o patutupad sa kanyang liderato.
00:10At may ulat on the spot si June Benrashon.
00:13June!
00:18Rafi, Connie, official ngang umupo bilang Chief PNP si General Nicholas Torre III.
00:25Ito may yung guest of honor sa turnover ceremony si Pangulong Bongbong Marcos
00:30kung saan pinangunahan niya ang pagsasali ng PNP leadership kay Torre
00:35mula kay General Romel Francisco Marbil.
00:39Makasaysayan ito dahil ito ang unang pagkakataon na ang PNP Chief
00:43ay mula sa Philippine National Police Academy o PNPA.
00:46Hindi gaya dati na puro mga taga PMA o Philippine Military Academy ang naitalaga.
00:51Isa sa mga direktiba ni Torre ay magkaroon ng three-minute response time
00:55sa mga major urban areas.
00:58Lahat daw ng tawag ng publiko ay dapat matugunan.
01:02Kapag nabigo ang mga commander na ito na ipatupad
01:05ay marami raw ang nakaabang para sila ay palitan, sabi ni Torre.
01:10Ang pag-angat ng karera ng polis ay merit-based
01:13at hindi na pwedeng batay sa endorsement na kung sino-sino.
01:17Malaking bagay rin daw sa pag-evaluate ang performance ng mga polis
01:20ay ang dami ng kanilang mga naaaresto.
01:23Pero babala ni Torre, dapat ang paramihan ng huli ay base sa ebidensya.
01:29Hinamon naman ng Pangulo si Torre na panitlihing malinis ang hali ng PNP
01:33at pabilisin ang proseso ng pagpapanagot sa mga tiwaling polis.
01:37Sa ngayon, wala naman daw malakihang reshuffle na mangyayari
01:40sa mga nakaposisyon sa PNP.
01:43Pero may mga pagbabago dahil na rin sa pag-re-retiro ng ilang opisyal.
01:50Today marks more than a beginning.
01:55It is a defining moment.
01:57Thus, let us seize it with unwavering courage,
02:00grounded in humility and a relentless commitment
02:03to serve the Filipino people with honor, excellence and integrity.
02:11Maraming salamat po.
02:12Mabuhay ang pambansang pulisya.
02:14Mabuhay ang bagong Pilipinas.
02:16Mabuhay ang sambayanang Pilipino.
02:17At sa bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!
02:27Dahil gusto ng mga pulis ay ligtas ang publiko,
02:30ay isa sa mga utos rin ni General Torre
02:33ay yung mas matinding pulis visibility sa mga matataong lugar.
02:37Raffi, Connie?
02:39Yes, June, alam naman natin na napaka-payat, no?
02:43Talagang maganda ang itsura at makisig po ang itsura ng ating bagong chief PNP.
02:47Meron bang direktiba na dapat wala rin siya?
02:50Yung iba pang mga pulis tulad ng mga ibang nakaraan na mga direktiba sa kanila, June?
02:55Naabangan natin yan, Connie, dahil alam naman natin kung gaano ka fit itong si General Torre.
03:05Nakita naman natin doon sa Davao, yung pagpapa-aresto nga.
03:09Ito kay Pastor Apollo Kibuloy, nakikita nga na nagja-jagging pa,
03:13na nakabulit vest, nakamidalang rifle.
03:18Itong si General Torre, makikita natin kung ganyan din ang kanyang gagawin sa mga kanyang tauhan.
03:26Setting by example, yung ganyang klaseng pamumuno.
03:30Yan yung gusto niya rin pamarisan ng mga pulis na kanyang pamumunuan sa mga susunod na buwan.
03:37O kasi kung may tatlong minuto na talagang paghabol, dapat talagang makahabol pati yung mga pulis at fit sila, June.
03:43Ayan, naabangan natin. Maraming salamat, June Veneracion.
03:48Naging maugong na ang pangalan ni Police General Nicholas Torre III bago pa naging PNP Chief.
03:56You are under arrest for obstruction because it's even 29 there.
04:00Let's go.
04:01What's up, please?
04:02What's up?
04:03Si Torre ang nanguna sa operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.
04:08Nang-arestuhin itong Marso si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamore Air Base
04:13bago siya madala sa The Hague, Netherlands para humarap sa International Criminal Court.
04:17Siya rin na nanguna sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quibuloy noong nakarang taon na ilang linggong nagtagal.
04:25Director pa siya noon ng Davao Police Regional Office.
04:28Ayon sa Malacanang, ang dalawang malalaking misyon ito kabilang daw sa mga naging dahilan sa pagpili kay Torre bilang bagong hepe ng Philippine National Police.
04:37Naging hepe si Torre ng Quezon City Police District hanggang magbitiw siya sa pwesto.
04:41Kaugna yan sa kontrabersya na pinaboran mo na niya ang road bridge suspect at dating polis na si Wilfredo Gonzalez.
04:47Si Torre ang unang graduate ng Philippine National Police Academy o PNPA na hahawak sa pinakamataas na pwesto sa pulisya.
04:55Mga kapuso, postponed o pinagpaliban muna ang rehabilitation project sa EDSA.
05:02Kasunod po yan ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:05Sa June 13, dapat sisimulaan ang EDSA rebuild pero ipagpapaliban muna ito ng hindi bababa sa isang buwan.
05:11Gusto ng Pangulo, mas pag-aralan pa ng Department of Transportation at Department of Public Works and Highways ang proyekto.
05:19Dati nang sinabi ng DPWH na posibleng tumagal ang EDSA rebuild ng dalawang taon.
05:24Ang gusto naman ng Pangulo, mapabilis ito ng hanggang 6 na buwan lamang.
05:29Susunod naman daw sa direktibang yan ang DOTR at DPWH.
05:33Kasunod ng post-poment ng EDSA rebuild, hindi rin muna ipatutupad ang odd-even scheme sa EDSA ayon sa MMDA.
05:40Hahanap din daw ang MMDA ng iba pang paraan para maibsa ng traffic sa oras na simula ng EDSA rebuild.
05:47Abiso sa ating mga motorista, may paggalaw po sa presyo ng ilang produktong petrolyo bukas.
05:57Sa anunsyo ng ilang kumpanya, may dagdag na 40 centavos kada litro sa gasolina.
06:0130 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng diesel habang may bawas namang centavos sa kada litro ng kerosene.
06:08Tuloy-tuloy po ang ulan sa iba't-ibang panig ng bansa.
06:18Sa boundary ng New Bataan at Maragusan, Davao de Oro,
06:21nagresulta po ang masamang panahon na yan sa mudflow at paghuhuho ng lupa.
06:26Isang lane lamang ng kalsada ang nadaraanan ng mga motorista.
06:29Patuloy ang clearing operation sa lugar.
06:31Nagka-lanslide din sa barangay Maliko, San Nicolás, Pangasinan dahil sa malakas din po na ulan nitong weekend.
06:38Sina ba yan pa yan?
06:39Nang malakas na hangin, yung pagulan na yan sa ilang panig po ng Lawag, Ilocos Norte.
06:44Sa kabila po niyan, ay itinuturing ito ng mga magsasaka bilang biyaya dahil malaking tulong daw sa kanilang pagsasaka naman yan.
06:52Umaga pa lamang po kahapon ay inulan na rin ang Kabanatuan Nueva Ecija.
06:57Lumakas pa ng bandang hapon at gabi.
07:00Ayon sa pag-asa, habagat po ang nagpapaulan sa Luzon mula pa nitong weekend habang mga local thunderstorm naman sa Visayas at Mindanao.
07:10May mga pagulan man ngayon sa bansa, humanda pa rin sa amalinsangang panahon lalo sa mahigit 30 lugar sa bansa.
07:16Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 46 degrees Celsius na heat index sa Echage, Isabela,
07:2245 degrees Celsius sa Tuguegaraw, Cagayan, G1 Eastern Samar at sa Dipolog, Sambuanga del Norte.
07:2944 degrees Celsius sa Infanta at Alabat, Quezon, Daet, Camarines Norte at sa Masbate City.
07:3643 degrees Celsius naman sa Pari, Cagayan at ilan pang bayan at syudad sa Luzon at Visayas.
07:42Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong araw sa Calayan, Cagayan at iba pang panig ng bansa.
07:48Sabi po ng pag-asa, sa kabila ng mainit at malinsangang panahon, mananatiling ng mataas ang tsansa na ulan sa ilang bahagi ng bansa lalo na sa western section kasama na po ang Metro Manila.
08:00Patuloy kasing naka-apekto ang hanging habagat sa Luzon.
08:04Local thunderstorm naman ang aasahan sa Visayas at Mindanao.
08:08Huli ka, mga tricycle at kotse na yan na binabaybay ang Maharlika Highway sa Barangay Ubaliw, Pulanggialbay.
08:15Unti-unting lumipat ng linya ang tricycle nang biglang mag-overtake ang kotse at nasagi ang tricycle.
08:21Nawala ng kontrol ng tricycle hanggang sa masalpok ng paparating na truck.
08:25Tumilapan ang driver at dalawang pasahero ng tricycle.
08:28Isinugod sila sa ospital pero diniklarang dead on rival ang isa sa mga pasahero.
08:33Sugatan ang driver at isa pang pasahero.
08:36Nasa kustodian na ng mautoridad ng driver ng truck.
08:39Wala siyang pahayag.
08:41Kinagahanap naman ng mautoridad ang driver ng kotse na tumakas matapos ang insidente.
08:48Pasintabi po sa mga kumakain.
08:50Dalawang bangkay ang magkahihwalay na nakita sa Pasig at Antipolo Rizal.
08:55Balitang hatid ni EJ Gomez.
