Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
-Jeep, naatrasan ang ilang sasakyan matapos mawalan ng preno; 1 sugatan

-Nakaparadang truck, biglang umabante; nasalpok na motorcycle rider, patay

-Nakawalang baka, dumiretso at lumangoy sa dagat

-Thunderstorm Watch, itinaas sa NCR at ilang karatig-probinsya

-San Juan LGU: Hanggang mamayang 2pm lang ang basaan; may designated basaan zones din

-Lalaking nagpagupit at hindi nagbayad, tinangay pa ang motorsiklo ng barbero

-Motorsiklong nawalan umano ng preno, dumiretso sa spillway; 3 batang angkas, tinangay at nalunod

-SUV, nasunog sa Brgy. Ugac; engine compartment nito, nagliyab

-INTERVIEW: ASEC. ROBERT FERRER
DEPT. OF FOREIGN AFFAIRS

-VP Duterte, naghain ng not guilty plea at ipinababasura ang impeachment case laban sa kanya

-Malacañang sa pahayag ni VP Duterte laban kay PBBM: Sino ba talaga ang nambubudol?"

-PDEA: Mahigit P9B halaga ng shabu na nakitang palutang-lutang sa dagat sa hilagang Luzon, nakatakdang sirain bukas sa Capas, Tarlac

-CharEs, unang duo na nakapasok sa Big Four ng "PBB Celebrity Collab Edition"

