Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
-Bagong silang na sanggol, inabandona sa tricycle






-25 lugar sa bansa, posibleng tamaan ng danger level na heat index






-Pinoy weightlifter Elreen Ando, panalo ng 3 silver medals sa 2025 Asian Weightlifting Championships






-P1 milyong pabuya, alok para sa ikaaaresto ni dating PSupt. Rafael Dumlao III na convicted sa pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo






-Lalaki, sugatan matapos pagsasaksakin umano ng sariling ama






-Mag-asawa at kanilang anak, patay matapos paghahampasin ng maso at tubo; alitan sa negosyo, tinitignang motibo sa krimen






-Bianca Umali, pinakabagong celebrity house guest sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition"/Bianca Umali, nag-spend ng quality time kasama si Ruru Madrid bago pumasok sa bahay ni Kuya






-Lalaki, binawian ng buhay dahil sa rabies infection 9 na buwan matapos makagat ng aso






-3 sakay ng tricycle, nasawi matapos masalpok ng isang bus sa Brgy. San Pablo






-Anak at pamangkin ni Sen. Jinggoy Estrada, sugatan matapos umanong bugbugin sa Boracay; 3 suspek, arestado/Reklamong physical injury vs. 3 suspek, isinampa ni Sen. Estrada; wala pang pahayag ang mga suspek






