Unang Balita sa Unang Hirit: JUNE 25, 2024 [HD]

  • yesterday
Narito ang mga nangungunang balita ngayong Martes, June 25, 2024

- Manager umano ng ni-raid na POGO sa Porac, Pampanga, nagtangkang umalis ng Pilipinas mula sa Davao International Airport | PAOCC: Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kaniyang mga kapatid, at si Dennis Cunanan, ipinalalagay sa Immigration Lookout Bulletin | May-ari ng POGO sa Porac, Pampanga, pinag-aaralang magsampa ng kontra-demanda vs. PAOCC | Sen. Gatchalian, irerekomendang suspendihin si Porac Mayor Jaime Capil dahil umano sa kapabayaan | Kampo ni Porac Mayor Capil, sasagutin sa Senate hearing ang isyu kaugnay sa ni-raid na POGO | Mga POGO hub sa Bamban at Porac, konektado, base sa imbestigasyon ng PNP-CIDG
- M/V Transworld Navigator na may sakay na mga tripulanteng Pinoy, inatake ng grupong Houthi sa Red Sea | DMW: Ligtas ang 27 tripulanteng Pinoy ng M/V Transworld Navigator | Grupong Houthi, kinumpirmang inatake nila ang M/V Transworld Navigator at isa pang barko sa Indian Ocean
- Miguel Tanfelix, kumasa sa "Room" dance fever | Betong Sumaya at Dasuri Choi, may "Room" dance entry rin
- Presyo ng itlog, abot sa P20 kada tray ang itinaas; bentahan, matumal
- P40-P46/kg na bigas, inaasahan ng PRiSM sa Hulyo; P30/kg target price, posible pa rin, ayon kay House Speaker Romualdez | Pagtitiyak ng Kamara at NFA, napupunta sa mga magsasaka ang bahagi ng nakokolektang taripa mula sa imported na bigas | Ilang grupo, tutol sa pagbaba ng taripa sa imported na bigas dahil malulugi raw ang mga lokal na magsasaka
- Malakas na ulan, nagdulot ng baha sa ilang barangay | Mahigit na 70 pamilya, inilikas at pansamantalang nasa barangay gym | PAGASA Visayas: Katumbas ng 270,000 drums ng tubig ang bumuhos na ulan nitong linggo
- Reklamong threat laban sa SUV Driver na nakagitgitan ng truck driver sa Taguig, ibinasura
- Mahigit P500 bilyon budget, hiling ng Dept. of Agriculture para makompleto ang farm-to-market roads at iba bang infrastructure
- Dating Sen. Leila De Lima, pinawalang-sala sa huli niyang drug case | Kasong disobedience to summons vs. De Lima, ibinasura ng QC RTC Branch 76
- "Monster Ship" ng CCG, namataan malapit sa Ayungin Shoal at dumaan sa Sabina Shoal | Chinese Foreign Ministry sa ginawa ng CCG sa Ayungin Shoal noong June 17: "Professional and Restrained" | DND: Hindi maituturing na armed attack ang insidente sa Ayungin Shoal noong June 17, pero hindi rin ito aksidente | Rekomendasyon na ianunsyo ang RoRe mission ng Pilipinas, hindi sinang-ayunan ni PBBM
- Ilang mabababang lugar sa Navotas, binabaha matapos masira ang floodgate | Pag-aayos ng Navotas LGU sa nasirang floodgate, patuloy
- Klea Pineda, may entry sa "Maharani" transformation trend | Klea Pineda at girlfriend na si Katrice Kierulf sa Pride March 2024: "It was such a bittersweet experience" | "Black Rider" star Pipay, umawra with her all-denim look sa Pride March | Vice Ganda, umakyat sa bakod para sumilip sa Pride March sa Quezon City

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit.