- today
-Sawa, natagpuan sa makina ng isang sasakyan
-DOE: Oil price rollback, posible pang masundan sa mga susunod na linggo
-Lalaki, patay matapos pagtatagain ng kainuman; isa pang kasama, sugatan naman
-Mag-asawa, patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay
-P50/araw na umento sa minimum wage sa NCR, epektibo sa July 18
-INTERVIEW: MARIA CRISELDA SY
EXEC. DIRECTOR, NATIONAL WAGES AND PRODUCTIVITY COMMISSION
-Paul Salas, nag-sorry sa fan na natumba matapos niyang kunin ang upuan sa kanyang performance
-"Voluntary Repatriation" o Level 3, inalis na ng DFA sa Israel; "Restriction Phase" o Level 2, itinaas
-Pulis na rumesponde sa holdapan sa Brgy. Commonwealth, patay sa pamamaril; bumaril sa kanyang holdaper, patay rin
-Mas maraming Pinoy, pabor na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court, ayon sa Octa Research Group
-4 na babae, nagrambol sa loob at labas ng bar dahil umano sa parinigan
-Sen. Risa Hontiveros, nanawagang manumpa na ang mga bagong senador para sa impeachment
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ
ASST. WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-PBBM, panauhing pandangal sa 78th Founding Anniversary ng Phl Air Force
-Jak Roberto at Barbie Forteza, nagkausap sa "Beyond 75" Kapuso event nitong Linggo
-Bisikletang nakakadena sa puno, kinumpiska ng MMDA: Rider na walang suot na helmet, tiniketan
-Pinababang stock transaction tax at pinasimpleng tax system sa ilalim ng Capital Markets Efficiency Promotion Act, epektibo na simula ngayong araw
-Lalaki, patay matapos malunod nang subukang kunin ang tsinelas na naanod sa ilog
-Driver, patay matapos mahulog sa bangin ang minamanehong mixed truck; pahinante, sugatan
-Iba't ibang lokal na produkto at serbisyo, ibinida sa Wedding Fair 2025 ng DTI
-Bonding ng isang aso at nanay ng amo nito, kinaaliwan ng netizens
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-DOE: Oil price rollback, posible pang masundan sa mga susunod na linggo
-Lalaki, patay matapos pagtatagain ng kainuman; isa pang kasama, sugatan naman
-Mag-asawa, patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay
-P50/araw na umento sa minimum wage sa NCR, epektibo sa July 18
-INTERVIEW: MARIA CRISELDA SY
EXEC. DIRECTOR, NATIONAL WAGES AND PRODUCTIVITY COMMISSION
-Paul Salas, nag-sorry sa fan na natumba matapos niyang kunin ang upuan sa kanyang performance
-"Voluntary Repatriation" o Level 3, inalis na ng DFA sa Israel; "Restriction Phase" o Level 2, itinaas
-Pulis na rumesponde sa holdapan sa Brgy. Commonwealth, patay sa pamamaril; bumaril sa kanyang holdaper, patay rin
-Mas maraming Pinoy, pabor na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court, ayon sa Octa Research Group
-4 na babae, nagrambol sa loob at labas ng bar dahil umano sa parinigan
-Sen. Risa Hontiveros, nanawagang manumpa na ang mga bagong senador para sa impeachment
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ
ASST. WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-PBBM, panauhing pandangal sa 78th Founding Anniversary ng Phl Air Force
-Jak Roberto at Barbie Forteza, nagkausap sa "Beyond 75" Kapuso event nitong Linggo
-Bisikletang nakakadena sa puno, kinumpiska ng MMDA: Rider na walang suot na helmet, tiniketan
-Pinababang stock transaction tax at pinasimpleng tax system sa ilalim ng Capital Markets Efficiency Promotion Act, epektibo na simula ngayong araw
-Lalaki, patay matapos malunod nang subukang kunin ang tsinelas na naanod sa ilog
-Driver, patay matapos mahulog sa bangin ang minamanehong mixed truck; pahinante, sugatan
-Iba't ibang lokal na produkto at serbisyo, ibinida sa Wedding Fair 2025 ng DTI
-Bonding ng isang aso at nanay ng amo nito, kinaaliwan ng netizens
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hello guys sir, I'm going to go with the vaccine guys.
00:09Tumambad ang sawang yan sa makina ng isang sasakyan sa isang smoke emission testing center sa Tagum Davao del Norte.
00:15Batay sa investigasyon, di na laro on ang may-ari ang sasakyan para ipatest.
00:20Nang buksan ang staff ang hood nito, nandoon na ang sawa.
