Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/7/2025
DOLE, tiniyak ang patuloy na paglikha ng trabaho at proteksyon ng mga manggagawa.

Bahagyang tumaas ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Abril, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Tiniyak naman ng Department of Labor and Employment na nagpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Transcript
00:00Mga tatlong buwan na ito na year on year may pagbaba tayo ng mga between 500 to 600,000.
00:07So ngayong Abril, ang agriculture and forestry may bawas siya na 324,000.
00:13Ang substantial na bawas ay galing doon sa growing of paddy rice.
00:19Nanguna ang agriculture and forestry sector sa nagkanoon ng malaking pagbaba sa bilang ng may trabaho o negosyo nitong unang quarter ng taon.
00:27Base sa paunang resulta sa latest 2025 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA, nabawasan ito ng higit 300,000 nitong Abril.
00:39Ayon kay Undersecretary Claire Dennis Mapa, karamihan sa kanila ay mula sa subsektor ng rice farming.
00:45Paliwanag ng PSA, ang pagbaba ng bilang ng mga manggagawa sa nasabing sektor ay dulot ng mga makabagong teknolohiya na gamit sa pagsasaka.
00:55Dalawa ang nakikita namin, anong sinasabi sa amin na factors dito.
00:59Una ay yung pag-introduce ng mga machineries, particularly sa pag-harvest.
01:06So mas konti na yung manpower na nire-require.
01:10At ang sinasabi, lumilipat sila sa construction, kaya may mga pagtaas tayo ng construction.
01:15At pangalawa ay dahil nga bumaba rin yung presyo ng ating palay.
01:19Umabot sa 2.06 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Abril 2025.
01:27Mas mataas ang datos na ito, kumpara sa 1.93 million noong Marso.
01:33Nangangahulugan ito ng 4.1% na pagtaas sa unemployment rate sa bansa.
01:37Ngunit ayon kay USEC MAPA, bagamat may pagbaba sa ilang partikular na sektor,
01:43tumataas naman aniya ang employment rate sa ibang sektor.
01:47Ang kagandaan naman dito, based on our data collection, ay naglipat sila of course sa ibang sektor.
01:54At yun nga, ang isa sa mga sektor na pinunta nila ay construction,
02:00kung saan may pagtaas tayo ng mga 214,000.
02:04So ano naman ito? May pagbaba sa isang sektor, may dagdag naman doon sa ibang sektor.
02:12Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Labor and Employment o DOLE
02:16ang patuloy na pagsusulong ng mga kongkretong hakbang upang mapaunlad ang sektor ng paggawa sa bansa.
02:24Kabilang dito ang pagpapatupad ng trabaho para sa Bayan Plan 2025-2034.
02:31Ito ay isang pambansang plano na naglalayong makalikha ng mas maraming trabaho,
02:36mapabuti ang kalidad ng hanap buhay at matugunan ang iba pang isyo sa sektor ng paggawa.
02:43Pinalalawak din ng ahensya ang akses sa trabaho at kabuhayan upang tugunan ang geographical disparities
02:49at matiyak na walang Pilipino ang napag-iiwanan.
02:53Jed Neresina, UNTV News and Rescue, Dios ang amig sandigan, servisyo publiko ang aming pinahahalagahan.
03:06Pinalalawak din ng ahensya ang akses sa trabaho at kabuhayan paggawa.

Recommended