-Babaeng nakatulog, kuwelang napag-tripan ng kanyang mga kaibigan

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Pagkakaiwas sa pagkakaipit ang isa pang nakasabit sa jeep.
00:33Batay sa embestikasyon, nawala ng preno ang jeep.
00:36Sugatan ang motorcycle rider na pinangakuan ng jeep ni driver na sasagutin ang pagpapagamot.
00:43Tumanggi na ang mga sangkot sa insidente na magbigay ng pahayag.
00:50Eto na ang mabibilis na balita.
00:52Patay ang isang motorcycle rider matapos masalpok at bumailalim sa isang truck sa Payatas Road sa Quezon City.
01:01Batay sa embestikasyon ng pulisya, nakagarahay ang truck's compound na nasa tapat na isang gasolinahan.
01:06Nang biglay itong umabante at nakalabas sa gate.
01:10Doon nasalpok ang motorcycle rider na pauwi na sana.
01:14Wasak ang harapan ng motor at nabasag ang windshield ng truck na tumama sa pose ng ilaw.
01:19Hinahanap ang tumakas na truck driver na posibleng maharap sa reklamo.
01:25Sugatan naman ang isang lola sa Cebu City matapos mabangga ang nakaparado nilang e-bike na isa pang e-bike.
01:32Sa embestikasyon, napagalaman na lasing umano ang pitong sakay ng nakabanggang e-bike.
01:38Nag-aalmusal noon ang biktima na nasa loob ng kanilang e-bike.
01:42Agad siyang isinugod sa ospital matapos magtamo ng mga sugat sa muka at katawan.
01:47Magbibigay na ng tulong pinansyal ang mga sakay ng e-bike sa biktimang na ospital.
01:51Nasa infounding area na ng Cebu City Traffic Office ang nakabanggang e-bike.
01:56May isang baka sa katainan masbate na baka na misyata agad ang tag-init.
02:05Ang baka nakalahok kasi sa huwego de toro o bullfight na kawwala at dumiretso sa dagat.
02:13Baka naisipang mag-cool down bago ang intense na kompetisyon.
02:18Kaya ayun, tila enjoy sa paglangoy at napalayo pa nga sa tubig.
02:24Nahuli at naisakay naman ang baka sa bangka at ligtas na naibalik sa dalampasigan.
02:30Ang People for the Ethical Treatment of Animals o PETA,
02:33handa raw kupkupin ang baka at dalhin sa isang sanctuary.
02:38Baka raw gusto ng hayop na mabuhay ng malaya.
02:43Samantala, nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila.
02:51Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
02:57Ibig sabihin, mataas po ang chance na magkaroon ng thunderstorm
03:00o bigla ang malakas na pagulan hanggang alas 10 mamayang gabi.
03:08Pagsa rin po ngayon ang mga namamiesta sa Wata Wata Festival sa San Juan City.
03:13Marami man ang excited sa basaan.
03:15May mahigpit na paalala ang lokal na pamahalaan.
03:19At may ulat on the spot si Oscar Oida.
03:22Oscar?
03:22Yes, Connie, sa kasalukuyan ay nagaganap pa rin ang Wata Wata Festival kung saan nakikita sa aking lugran
03:32ay nagaganap ang street dance competition.
03:36Pero sa ibang bahagi ng San Juan, kaliwat kanan pa rin ang basaan.
03:41To whom it may concern ang buga, kahit sino pwedeng mabasa.
03:46Pinamunuan yan mismo ng ama ng lungsod na si Mayor Francis Zamora.
03:52Pero hindi gaya ng mga naging basaan noong manakaraang taon.
03:56Ngayon, may mga oras at lugar na lang na pwedeng mambasa.
04:01Mula 7am hanggang 2pm lang at dapat sa loob lamang ng itinalagang basaan zone sa may pinaglabanan road
04:09mula Endomingo hanggang Pigibara at sa paligid ng pinaglabanan shine.
04:14At hindi na rin uubra yung mambubukas ang pinto ng sasakyan at habasain ang tao sa loob nito.
04:22Bawal na bawal na rin ang paggamit ng maruming tubig, bote, yelo at plastic containers.
04:28Hindi na rin uubra ang mga high pressure water sprayers o anumang bagay na maaaring makasakit o makapensala.
04:35Ay di na rin ang pagdiriwang.
04:38May liquor ban mula kainang 12.01am hanggang 2pm.
04:43Bawal din muna ang pagbibenta ng alak sa pampublikong lugar tulad ng tindahan at kainan.
04:49Ang sino mang lalabag sa mga panuntunan ay maaaring pagmultahin ng 5,000 piso at hanggang 10 araw na pagkakakulong.
04:59Samantala, Connie, kalagitnaan naman ng kasian ng sumiklab ang gulo sa pagitan ng mga grupo ng kabataan.