00:23Ayon sa may-ari, matagal lang hindi ginagamit ang sasakyan at nakaparada lang malapit sa isang sapa.
00:28Hindi rin nila binuksan ang hood para suriin ang makina bago pumunta sa center.
00:33Nailigtas ang sawat na iturnover na sa City Environment and Natural Resources Office ng Tagum.
00:43Sabi ng Department of Energy, posibleng pang masundan ang pagbabasa presyo ng mga produktong petrolyo.
00:49Sa panayam ng Super Radio DZBB kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE,
00:55sinabi niyang malaki ang tsansa na ibalik ang presyo ng oil products noong nakaraang tatlong linggo.
01:02Mula po nitong June 10, mahigit 6 hanggang halos 8 piso kada litro ang naging dagdag presyo.
01:09Ngayong araw, efektibo na ang oil price rollback matapos ang sunod-sunod na lingguhang price hike.
01:15Piso at 80 sentimo ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.
01:21Piso at 40 sentimo naman sa gasolina, habang mahigit 2 piso para sa kerosene.
01:27Ito ang GMA Regional TV News!
01:36Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:40Nauwi sa trahedya ang inuman ng tatlong lalaki sa Malay Balay Mugidnon.
01:44Sara, ano nangyari?
01:47Rafi patay ang isa habang sugatan ang isa pa matapos silang pagtatagain ng kainuman sa Barangay San Jose.
01:54Sa imbisigasyon ng pulisya, nagtalo ang sospek at mga biktima sa kanilang inuman na humantong sa pananaga.
02:02Tumakas ang sospek na sumuko kalaunan sa isang barangay tanod.
02:05Ayon sa pulisya, aminado sa krimen ang sospek na gumamit daw ng itak.
02:10Inaalam pa ang kanyang motibo.
02:12Wala siyang pahayag habang sinusubukan pangkuna ng pahayag ang sugatang biktima na nagpapagaling sa ospital.
02:19Patay ang isang mag-asawa matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Bacolod City.
02:26Bakay sa imbisigasyon, nakatawag pa ng bombero ang babae at nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay.
02:32Pero hindi siya nakalabas kasama ang kanyang bedridden na asawa.
02:36Ayon sa mga bombero, nakagrills at sementado ang bahay kaya nahirapan silang pasukin ito.
02:42Kwento ng anak ng mga biktima, walang kasama ang mga magulang nang mangyari ang sunog.
02:48Tinatayang nasa 3 milyong piso ang pinsala ng sunog.
02:52Hinihinalang sirang air conditioning unit ang posibleng sanhi ng apoy.
02:59May inaproba ang dagdag na 50 peso sa arawang sahod ng minimum wage earners dito po sa Metro Manila.
03:05Hirit ng ilang manggagawa, hindi sapatang omento.
03:08Narito ang aking report.
03:12Simula July 18, epektibo na ang 50 pesos na omento sa sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila.
03:19Ang dagdag sahod mangyayari isang taon, matapos ang huling omento sa Metro Manila na 35 pesos.
03:24Ang service crew na si Louie, natawa na lang sa omento, lalo pat umasa siya sa isang daang piso omento na panukala sa Senado.
03:31Dagdag pagkain lang yung sir.
03:34Pero pang gaso sa araw-araw, parang hindi kakayanin pa rin yung sir.
03:38Kung aproba nila yung 100, baka pwede pa yun sir.
03:41Wala pang sariling pamilya si Louie, pero siya ang nagtataguyod para sa kanyang may sakit na ama at inang nagaalaga rito.
03:48Salamat na rin daw siya sa dagdag ng 50.
03:50Ikaw ba umasa ka sa mga kongresista na ibalik pa rin, ituloy nila yung legislated na at least 100 o 200?
03:58Hindi na ako umasa dun sir.
03:59Iyung 50 pa nga lang sir, hirap na silang aprobahan eh. 100 pa kaya siya.
04:04695 pesos na ang minimum para sa mga nasa non-agriculture sector sa Metro Manila mula 645 pesos.
04:11Para naman sa agriculture sector, service and retail establishments na 15 pababa ang bilang ng empleyado
04:17at manufacturing establishments na walang sampu ang bilang ng empleyado, magiging 658 pesos ang sahod mula sa kasalukuyang 608 pesos.
04:26Ang Employers Confederation of the Philippines, mas tanggap daw ang 50 pesos na umento
04:30kumpara sa panukalang 100 pesos na umento mula sa kongreso at 200 pesos mula sa senado.
04:36Kahit tabarabi sa mga miembro namin ang medyo hindi masaya, we will try to convince them and live with it
04:44kesa rin sa legislated wage site na emosyonal at hindi regda sa proseso.
