Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/21/2025
-Sen. Bato Dela Rosa: "Duterte Bloc" sa Senado sa 20th Congress, posibleng umabot sa siyam na miyembro




-Pope Leo XIV, binisita ang Basilica of St. Paul sa labas ng Vatican






-2 batang magkapatid, patay matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Brgy. 1






-Pagtugis sa small-time drug pushers, pinatututukan na rin ni PBBM/ PBBM: Dapat walang pang-aabuso sa paghabol sa small-time drug pushers/Operasyon kontra-droga ng PNP, malayo raw sa Oplan-Tokhang; palalakasin din ang Barangay Anti-Drug Abuse Council






-NCAA Season 100 Cheerleading Competition, bukas (May 22) na ang simula






-Kalinisan at kaayusan sa Manila, prayoridad ni Mayor-elect Isko Moreno/Zero tolerance sa droga at krimen, ipatutupad ni Manila Mayor-elect Isko Moreno






-Digital archives ni multi-awarded Kapuso Journalist Jessica Soho, mapapanood sa GMA Public Affairs Youtube Channel simula May 23, 2025/Jessica Soho, keynote speaker sa 2025 Nat'l Schools Press Conference, ibinahagi ang mga naging karanasan sa pamamahayag






-INTERVIEW: DR. ALFRED LASALA II, M.D., VICE PRESIDENT, PH SOCIETY OF GENERAL SURGEONS






-Hagdan ng dike sa Brgy. Tablon na tila pang-rock climbing, usap-usapan sa social media/DPWH Region 10: Hindi panggamit ng publiko ang hagdan sa dike sa Brgy. Tablon






-Pinay tennis ace Alex Eala, umakyat sa rank 69 sa world rankings ng WTA na panibago niyang career high






-Pila ng mga truck sa mga pantalan, humahaba kasunod ng weight limit restriction sa San Juanico/ State of Emergency, idineklara sa Samar dahil sa epekto ng pagsasaayos ng San Juanico






-Brilyante Tiktok filters, fun at excitement ang hatid sa encantadiks






-Post ng sumakses moment ng isang anak kasama ang kanyang ina, hinangaan ng netizens




Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Posibleng umabot sa siyam na senador ang miyembro ng binubuong Duterte Block sa 20th Congress ayon kay Sen. Ronald Bato de la Rosa.
00:19Ayon kay De la Rosa, kasama sa Duterte Block si Sen. Aimee Marcos, na kapatid ng Pangulo,
00:25at inendorso ni Vice President Sara Duterte nitong eleksyon 2025, pati na rin sina Sen. Bongo, Sen. Rodante Marcoleta, at Sen. Robin Padilla.
00:36May iba pa raw silang posibleng makasama pero hindi pa niya nakakausap.
00:41Sinusubukan ng GMA Integrated News na kunin ang official statement ng sinasabing magiging miyembro ng Duterte Block.
00:48Ang tuluyan nitong pagkakabuo, posibleng may implikasyon sa impeachment trial ng Vice Presidente na itinakdang simulan sa July 30.
00:57Kailangan kasi ng siyam na boto o higit pa mula sa Sen. Judges para makuha ang akwital.
01:05Bumisita si Pope Leo XIV sa Basilica of St. Paul sa Rome, Italy na nasa labas ng Vatican City.
01:12Bahagi po yan ang kanyang unang opisyal na gawain bilang Santo Papa.
01:16Nag-alay rin siya ng dasal sa alibinga ng mga santo.
01:21Dinagsa ng maraming deboto at pilgrims ang pagbisita ng Santo Papa sa Basilica.
01:26Sa linggo, bibisitahin niya ang Basilica of St. John Lateran at ang Basilica of St. Mary Major na nasa Rome, Italy rin.
01:35Ito ang GMA Regional TV News.
01:43Patay ang dalawang batang magkapatid na natrap sa nasunog nilang bahay sa Barangay Uno, Bacolod City.
01:49Sa investigasyon ng Bureau of Fire Protection, Bacolod, nagsimulang masunog ang bahay madaling araw kahapon.
01:56Naiwan sa loob nito ang dalawang batang edad 8 at 6, matapos lumabas ang kanilang nanay para bumili ng pagkain.
02:03Nagtulungan naman ang mga residente para hindi na humalat ang apoy.
02:07Inaalam pa ng otoridad ang sanhi nito.
02:10Isa sa mga tinitingnang posibilidad ang naiwan-umanong nakasinding kandila sa bahay.
02:18Pinahabol na rin ni Pangulong Bongbong Marcos sa pulisya ang mga small-time drug pusher
02:22para magawa yan kasama sa mga plano ng PNP ang pagpapalakas sa Barangay Anti-Drug Abuse Council.
02:29Balitang hati ni June Veneracion.
02:30Yan ang sagot ni Pangulong Bongbong Marcos
02:38ng tanungin sa ginagawang mga hakbang ng kanyang administrasyon laban sa droga.
02:42Aminado ang Pangulo sa paghabol at paglansag ng malalaking sindikato ng droga
02:47na pabayaan ang paghuli sa mga maliliit na isda.
02:50Ngayon, eh hindi na namin binigyan ng atensyon yung nasa baba.
02:58So dahanda bumabalik kasi sabi ko yung operation natin, kailangan malaking seizure, kailangan malaki.
03:06At saka nangakahuli tayo ng mga drug lord.
03:09Gusto daw itong baguhin ng Pangulo.
03:11Kaya naglabas siya ng kautosan at tutukan din ang problema ng street level drug pushing.
03:16Sige, tuloy natin yung malalaking drug bust.
03:20Pero, tignan na muna natin yung small offender.
03:23Sinabihan ko na nga ang DILG na kawasak ko si Seczion Vic.
03:28Sabi ko, tama rin naman.
03:30Kasi hindi magandang tignan yung lugar mo.
03:33Maraming nagbebentahan.
03:35Maraming mga high na ano-ano ginagawa.
03:39Pero sa pagpapalakas ng operasyon laban sa mga small-time drug pusher,
03:45dapat walang pang-aabuso, sabi ng Pangulo.
03:59Matatandaang sa opisyal na tala.
04:01Umabot sa mahigit 6,000 ang bilang na napatay sa gera kontra droga ng Administrasyong Duterte.
04:07Pero sa tala ng mga human rights groups,
04:10posibleng umabot yan sa tinatayang 30,000 bagay na laging mitya ng pagkaka-aresto
04:16at pagkakadetening ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa dahig.
04:20Yung sabihin mo ng infliction of harm is not a priority.
04:26It's not a consideration doon sa kwan natin sa illegal drugs.