05:05May nagabasag pa ng bote at may nasaktan.
05:10Agad namang nabigyan ang paunang lunas ang nasugatan habang iniimbisiganan ng motoridad ang pangyayari.
05:17Connie?
05:18Maraming salamat, Oscar Oida.
05:20Lumabas ng pagupitan sa Bacolo City ang lalaking niya na nakahasandong itim.
05:27Nahagip sa CCTV ang pag-atras niya sa motorsiklo na hindi palakan niya.
05:32Ang may-ari ng motor ang barberong kanyang pinagpagupitan na hindi rin niya binayaran.
05:39Hindi na raw ito inre-report ng barbero sa pulisya.
05:41Ito ang GMA Regional TV News.
05:51Tatlong batang babae ang nalunod sa Bubunawan River sa Libona, Bukidnon.
05:56Kwento na isang saksi sakay noon ng motorsiklo ang mga biktima kasama ang kanilang nanay at stepfather.
06:03Nawalan o mano ng preno ang sasakyan kaya dumiretsyo ito sa spillway sa barangay Kapihan.
06:08Nakalangoy papunta sa gilid ng spillway ang mag-live-in partner pero tinangay ng tubig ang mga batang edad 12, 8 at 6.
06:17Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na kunin ang pahayag ng mga magulang nila.
06:31Nasunog naman ang isang SUV sa Tuguegaraw, Cagayan.
06:35Huli cam na balot ng usok ang sasakyan sa gilid ng Arellano Street Extension sa barangay Ugak.
06:41Ayon sa BFP Tuguegaraw, itinabihan ng may-ari matapos makitang umuusok ang sasakyan niya.
06:47Kalaunan, nadiskubring nagliab ang engine compartment ng sasakyan at kumalat ang apoy.
06:53Bumigit kumulang 50,000 pesos ang sinasabing danyo sa sunog.
06:57Hindi naman nasaktan ang mga sakay ng sasakyan.
07:00Update naman po tayo sa repatriation ng ilang Pinoy matapos ang pag-atake ng Iran sa U.S. Air Base sa Qatar.
07:08Tausapin po natin si Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Robert Ferrer.
07:13Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
07:16Magandang umaga po.
07:18Apo.
07:18I only have 10 minutes po.
07:20Yes. Okay.
07:21Susubukan po natin ito itanong at mga hiki, kamusta po tayo sa mga kababayan natin sa Qatar matapos nga po itong pag-atake ng Iran sa Al-Udeid Air Base ng Amerika po.
07:33Okay naman po sila.
07:35We're getting reports from our ambassador on the ground, si Ambassador Martomel Melikor of Cagayan de Oro.
07:43And he was the former Assistant Secretary for Middle East and African Affairs ng DFA.
07:50So he's very familiar with the region and with the situation.
07:53Ang balita ko pong huli ay they were brought to the pre-departure.
07:59So that's good news.
08:01But I have not received news that they are boarding or have boarded.
08:05Supposed to be po nasa airport kami this morning para sunduin po itong 30 na first batch of OFWs from Israel who exited via Jordan
08:17and a few also from Jordan assisted by Ambassador Aileen Mendiola of Tel Aviv Philippine Embassy
08:25and Ambassador Fred Santos sa embahada po natin sa AMAN.
08:29Apo.
08:30So we hope they will arrive today.
08:32So tabayanan lang po natin.
08:34Pasensya na po kayo.
08:35We might not have time for media interviews after this.
08:38Alright.
08:39May mga naitalaho bang nasaktan o nawawala?
08:42At ilang Pinoy ho ba ang nasa Qatar na mga kababayan natin?
08:46Sa Qatar po,
08:48hundreds of,
08:51in the whole of Middle East,
08:522 million po ang Filipinos.
08:54In Qatar,
08:56I'll get back to you because I don't have the figure right now with me.
09:00But,
09:02marami po sa Qatar.
09:03I think in the hundreds of thousands,
09:06if I'm not mistaken.
09:07There's an entire
09:08Philippine community there,
09:11very large.
09:12And,
09:13yeah,
09:13we're hoping and praying that the ceasefire
09:15announced by US President Trump,
09:18which will take in effect today,
09:20will lead to peace.
09:22So,
09:23abangan lang po natin mga kababayan,
09:25kung ano yung mangyari with it today.
09:26yun nga ho,
09:27may anunsyo si US President Trump
09:29ng ceasefire,
09:30pero ito ho'y dininay
09:32ng kanilang foreign minister.
09:35Sa mga pagkakataon po ito,
09:36ano ho ba ang mensahe ninyo
09:37sa ating mga kababayan dyan?
09:39Lalo pat,