04:52Kabilang sa batayan, ayon sa National Wages and Productivity Commission,
04:55ang 5.4% na paglago ng kita sa mga produkto at servisyo sa bansa o GDP nitong first quarter.
05:02Ang pagbagalaan nila ng pagmahal ng mga bilihin sa Metro Manila na nasa 1.7% noong Mayo
05:07at Unemployment Rate na nasa 5.1% naman noong Abril.
05:12Kaya nalangang balansin ang mga yan dahil sa pangambang mauwi ang taas sahod sa pagmahal ng bilihin at pagbawa sa bilang ng trabaho.
05:25E pagka yun yung tinaasal mo, mapipili na magtaas ang presyo iba, yung iba naman mapipili na magtaas ang tao kung hindi nila kaya.
05:34Pebrero noong nakarang taon, lumusot sa Senado ang panukalang 100 peso legislated wage hike,
05:40ang versyon ng Kamara na ipasa noong June 4.
05:43Pero patapos na ang 19th Congress nang maipadala ito sa Senado.
05:46Bago matapos ng sesyon, hinikayat ng Senado ang Kamara na i-adapt na lang ang kanilang versyon.
05:51Pero ang Kamara na nawagang i-convene ang Bicameral Conference Committee para pag-isahin ang magkaibang versyon.
05:57Sa huli, natapos ang 19th Congress nang hindi na-reconcile ng Kongreso ang panukala na dapat sa rin unang legislated wage hike sa loob ng halos apat na dekada.
06:06Ngayong 20th Congress, sinimulan ng ihain ang mga panukalang omento sa sahod,
06:11gaya ng panukalang 1,200 pesos na living wage para sa pribadong sektor.
06:16Nais naman ng ilang kongresista na buwagin ang provincial wage system at magtakda ng iisang minimum wage sa buong bansa.
06:24Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:29At kaugnay nga po ng 50 pesos na pagtaas sa minimum wage sa Metro Manila.
06:34Kausapin na po natin si National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselle Daci.
06:40Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halid.
06:42Magandang umaga po sa inyo at sa inyo mga taga-subaybay.
06:47Opo, Ma'am Criselle Daci, para po sa ilang labor groups, kulang at bariya lamang daw.
06:51Itong 50 pesos na umento sa sahod para po sa minimum wage earner sa Metro Manila.
06:57Ano po ang masasabi nyo dyan?
06:58Ginagalang po natin yun pong mga pananaw ng ating mga kasamahan sa hanay ng mga manggagawa.
07:08At gayon din po ang pananaw ng ating mga kasamahan sa hanay ng mga employers.
07:13Ang pagde-decision ho ng ating Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NCR ay naaayon po doon sa kanilang mandato na kanilang balansihin yung rights ng ating mga manggagawa na maprotektahan ang kanilang...
07:33Hello?
07:35Yes, go ahead, Ma'am.
07:36Ang kanilang sweldo from undue low pay at ang mga management naman ay magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng reasonable profit sa kanila pong pag-i-implement ng kanila pong negosyo.
07:51At kasama rin din po dito yun pong concern ng ating government na every time that we have to issue a wage order, we have to make sure that it is consistent with the trust of the government to improve the economic condition of our country.
08:14Opo, at may mga negosyo bang posibleng hindi mapabilang o exempted na sa inaprabahang umento sa sahod?
08:21Nakalagay po sa ating batas na yung mga retail and service establishments regularly employing po not more than 10 workers ay pwede pong mag-apply for exemption sa ating Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NCR.
08:39Sila po ay merong hanggang, they have 75 days or hanggang September 15 para po mag-apply for exemption.
08:54I see. At Ma'am, ano ang magiging pananagutan ng mga employer o kumpanya kung hindi nila mabigay itong 50 pesos wage increase?
09:01Nakalagay po sa ating batas na sila ay magkakaroon ng penalty na hindi po bababa sa 100,000 at meron din po silang civil and criminal liability under the law.
09:18Alright. Pag ganito pong siyempre may omento sa NCR, humihirit din yung mga taga-probinsya. Meron po ba tayong nakaambang naman na maaaring wage hike din sa kanila?
09:29Yes po. Tinataya po natin na between July and August this year, yung regions na nasa Calabarzon, Region 3 or yung Central Luzon at Region 7 ay susunod na rin po na mag-conduct ng kanilang public consultation at public hearing.
09:52I see. Okay. At tamungkahi po ng ilang mga kongresista na buwagin ang provincial or regional wage system at magtakda po ng iisang minimum wage sa buong bansa.
