Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
- Lalaking nanghablot ng cellphone sa Tayuman St., arestado matapos maharang ng truck ng bombero

- Inaasahang 1.7M na high tide mamayang bago mag-2pm, pinaghahandaan ng ilang residenteng malapit sa ilog

- PAGASA: May bagong Low Pressure Area sa loob ng Phl Area of Responsibility; trough ng LPA, magpapaulan sa Bicol, Eastern Visayas, Aurora at Quezon

- Oil price rollback, ipatutupad bukas

- DOE: 4 na kompanya ng langis, pumayag na magbigay ng P1/L diskuwento sa mga PUV

- P10,000 halaga ng gadget at pera, natangay ng lalaking nanloob sa isang bahay sa Brgy. Poblacion

- 3 lalaking nanguha umano ng copper tubes ng mga aircon sa compound ng isang simbahan, arestado

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:29Ang angkas ng motor, biglang hinablot ang cellphone ng pasahero ng tricycle na nakaparada sa tabing kalsada.
00:36Hinabol po nung biktima yung nanghablot po ng cellphone niya, nahila niya po yung likod niya.
00:44Bigla pong nalaglag po yung taot sa yung humablot po.
00:50Na-out of balance po kasi siya, nahablot po siya nung biktima.
00:54Ayon sa pulisya, malaki ang tulong ng BFP sa pagkaka-aresto sa lalaking ng hablot ng cellphone.
01:01Noong time na po na nahablot na po nung suspect yung cellphone po nung biktima natin,
01:07papadaan din po yung fire truck ng BFP natin.
01:10So ang nangyari po, hinarang nila yung motor na sinasakyan po nung suspect natin.
01:16Nasugatan pa ang suspect nang sumabit daw sa fire truck habang tumatakbo.
01:20Ang kasabot niyang nagmamaneho ng motor, nakatakas.
01:24May sumigaw po kasi na may snatcher, may snatcher.
01:27Kasalukuyan pong nandun po yung polis natin na nagpa-patrolya,
01:30agad pong na-respond din yung tao pong nangailangan ng tulong.
01:34Na-aresto ang 23-anyos na suspect na tumangay sa cellphone.
01:37Ayon sa pulisya, humigit kumulang 10,000 piso ang tinatayang halaga nito.
01:43Aminado ang arestadong suspect sa pagnanakaw.
01:46Nagkakawalan po yun kasi sa irap ng buhay. Kapos po sa pera, first time lang po yun.
01:52Dati na raw siyang nakulong dahil naman sa illegal possession of firearms.
01:56Reklamong robbery ang isinampalaban sa suspect na nakakulong sa Santa Cruz Police Station.
02:01At tuloy na tinutugis ang kasabot niya.
02:05Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:09Ilang residente ng Navotas ang lumikas muna dahil sa matinding pagbaha.
02:17Nadulot po ng high tide at pagkasila ng bahagi ng river wall.
02:21Nangangamba rin silang maulit yan dahil sa inaasahang high tide mamaya pong hapon.
02:27Balitang hatid ni James Agustin.
02:29Hating gabi na abala pa rin ang mga taon ng DPWH sa paglalagay ng plywood at sandbags.
02:38Sa bahagi ng river wall na nasira noong Sabado sa barangay San Jose Navotas,
02:42nagdagdag sila ng mga sandbag dahil inaasahang 1.7 meters na high tide
02:47bago mag-alas 2 ng hapon ngayong araw.
02:49Pinagana na rin ang pumping stations.
02:51Kahapon, kahit pa may sandbags na ito,
02:54ay bumigay pa rin at hindi kinayang agos ng tubig.
02:57Ang pagkasira ng bahagi ng river wall na sinabayan pa ng high tide
03:01at hindi pa naaayos sa tango Stanza Navigational Gate.
03:04Nagdulot ng pagbaha sa ilang kalsada sa lungso.
03:07Dalawang araw na ito naranasan ang mga residente.
03:10Si Peregrino, inabutan naming hinahakot ang kanya mga gamit.
03:13Sa 6 na dekada raw niyang paninirahan sa lugar,
03:16ngayon lang nila naranasan na ganitong kalalang pagbaha.
03:19Kaya ang kanyang mag-anak uuwi muna sa Nueva Ecija.
03:22Si Gurley naman abala sa paglilinis ang kanilang mga gamit na nalubog sa tubig.
03:41Nangangambaraw sila dahil high tide na naman mamayang hapon.
03:45Hindi namin nasa. Actually, pag high tide, wala naman siyang problema.
03:50Kung baga, for the first time, for how many years na high tide?
03:54Except pag may bagyo ah.
03:56Ayun, wala talaga.
03:58Kasi nga nasira daw yung pader.
04:01Sa tala ng CDRMO, umabot sa mahigit 260 pamilya ang lumikas.
04:0677 pamilya ay nananatili sa evacuation center,
04:10habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak.
04:13Dahil naman sa inaasahang high tide ngayong araw,
04:16asynchronous classes munang ipatutupad sa Navotas Elementary School 1,
04:20Tanza Elementary School, at Tanza National High School.
04:24Gayun din sa Navotas National High School,
04:26Navotas National Science High School,
04:28at Bagong Bayan Elementary School.
04:31James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
04:35May bagong low pressure area na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
04:40Namataan niya ng pag-asa 1,125 kilometers silangan ng Central Luzon