09:40sinasabi nga,
09:41ito ho'ng pag-atake ng Iran
09:42sa pinakamilaking military installation
09:44ng Amerika sa Middle East
09:45ay buti na lamang na intercept,
09:48pero baka daw magtuloy-tuloy.
09:50depending sa sagot pa rin
09:51na ito na ginagawa ng Israel
09:53na pag-atake sa Iran.
09:56Yeah,
09:56yung Qatar po is 222,563.
10:01Mm-hmm.
10:01Yeah.
10:03So,
10:03well,
10:04they're not attacked by anyone.
10:07I think it's because
10:08may US base po sa Qatar.
10:09Yes.
10:11That's why na-declare po
10:12na-close yung airspace
10:13ng Qatar
10:14kaninang madaling araw.
10:15So,
10:16wala naman pong report
10:18na may nasawi
10:19o nasaktan.
10:20Mas binabantayan po namin ngayon
10:21ng Israel
10:22because may ongoing
10:23missile attack po ngayon
10:25sa Israel.
10:27Nakalimang alert na po sila
10:28this morning pa lang.
10:30And also,
10:30we are still monitoring
10:32the situation in Tehran
10:33because we are in the process
10:35of repatriating
10:36the first batch
10:37out of Iran
10:39via the Turkmenistan border.
10:41Oho.
10:43Nadagdagan pa ho ba
10:44yung mga gusto
10:44magparepatriate?
10:46We heard na meron
10:46253
10:48na mga OFW
10:50ang gusto sana
10:50pero 71 pa lamang po daw
10:52ang currently
10:53marirepatriate
10:54dahil sa pabago-bago
10:55rin yung pagdidesisyon
10:56ng ilan ho natin
10:57mga kababayan.
10:59Yeah.
10:59Well,
11:00constant naman yung
11:01updates
11:02ng ating ambassadors
11:03on the ground.
11:05We just had a briefing
11:06from
11:07Ambassador Aileen Mendiola
11:08and yesterday
11:10from Ambassador Robert Manalo
11:12and Ambassador Aileen Mendiola
11:13also.
11:14And today po
11:15there is a meeting
11:17about contingency
11:18plan implementation
11:19po
11:20led by
11:22the Secretary of Foreign Affairs
11:23Ricky Manalo
11:24and Undersecretary Ed Di Vega.
11:27So,
11:27we are
11:28activated na po
11:30yung contingency plans
11:31para pong
11:32intricate
11:33steps po yan
11:34na nakamapa na
11:35and all
11:37possible
11:38scenarios po
11:39ay
11:39na-exercise na po
11:41at
11:42pre-ractice
11:43ng mga ambassadors
11:44natin on the ground.
11:46Asek,
11:46marami pong salamat
11:47sa inyo pong ibigay
11:48sa aming oras
11:48dito sa Balitang Hali.
11:50God bless.
11:51Abuhay po kayo.
11:52God bless din po
11:53at yan po naman
11:53si Department of Foreign Affairs
11:55Assistant Secretary
11:55Robert Ferrer.
12:04Not guilty
12:05ang inihahing plea
12:06ni Vice President
12:07Sara Duterte
12:08sa impeachment case
12:09na ipinababasura rin
12:10ng kanyang kampo.
12:11Kabilang yan
12:12sa mga sagot niya
12:13sa writ of summons
12:13ng Senate Impeachment Court.
12:15Balitang atid
12:16ni Mav Gonzalez.
12:20Dumating sa Senado
12:21ang kinatawa
12:22ng kampo
12:23ni Vice President
12:23Sara Duterte.
12:25Dala niya
12:25ang sagot
12:25ng Vice Presidente
12:27sa writ of summons
12:27sa kanya.
12:28Nakasaad dito
12:29na dapat
12:29i-dismiss
12:30o i-basura
12:31ang ika-apat
12:31na impeachment complaint
12:32dahil ito
12:33ay void ab initio
12:35o walang visa
12:35sa simula pa lamang.
12:37Ayon kay Vice President Duterte,
12:39labag ito
12:39sa one-year bar rule
12:40sa konstitusyon
12:41na nagbabawal
12:42ng pagsisimula
12:43ng higit sa isang
12:44impeachment complaint
12:45laban sa isang opisyal
12:47sa loob ng isang taon.
12:48Ang sagot niya,
12:49may nakasulat
12:50na katagang ad cautelang.
12:52Salitang Latina
12:53sa Ingles
12:53ay more abundant caution
12:55o may labis
12:55na pag-iingap.
12:56Nakasaad din
13:16na isinumitin nila
13:17ang sagot
13:17nang hindi tinatalikuran
13:19ang anumang pagtutol
13:20sa jurisdiction
13:21ng korte
13:21at iba pang isyo
13:22sa kaso.
13:23Nagpadala rin
13:24ng kampo
13:24ng visa
13:25ng kopya
13:25ng sagot
13:26sa Kamara.
13:27Natanggap daw nila itong
13:28ayon sa spokesperson
13:28ng Kamara
13:29na si Atty.
13:30Princess Abante.
13:31Sa June 30
13:32ang deadline
13:32ng House Prosecution Panel
13:34para mag-reply
13:35sa tugon