10:01Posible ho ba ito? At kung sakasakali, kailan naman ho kaya pwede maging effective ito?
10:07Ito po ay nasa sa kamay ng ating mataas at mababang kapuluhan. Ang mandato po ng NWPC at RTWPB ay tinatawag po natin na delegated authority from the Congress.
10:22At ito po ay aming pinapatupad ng naayon po sa kanilang ipinasang batas noong 1989.
10:31So kami po ay active na nagbibigay ng technical assistance at technical input sa kanila sa pagbabalangkas ng batas kung sakasakaling magkakaroon po sila ng ganitong decision.
10:44Marami pong salamat sa inyong update na ibinigay sa amin dito sa Balitang Halimam. Thank you.
10:50Salamat din po.
10:51Yan po naman si National Wages.
10:53And Productivity Commission Executive Director Maria Criselle da C.
11:02Mga mare at pare, nag-sorry si Sparkle star Paul Salas sa kanyang fan na tampok sa isang viral video ng kanyang performance.
11:14Matapos magpa-picture kay Paul, natumba ang babaeng fan.
11:24Hindi kasi sinasadyang kinuha ni Paul ang kanyang upuan para gawing impromptu props sa kanyang performance sa Brooks Point, Palawan.
11:33Umani ng iba't ibang reaksyon ng viral video na yan.
11:36Chika ni Paul sa akin, palagi siyang kumakanta at nakikihalubilo sa audience tuwing may event.
11:42Lesson learned din daw ito para sa kanya.
11:45Nakatsikahan din namin ni Paul ang fan na si Katrina Jane Lopez na moving forward na after the incident.
11:51Sorry, sorry, sorry. Hindi ko napansin talaga.
11:58Kaya mga kapuso at nakotigil na yung pangbabash din sa aming dalawa.
12:03Naramdaman ko po yung sincerity din na hindi po sinasadya yung pangyayari.
12:08Yun po. And then, yun syempre po, may kunting kilig din. Bawi daw siya eh.
12:13Mula sa Level 3 o Voluntary Repatriation, ibinaba ng Department of Foreign Affairs sa Level 2 o Restriction Phase ang sitwasyon sa Israel.
12:24Ayon sa DFA, bumubuti na ang sitwasyon ng siguridad sa Israel kasunod ng ceasefire nito sa Iran na idineklara noong June 24.
12:32Mahigpit pa rin daw na babantayan ng DFA ang tensyon sa Middle East.
12:36Ngayong Alert Level 2 sa Israel, sinabi ng ating imbahada roon na pwede nang bumalik ang mga OFW na may valid overseas employment certificate at re-entry visa.
12:46Bawal pa rin po ang deployment ng mga bagong OFW at pagbisita ng mga turista o pilgrims sa Israel.
12:52Wala pang anunsyo ang DFA kung ibababa na rin sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Iran mula sa kasalukuyang Alert Level 3.
13:01Balik po tayo sa mga balita sa bansa.
13:03Na-uwi sa pamamaril ang pagresponde ng dalawang pulis sa insidente ng holdapan sa Barangay Commonwealth si Quezon City.
13:11Patay po ang isa sa mga otoridad, pati ang bumaril sa kanyang suspect.
13:15Balitang hatid ni Nico Wahe.
13:20Pulis ng lalaking ito na nakita sa CCTV sa Katipunan Street, Barangay Commonwealth, Quezon City.
13:25Maya-maya, may lalaki sa likod na lumapit sa kanya.
13:28Sa puntong iyon, binaril na lalaki ang pulis.
13:32Dumating ang kabadi ng pulis at gumanti sa lalaking bumaril.
13:35Although meron na po siyang mga tama, naka-retaliate pa po or naka-fireback pa po itong ating pulis dito sa ating suspect.
13:45Tinulungan din naman po siya nung kanyang kabadi at matapos po yun ay naitakbo pa po ng ospital.
13:53Ang napatay na pulis, kinilalang si Patrolman Harwin Kurtny Bagay.
13:57Ang balang tumama sa braso niya, tumago sa dibdib.
14:00Di patukoy ang pagkakakilanlan ng sospek.
14:03Ayon sa NCRPO, nasa lugar ang dalawa para rumisponde sa holdapan.
14:07Sabi ng isang saksi, sunod-sunod ang umaling-aungaw na putukan noon.
14:10Ito ko yung pulis, pasagod na.
14:12Yung may customer kami, gumagawa kami ng burger noon eh.
14:15May customer kami.
14:16Yun, yung mga customer na napayuko bigla, narinig kami ng ano.
