Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/7/2025
-Driver's license ng motoristang gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho, sinuspinde ng LTO

-Presyo ng ilang gulay, inaasahang tataas dahil sa maulang panahon; ilang gulay na mabilis masira, bumaba ang presyo

-Tindahan ng balut sa Brgy. Baliok, ninakawan

-Pilang exclusive sa mga estudyante, itinalaga sa MRT-3 at LRT-2 para mas mapabilis ang pag-avail ng 50% student discount

-4 PMA cadets, inireklamo ng kapwa-kadete nila dahil sa pangmamaltrato at pag-hazing umano sa kanya

-Mag-live-in partner, arestado dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga; P680,000 halaga ng umano'y shabu, nasabat

- SK Office sa Brgy. 16 na ginawang talyer, sinalakay; pinalilinis ng LGU sa loob ng 5 araw

-3, patay sa sunog sa Brgy. Ampid 1; 1 naman ang sugatan

-P20/kilong bigas, mabibili na rin ng "Walang Gutom Program" beneficiaries sa Tondo

-Mika Salamanca, thankful sa overwhelming support after maging Big Winner sa "PBB Celebrity Collab Edition" ang #BreKa

-Text at message alert sa mga lumabag sa NCAP, inilunsad ng MMDA

-Certified encantadik, nagpabilib sa mga obra niyang D.I.Y. baluti ng Encantadia characters