13:35ni Vice President Duterte.
13:37Inihahanda na rin daw
13:38ng mga abugado
13:39ng BISE
13:40ang kanyang tugon
13:41sa order na inisyo
13:42ng Ombudsman.
13:43Pinasasagot siya
13:43sa reklamang
13:44may kaugnayan
13:45sa maanumalya
13:46o manung paggamit
13:47ng confidential funds.
13:48Ang mabilis na aksyon
13:49ng Ombudsman,
13:50welcome development daw
13:51para kay House Committee
13:52on Good Government
13:53and Public Accountability
13:54Chairman Joel Chua.
13:56The mere fact
13:57na inadapt nila
13:58yung aming
13:58committee report
14:01nang hindi pa man din
14:02naka-attached dun
14:03yung mga ebidensya
14:04e ibig sabihin po nun
14:07malamang nakikita po nila
14:09e meron na pong
14:10probable cause.
14:12Pero nag-aalala si Chua
14:13sakaling maunang lumabas
14:15ang resulta
14:15ng investigasyon
14:16ng Ombudsman
14:17sa desisyon
14:18ng Senate Impeachment Court.
14:19Meron po isang kaso
14:20yung Ombudsman
14:21versus Court of Appeal
14:23kung saan sinabi po dito
14:25ng ating
14:26kagalang-galang
14:27na Korte Suprema
14:28na yung mga
14:30impeachable officers
14:31kagaya po
14:32ng Ombudsman
14:33bago po sila
14:34makasuhan
14:35dapat
14:36i-impeach
14:37muna sila.
14:38So hindi ko alam
14:40kung paano ito
14:41i-reconcile
14:42dito po
14:43sa case po
14:44ng ating
14:45vice-presidente
14:45kung
14:46sakasakali
14:47na ilabas nila
14:49muna ang desisyon
14:50bago
14:51lumabas ang desisyon
14:54ng Impeachment Court.
14:55Pero ang isa pang
14:56impeachment prosecutor
14:57na si Representative
14:58Lawrence Defensor
14:59walang nakikitang epekto
15:00ang investigation
15:01ng Ombudsman
15:02sa impeachment proceedings
15:03kahit pa ibasura
15:04ng Ombudsman
15:05ang reklamo
15:06laban sa vice.
15:06I don't see any
15:07impact on the
15:09impeachment complaint.
15:11I'm glad that
15:11the Ombudsman
15:12took action
15:14on the recommendations
15:15on the Committee
15:16on Good Government
15:16and that's a good sign
15:18for us.
15:18It will affect
15:19public opinion
15:20on the case
15:21but it will not
15:22affect the impeachment
15:23if the evidence
15:24will be received
15:24by the senator judges.
15:27Pagtitiyak ni
15:28Congressman Chua
15:29makikipagtulungan
15:30sila sa Ombudsman.
15:31Hindi rin daw
15:32makakasagabal
15:32ang investigation
15:33ng Ombudsman
15:34sa paghahanda
15:35ng House
15:35Prosecution Panel
15:36para sa impeachment
15:37trial.
15:39Mav Gonzales
15:40nagbabalita
15:40para sa GMA
15:41Integrated News.
15:43Sinagot ng Malacanang
15:44ang patutsada
15:45ni Vice President
15:46Sano Duterte
15:47na may katangiang
15:49scammer daw
15:50si Pangulong
15:50Bongbong Marcos.
15:51Budol in English
15:58is scam, no?
15:59Yeah.
15:59Well, we are not
16:01surprised.
16:03He has the
16:04hallmark of
16:04scammer.
16:06Budol?
16:07Talaga?
16:08Sa nakikita po
16:08natin
16:09na pagtatrabaho
16:10ng Pangulo
16:10sa pag-uutos
16:13sa amin
16:13na focus
16:14sa trabaho
16:14at hindi
16:15pamumulitika?
16:17Sino ba talaga
16:18nang bubudol?
16:19Sabi ng Palacio
16:22kung hindi nakikita
16:23ni D.P. Duterte
16:23ang ginagawa
16:24ng pamahalaan
16:25yan daw ay dahil
16:26hindi niya
16:26minubuksan
16:27ng kanyang mata
16:28at isip.
16:29Mahirap daw
16:29buksan ang mata
16:30ng anilay
16:31nagbubulag-bulagan
16:32at walang balak
16:33malaman
16:34ang nangyayari
16:35sa gobyerno.
16:36Bukod sa pagtawag
16:37na scammer,
16:37sinabi rin ang vice
16:38na may problema
16:39siya sa performance
16:40si Pangulong Marcos
16:41at hindi siya
16:42dadalo sa
16:43State of the Nation
16:43address sa Hulyo
16:45dahil wala raw
16:46maiuulat
16:46na makabuluhan
16:47ang presidente.
16:49May balak na
16:53ang gobyerno
16:54tungkol sa
16:54mahigit siyam
16:55na bilyong pisong
16:55halaga ng siyabu
16:56na nakitang
16:57palutang-lutang
16:58sa dagat
16:58sa Hilagang Luzon.
17:00May ulat
17:00on the spot
17:01si Ivan Mayrina.
17:03Ivan?
17:05Nakatakdang
17:06sirang bukas
17:07ng Philippine