14:20Una, akala na yung motor.
14:22Pangalaw, sunod-sunod na yung putok ng baril.
14:24Sugutan ng food cart owner na hinhold up ng lalaki, pati isang bystander na nabaril din.
14:29Dito nakaposte yung mga pulis nang may marinig na putukan.
14:32At nang re-responde sana, tumakbo sila sa bahaging ito, kung saan isang lalaki ang nakasalubong nila na nagtuturo kung saan o mano tumakbo ang nagpaputok.
14:42Pero ang nagturo, siya palang hold-upper at ang siya rin nagpaputok.
14:47Kaya pagtalikod ng pulis, ito rin ang bumaril sa kanya.
14:51Hindi po kasi nila identified kung sino pa yung suspect.
14:53So doon po sila napalapit.
14:55Pag nung tumalikod na po itong ating mga pulis, saka po bumunod naman po itong ating suspect at pinaputokan po itong ating isang patrolman.
15:05Inaayos na ron ang PNP ang pagpaparangal kay patrolman bagay.
15:08Ni Kuahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:13Mas maraming Pinoy ang pabor na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC, ayon sa Okta Research Group.
15:20Batay sa kanilang tugunang masa survey, 57% ng mga Pinoy nationwide ang pabor sa muling pagsali ng bansa sa ICC.
15:2837% ang hindi sangayon at 6% ang undecided.
15:33Sa lahat ng reyon sa Luzon, majority o lampas 50% ang nasabing pabor sila na bumalik sa ICC.
15:40Majority yes din sa Western at Eastern Visayas, pati na sa Negros Island Region.
15:45Sa Central Visayas naman, mas maraming hindi pabor na bumalik sa ICC ang bansa.
15:49Sa lahat din ang reyon sa Mindanao, mas marami o majority rin ang nasabing hindi sila pabor.
15:55Ayon sa Okta Research, non-commissioned ang survey na may 1,200 respondents.
16:01May margin of error ito na plus or minus 3%.
16:04Ginawa ang survey noong April 20 hanggang 24, mahigit isang buwan matapos maaresto at makulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte
16:11para sa kasong Crimes Against Humanity na isinampa sa ICC.
16:15March 2019 nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa ICC.
16:21Wala pang komento kaugnay ng survey ang Malacanang.
16:27Sinabunutan at kinaladkad ng babaeng yan ang isa pang babae sa isang bar sa barangay Santo Niño, Iloilo City.
16:33Ang isa, namato pa ng silya.
16:36Umaawat ang ilang customer at mga bouncer ng bar pero hindi natigil ang gulo at umaabot pa sa labas.
16:42May natumba pang motorsiklo at napaupo ang isang babae.
16:45Tuluyan lang natigil ang gulo nang umawat ang mga barangay tanod.
16:48Ayon sa pulis siya, apat na babae mula sa dalawang grupo ang napa-away.
16:52Nagsimula raw ito sa parinigan at masasamang tingin sa isa't isa.
16:57Hanggang sa nauwi ito sa sagutan at sabunutan.
17:00Nagtamo ng mga sugat ang dalawang sangkot sa away.
17:03Nakatakdang magharap sa barangay ang apat na sangkot sa gulo.
17:07Sinisikap pa ng GMA Regional TV na kunin ang kanilang pahayag.
17:14Sa pagsisimula po ng termino para sa 20th Congress,
17:22iginiit ng ilang senador na dapat ituloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
17:29Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
17:30Nagsimula na ang termino ng labindalawang senador na nanalo sa election 2025.
17:40Kaya si Sen. Risa Ontiveros may panawagan kay Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Chief Escudero.
17:47Sana ipanumpa na ni presiding officer yung labindalawa pang bagong mga senador.
17:53Sa labing dalawang newly elected Senators, lima ang re-elected.
17:57Sina Pia Cayetano, Bato de la Rosa, Bongo, Lito Lapid at Aimee Marcos.
18:03Apat naman ang returning o mga dating senador na nagbabalik Senado.
18:06Sina Bam Aquino, Ping Lakson, Kiko Pangilinan at Tito Soto.
18:11Habang tatlo ang mga bagong salta sa Senado.
18:13Sina Rodante Marculeta, Irwin Tulfo at Camille Villar.
18:17Sabi niyo Ontiveros, in session pa rin ang impeachment court at hindi pwedeng basta lang i-dismiss
18:23ang kinakaharap na articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis.
18:29Di tulad ng sinasabi ng iba, the impeachment trial is alive and ongoing.
18:36Due process requires it.
18:37Hindi naman pwedeng meron lang motion to dismiss.