04:31Bagawat nilalatag pa ng PNP Drug Enforcement Group ang plano
04:34kung paano ipatutupad ang utos ng Pangulo.
04:37Tiniyak ng pulis siya.
04:39Ang kanilang gagawin ay malayong malayo sa Oplan Tukhang.
04:42Mananatili pong bloodless ang atin with respect po sa human rights
04:46pero dapat po palakasin pa rin po yung ating operations sa anti-illegal drugs.
04:50Magiging basihan daw ng PNP sa palalakasing street-level anti-drug operations
04:55ang impormasyon mula sa BADA o Barangay Anti-Drug Abuse Council.
04:59Tawag na yun lang ang kautosan ng Pangulo ay re-reactivate po natin yung paghuhuli sa small-time offenders
05:05na nasa listahan po na BADA na kung saan ito po ay mismo nang galing na po sa Barangay level po.
05:10June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:14Bukas na ang NCAA Season 10 o Season 100 Cheerleading Competition.
05:25Bilang preparasyon po ay nagkaroon ng cheer camp ang iba't-ibang cheering squad na mga NCAA schools.
05:31Siyam na paaralan ang lalahok sa kompetisyon at mapapanood po ang cheerleading competition live sa GTV
05:38at livestream naman ng NCAA Philippines Bukas simula alas dos imedya ng hapon.
05:53Kalinisan at kayusan sa Maynila rawang uunahin ng nagbabalik nitong mayor na si Isco Moreno.
06:01Yung pangunahing hinihingi nyo sa akin yung kalinisan, kaayusan at kapanatagan ng pamumuhay sa Maynila.
06:11Yung po una kong tutugunan, part of the campaign promise is alisin ang kadugyutan ng Maynila.
06:18Sa panayam ng unang balita, sa unang hirit, inamin ni Moreno na matagal ng problema ang basura sa Maynila.
06:24Nitong inero lang, lalong natambak ang basura roon, na magkaproblema ang LGU sa kontrata nito sa garbage collector.
06:31Kapag naayos ang problema sa basura, maiiwasan daw ang pagbaha, pati na ang iba't ibang sakit.
06:37Bukod sa problema sa basura, ipatutupad din daw ni Moreno ang zero tolerance sa iligal na droga at iba't ibang krimen sa lungsod.
06:44Simula sa biyernes, mapapanood na online ang digital archives na mga hindi malilimutang storya ni multi-awarded kapuso journalist Jessica Soho.
06:56Bahagi po yan ang pagkilala at pagdiriwang sa 40 taong karera ni Soho bilang mamamahayag.
07:03Balitang hatid ni Mark Salazar.
07:05Maraming pa rin taong na trapped sa loob ng Hyatt Terraces dito sa Baguio.
07:10Sa kasalukuyan po ay nagsasagawa na ng clearing at mapping operations ang mga tauhan ng militar doon.
07:16Ito raw yung pinakamataas na part nitong baryong ito.
07:20Pero wala rin, naanod din daw yan eh.
07:22Haligi ng industriya ng pamamahayag.
07:26Naging saksi sa iba't ibang makasaysayang mga pangyayari sa iba't ibang panig ng mundo.
07:35Ang husay ni multi-awarded kapuso journalist Jessica Soho.
07:42Pinanday ng kanyang apat na dekadang karanasan.
07:45Karanasan na ibabahagi niya sa paglulunsad ngayong biyernes ng kanyang digital archives
07:50na Jessica Soho at Poyti, Telling the Story of Filipinos.
07:55Ang ilan sa mga natatangin niyang ulat sa nakalipas na apat na dekada
07:59mapapanood sa GMA Public Affairs YouTube channel.
08:04Ang mga leksyon sa apat tapong taong karera bilang broadcast journalist
08:08ibinahagi rin ni Jessica sa mga tinatayang apat na libong delegado
08:13sa 2025 National Schools Press Conference kung saan siya ang keynote speaker.
08:18If I have to live my life all over again, pipiliin ko pa rin maging journalist.
08:24Basically because I love telling stories.
08:27We break stories and happily and proudly say
08:31that we have also changed many lives for the better by way of our stories.
08:37Yes, we believe in the power of stories.
08:41Stories are powerful.
08:43Hinigayat din niya ang mga estudyante na gamitin ang teknolohiya