04:45na nanatiling mababa ang tsansa ng nasabing LPA na maging isang bagyo.
04:49Sa kabila niyan, magpapaula ng trough o extension ng LPA
04:53sa Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora at Quezon Province.
04:57Ang malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila
05:00ay uulanin naman dahil sa hanging habagat.
05:03Pusibli naman ang mga local thunderstorms sa ilang panig ng Luzon
05:07base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
05:09Asahan po ang ulan sa halos buong bansa sa mga susunod na oras.
05:13May heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
05:18Pinaaalerto ang ating mga kapuso sa Malabod City sa pagdating ng high tide mamayang 1.45 ng hapon.
05:24Pusibling mabot yan ng 1.70 meters ayon sa LGU.
05:29Bip-bip-bip sa mga motorista, may inaasahang rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo bukas.
05:41Batay sa anusyo ng ilang kumpanya, 1 peso and 80 centavos kada litro ang bawas presyo sa diesel
05:47matapos ang apat na linggong oil price hike.
05:50Sa gasolina naman, may bawas presyo na 1 peso and 40 centavos matapos ang 6 na linggong taas presyo.
05:562 pesos and 20 centavos naman ang bawas sa kada litro ng kerosene na tumaas ang presyo sa nakalipas na tatlong linggo.
06:04Ayon sa Department of Energy, epekto ang rollback ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
06:13Pumayag ang apat na kumpanya ng langis na magbigay ng diskwento sa mga public utility vehicles.
06:18Ayon kay Department of Energy Officer in Charge Sharon Garin sa panayam ng Super Radio DZBB,
06:24pumayag ang Petrohan, Caltex, Shell at Clean Fuel na magbigay ng piso kada litrong discount sa mga PUV.
06:31Malaking tulong na raw ito sa mga tsuper, lalot hindi makontrol ng kagawaran ang presyo.
06:36Noong nakaraang linggo, pautay-utay na ipinatupad ang oil price hike para na rin maibsan ang epekto nito sa mga motorista.
06:46Huli kamang lalaking niya na inakyat ang pader na isang bahay sa barangay poblasyon, Polomolok, South Cotabato.
06:51Nagmasid-masid siya at sumisilip sa bintana hanggang sa tuluyang buksan ang bintana at pasukin ang bahay.
06:58Una niyang hinalughog ang sala at ilang beses nagpabalik-balik sa bintana para ilabas ang mga ninakaw ng mga gamit.
07:05Bukod sa sala, pinuntahan din niya ang kusina at mga kwarto sa unang palapag ng bahay bago lumabas.
07:11Ayon sa may-ari ng bahay, natangay na magnanakaw ang tablet, wallet na may lamang pera, mga card at ID.
07:18Aabot umano sa 10,000 pesos ang nakuha ng lalaki.
07:21Batay sa investigasyon, natutulog lang sa second floor ang mga residente ng bahay.
07:26Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspect.
07:30Pati copper tubes na mga aircon sa isang simbahan sa Quezon City, hindi na po pinalagpas na mga magnanakaw.
07:38Tatlong arestado na itinanggi ang aligasyon.
07:41Balitang hatid di James Agustin.
07:43Kita sa CCTV footage ang tatlong lalaki na binababa ang mga copper tube mula sa isang tricycle.
07:52Sa bagay ito ng Barangay Bungad Quezon City madaling araw nitong Sabado.
07:56Inilagay muna nila ito sa gilid ng kalsada at inayos.
08:00Ang mga copper tube, ninakaw pala nila sa compound ng isang simbahan.
08:04Sa CCTV naman ito, kita ang isang lalaki na kinukuha ang mga copper tube ng air conditioning units.
08:10Ayon sa polisya, nadiskubre ng isang empleyado ng simbahan ang pagnanakaw.
08:14Nasilip ng ating komplainant sa kanyang cellphone na
08:20yung live CCTV footage na merong nangaganap na pagnanakaw dun sa kanilang simbahan.
08:27Bandang alas dos ng umaga.
08:30Kaya tumawag po sila sa ating PNP hotline, 9-1-1.
08:37Kaya agad-agad po nakapag-respond din ang ating kapulisan.
08:42Sa mga nat-operation ng polisya na aresa ang tatlong sospek.
08:46Natunto nang ginamit nilang tricycle.
08:48Pero hindi na nabawi ang mga ninakaw ng copper tubes.
08:51Inaalam pa raon ng polisya kung may grupong ganabibilangan ng mga sospek na ganito ang modus.
08:56Itong mga sospek meron mga previous cases ng robbery, robbery akit bahay,
09:04as violation ng 10-5-9-1, yung barel.
09:07Yung isang sospek po natin, nakulina rin siya sa seksyon 11 ng 9-1-6-5 ng anti-illegal drugs.
09:16Itinanggi ng mga sospek na sangkot sila sa pagnanakaw.
09:20Hindi ko magagawa. Pinaralam po ako ng mga pasero ko na hindi ko kilala.
09:25Sir, wala po akong kinalaman din, sir.
09:27Ako po yung may ari ng tricycle talaga. Pinapabiyay ko lang siya.
09:30Hindi po ako doon nasama po. Wala po talaga po akong alam doon.
09:34Nasaan pa na ang mga sospek ng reklamong robbery.
09:37James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:41Nasaan pa na ang mga sospek.

Recommended