18:43Pagbobotohan na namin, dismiss. In effect, acquit.
18:47Gayon din, hindi naman pwedeng, hindi pa kami nagkokondukta ng trial.
18:51Boboto na kami. Convict.
18:54So, hindi yan patas.
18:56Whether sa prosecution, whether sa impeached official, higit sa lahat, sa ating publiko.
19:03Sabi rin ni Senado Joel Villanueva, tututulan niya kung may magmosyon na i-dismiss agad ng korte ang articles of impeachment.
19:09I don't know if it is still vague to some individuals, yung provision ng Constitution, yung initiation, exclusive sa House, trial, exclusive sa Senate.
19:24For me, parang napaka-clear.
19:26Pero, we need to have a trial.
19:29Gusto rin makita muna ng bagong senador na si Erwin Tulfo ang mga ebidensya, kaya kailangang umabot sa trial.
19:36Pero sabi niya,
19:37Probably the first one to say, kung within, after a few days, wala naman laman, why don't we just dismiss this?
19:43Pero kung may laman naman, then let's fight. It will take six months, Sen. Erwin Tulfo, then let's go for it.
19:51Sabi rin ni Sen. Tito Soto, dapat bigyan ng pagkakataon ng prosekusyon at ang visa na ipresenta ang kanika nilang argumento.
19:58Sabay banggit sa hinaharap ng Senate leadership.
20:01I expect that the impeachment court will be called by July 29, nung kung sino man yung Senate President.
20:07Hindi pa pwedeng i-dribble yun. Hindi pa pwedeng ibabariwalain yun. Hindi pwede because it's what the Constitution says. We have to follow the Constitution.
20:19At kahit pa hindi sumunod ang Kamara sa ikalawang utos ng impeachment court na dapat i-deklara ng 20th Congress na desidido pa silang ituloy ang impeachment,
20:28Mananawagan kami na magkaroon ng schedule para pag-usapan ka agad yun at mag-convene yung impeachment court.
20:36Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:44Weather update tayo. Ngayong tumaas ang chance ang maging bagyo ng binabantayang low pressure area,
20:50kausapin natin si Chris Perez, Assistant Weather Services Chief ng Pag-asa.
20:54Magandang umag at welcome po ulit sa Balitang Hali.
20:57Magandang umaga, Rafi, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
21:00Saan ang direksyon po papatungoy itong binabantayang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility?
21:06Sa ngayong Rafi, medyo mabagal ang pagkilos dito.
21:09Kung baga wala tayong definite nakikita ang pagkilos during the last 6 hours.
21:13Pero nananatili pa rin ito sa karagatan dito nga sa silangang bahagi ng Central Zone.
21:18At inaasa natin na posibli pa itong bahagyang kumilos papalapit ng landmass ng ating bansa
21:23bago nga tuloy ang maging isang ganap na bagyo, possibly beyond the 24-hour period,
21:27and then saka kumilos ng palayo ng ating bansa sa mga susunod na araw.
21:32Bakit po tumaas ang chance nitong LPA na maging isang bagyo?
21:34Rafi kasi ang nakikita natin itong bagyo ay nasa bahagi ng dagat
21:39na kung saan mainit ang tinatawag nating sea surface temperature.
21:42Around 30 degrees Celsius ay very favorable para sa isang low pressure area
21:47na tuloyan ang maging isang ganap na bagyo.
21:50Dagdag pa dyan yung tinatawag nating wind shear
21:52o yung pagbabago ng lakas ng hangin sa iba't ibang level ng ating atmosfera
21:56kung saan nandito yung low pressure, mahina itong hangin ito
22:00kaya patuloy nga yung cloud development nang binabantayan nating low pressure.
22:04So ilan lamang yan sa mga factors na nakikita natin na
22:07kung kaya't mas tumatas ang chance na itong maging bagyo nga
22:10beyond the 24-hour period.
22:12Kaya continuous monitoring tayo dito sa pag-asa.
22:14May mga epekto na po ba itong LPA sa kalupaan ng bansa?
22:19Sa ngayon po, yung trap or extension itong low pressure
22:21inaasaan nga natin na makaka-apekto sa Kabikulan,
22:24sa laluigan ng Isabela, Quirino, Aurora at ng Quezon.
22:28Itong mga nabangit nating lugar, magiging maulap,
22:30may mga pagulan at mga pagkidlat at pagkulog in the next 24 hours.
22:34At kahit inaasahan pong lumayo itong bagyo,
22:38kung maging bagyo ito, hihilayan ba nito yung habagat?
22:40Tama, Rapino.