-INTERVIEW: ATTY. VIC NUÑEZ, DIRECTOR FOR TRAFFIC ENFORCEMENT, MMDA






Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inabandon na naman ang isang bagong silang na sanggol sa isang tricycle sa Alicia Isabela.
00:06Ayon sa may-ari ng tricycle, nakita nilang niya ang sanggol na walang anumang balot sa loob ng kanyang sasakyan.
00:11Inaalam pa kung sino ang magulang ng bata at kung sino ang nag-iwan sa kanya.
00:17Nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD ang sanggol habang patuloy pa ang investigasyon.
00:21Pinaghahanda muli ang 25 lugar sa bansa kasama ang Metro Manila sa matinding init at alinsangan ngayong lunes.
00:35Ayon po sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 46 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan, Pangasinan.
00:4345 degrees Celsius naman sa Aparicagayan, 44 degrees Celsius din sa ilan pang bayan at syudad sa Northern at Southern Luzon.
00:52Posibleng namang umabot sa 43 degrees Celsius sa Batak, Ilocos Norte, Bacnotan, La Union, Echage, Isabela, Baler Aurora, Olongapo City, Kamiling, Tarlac, Infanta, Quezon, Iloilo City at sa Dumangas, Iloilo.
01:0942 degrees Celsius naman sa Pasay City at dito po sa Quezon City at ilang pang bayan at lungsod sa Luzon at Visayas.
01:17Ayon sa pag-asa, apektado pa rin po ngayong araw ng mainit na Easter Lease, ang buong Northern at Central Luzon kasama ang Calabarzon, Bicol Region at halos buong Mimaropa Region.
01:29Panalo ng tatlong silver medal si two-time Pinoy Olympian Elrin Ando sa 2025 Asian Weightlifting Championships.
01:42Nabuhat ni Elrin ang 102 kilograms sa snatch, 130 kilograms sa clean and jerk para sa total na 232 kilograms.
01:54Pumangalawa siya sa pangbato ng China.
01:57Bukod kay Elrin may apat pang silver medal na nakuha ang iba pang pangbato ng Pilipinas.
02:02Good job sa inyo!
02:06May binuong special team para sa paghahanap kay dating Police Superintendent Rafael Dumlao III na convicted sa pagpatay sa negosyanteng Korea na si Ji Ik Ju noong 2016.
02:17Meron ding isang bilyong pisong pabuya para sa ika-aresto sa dating polis.
02:22Balitang hatid ni Salima Refran.
02:24Kasunod ang pagbaligtad ng Court of Appeals sa kanyang acquittal noong isang taon at pakikipagpulog ng South Korean officials sa pamahalaan noong isang linggo.
02:36Full-scale manhunt na ang kinasa para kay dating Police Superintendent Rafael Dumlao III.
02:42Kinunvik si Dumlao ng Court of Appeals sa pagiging mastermind ng pagdukot sa Koreanong si Ji Ik Ju sa Angeles, Pampanga
02:49at pagpatay sa kanya sa loob mismo ng Camp Krami noong 2016.
02:54Sa imbesigasyon, sinabing flinash umano ang mga abo ni Ji Ik Ju sa iniduro matapos ikrimi.
03:02Yung si Colonel Rafael Dumlao na-acquit pero subsequently sinalens yung acquittal niya sa higher court, sinet aside yung acquittal niya
03:13and in the next round, na-convict siya.
03:18Umapila siya, na-affirm yan. So final na decision yan.
03:21Biro mo, dating Police, hindi mo makita. Yun ang sumama, loob ko dyan.
03:30Dagdag ni Bersamin, kahiyahiyang hanggang ngayon, wala pa rin si Dumlao sa kamay ng batas.
03:36Reklusyon perpetwa o 20 hanggang 40 taong pagkakakulong without the possibility of parole ang hatol kay Dumlao.
03:44If he does not peacefully surrender, then he runs the risk of a full-scale manhunt.
03:53It was made clear to us by the immigration people that in their records, Colonel Dumlao still remains in the Philippines.
04:04Bumuuna ng special manhunt team para tugisin si Dumlao.
04:10Kinabibilangan nito ng mga operatiba mula sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG,
04:16at ipapang miyembro ng PNP.
04:18Magbibigay naman ng intel ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK.
04:22Ang sinabi ni Executive Secretary Bersamin, hindi natin sasabihin dito o hindi natin kailangan isipin na polis siya.
04:32Siya ay nag-violate ng batas, siya ay pumatay, at siya ay may warrant at kailangan iserve natin yung warrant yan kahit sino pa siya.
04:41May isang milyong pisong pabuya na rin inilabas para sa kung sino mang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ni Dumlao.
04:50Sa Nima, Nefra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:56Ito ang GMA Regional TV News.
05:01Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
05:05Isinugod po sa ospital ang isang lalaki sa Borboan, Cebu dahil sa mga saksak sa likod at yan.
05:13Cecil, sino yung sinasabing suspect na nanaksak?
05:16Connie, sariling ama ng biktima, ang sospek sa krimen.
05:21Ayon sa pulisya, nagkasagutan ang mag-ama sa gitna ng kanilang inuman sa kanila mismong bahay.