08:48sa pagpapalaganap ng katotohanan at paglaban sa fake news.
08:52Because you have been truly blessed with digital technology and the skill set to go with it,
08:58may I urge you to please use technology for good.
09:04Gamitin niyo ang teknolohiya para sa kabutihan.
09:07At the time na medyo binibira ang media with a lot of criticisms
09:12tapos nadidimin din yung profession because of all the fake news that's going around,
09:17nakakatuwa, nakaka-inspire that there are a lot of young journalists out there
09:21who would still like to become professional journalists.
09:25So I think the future is bright for journalism.
09:27Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:42Samantala, para magbigay kaalaman sa pagtutuli na uso kapag tulad ngayong bakasyon sa klase ang mga bata at pesadyante,
09:50makakapanayin po natin si Dr. Alfred Lasala II,
09:53ang Vice President ng Philippine Society of General Surgeons.
09:56Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
10:00Magandang umaga po at maraming salamat sa pag-invita sa akin.
10:03Opo, unang-unang sa lahat, saan lang ba po pwede at ligtas na magpatuli?
10:10Siyempre po, ang tamang sagot yan ay sa doktor.
10:13Sa doktor po kayo dapat magpapatuli.
10:16In fact, ang mga doktor po na lisensyado,
10:20kahit na po hindi si Rohano,
10:22ay may kaalaman at may kapasidad kung nag-train po sila na magtuglit.
10:27Minsan po kasi may mga medical mission na yung pangmaramihan.
10:32Tapos minsan po ang gumagawa midwife, gumagawa nurses.
10:36Of course, this is against the law.
10:40This is a practice of medicine.
10:42So dapat po yung mga doktor lang na mayroong kaalam.
10:45Opo, particular na talagang naging concern.
10:48Dahil mayroong isang lying-in clinic na sinasabing nagbibigay ng tuli
10:52na kinasangkutan nga ho ng isang bata na namatay.
10:56So pagka ganito ho, masasabi ho natin dapat diretso na sa ospital
11:00para ho talagang sigurado.
11:03Meron po naman pong mga accredited na ambulatory clinics.
11:07Okay.
11:08Meron pong mga multi-specialty clinics.
11:10Yung iba dyan, DOH accredited.
11:12Pwede naman po as long as, again, the doctor is there,
11:16the equipments are complete, and there are facilities for first aid.
11:22Kahit na po hindi sa ospital.
11:24Okay. Pero may mga particular bang klase ho ng doktor na po pwedeng magtuli?
11:28Hindi ho ba may mga student nurse nang pinapayagan?
11:32As I've said, itong pagtuli po, practice of medicine ito.
11:36So dapat doktor.
11:37In terms of yung specialty po, dapat po si Rucano, yung number one na choice nyo.
11:43So general surgeon, urologist.
11:46But as again, as I've mentioned, basta po nag-training po or tuli ang isang doktor na lisensyado,
11:53pwede naman po.
11:54Okay.
11:55Pero unang-unang, paano ho ba malalaman talaga na matitiya ko na ligtas yung operasyon?
12:00Ano ho yung mga indikasyon na dapat na inilalagay?
12:04Halimbawa, meron ho yung sinasabing 20cc na anesthesia.
12:09Ano ho ba yung tamang dosage talaga?
12:11Ano ho ba yung pwede nating gabay?
12:14The usual po na ginagamit na anesthesia sa pagtuli ay yung lidocaine.
12:19It's a local anesthetic.
12:20And most of these anesthetics, dapat po kinocompute.
12:25Meron pong dosage ito, milligrams per kilo ng pasyente.
12:29So, para po sa lidocaine, it's usually 4.5 to 5 milligrams per kilogram body weight.
12:37So, iba po yung pwedeng ibigay sa mas maliit, mas payat, mas mandak na bata.
12:43Kesa dun sa kahit a 12-year-old, pero malaki na po.
12:47So, kinocompute po sana.
12:49Yun ang ideal na ginagawa po bago po mag-instill that anesthesia.
12:54In general, kasi talaga ang sinasabi nila kapag ka nasobrahan ng anesthesia,
12:59talagang pwede hong may mangyaring masama.
13:02Ano ho yung worst that can happen kapag ka nasobrahan sa anesthesia?
13:07Well, depende po yan kung anong anesthesia yung ginamit at ano pong ruta yung pinagdaanan.
13:13Anong ibig sabihin noon?
13:15Meron po kasing mga long-acting at short-acting na anesthesia.
13:20And then, depende po yan kung itinusok po ba yan sa muscle,
13:26yan sa intravascular.
13:28Ibig sabihin, dumaan doon sa dalawin ng dugo.
13:32Mas madalas po na nagkakaroon ng komplikasyon pag naging intravascular
13:36or dumaan po doon sa daanan ng dugo.
13:39I see.
13:40At may mga libreng tuli po yung mga lokal na pamahalaan minsan, hindi ba?
13:44Pero kapag kapribado, ano ho yung kadalasang presyo ba ng pagtutuli?
13:48Well, meron pong, depende yan sa kung saan kayo magpapatuli,
13:54meron pong nasa 4,000, 5,000.
13:58Pero sa malalaking private hospital, umaabot po yan ng 20,000 to 30,000
14:06depending po sa operating room po ba gagamit ang pagdadalahan,
14:12doon sa outpatient po ba, sinong doktor ang gagawa, experience ba o bata.
14:16So all these things po talagang kasama po sa mga kailangan i-consider.
14:22Oo, yun ho yun sa mga ospital.
14:25Pero may mga, sa mga liblib na lugar ho, may mga talagang yung traditional, hindi ba?
14:31Na hindi ho Sir John ang gumagawa.
14:34Ano naman ho ang dangerous noon pag hindi ho sa ospital naman dinala?
14:38May mga traditional po, katulad yung mga sinauna o magulang siguro natin.
14:43Dati, sabi nila, kasi hindi ko naman inabutan ito, yung mga pokpok.
14:47So ang pinaka problema nito, of course, there's pain dahil hindi sila nag-aanesthesia.
14:52Number two, dahil hindi nagdi-disinfect, pwedeng magkaroon po ng infection afterwards.
14:58Number three, hindi ho tinatahi ito.
15:01So meron pong mga pagkakataon na dere-dereyo ang pagdudugo.
15:06And these are the most common po, pag hindi doon sa tamang facility gagawin.
15:11Okay, may mga sinasabi silang tamang edad ba ng pagpapatuli?
15:15Sabi nila, mas okay kapag bagong silang pa lang kasi tutuliin na.
15:21Napag-aralan na rin po ito at may mga scientific journals na rin na lumabas
15:26na ang nakita nila na pinamagandang panahon para tuluin ang bata
15:31ay sa edad ng 9 to 10 years old.
15:34At this time, the anatomy is already developed in a way.
15:39And their psychological and emotional makeup are also maganda na.
15:45Yun pong dati na practice na pagtutuli doon sa mga newborn,
15:49medyo iniiwasan na po natin.
15:51There are certain indications like yung tinatawag na phimosis.
15:55Yung phimosis po, yung mahigpit, yung pagkakasaran ng tinatawag na prepuce,
15:59yung balat na nakapalibot doon sa penis.
16:03Kasi hindi lumalabas ang ihi na ipod, pwede pong magkaroon ng recurrent na infection.
16:09Aside from that po, pag tinuli po ang bata,
16:12nakita nila na mayroon pong mga komplikasyon na nangyayari.
16:15Katulad ng meatal stenosis, ibig sabihin yung daan ng ihi, umili it.
16:19Pwede pong sinikya, ibig sabihin po, yung prepuce, yung balat,
16:24dumidikit ng todo doon sa ulo o doon sa glans penis.
16:28And of course, yung pagbalik ng skin.
16:34So, prepuital stenosis.
16:37Natuloy na, pero doc, bumalik po eh.
16:39So, pwede po kasi talagang umikot ulit na ganyan,
16:43tapos babaon yung head ng penis.
16:46Alright. Maraming pong salamat sa inyong oras na yung binigay sa Balitang Hali, doc.
16:51Maraming salamat po ulit.
16:52Yan po naman si Dr. Alfred Lazala II,
16:55ang Vice President ng Philippine Society of General Surgeons.
17:00Mula sa U-Scoop, tila may extra challenge
17:03sa pag-akit ng hagda ng isang dike sa barangay Tablon, Cagayan, de Oro City.
17:10Napaka-tarik kasi ng sementong hagda na aakalain mong pang-rock o mountain climbing.