22:42Actually, sa ngayon pa lamang ay may umirin na tayong habagat
22:44na siyang nagdudulat ng pagulan,
22:46hindi lamang dito sa Metro Manila,
22:48kundi maging sa Buong Visayas,
22:50dito nga sa Calabar Zone, sa Mimaropa,
22:52ganon din sa Sambuanga Peninsula,
22:54Caraga, Northern Mindanao,
22:55at sa natitirang bahagi ng Central Zone.
22:58Kaya pinapayaw natin yung mga kababayan natin
22:59dito sa mga nabangit na lugar
23:01na patuloy din mag-monitor sa mga thunderstorm
23:03at rainfall advisory na ipapalabas
23:06ng ating mga pag-asa Regional Services Division.
23:08Maging alerta rin sa mga posibleng pagbaha
23:10at paguhon ng lupa,
23:12lalong-lalong na kung yung mga lugar nila
23:13ay ilang araw na pong nakakaranas ng mga pag-ulan.
23:16Kaya patuloy pong tumutok sa Balitanghali
23:18at sa GMA News.
23:19Maraming salamat po, Chris Perez, ng Pag-asa.
23:22Maraming salamat po, magandang araw.
23:23Kinilala at pinasalamatan
23:27ang mga miyembro ng Philippine Air Force
23:29dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa bansa.
23:32May ulat on the spot si Ivan Mayrina.
23:35Ivan?
23:35Tony, panauhing pandangal sa ika-78
23:40na founding anniversary ng Philippine Air Force
23:43si Pangulong Bongbong Marcos
23:44dito sa Villamore Air Base sa Fasai City.
23:47Sa kanyang talumpati,
23:48kinilala ng Pangulo
23:49ang mahalagang papel ng Air Force.
23:51Hindi lamang sa pag-ubantay sa siguridad
23:52ng ating himpapawid,
23:54hindi maging sa di matatawarang tulong nito
23:56sa pag-responde sa mga kalamidad
23:58at agarang pag-ahatid ng tulong
23:59sa mga nangangailangat.
24:01Sa usapin naman
24:02ang pag-ubantay ng teritoryo,
24:03kinilala rin ng Pangulo.
24:04Ang mga nagawa ng Air Force
24:06sa pagmamanman sa ating airspace
24:08at gayon din sa ating karagatang sakop
24:10ng ating teritoryo.
24:12At ang patuloyan niyang umaasang
24:13sa bayanan sa Air Force,
24:15patuloy naman ang commitment
24:16ng administrasyon
24:17ng patuloy na suporta
24:18sa Philippine Air Force
24:20sa pag-tiyak na mabibigay
24:21ang kanilang mga pangailangan
24:22sa kagamitan
24:23at gayon din sa pagsasanay
24:24para patuloy nilang bagapanan
24:27ang kanilang tungkulin.
24:28Connie?
24:29Marami salamat, Ivan Mayrina.
24:34Mga mari at pare,
24:38nagkita sa Beyond 75 Kapuso event
24:41nitong linggo
24:42ang mag-ex
24:43na sina Jack Roberto
24:44at Barbie Forteza.
24:47Nasa dinner table noon si Barbie
24:49at kaharap niya
24:50si Jack
24:51na all smiles naman.
24:53Si Jack daw ang lumapit
24:54para batiin si Barbie.
24:56Hanga naman ang netizen
24:57sa magandang pakikitungo
24:59ng dalawang Kapuso star
25:00sa isa't isa.
25:01Seven years ang relasyon
25:03ni Barbie at Jack
25:04January
25:05nang ianunsyong
25:06hiwalay na sila.
25:11Muling nagkasanang
25:12bantay sa gabal operations
25:13ang MMDA at pulisya
25:14sa bahagi ng Padre Faura Street
25:16sa Maynila.
25:17Kabilang sa mga inalis
25:18ang isang bisikletang
25:19nakakadena malapit
25:20sa isang puno at poste.
25:22Wala roon ang may-ari
25:23ng bisikleta
25:24kaya kinumpis ka
25:25ang bisikleta.
25:26Isang rider din
25:27ang nasita at natikitan
25:28dahil hindi nakasuot
25:29ng helmet.
25:29Nagiikot ang mga otoridad
25:31sa Padre Faura Street
25:32para tiyaking walang
25:33nakahambalang
25:34na sasakyan
25:35sa kalsada.
25:38Pinangunahan po
25:39ni Pagulong Bongbong Marcos
25:41ang special
25:42bell ringing ceremony
25:43sa Philippine Stock Exchange
25:45ganinang umaga.