05:28Maya-maya, hinampas ng biktima ng kahoy ang kaniyang tatay.
05:32Natumba ang sospek at gumapang papunta sa kusina kung saan siya nakakuha ng kutsilyo.
05:37Sinaksak niya ang biktima na nagtamon ng tatlong saksak sa tiyan at dalawa sa likuran.
05:43Aristado ang sospek na mahaharap sa reklamong frustrated parasite.
05:47Wala siyang pahayag.
05:51Sa malay-balay, bukid noon patay ang isang mag-asawa at kanilang anak matapos paghahampasin ng maso at tubo.
05:57Ayon sa pulisya, nalaman nila ang insidente nang magsumbong ang dalawang anak ng mag-asawang biktima sa barangay Managok.
06:06Nakapagtago raw ang dalawang minor di edad kaya nakaligtas.
06:10Nasa kustudya na sila ng mga otoridad at isinailalim sa counseling.
06:15Ayon sa pulisya, hindi pagnanakaw ang motibo dahil walang nawala sa mga gamit sa bahay.
06:21Alitan sa negosyo ang isa sa mga tinitingnan nilang motibo.
06:25Hinahanap pa ang ilang persons of interest.
06:27Wala pang pahayag ang iba pang kaanak ng mga biktima.
06:35Happy Monday mga mari at pare.
06:38Dumating na ang isa sa pinakamakapangyarihang sangre sa Pinoy Big Brother House.
06:45She is no other than Sangre Tera Bianca Umali.
06:48Si Bianca, ang pinakabagong celebrity house guest na ni-reveal sa episode kagabi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
06:56Ano kaya ang magiging mission ni Kapuso Prime Gym sa loob ng bahay?
07:02Sabay-sabay natin niyang alamin mamayang 10.05pm sa GMA.
07:06Bago yan, nag-spend muna ng quality time si Bianca with her better half na si Ruru Madrid.
07:14Sa Instagram, isinare ni Ruru ang ilang snaps at clips ng kanilang date.
07:19May caption pa yan na,
07:20Date muna bago pumasok ng bahay ni Kuya si Isadora.
07:25I miss you already mahal.
07:28And speaking of Bianca,
07:30Malapit na ang kanyang pagbabalik sa prime time sa Encantadia Chronicles Sangre.
07:36Fierce fight scenes at palaban na world building ang nasaksihan sa latest trailer ng serye.
07:42Suot ang kanilang baluti o battle suits.
07:45May kanya-kanyang pasilip sa action-packed scenes ng Sangre New Gens.
07:50May pasilip din sa mga karakter ng current kapuso PBB housemates na sinamika sa lamangka at Shubi Etrata.
07:58Mark your calendar, Encantadex, dahil mapapanood na ang Encantadia Chronicles Sangre this June 16.
08:06Mga kapuso, wag daw wag humbabaliwalain ang rabies dahil ito po ay nakamamatay.
08:18Noong nakaraang taon, mahigit apat na raan ang naitalang kaso ng rabies infection sa Pilipinas
08:23ayon sa Department of Health.
08:25100% ang fatality rate o lahat ng pasyente ay nanamatay.
08:30Mula po January hanggang March naman ngayong taon, 55 na ang kaso nito sa bansa.
08:36Nito lamang May 18, isang lalaking taga-laguna ang namatay dahil rin sa rabies infection.
08:42Siyam na buwan yan, matapos siyang makagat ng aso noong August 2024.
08:48Nakapagbabakuna naman siya pero hindi raw na kumpleto.
08:52Paalala po na ililipat ang rabies virus sa tao kung makagat madilaan,
08:56madilaan ang sugat o makalmot ng infected na hayop.
09:00Kaya kung makaranas po niyan, hugas ang maigi ang sugat sa dumadaloy na tubig sa loob ng 10 minuto.
09:07Lagyan ito ng alkohol o iodine.
09:10At mumunta ka agad sa Animal Bite Center, health center o sa ospital para matingnan ang doktor at mabakunahan.
09:17Huli kam ang biglang pag-u-u-turn ng tricycle na yan sa National Highway sa barangay San Pablo, Santo Domingo, Ilocosur.
09:27Saktong paparating naman ang isang bus at nasalpok ang tricycle.
09:31Sa lakas po ng impact, na yupi ang tricycle na may sakay na dalawang babae.
09:36Isinugod sila sa ospital pero idiniklarang dead on arrival.
09:40Nasa huwi naman ang driver ng tricycle habang ginagamot sa ospital.
09:45Nagkaareglo na ang pamilya ng mga biktima at kumpanya ng bus sa nangyaring insidente.
09:49Samantala, nagsampa ng reklamong physical injury si Serrador Jingoy Estrada laban sa tatlong sospek na nambugbog umano sa kanyang anak at pamangkin sa Boracay.
10:07Wala pang pahayag ang mga sospek na posibleng pinagkripandaw ang mga kaanak ni Estrada.
10:13Balitang hati ni Mav Gonzalez.
10:15Nagbabakasyon sa Boracay ang anak at pamangkin ni Senate President Pro Tempore Jingoy Estrada
10:23nang mapagtripan at bugbugin umano ng mga residentek ayon sa Senador
10:27pauwi na galing sa isang bar ang anak niyang si Julian Ejercito
10:31at pamangking si Chefferelli Vitug nang atakihin ng tatlong sospek mula sa likod.
10:36Kwento pa ni Senador Estrada, kahit bumagsak na raw si Julian, pinagtatadyakan pa rin ang sospek.
10:42Sabi pa umano ng isang sospek sa pamangkin niya,
10:44masyado kang maangas.