08:58Sa masukal na bakanteng loting ito sa barangay Dalig, Antipolo City,
09:03natagpuan ang isang bangkay ng babae pasado tanghali nitong Sabado.
09:09Ang biktima na aagnas na ng matagpuan sa lugar.
09:13Isang nangangalakal ng basura daw ang unang nakakita ayon sa barangay.
09:17Kasi yung medyo tabi po noong pinagtataponan rin ang mga basura.
09:21Tabing highway kasi.
09:23Siguro pagdaan, napansin niya parang mabaho.
09:25Pag silip sa bakod, no yun nakita niya.
09:29Ayun po, tumabad po yung bangkay na nakahiga.
09:32Medyo may kumot pa at may unan.
09:35Na naagnas na yung muka.
09:37Na medyo iba ng amoy niya.
09:40Mabaho na.
09:41Yung babae nakahiga.
09:43Tapos may mga tala siyang parang mga gamit.
09:45Pinagtulong ang buhatin ang bangkay mula sa gitnang bahagi ng bakanting lote palabas sa highway.
09:53Hindi pa tukoy ang pagkakakilala ng bangkay.
09:56Pero ayon sa barangay, posibleng hindi residente ng Barangay Dalig ang biktima.
10:01Sa ngayon po ma'am, wala naman po naghahanap pa na residente ng Barangay Dalig para kung may nahanawawalang kamagahanap.
10:09Wala naman po.
10:10Ay napag-alam mo parang medyo pag-alagala lang yata yung tao na yun, yung babae.
10:17Patuloy ang investigasyon ng pulisya sa insidente.
10:21Sa ilog na ito, sa Barangay Santolan sa Pasig City, isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang kahapon.
10:29Ang lalaki nakitaan ng dugo sa ilang parte ng katawan.
10:33Bakas din ang dugo sa kanyang damit.
10:35Nakita namin may dugoan siya sa ilong, may dugo sa tainga, sa ulo, may bukol, at saka sa leeg.
10:43Yung tohon niya may damage at saka sa mga siko.
10:48Tapos yung kamay niya sa daliri, nandun yung bag niya nakapulopot.
10:54Base sa investigasyon ng mga otoridad, posibling ilang araw nang nasa ilog ang bangkay.
11:00Inaalam pa ang pagkakakinala ng lalaki na posibling dayo raw.
11:04Sa ngayon ma'am dito sa Santolan, wala pa kaming alam na missing person.
11:09Kaya alam-alam ko, galing sa ibang lugar po.
11:12Kasi ma'am, ang daloy ng tubig, pababa po hanggang dito sa Santolan, river ng Pasig.
11:19At the floodway.
11:20EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:24Good news sa mga suki ng liquefied petroleum gas o LPG, nag-rollback ang presyo niyan sa pagpasok ng Hunyo.
11:36Para sa Petron, may tapyas niya na 1 peso at 75 centavos kada kilo.
11:411 peso at 64 centavos naman ang tapyas sa kada kilo ng LPG ng Sulayn.
11:46Ang rollback ay dahil sa pag-ubari ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
11:50Ito ang GMA Regional TV News.
11:58May init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
12:03Patay ang isang lalaki matapos malunod sa Chico River sa bahagi ng Santo Niño, Cagayan.
12:09Chris, bakit daw nalunod?
12:10Tony, tinangkaraw kasi niyang hanapin at sagipin sa ilog ang nawawala niyang pamangkin.
12:18Ayon sa impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, dumalaw ang biktima at dalagitang pamangkin sa kanilang kaanak doon.
12:25Nagkayayaan daw sila at limang iba pa na mag-piknik at maligo sa ilog nitong Sabado.
12:31Sa gitna ng swimming, napansin daw ng grupo na nawawala ang naliligong dalagita.
12:37Doon na nagdesisyon ng biktima na tumalon sa ilog pero hindi na nagawang umahon dahil sa lalim ng tubig.
12:43Agad na ikinasang search and rescue operation para mahanap ang magtiyuhin.
12:47Unang natagpuan ng tiyuhin na idineklarang dead-on arrival sa ospital.
12:52Kahapon naman ang madaling araw na recover ang bangkay ng dalagita.
12:5630 metro ang layo kung saan sila naligo. Walang pahayag ang kanilang mga kaanak.
13:02Sa bataan naman, sumailalim na sa inquest proceedings ang lalaking bumaril sa isang aso sa barangay Kalaylayan sa Abukay.
13:10Paglilinaw ng pulisya, kapitbahay ang bumaril sa aso at hindi ang may-ari.
13:15Paliwanan ng sospek sa pulisya.
13:17Hinabol at muntik na raw kagatin ng aso ang kanyang asawa kaya binarin niya iyon.
13:23Ligtas naman ang aso na tinamaan ng balas sa paa.
13:27Naharap ang dalaki sa mga reklamong paglabag sa Animal Welfare Act,
13:30alarms and scandals at paglabag sa Omnibus Election Code.

Recommended