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:0070 araw, sinuspindi ng Land Transportation Office ang lisensya ng isang driver na kinukunan ang video ang sarili habang nagmamaneho ng sports car.
00:09Ayon sa LTO, malino na paglabag sa batas trapeko ang ginawa ng driver na para lang naman daw sa online content.
00:16Posible raw panagutin ang driver sa reklamang reckless driving, pati sa paglabag sa Anti-Distracted Driving Act at Land Transportation and Traffic Code.
00:25Pinagpapaliwanag siya sa LTO at ang nakarehistro ang may-ari ng sasakyan.
00:28Hindi pinangalanan ng LTO ang driver pero naka-attribute or courtesy sa isang Josh Mojica ang larawang ginamit sa social media post.
00:37Isinare ni Mojica ang naturang post at may caption na anay quote,
00:40Hindi ako yan, promise. End of quote.
00:43Sinisika pa rin ang GMI Integrated News na kunin ang pahayag ni Mojica, kaugnay nito.
00:48Eto naman para sa mga mamimili po riyan, ihanda na ang budget dahil, naku, inaasahan pong tataas din ang presyo ng gulay.
01:02Ang kailang nagtitinda sa broom and treat market sa Maynila, may taas presyo na dahil sa gasto sa transportasyon
01:09at mabilis na pagkasira ng ilang gulay tuwing maulan po ang panahon.
01:13Pero kung naapektuhan na ng ulan ang kalidad ng kanilang paninda,
01:18napipilitan naman po silang ibenta ang mga gulay sa mas mababang presyo kaysa naman masayang.
01:24Sa ngayon, nasa 60 pesos ang kada kilo ng repolyo sa broom and treat market, 60 hanggang 80 pesos ang talong,
01:31tig 140 pesos ang bawang at sibuyas, 60 pesos per kilo ang kamatis at nasa 80 hanggang 100 pesos ang carrots,
01:40180 pesos ang broccoli at 200 pesos naman ang cauliflower.
01:45Batay naman sa latest monitoring ng Department of Agriculture,
01:48nasa 40 hanggang 120 pesos per kilo ang repolyo sa NCR,
01:5270 hanggang 150 pesos ang talong, 85 hanggang 170 pesos ang sibuyas at 140 hanggang 170 ang bawang.
02:03Mabibili po ang kamatis ng 35 hanggang 80 pesos per kilo,
02:0760 hanggang 130 pesos ang carrots, 120 hanggang 280 pesos ang broccoli at 120 hanggang 250 pesos ang cauliflower.
02:16Makikita ang pagdating ng lalaking na kasuot ng helmet sa tindahan ng balot sa barangay Ballyok, Davao City.
02:26Umorder siya at nagbayad.
02:28Saglit namang umalis ang tendera na may binili-umano sa katapat na tindahan.
02:32Ilang sandali lang, dumiretsyo ang customer sa counter at binuksan ang drawer na naglalaman ng kita ng tindahan.
02:38Kinuha niya yun, isinilid sa kanyang bulsa at umalis.
02:42Ayon sa may-ari, aabot ng 4,500 pesos ang natangay ng kawatan.
02:47Huli kam din ang pagnanakaw ng isang lalaki sa printing shop sa barangay 38D sa Davao City pa rin.
02:54Kinuha niya ang dalawang cellphone na nasa likod na isang sofa.
02:58Ayon sa embesigasyon, pagmamay-ari ng mga empleyado ng naturang shop ang mga ninakaw na cellphone.
03:03Patuloy na hinahanap ang mga salarin.
03:09May designated student lanes na sa MRT3 at LRT2 stations.
03:15Ayon sa Department of Transportation, para po yan maiwasan ang mahabang pila para sa 50% na discount sa mga estudyante.
03:23Inaasahang makatutulong po ang dedicated student lanes para maiwasan ang hassle sa pagpila.
03:28Noon kasing ipinatupad ang mas mataas na discount para sa mga estudyante,
03:32may ilang pinipili pa rin magbayad ng regular na pamasahe dahil sa haba naman ng pila.
03:42Isang kadete ng Philippine Military Academy ang nagreklamo ng pananakit at umano'y hazing sa kanya ng ilang kapwa kadete.
03:49Ang PMA sinabing sinaktan nga ang biktima ngunit hindi raw yun itinuturing na hazing.
03:54Balita ang hatid ni Marisol Abduraman.
03:56Naharap sa reklamong paglabag sa Republic Acts 8049 o Anti-Hazing Acts of 2018,
04:06ang apat na kadete ng Philippine Military Academy o PMA, matapos ireklamo ng kapwa nila kadete.
04:11Nagpunta sa aming tanggapan, particularly sa station 4 yung isang kadete upang maghain ng reklamo laban sa mga kapwa niya kadete dahil umano sa paghehasing, pagmamaltrato sa kanya.
04:28Ayon kay Police Major Marcy Maron, Public Information Officer ng Baguos City Police Office,
04:33batay sa salaysay ng biktima, ilang beses nangyari ang pananakit sa kanya noong 2024.
04:37Binubugbog daw siya, especially kung nasa loob ng barracks noong September 29, which hindi na niya nakayanan.
04:46Yun nga, na-hospital siya, na-transfer siya sa Viluna Medical Center, where he was confined there noong October for several days.
04:56Sabi ng polis siya, lumabas itong June 30 ang medical discharge ng nagre-reklamong kadete.
05:01Lumabas sa embesigasyon ng PMA na sinaktan nga ang biktima, pero hindi na nila ito itinuturing na hazing.
05:08The injuries were caused by their classmates venting out their frustration on their squadmate,
05:14which, because they believe the performance of their classmates is affecting their squad,
05:23the incident does not fall under the legal definition of hazing as stated in the Anti-Hazing Act,
05:29which requires acts of violence or abuse to be committed as part of the admission process in the organization.
05:36Gayunman, naparosahan na raw ang mga sangkot na kadete.
05:40The involved cadets were given appropriate punishments depending on the degree of their participation.
05:47The Philippine Military Academy has a strict zero tolerance on maltreatment and hazing,
05:52and such acts has no place in our institution.
05:55Nere-respeto rin daw ng academy ang desisyon ng pamilya na magsampan ng reklamo laban sa mga sangkot na kadete.
06:01The victim still retains his right to file a case in civilian court should he choose to do so.
06:07Nasa Bagu Prosecutor's Office na ang reklamo at inaalam kung may basihan para maglabas ng warrant.
06:14Marisol Abduramal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:19Ito ang GMA Regional TV News.
06:28Arestado ang isang mag-live-in partner dahil sa pagbebenta-umuno ng iligal na droga sa Naik, Cavite.
06:34Batay sa desisyon, ibinibenta ng mga sospek online ang iligal na droga.
06:39Nasa bats operasyon ang humigit kumulang sandaang gramo ng umunig siyabu na nagkakalaga ng 680,000 pesos.
06:46Nakuha rin sa kanila ang perang ginamit sa operasyon, cellphone, debit card at timbangan.
06:52Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
06:54Maharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawa.
07:02Sinalakay sa Bacolod City ang isang opisina ng sangguniang kabataan na ginawang talyer.
07:08Nakatambak ng mga gamit at iba't ibang kinukumpuning sasatyan ang nadatnan sa harapan ng opisina sa barangay 16.
07:15Ayon sa isang kagawad, pinayagan ng barangay kapitan ang driver ng kanilang ambulansya na gawing talyer ang lugar.
07:23Nasa isang dekada na raw kasing hindi nagagamit ang opisina na dati rin naging polistisyon noong COVID-19 pandemic.
07:30Paliwanag naman ng driver na gumagamit sa lugar, hindi sila rumirenta sa barangay.
07:36Wala rin anyang porsyentong natatanggap ang kapitan sa mga kinukumpunti niyang sasatyan.
07:41Iniutos na ng Bacolod City Legal Office na linisin ang lugar sa loob ng limang araw.
07:47Nasa sandaang iligal na istruktura rin sa mga karating na barangay ang nakatakdang isa ilalim sa cleaning operations.
07:54Handa naman daw makikipagtulungan ang mga may-ari ng mga iligal na istruktura sa lugar.
07:59Ito na ang mabibilis na balita.
08:05Patay ang tatlong magkakaanak nang masunog ang kanilang bahay sa barangay Ampit Uno, San Mateo Rizal.
08:11Nakatalo naman mula sa ikalawang palapag ang isa pa nilang kaanak na nagtamu naman ang first degree burns.
08:16Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.
08:22Nahirapan din daw makapunta roon ang mga bumbero dahil ginagawa ang kalsada papunta sa lugar.
08:27Inaalam pa ang sanhinang apoy.
08:29Sugata ng isang lalaking 51 anyos nang barilin umano ng kanyang kainuman sa Malabon.
08:37Ayon sa pulis siya, nagkainitan ng biktima at ang suspect.
08:40Kwento ng asawa ng biktima, wala namang dating alita ng dalawa.
08:44Arestado ang 53 anyos na lalaking namaril.
08:48Nabawi sa kanyang baril na pasunaraw ang lisensya ayon sa mga pulis.
08:52Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
08:53Formal ng biruksan ang pagbibenta ng 20 pesos kada kilong bigas sa tondo sa Maynila para po sa mga beneficiary ng walang gutom program.
09:05At may ulat on the spot si Dano Tingcunco.
09:08Dano?
09:08Batch ng beneficiary sa makikinabang sa 20 pesos sa bigas ang solo parents, senior citizens at PIDBDs na kasalukuyang 300,000 sa buong bansa.
09:20Sa Morsac Basketball Court sa mga 16 may kios kung saan gagamitin ang mga beneficiary sa kanilang EBT o Electronic Benefit Transfer Card na may buwan ng 3,000 pesos na budget para sa pagbili nila ng bigas.
09:34Nasa 20 kilos ang monthly allotment ng 20 pesos na bigas per beneficiary.
09:39Pero sa ilalim ng walang gutom program, pwede itong isali sa ibang pagkain gaya ng kamote at patatas para pumasok sa carbohydrate requirement or allowance ng mga beneficiary.
09:48Pwede rin bumili ang mga beneficiary sa ibang accredited kadiwa stores.
09:54Hinihikayat ng DFWD ang mga beneficiary na ubusin ang kanilang monthly allowance dahil ang punto ng programa ay tugunan ang gutom.
10:02Nilino naman ang kagawaran na kung hindi ito kayang ubusin, pwede itong i-carry over sa susunod na buwan.
10:09Yun nga lang, hindi pwedeng bumali ng monthly allowance.