17:07Drug Enforcement
17:08Agency
17:08OPDEA
17:09ay tinuturing nila
17:10ang pinakamalaking
17:10drug call
17:11sa kasaysayan.
17:121,500 kilo
17:14na nagkakahalaga
17:15ng mahigit siyam
17:15na bilyong piso
17:16ang siyabu na yan.
17:17Nakabuan
17:17ng mga droga
17:18nakitang palutang-lutang
17:19sa coastline
17:20ng bansa
17:20sa mga kadubig
17:21ang sakop
17:22ng Zambales,
17:22Pangasinan,
17:23Ilocos Lorte,
17:24Ilocos Sur
17:25at Cagayan.
17:26Mismong si
17:26Pangulong Bongbong
17:27Marcos
17:27ang nagutos
17:28ng agarang
17:28pagsira nito
17:29at personal
17:30siya nagtungo
17:31sa headquarters
17:31sa PIDEA
17:32para inspeksyonin
17:33ang mga droga.
17:35Bukas
17:35siyang gaganapin
17:36yung pagsira
17:36rasi
17:37sa Kapas Tarnak.
17:38Ayon sa Pangulo
17:39malaking bagay ito
17:40dahil sa naiwasang
17:41matinding pinsalang
17:41na idulot sana nito
17:42at kalipunan
17:43kapag naibenta
17:44at nagamit
17:45ng mga adik
17:45sa droga.
17:46Huli ibinida
17:47ng Pangulo
17:47na ang diskarte
17:48ng kanyang
17:48administrasyon
17:49yung mapayapang
17:50kampanya
17:50kontra droga
17:51at ang giit niya
17:52efektibo ang anyay
17:53bagong konsepto
17:54ng war on drugs
17:55na itinatutupad niya.
17:57Ang kakaiba
17:58pa sa diskarte
17:58nila ayon sa Pangulo
17:59ang mas pinaiting
18:00na kampanya
18:01sa prevention
18:01o pagpigil
18:02ng pagpasok
18:02ng droga
18:03at rehabilitation
18:04o pagtulong
18:05sa mga adik
18:06na makapagbagong
18:07buhay.
18:08Kasabay ng pagtuging
18:09sa mga malalaki sindikato
18:10na hindi daw
18:11ang utos sa pulisya
18:12na habuli
18:12ng mga malalit
18:13na tulak
18:13ng droga
18:14na mang anya
18:15para iparamdam
18:16sa mga mamamayan
18:16na ligtas sila
18:18sa kanika nilang komunidad.
18:19Ayan naman sa PIDEA
18:20patuloy ang kanilang
18:21pagbabantay
18:22sa mga baybayin
18:22at tukoy na raw nilang
18:23sindikatong
18:24nasa likod nito
18:25at patuloy
18:26ang kanilang
18:26pagtugis sa kanila.
18:28At yan ang latest
18:28mula sa Malakay
18:29ang balik sa iyo natin.
18:31Maraming salamat
18:32Ivan Mayrina.
18:39Two weeks to go
18:41bago ang nalalapit
18:42na pagtatapos
18:43ng teleserye
18:44ng totoong buhay
18:45ng mga sikat.
18:46May first duo na
18:47na pasok
18:48sa Big Four
18:49ng PBB Celebrity
18:50Collab Edition.
18:52Yan ang duo
18:54ni na Charlie Fleming
18:55at Esnir
18:55o Team Charest.
18:57Ang Charest
18:58ang nakakuha
18:58ng 11 votes
18:59mula sa pinagsamang boto
19:01ng current duos
19:02at ex-housemates.
19:04Kaya naman
19:04assure na
19:05ang Charest
19:06sa Big Night.
19:07Ang duos naman
19:08ni na AZ Martinez
19:09at River Joseph
19:10o Asver
19:10at Ralph DeLeon
19:12at Will Ashley
19:12o Rawi
19:13ang nakakuha
19:14naman ng
19:15TIG 2 points.
19:16Gabi-gabing
19:16subaybayan
19:17sa GMA Prime
19:18ang PBB Celebrity
19:20Collab Edition
19:209.35pm
19:22at 6.15pm
19:23tuwing Sabado.
19:31O ito
19:32taas kamay dyan
19:33ang mga naka-experience
19:34ng sleepover.
19:36Ang spoken rule
19:38or unspoken rule
19:39sa ganyan
19:39ay bawal
19:39mauuna
19:40sa pagtulong.
19:41Oo,
19:41gano'n ka lang.
19:43Wag kang mauuna yan.
19:44Ang lesson learned
19:46para sa isang membro
19:47ng group of friends
19:48sa Zamboanga del Norte.
19:50Matapos dumaten
19:51sa kasal,
19:52buhay na buhay pa rin
19:53ang diwa
19:54ng mga friendship
19:55ni na Mike Paul.
19:56Wera na lang
19:57kay Janelle
19:58na maagayatang
19:59na lobat.
20:00Kaya ang ending
20:01siya
20:01ang napagtripan
20:03at naging
20:03center of attention.
20:04Tawagin natin siyang
20:06bida
20:07sa pagtulog
20:08sa trip to Dipolo.
20:09Ayun naman,
20:10literal na
20:11dead man naman
20:12si Janelle
20:12dahil hibbing pa rin
20:14at wala yatang alam
20:15sa kwelang nangyari.
20:17Viral po ang video
20:18with
20:181 million views.
20:20Kaya,
20:21trending!
20:22Alam mo naman,
20:24bawal matulog,
20:26maunang matulog
20:27sa sleepover.
20:27Kundi,
20:28alam mo na
20:28mayayari.
20:29Viral ka!

Recommended