Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/9/2025
-2 bahay sa Brgy. 392 sa Quiapo, nasunog; ilang residente, walang naisalbang gamit

-Ilang bahay at railing ng tulay, nasira sa Brgy. San Rafael 1 dahil sa matinding baha

-LPA at Habagat, patuloy na magpapaulan sa bansa

-Oil Price Hike, ipatutupad bukas

-10 pamilya na nakatira sa ilalim ng Capulong Bridge, sinagip ng DSWD

-Carlos Yulo, wagi ng ikaapat na sunod na gold medal sa floor exercises sa Asian Gymnastics Championships

-SUV, sumalpok sa motorsiklo; 5 sasakyan, nadamay

-Lalaking sangkot umano sa pagbabanta at panggigipit sa menor de edad, arestado

-PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, bumisita at dumalo sa flag raising ceremony ng Commission on Human Rights


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsunog sa isang barangay sa Quiapo, Maynila.
00:07Ang mga nasunogan halos walang naisalbang gamit.
00:10Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:16Binulabog ng nagnangalit na apoy ang mga residente ng barangay 392 Quiapo, Maynila, pasado alas 10 kagabi.
00:23Ang 20 anos na si Russia, wala pa raw sa bahay nun kaya dali-daling umuwi ng mabalitaan ng sunog.
00:30May baby po sa bahay namin, tapos may senior po, tsaka yung asawa po ng tatay ko, Bulog po.
00:37Kaya nung nalaman po may sunog sa amin, lumakbo po kami kahit buntis po ako.
00:45Kasi natatakot po kami sa mga kasama namin eh.
00:49Ang ilan sa mga inuna nilang isinalba ang alaga nilang aso, Biblia at mga imahen sa altar.
00:55Ang 76 anyos naman na si Nanay Globy, nakayapak ng lumikas mula sa nasusunog nilang bahay.
01:02Inila na nila ako palabas. Wala na kaming naisalba kahit ano. Wala talagang natira.
01:09Parang nangihihina ako na anong, pati mga yan, iyakanang iyak sa akin, ay anong gagawin ko naman.
01:16Pati ako kinakabahan. Hindi ko po alam kung anong mangyayari. At bahala na yung taas.
01:24Itinas ang sunog sa ikalawang alarma. Hindi bababa sa dalawampung firetruck ng BFP at mga fire volunteer ang rumispundi sa sunog na tumupok sa dalawang bahay.
01:35Kung makikita niyo po yung involved ay light materials. Mostly light materials.
01:41Kaya itinas po natin para po kaagad ay maagapan natin ang pagkalat ng apoy.
01:47Ang isa sa mga nasunog na bahay.
01:50Nagpapaupa sila ng mga border. Pero sabi nga nung mayari, wala pa raw yung mga border ngayon. Kasi may mga trabaho ata.
01:59Dalawang pamilya o nasa sampung tao ang apektado.
02:03Inaalam pa ang sanhinang sunog na tuluyang naapula mag-aalas 11 ng gabi.
02:08Nakikipagugnayan na rin ang DSWD sa pamunuan ng barangay at sa mga nasunogan para mag-abot ng tulong.
02:15Yung pagsisilungan nila, doon sa ginagawa naming barangay hall, baka pwede doon muna sila para kasi baka biglang umulan, at least may matutuluyan sila.
02:26Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:34Walang bagyo pero matinding baha at ulan ang naranasan sa ilang probinsya nitong weekend.
02:39Ganyan po ang naranasan sa ilang bagi ng San Jose del Monte, Bulacan.
02:48Sa barangay San Rafael Juan, umapaw ang sapa na naging dahilan ng pagbaha sa ilang bahay.
02:54Lumutang din ang maraming basura sa kasagsagan ng pagulan.
02:58Nasira ang railing ng tulay.
03:00Ang ilang bahay nasira dahil sa malalaking troso na inanod ng baha.
03:04Ayon sa barangay, plano nilang maglagay ng trompa o alarm system na konektado sa CCTV para sa agarang babala sa komunidad sa oras na tumaas muli ang tubig.
03:14Sa Mako Davo de Oro naman, rumagasa ang tubig na may kasamang putik at bato sa barangay Tagbaros.
03:25Dulot nito ng malakas na pagulan doon.
03:27Naperwisyo ang ilang rider na nagpatulong na sa pagtutulak ng kanilang motorsiklo.
03:32Binahari ng ilang bahay roon kaya napilitang lumikas ang ilang pamilya.
03:36Kalaunan, humuupa rin ng baha at nagsagawa ng clearing operation.
03:39Patuloy na magiging maulap ang kalangitan na sasamahan pa ng mataas na tsansa ng ulan ang halos buong Luzon at Visayas
03:48dahil sa binabantayang low pressure area.
03:52Namataan ang pag-asa ang nasabing LPA 300 kilometers kanluran ng Baknotan, La Union.
03:57Pusibig pa rin maging bagyo ang LPA.
04:00Sa ngayon, magpapaulan pa rin ito sa Ilocos Region, Abra at Benguet.
04:05Apektado muli ng hanging habangat ang ilan pang bahagi ng bansa,
04:09habang posible naman ang local thunderstorms sa Cagayan Valley Region at ilang panig ng Cordillera.
04:16Sa mga susunod na oras, uulanin ang halos buong bansa kasama na ang Metro Manila
04:21base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
04:23Kaya maging alerto sa heavy to intense rains na maaaring magdulot po ng baha o kaya ng landslide.
04:30Bip! Bip! Bip! May taas presyo ang ilang produktong petrolyo simula po bukas.
04:40Batay sa anunsyon ng ilang kumpanya, 95 centavos kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel.
04:4660 centavos naman ang taas presyo sa gasolina,
04:49habang may 30 centavos na dagdag naman sa kada litro ng kerosene.
04:53Yan ang ikalawang magkasunod na taas presyo sa diesel.
04:56Pang-apat na hike naman yan sa presyo ng gasolina.
04:59Unang taas presyo naman yan sa kerosene matapos ang magkasunod na rollback.
05:05Sampung pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay sa Tondo, Maynila
05:09ang sinagip ng mga taga-Department of Social Welfare and Development.
05:13Isinagawa ang pagsagip sa Kapulong Bridge sa barangay 150 Tondo.
05:19Kinausap ng mga social worker ang mga nasabing pamilya para sila i-relocate
05:23dahil sa nakaambang panganib sa kanilang tinitirhan.
05:26Ang mga nasagip na pamilya dadalhin sa DSWD Processing Center sa Pasay.
05:33Doon, bibigyan po sila ng pagkain at tulong medikal
05:36tsaka aalamin ang iba pang tulong na maaaring ibigay.
05:39Tiniyak naman ang DSWD na magpapatuloy ang Reach Out Program
05:44sa mga pamilyang nakatira sa mga ilalim ng tulay
05:47at maging sa mga estero o imburnal.
05:50Wagin ang gold medal sa men's floor exercises si Golden Boy Carlos Yulo
05:59sa 2025 Asian Gymnastics Championships sa Jecheon, South Korea.
06:04Panalo si Carlos matapos makaskore ng 14.6 sa floor exercises.
06:09Ito na ang ika-apat na sunod na gold medal ni Carlos
06:12para sa floor exercises sa Asian Gymnastics Championships.
06:16Bukod sa isang gold ngayong 2025,
06:18wagin rin ng tatlong bronze medal si Carlos para sa men's vault,
06:22parallel bars at individual all-around events.
06:25Sa juniors division, wagin naman ang silver medal sa vault
06:28ang nakababatang kapatid ni Carlos na si Eldro.
06:31Sa panayam na sa GMA Integrated News,
06:33sinabi ni Carlos na proud siya sa achievements nilang magkapatid.
06:36Ikinwento rin ni Carlos na hindi naging madali
06:39ang winning floor exercise routine niya,
06:41lalot marami siyang iniindang sakit sa katawan.
06:44Nakafocus na rin si Carlos sa 2025 World Artistic Gymnastics Championships
06:48sa Jakarta, Indonesia sa Oktubre.
06:51Kabilang ito sa mga qualifying competitions
06:53para sa 2028 Los Angeles Olympics sa Amerika.
07:00Tinatanong ko yung sarili ko kung anong next goal ko,
07:04anong next para sa akin.
07:05Isa lang talaga yung sagot eh.
07:08Gusto ko talagang makapasok pa sa LA,
07:11makapag-compete pa,
07:13and i-boost lahat ng kaya ko bilang atleta.
07:23So malpok ang SUV na may dashcam video
07:26sa isang motorsiklo sa barangay 4 sa Vigan, Elokosur,
07:29sugatan ng rider at kanyang angkas.
07:31Nadamay rin ang lima pang sasakyan.
07:33Ayon sa pulisya, sa halip na preno,
07:36si Linyador ang naapakan ng SUV driver.
07:39Walang pahayag ang mga sangkot,
07:41pero ayon sa pulisya,
07:42ay nagkausap-usap na raw sila.
07:46Sa pulungan ang bagsak ng isang lalaking sangkot
07:49o mano sa panggigipit sa Arayat, Pampanga.
07:52Pinagbantaan daw ng sospek ang biktimang menor de edad
07:56na ikakalat ang mga pribadong larawan at video
08:00kung hindi makikipagtali.
08:02Balitang hatid ni Bea Pinlak.
08:04Pinasok na maoperatiba ng PNP Anti-Cyber Crime Group
08:10ang kwartong ito sa isang hotel sa Arayat, Pampanga.
08:13Pinadapa nila sa kama ang 26-anyos na lalaking ito
08:17na tanging tuwalya lang ang suot.
08:19Pinusasa ng lalaki at binasahan ng karapatan.
08:23Ayon sa pulisya,
08:24hinihintay sana ng lalaki ang 17-anyos na babaeng
08:28pinipilit umano niyang makipagtalik sa kanya.
08:30Base sa imbistigasyon,
08:33pinaayos ng biktima sa sospek
08:35ang nasira niyang cellphone noong 2024
08:37hanggang sa makatanggap na umano siya
08:39ng pagbabanta mula sa lalaki.
08:42Recently lang po,
08:43nakatanggap po siya ng message from a stranger
08:47and ito po ay tinatakot siya
08:50or mayroon pong threat dun sa messages
08:52na ikakalat yung mga photos and videos niya
08:54with explicit content
08:56kung hindi susundin yung kanyang mga inuutos.
08:59Sa takot daw ng biktima,
09:02sumunod siya sa mga gusto ng sospek.
09:04Nagkaroon po sila ng four encounters sa isang hotel.
09:08During pagkatalik po nila ay kinukuhanan po ng video
09:12at yung lalaking sospek po ay nakatakip
09:16yung mukha habang yung victim po ay nakikita sa video.
09:20Ginawa rin umanong panakot sa biktima ng sospek
09:23ang mga nirecord niyang malalaswang video at litrato.
09:26Nang muling nag-aya ang sospek sa hotel,
09:29nagsumbong ng dalaga sa kanyang ina
09:31na humingi naman ng tulong sa pulisya.
09:34Dito na isinagawa ng PNP-ACG
09:36ang entrapment operation sa sospek
09:38na napagalamang nagtatrabaho bilang IT
09:41sa isang pribadong ospital
09:43at sumasideline bilang cellphone teknisyan.
09:46According din po sa investigation natin,
09:48ay may dalawang na biktima pa po ito
09:50which is nagre-reach out na rin po sa ACG office.
09:53Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng sospek
09:56na nahaharap sa mga reklamong grave coercion,
09:59grave threat,
10:00at paglabag sa anti-online sexual abuse
10:03or exploitation of children,
10:05at ilan pang mga reklamo
10:06na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
10:10Bea Pinlak,
10:11nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:14Bumisita sa Commission on Human Rights
10:17ngayong umaga
10:18si PNP Chief Police General
10:19Nicolás Torre III.
10:21Detalye tayo sa ulat on the spot
10:23ni Oscar Oida.
10:25Oscar?
10:27Yes, Rafi,
10:29dumalunga kayo ng umaga
10:31sa flag-raising ceremony
10:32ng Commission on Human Rights
10:35si PNP Chief Police General
10:37Nicolás Torre III.
10:40Ayon sa CISR,
10:42ito raw may tuturing na makasaysayan
10:43pagkat si Torre daw
10:45ang kauna-unaang hepe
10:47ng Philippine National Police
10:48na dumalaw sa kanilang tanggapan.
10:51Magandang sinyalis umano ito
10:53sa mas maayos na pagtutulungan
10:55ng kanilang mga ahensya
10:57sa pagpapatupad
10:58ng isang layunin.
11:00Partikular sa pangalaga
11:01ng karapatang pantao
11:03sa gitna ng kanilang pagganap
11:04sa kanilang tungkulin.
11:06Sa kanyang talumpati,
11:07tiniyak naman ng PNP Chief
11:09na bagamat mas magiging agresibo sila
11:12sa panguhuli ng mga kriminal,
11:14tiniyakay naman daw nila
11:15na di ito magbibigay daan
11:17sa anumang pang-aabuso.
11:19Gagantin palaan daw nila
11:20ang mga tapat sa serbisyo
11:22pero di daw sila magdadalawang isip
11:24na panagutin
11:24yung mga lalabag
11:26sa karapatang pantao.
11:28Rafi?
11:30Maraming salamat,
11:31Oscar Oida.
11:32Mga lalabag

Recommended