10:46Ayon sa Malay Police, galing sa parehong bar ang mga sospek at mga biktima.
10:50Nasa 50 metro pa lang daw ang nalalakad ng mga biktima nang mangyari ang pag-atake.
10:55According to the witnesses, talagang from the na naglalakad po yung ating mga biktima,
11:04sinundang po ng ating mga sospek.
11:06Then hinakbayin sa likod, then dun po nagsimula na sinapak, dun po yung mga, yung mauling incident.
11:12According po sa biktima mismo, sabi niya po na kung hindi dumating agad ang polis,
11:19baka mas lumalapa yung pangbubugbog.
11:22Dahil yung witnesses po na nag-appear po dito, sila po yung subigaw ng polis, polis.
11:29And immediately nga po nag-responde yung polis.
11:32Tinangka pa raw tumakas ng tatlong sospek na pawang teenager.
11:36Nasa custody na nila ang tatlong sospek.
11:39Ayon sa polisya, magkaiba ang bersyon ng mga biktima at mga sospek kung ano ang pinagmula ng pangbubugbog.
11:45Based on the CCTV footages po na nag-other natin, nagkaroon lang sila nagkasalubong one time.
11:51Salubong lang?
11:51Opo, nagkasalubong.
11:52Tinginan lang asilog.
11:53Tinginan po eh.
11:53Doon po sila medyo nagkasalubongan sa loob.
11:56Sa same bar po, same bar.
11:58Sa loob, then yung lumabas na ang mga biktima, sunundan naman ang mga sospek.
12:02Sabi ni Sen. Estrada, wala namang komprontasyon o pag-uusap sa pagitan ng mga biktima at mga sospek sa loob ng bar.
12:09Kaya tingin nila na pagtripan lang ang mga biktima.
12:12Nagpapagaling sa ospital si Julian na may tama sa ulo.
12:16Sa ilong naman ang tama ng pinsan niya.
12:18Nagpunta si Estrada sa Buracay at nagsampan ng reklamang physical injury sa mga sospek.
12:23Aniya, walang magulang o kaanak na gustong mabiktima ng walang saysay na pananakit ang mahal niya sa buhay sa isang lugar na dapat ligtas.
12:32Umaasa raw si Estrada na iimbestigahan itong mabuti ng mga otoridad para makamit ang hostisya.
12:37Sinusubukan pa ng GMA Integrated News kunin ang panig ng mga sospek.
12:42Mav Gonzales, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:46Okay naman po, namuling pagpapatupad ng no-contact apprehension policy sa ilang kalsada sa NCR.
12:52Kausapin po natin si MMDA Director for Traffic Enforcement, Attorney Vic Nunez.
12:57Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
12:59Magandang umaga po, Ma'am Connie, and magandang umaga sa lahat ng inyong taga-subaybay.
13:05Attorney, ano ba yung target o gustong ma-resolve ba ng muling pagpapatupad siyempre itong no-contact apprehension policy o NCAP?
13:12Mas unang-una po, ang basic and main purpose niyan is to promote road safety, mapaganda ang dalaw ng trapeko,
13:24and lalong-lalong na po ngayong magkakaroon ng massive EDSA rehab where in ilang linya ng EDSA, both sides, northbound and southbound will be affected.
13:38Malaking bagay po na meron tayong no-contact apprehension policy because somehow it will be a deterrent.
13:45At sa amin pong obserwasyon ng ilang mga motorista rin, para pang talagang nakakatulong daw ito.
14:00Kanina, marami hong parang natakot na. Ganon din ho ba ang inyong nakuhang report?
14:06Yes, Ma'am Connie. As of 11 a.m., nag-start po kami ng 6 a.m. kaninang umaga
14:13up to 11 a.m. po, ang naitalaho namin is 369.
14:21So, parang mababa nga ho talaga sa lab namin yung mga pasaway ngayon.
14:29At nakita rin namin na mostly yung mga lumalabas ng 7 to 10 a.m.,
14:36na mga nag-violate ng coding, eh wala ho. Halos kaming nakita ang mga nag-violate sa coding.
14:42Unlike before na talagang lumalabas at tumatagol lang ng mga enforcer namin.
14:49That's good to know. Pero ito ho, may mga nagsasabi nga na nakakalito dahil papaano nila babayaran.
14:56Paggabay na lamang ho para doon sa mga nagtatanong na siyempre papaano nila makukuha,
15:02gaano katagal ba dapat nila makuha yung kanila pong mga notice, no?
15:06At saan ito babayaran?
15:07Yes, Ma'am Connie. Unang-una, magpapadala kami ng summon or subpina sa registered owner ng plate ng vehicle.
15:20Within 7 days kung kailan namin sila nakunan.
15:24And nakalagay po doon sa summon yung date kung kailan sila nag-violate, magkano ang babayaran nila.
15:34And marami na ho tayong partners na online payment portals, ang MMDA.
15:40They don't need to come here sa aming opisina.
15:43Pwede po sila magbayad sa Paymaya, sa land bank, at sa mga bayad centers,
15:49and even po sa mga 7-11 stores, they could settle their traffic violation po doon sa mga nabanggit na online payment portals.
16:02Registered owner po ng sasakyan, yung makakatanggap ng notice of violation.
16:06E papaano ho kung hindi sila yung nagmamaneho nung oras na nahuli kami, yung paglabag?