17:16Quentin U-Scooper Sir Tating parte siya ng site visit caravan
17:20sa mga construction site ng mapansin ang kakaibang disenyo ng hagdaan.
17:26Ipinasilip niya rin ang pag-akyat at pagbaba sa hagdaan.
17:30Sa ulit ng GMA Regional TV, bahagi ito ng Package 1
17:34ng flood control structure sa gilid ng Umalag River ayon sa DPWH Region 10.
17:40Giit ng kagawaran, hindi bukas sa publiko
17:43at para lang sa mga tauhan nilang nagmumonitor ng dike.
17:48Maglalagay raw sila ng signage roon
17:50para ipaalam na hindi yun para sa publiko.
17:53Para sa inyong kwentong-totoo,
17:55kwentong kapuso, sumali sa U-Scoop Plus Facebook group
17:59at ishare ang inyong mga larawan at video.
18:02Maaring ma-feature ang inyong storya sa aming newscast.
18:06Gamitin lang po ang hashtag U-Scoop sa inyong mga posts.
18:13Tumaas sa World Rankings ng Women's Tennis Association
18:17si Pinay Tennis Ace Alex Iala.
18:20Ngayon, nasa ikan-animlapot siyem na si Alex
18:23mula sa ikan-pitumput na pitumpu na rank.
18:25Yan ba ang panibago niyang career high?
18:28Kasasabak lang ni Alex sa Italian Open itong Mayo
18:30kung kailan umabot siya sa quarterfinals sa doubles
18:33pero early exits sa singles.
18:35Rank 143 si Alex sa WTA sa pagpasok ng taong 2025.
18:40Tumaas ng tumaas ang kanyang spot matapos ang Miami Open
18:43kung saan umabot siya sa semifinals bilang isang wildcard.
18:49Ito ang GMA Regional TV News.
18:54Dumarami na ang mga pumipilang malalaking sasakyan sa mga pantalan
18:58dahil sa ipinatutupad na weight limit restrictions sa San Juanico Bridge
19:03na nagdurugtong sa Samar at Leyte Provinces.
19:05Ayon sa Philippine Fords Authority, sa mga pantalan na kasi dumaraan
19:10ang mga cargo truck dahil hindi na pinapayagan ang mga sasakyang
19:14may bigat na mahigit tatlong tonelada sa San Juanico Bridge.
19:18Dahil yan sa mga natuklasang pinsala sa tulay na kinakailangang isaayos.
19:23Nagdeklara naman ang state of emergency ang lalawigan ng Samar
19:26dahil sa epekto ng pagkukumpuni sa tulay.
19:30Naantala na rin kasi ang pagangkat ng mga produkto sa lugar.
19:34Na mahagi naman ang DSWD ng Family Food Packs sa mga apektadong residente.
19:45Abisala Encantadix!
19:47Kahit ordinaryong tao, pwede na rin maging tagapangalaga ng mga brilyante.
19:52Sa pamamagitan niya ng filter sa TikTok,
20:01hindi nagpahuling sa paggamit niyan si Nabianca Umali, Kelvin Miranda,
20:05Faith Da Silva at Angel Guardian.
20:07Nagaganap bilang Tera, Adamus, Flamara at Deya sa Encantadix Chronicles Sangre.
20:13Joy na po sa trend at maging tagapangalaga rin ng mga brilyante.
20:17Ngayon naman po ang buwan ng Mayo, tunay na bida ang mga ina.
20:26Oo naman, Mari.
20:28At ang isang anak po sa mabalakad Pampanga,
20:30ibinahagi ang heartwarming tribute para sa nanay niya.
20:35Binalikan kung saan una silang sumakses mag-ina.
20:38Missionary ni U-Scooper J.P. Dizon,
20:43ang throwback picture nila ng kanyang mom,
20:45Ningning, sa Mabiga Elementary School noong 2006 graduation.
20:50After 19 years itong April 2025,
20:53nagbalik siya sa paaralan bilang graduation guest speaker.
20:56Kasama ang kanyang ina.
20:58Naging extra special pa yan,
21:00nang bigyan ang patakataon si J.P.
21:02na makasama ang ina sa paglalakad sa aisle.
21:05Sabi ni J.P. sa netizens,
21:07ang kanyang ina ang naging keto-success niya
21:10na yung isa na siyang licensed teacher.
21:13Matapos pumanaw ang kanilang ama,
21:15si Ma'am Ningning na raw
21:16ang nagdoble kayod para maitaguyod ang kanilang pamilya.
21:20Ang post na yan,
21:21hinangaan ng mahigit 700,000 netizens.
21:24Trending!
21:26Sweet naman.
21:27Yan ang reward ng mga nanay.
21:29Diba?
21:30Diba naman.
21:34Diba naman.

Recommended