10:11Kung magkukulang ang 3,000 pesos na budget sa isang transaksyon, hinihikayat ang mga beneficiary na dagdagan ito ng sarili nilang pera.
10:20Kasabay nito, sinabi ng DA na patuloy ang paunang implementasyon ng 20 pesos na bigas para sa minimum wage earners na sa ngayon ay nasa 120,000 beneficiaries.
10:30Hindi tulad ng sa vulnerable sector, may pagkakaiba ang pamamahagi ng 20 pesos na bigas sa mga minimum wage earner.
10:36Imbes na 20 kilos per month, 10 kilos lang ang sa minimum wage earner.
10:41Yan ay kada buwan, pwede naman daw itong madagdagan sa mga susunod na buwan.
10:47Hindi tulad ng sa mga beneficiaries ng walang gutom program na merong EBT card.
10:52Ang sa minimum wage earners ay nakadepende sa kasunduan nila ng kanilang employer kung ito ba ay direct ang ibebenta o ipamamahagi
10:59at kung paano ang bayaran, kung direct ang bayad ba ito o salary deduction.
11:042023 pa ay pinatutupad ang walang gutom program at layan nito na bago matapos ang taon ay umabot sa 750,000 ang beneficiaries ng programa.
11:16Malaking tulong naman daw para sa mga beneficiary na nakausip namin ng programa.
11:20Lalo sa mga tulad ni Lisa na ngayon daw ay nakukumpleto na ang gamot na kailangan bilhin para satiyahin na nagda-dialysis.
11:26Para kay Teresita na nung nakaraang taon pa bahagi ng programa, patulong daw ng food stamps ay hindi raw nila masyadong kailangan pamproblemahin ng budget sa pagkain ng pamilya ng tito.
11:36Connie.
11:37Maraming salamat, Dano Tengkungko.
11:39May ilang ni-reveal si Kapuso Big Winner Mika Salamangka sa kanyang IG post matapos manalo ang duo nila ni Brent Manalo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
11:54Sabi ni Mika, pumasok siya ng bahay ni Kuya na konti lang ang dalang damit dahil hindi niya ine-expect na aabot siya sa big night.
12:04Full circle moment din daw ito dahil na mag-audition siya sa PBB noon ay hindi siya nakapasa.
12:10Ngayon na ipakilala na raw niya ang sarili dahil sa pananatili sa bahay ni Kuya.
12:16Thankful din si Mika sa overwhelming support at love sa kanilang duo kabilang ang Sparkle Family.
12:23Nagpasalamat din si Mika sa mga bumuo ng PBB Celebrity Collab Edition.
12:28May special shout-out din siya para sa kaduo.
12:32Si Brent naman may social media update na rin after ng big night.
12:37Sa kanyang IG stories, ipinasilip ni Brent ang kanilang naging bonding ng alaga niyang aso.
12:45Abiso sa mga motorista, mas mabilis niyo na pong malalaman kung may paglabag kayo sa no-contact apprehension policy.
12:51Detail na tayo sa ulat on the spot ni Joseph Moro.
12:55Joseph?
12:57Meron ng text at message alert ng MMDA para sa mga lumalabag sa no-contact apprehension policy o N-CAP.
13:04Ito ang inilunsad ng MMDA ngayon at ipinakita ni MMDA Chairman Romando Artes na sa loob lamang ng ilang minuto
13:11ay malalaman na ng isang violator kung meron siyang naging paglabag.
13:15Ipapadala ang text message kapag na-validate na ng tauan mismo ng MMDA ang huli na mga AI camera.
13:23Bukod sa text, Rafi, ay may email notification na rin.
13:26Para saan ni Chairman Artes, para iwas kam, dapat yung text message ay mayingaling lamang sa MMDA underscore N-CAP.
13:35At para makasiguro na legit yun, kung i-check nyo yung number field, dapat wala itong nakalagay na number.
13:45Dapat blanco yan.
13:46Available na yung text at email alert.
13:48Pero syempre, bago ninyong magamit yan ay dapat updated ang inyong records sa Land Transportation Management System o LTMS portal ng LTO.
13:58Ito yung ginagamit din natin para tuun sa mag-register ng inyong mga driver's license.
14:05Dapat ay i-reheast nyo yun yung inyong numero at email sa LTO.
14:09Sa datos ng MMDA, simula nung ibalik ang N-CAP ay may lambas 31,000 na na mga nahuling bapitator ng N-CAP.
14:1717,000 ang validated at 15,000 ang napadala na ng Notice of Violation Rights.
14:25Maraming salamat, Joseph Moro.
14:28Non-stop pa rin ang Sangre Fever.
14:34Ang isang incantadic nga sa Misamis Oriental.
14:36Ipinamalas ang kanyang pagmamahal sa show gamit ang kanyang mga obra.
14:40Heto ang nakamamanghang shendu o galing niya.
14:45Mr. Fashionista for a reason, si Jasli Kailing from Lagong Long.
14:53Ice-mazing kasi ang remake niya ng Kera Mithena costume from scratch.
14:59Certified beta na apologies daw si Jasli kaya passionate siya sa project na sinimulan ito lang biyernes.
15:05Bukod sa Ice Queen, ilang encantada characters na rin ang ginawa niya ng DIY costume.
15:11Kabilang ang mga baluti ng 2016 sangres ni Bat-Halumang Kasyopeya, pati ang new-gen sangres na si Nadeya at Tera.
15:20Wow na wow!
15:23Pwede nang isama sa design team.
15:24Para siya nag-obesyon lang.
15:26Gawan niya rin tayo.
15:28Ganun din.

Recommended