25:50Pudyat po yan
25:51ng unang araw
25:52ng pagpapatupad
25:53ng Republic Act
25:54No. 12214
25:56o Capital Markets
25:58Efficiency Promotion Act.
26:00Sa ilalim po
26:00ng batas
26:01na pinirmahan
26:01ng pagulo
26:02noong May 30,
26:03binawasan
26:04ang mga buwi
26:05sa pag-iinvest
26:06at pinasimple
26:07ang tax system
26:08ng iba't-ibang
26:09financial products
26:10gaya ng
26:11Stock Transaction Tax
26:12na dating 0.6%
26:14ngayon'y 0.1%
26:16na lang.
26:17Ayon sa PSC,
26:19malaking tulong
26:20ang batas
26:20para mas maging
26:21competitive
26:22ang stock market
26:23ng Pilipinas
26:23kumpara sa mga
26:25karating bansa
26:25sa Southeast Asia.
26:29Ito ang
26:30GMA Regional
26:32TV News.
26:34Nalunod
26:35ang isang lalaking
26:35senior citizen
26:36sa isang ilog
26:37sa Toledo,
26:38Cebu.
26:39Kwento ng anak
26:40niya sa pulisya
26:41na tangay ng tubig
26:42ang tsinelas
26:43ng kanyang ama
26:44habang tumatawid
26:45sila ng ilog.
26:46Sinusubukang kunin
26:47ng ama niya
26:47ang tsinelas
26:48hanggang napunta siya
26:49sa malalim na bahagi
26:50ng ilog.
26:51Hindi raw nagawa
26:52ng anak
26:53na sagipin
26:53ng ama
26:54dahil pareho
26:55silang nakainom
26:56at hindi rin daw
26:57siya marunong lumangoy
26:58kaya humingi
26:59siya ng saklolo.
27:00Naiahon ang biktima
27:01ng mga bombero
27:02at coast guard
27:03pero idiniklarang
27:04dead on arrival
27:05sa ospital.
27:09Nahulog sa bangi
27:10na isang mixer truck
27:11sa Dipakulaw, Aurora.
27:13Dead on the spot
27:14ang 38-anyos
27:15na driver ng truck
27:16habang sugata naman
27:17ang kanyang pahinante.
27:19Base sa investigasyon
27:20na wala ng preno
27:21ang truck
27:21kaya nawalan din
27:22ng kontrol
27:23ang driver
27:23sa sasakyan.
27:28Ibat-ibang mga lokal
27:29na produkto
27:30at servisyo
27:30ang ibinida
27:31sa 2025 wedding fair
27:32ng Department of Trade
27:34and Industry.
27:35Kabilang po dyan
27:35ang mga barong
27:36na may hand-drawn details
27:38na hinabi pa
27:39mula sa Kalibo
27:40at Clan.
27:41Handcrafted fashion
27:42accessories
27:43mula naman po
27:44sa Los Baños, Laguna.
27:46At
27:47iba't-ibang
27:48klase ng mga bridal
27:49at grooms shoes
27:50mula Marikina
27:51at Liliw, Laguna.
27:53May events group din
27:54na ibinida
27:55ang mga destinasyon
27:56sa Laguna
27:57na SWAC
27:58maging wedding venue.
27:59Suportado
28:00o suporta rao
28:01ng DTI
28:02sa maliliit na negosyo
28:04ang wedding fair.
28:05Sa bawat pamilya
28:12meron talagang
28:13paboritong anak
28:14o apo eh, di ba?
28:16Sa isang pamilya
28:17sa Marikina,
28:18aso
28:18ang paborito
28:19ni Lola.
28:21Mala
28:21Doña Rao
28:21ang trato
28:22sa kanilang aspi
28:23na pinangalan
28:23ng Doña Buding.
28:25Ayan o,
28:31kwento po ni
28:32Yus Cooper
28:33Kaye Aquino
28:34ganyan talaga
28:35mag-bonding
28:36ang kanyang aso
28:37at nanay niyang
28:37si Emi.
28:38Minsan daw,
28:40paiba-iba pa
28:41ang tono
28:41at lyrics
28:42ng kanta.
28:43Biro ng ilang netizens,
28:44si Doña Buding
28:45ang tagapagmana
28:47ni Nanay Emi.
28:49Ang iba naman
28:49na touch
28:50sa lambingan
28:50ni Doña Buding
28:51at Nanay Emi.
28:52Ang video na yan
28:53ay may halos
28:54300,000 views
28:55na online.
28:57Trending!
28:58Ang cute, no?
Recommended
38:40
44:27
15:01
46:16
45:23
43:15
46:29
45:15
42:23
24:23
39:44
45:08
46:10