16:11Pwede ho ba nila itong i-dispute? Papaano ho?
16:15Yes, pwede ho silang mag-file ng contest.
16:17Meron ho kaming online filing wherein they can just visit ang aming website.
16:23Meron ho doon link or QR code.
16:25Meron, directo na ho doon, i-guide na ho sila at may fill upan lang ho silang form.
16:32And i-upload nila yung driver's license or kanilang plate number or picture ng sasakyan.
16:39And then, magkakaroon na ho doon ng feedback within three days ang aming traffic adjudication.
16:46So, mas pinabuti na ho namin ito.
16:48They don't need to file physically dito sa MMDA.
16:52And even po yung niring minsan online, di na ho nila kailangan pumunta pa dito.
16:57I see. Pero attorney, alam nyo, nagagamit din ho yung ganitong, siyempre,
17:01mga paraan ng ibang mga nang saskam para makapangkuha ho
17:07anong kanilang mga babayaran na violation sa MMDA.
17:11Paano ho malalaman na lehiti mo yung kanilang pupuntahan para mabayaran
17:16at talagang kapartner po ng MMDA?
17:18Yes, nasa website ho namin at even sa MMDA.
17:22Facebook page and other social media accounts ng MMDA.
17:25Nandun ho ang lista ng mga partners, ng mga online payment portals ng MMDA.
17:34At lahat naman ho yan, may resibo na ibibigay sa kanila.
17:40Okay. Via email din po nila makukuha?
17:43No, they could just screenshot it and kahit to sa 7-11 or by centers, may resibo yun na ibibigay sa kanila.
17:51I see. Okay. Ano naman ho ang aasahan ng mga motorista sa June 16 dry run para sa odd-even scheme dyan po sa EDSA?
17:58Yes, kasi po, nabanggit ho kanina sa press briefing na by June 13 magsisimula na ho kung mag-set up ang DPWH sa kahabaan ng EDSA.
18:09And sinabay na rin ho ito. Ito ay isa sa mga mitigation na ginawa ng MMDA at ng DOTR at DPWH.
18:20Unang una, yung odd-even scheme paglilibri sa TOLFI para mabawasan po yung dadaan sa EDSA during the EDSA rehab.
18:28That's why in-implement natin itong odd-even scheme which will be implemented Monday to Saturday during the entire rehab ng EDSA.
18:40So by June 16 po, magkakaroon ho kami ng dry run. Mamamara kami at we will notify yung mga nag-violate nito.
18:50But hindi ho sila bibigyan ng ticket or wala pa pong penalty.
18:53This is one way para may promote natin sa publiko yung pangangailangan ho talaga.
19:01Kasi by doing this odd-even scheme during the entire stretch ng EDSA rehab, 40% ho ng vehicles ang mababawas.
19:10Alam naman natin pag nagsimula na ito talagang matindi ho ang traffic na mararanasan natin.
19:17That's why ito po ang isa sa mga mitigating options na alternative na naisipan ng gobyerno.
19:24Aside from of course, yung pag-clear ng ating mga alternative routes, mga roads from obstructions, illegal vendors.
19:34Para mag-met yung mga alternative roads na yan instead na dumaan kayo at bumaybay sa kahabaan ng EDSA.
19:43Opo, attorney na, banggit nyo nga talagang aasahan natin ang matinding lagay ng traffic o kapag nasimula na po yung rebuild ng EDSA.
19:51Pero gaano katindi sa inyo pong pag-aaral ang magiging takbo po ng ating mga motorista dyan, lalo't ito ho ay aabuti ng taon?
20:01Yes, one and a half year to two years.
20:05Unang-una po, nilibri natin through the help of San Miguel Corp and the initiative ng DOTR and Toll Regulatory Board yung three tollways sa Skyway Stage 3.
20:16So, libri ho yan sa pagsimula ho ng rehab.
20:21Pangalawa, magdadagdag ng 100 buses ang DOTR sa EDSA bus carousel para i-encourage ang ating publika na sumakay sa mas public transport at iwasang magdala ng kanilang private vehicles.
20:34Pangatlo po, sabi po kanina ni Secretary Vince Disson, pinag-aaralan nila na magdagdag ng maraming dagdag na bagon sa MRT3 na binabay ko ang kahabaan ng EDSA.
20:47Ito pong add-even scheme and of course, yung paglinis ng ating mga alternate roads ng mga obstructions at illegal vendors.
20:55I think marami pa ho kaming gagawing mga mitigating interventions, initial interventions to mitigate the traffic during the EDSA rebuild.
21:08So, hopefully sa mga alternatibo at interventions na gagawin ng gobyerno, hindi masyadong maramdaman yung perwisyo ng ating taong bayan.
21:19Kasi yan po, utos ating mahal na presidente na huwag masyadong pabigatin ang perwisyo at yung impact sa publiko during the EDSA rebuild.
21:30Sana nga po, at kami huwag mapapasalamat na sa inyong ibinigay sa aming ora sa Balitang Hali, sir. Thank you.
21:36Maraming salamat po at magandang tanghali.
21:38Yan po naman si MMDA Director for Traffic Enforcement, Attorney Vic Nunez.
21:49Maraming salamat po at magandang tanghali.

Recommended